bc

Trapped into the Governor's Shadow

book_age16+
71
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
HE
fated
opposites attract
heir/heiress
drama
serious
office/work place
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Isabela’s world shatters when she sees her father being arrested on live television for the murder of Congressman—a crime she knows he didn’t commit. Desperate, she rushes to the police station, only to find herself trapped in a frenzy of flashing cameras and reporters hungry for a scandal. Before she can reach her father, Governor Richard Montevista, the congressman’s only son and the most powerful man in their province, arrives.

With his cold, calculating eyes locked on her, Richard does the unthinkable—he exposes her identity to the media, branding her as the "criminal’s daughter." In an instant, Isabella's life crumbles. She becomes a public pariah, losing her job, her friends, and any hope of a normal life. Worse, her father’s case is rigged, leaving her powerless to prove his innocence. Isabella has no choice but to accept the governor’s cruel bargain—to live in his shadow as his bed warmer, a prisoner—a woman bound to a man she despises. Richard treats her with indifference, his sharp words cutting deeper than any blade. To the world, he is a respected and just leader, but to her, he is heartless and merciless, reminding her every day that she is paying for her father’s crime. Can Isabella get the justice for his father's wrong verdict and get out from the shadow of the governor or will she be trapped into him forever?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Isabella's POV “Sabel, ang tatay mo, nasa tv!” ito ang bungad sa akin ng aming kapit-bahay ng makarating ako sa aming bahay galing sa palengke kung saan nagtratrabaho akong tindera. Sa edad kung bente, sa palengke na ako lumaki dahilan sa hindi naman na ako nakapag aral ng kolehiyo dahil sa hirap ng buhay namin ng tatay ko. Patakbo akong pumasok sa maliit na bahay namin at binuksan ang telebisyon. Saktong ang mukha ni tatay ang pokus ng camera. Halos manghina ako ng makita ko siyang nakaposas at hawak ng dalawang pulis. Diyos ko po! Bakit nakaposas si tatay?! Nahuli lamang ngayon ang suspect sa pagpatay kay Congressman Danilo Montevista, ito ang kasalukuyang caretaker ng resthouse ng mga Montevista sa Brgy. Sampaguita. Ayon sa mga pulisya, si Facundo Reyes ay matagal ng naninilbihan sa pamilya ng Congressman ngunit sa hindi malamang dahilan ay naging prime suspect ito dahil sa nakuhang ebidensiya na patalim na siyang ginamit sa pagsaksak ng tatlumpung beses kay Montevista na siyang sanhi ng kanyang ikinamatay nito lamang umaga… “Wala akong kasalanan. Hindi ko kailanman magagawa na patayin si Congressman Montevista” ito ang narinig kong sabi ni tatay. Nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot na hindi ko alam kung para saan iyon. Natulala ako sa narinig ko, nanlalambot akong napaupo sa sahig habang umiiyak. Hindi magagawa ng tatay ko iyon, Mabuti siyang tao dahil kahit ilang beses na siyang lokohin, hindi ko manlang narinig sa kanya niya ang salitang pagganti sa mga taong nanakit sa kanya. Bagkus ay nananatili itong tahimik at itinuon ang atensiyon sa akin bilang anak niya. Hindi ko mapigilan ang mapaluha, paano na ako? Paano na ang mga pangarap namin na balang araw dadalhin ko siya sa ibang bansa at sabay naming bisitahin ang Niagara Falls. Kaya kahit hirap na hirap na ito, halos hindi na matulog sa katratrabaho para lang makapag ipon ng pampaaral niya sa akin upang sa ganoon ay mas madali na naming makamit ang pangarap naming pareho kapag nagkaroon na ako ng magandang trabaho. Ngunit napakalupit naman ng kapalaran, bakit naging ganito ang nangyari sa kanya? Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy kanina na pumatay sa Congressman. Balita kanina sa palengke na pinatay si Congressman Montevista sa loob ng kanyang resthouse na nasa malapit sa amin. Si tatay ang caretaker dito dahil matagal siyang nagsilbing driver ng mga Montevista noong binata siya kaya pinahanap siya ng matandang Montevista nang maging public servant na ang mga ito. Lagi laging ito ang kasama ng matandang Montevista kapag nagagawi ito doon na mag-isa. Siya lamang ang pinagkakatiwalaan nito kahit malayo ang agwat ng buhay nila. Kaya hindi ako naniniwalang kayang gawin ni tatay ito kay sir Danilo, dahil halos magkapatid na ang turingan nila sa isa’t isa. Dali dali akong pumanaog para bumalik sa bayan at puntahan si tatay sa presinto. Halos hindi ko makita ang dinaraaanan ko dahil hilam ng luha ang aking mga mata. Hindi ko alam kung paano ko lalapitan si tatay ng makita ko siya, ang daming mga media, pulis at mga iba pang importanteng tao sa lipunan. Nakisabay ako sa mga taong nakikiusyuso sa nangyayari. Napatitig ako sa aking ama, blangko lang ang mukha nito ngunit mababanaag dito ang lungkot sa kanyang mga mata. Lahat ng tao na narito ngayon ay inuusig siya ng kanilang mga mata, anong laban ng ama ko sa mga ito? Anong laban namin sa mga Montevista? Napatingin ako sa sasakyan na tumigil sa harap ng presinto, bumaba doon si Gov. Richard Montevista, ang panganay na anak ng pinatay na Congressman. Pakiramdam ko’y bumagal ang oras. Parang may dumating na hari—hindi, isang halimaw na nagtatago sa balat ng isang taong may kapangyarihan. Matangkad, pormal ang suot, at may isang uri ng presensya na nagpapayuko sa lahat. Nakasalamin siya, seryoso ang mukha, at kahit hindi siya nagsasalita, damang-dama ang impluwensiya niya sa bawat sulok ng lugar. Parang isang hukom na dumating upang bigkasin ang hatol. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa mga reporter, Base sa kanyang mukha, ay galit ang nakikita kong nasa mga mata nito. Nang mapansin ng mga reporters, ay agad nila itong sinalubong ng walang pakandungang katanungan kahit hindi naman ito tumigil sa paglalakad. “Gov, anong masasabi niyo sa pagkahuli ng suspect sa pagpatay kay Congressman Montevista?” rinig kong tanong ng isang reporter ng malapit na sa kinatatayuan ko. Tumigil ito at tinanggal ang salamin nito. Saktong napatingin siya sa akin. Kumunot noo ito pero diretso ang tingin sa akin. Ang mga mata niya—matalim, malamig, parang tinutusok ako ng libu-libong kutsilyo. Wala akong nagawa kundi manlaki ang mata, pigilan ang nanginginig kong katawan. Inilihis ko ang tingind dito dahil alam ko, alam niya na anak ako ni tatay. “He deserves to rot in jail” baritonong boses ang narinig ko dito kaya napatingin ulit ako sa kanya. Hindi puwede! Hindi mamamatay tao ang tatay ko! Kumabog ang dibdib ko ng magtama ang aming mata muli, nakatingin parin pala siya sa akin. Nanlambot ako sa narinig ko mula dito, naikuyom ko ang aking kamay at nakipagtitigan ako dito. “Ayon kay Mr. Reyes, hindi siya ang pumatay sa ama mo—anong masasa— “Bakit hindi niyo tanungin ang kanyang anak, kung magagawa ng kanyang ama na patayin ang ama ko?” matigas nitong saad habang nakipagtitigan din sa akin. Napatingin ang mga tao sa akin ng makita nila kung saan nakatingin ang Gobernador. Para akong naestatwa sa aking kinalalagyan ng lahat napunta ang atensiyon sa akin. Nanginginig ang aking katawan dahil sa galit, takot, at pagkaawa sa aking ama na nakita kong nakatingin na sa akin. Hindi ko na alintana ang mga taong nakapaligid sa akin, hinayaan ko nalang na umiyak ako para sa tatay ko, para sa galit ko sa lipunan—sa maling paghuhusga sa aking ama. Hindi ko namalayan na isa isang lumapit ang mga tao sa akin, naramdaman kong may mga kamay na sumabunot sa buhok ko, at may iba na nagtulak sa akin—at may naramdaman pa akong ibinato sa akin na siyang tumama sa aking noo. Nasapo ko ito at nang tignan ko ang aking kamay, may dugo ito. Nagkagulo ang lahat. "Ikaw ba ang anak ng suspek?" "Ano ang masasabi mo sa ginawa ng tatay mo?" "Kasabwat ka ba?" Lahat ng camera, lahat ng mata—nakatutok sa akin. Gusto kong tumakbo, gusto kong sumigaw ng “HINDI!” Pero nanlamig ang dila ko. Hindi ko alam kung paano haharapin ang ganitong klaseng bangungot. At siya? si Richard Montevista? Hindi man lang siya kumurap. Hindi niya binawi ang sinabi niya. Alam kong sinadya niya.Sinadya niyang itulak ako sa bangin ng publiko, upang gawin akong isang babaeng anak ng mamamatay-tao. At doon, habang pinapalibutan ako ng media, habang nanginginig ako sa gitna ng ilaw ng camera at sigawan ng mga tao—isang bagay ang naitanim sa puso ko.Si Governor Richard Montevista ang taong pinaka-kinamumuhian ko sa buong mundo. Napatingin ako ulit sa Gobernador, matiim paring nakatitig sa akin. Napakalupit mo Governor Richard Montevista! Napakalupit mo!—ito ang sumisigaw sa aking isipan habang nakikipagtitigan ako sa kanya. Ang sikip sa dibdib na ganito ang nangyayari sa amin ni tatay, wala siyang magawa habang pinapanood niya akong sinasaktan na ng mga tao, na hinuhusgahan ng lahat, nang tumingin ako sa kanya, hilam na ang luha nito , kagat ang kanyang labi na umiling iling. Alam ko ang gusto niyang sabihin, na hindi niya kayang gawin ang bintang nila sa kanya. Nang ihakbang ko ang aking paa, bigla nalang akong parang naupos na kandila at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
47.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.1K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.4K
bc

The Forgotten Wife

read
43.7K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.4K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.1K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook