Isabella's POV
Madilim. Walang tunog maliban sa mahinang pitik ng orasan sa kung saan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay, pero ang pakiramdam ko, para akong nalunod sa kawalan. Nang unti-unting bumalik ang diwa ko, ramdam ko agad ang bigat sa katawan ko—parang binagsakan ng mundo. Ang presinto. Ang mga sigawan. Ang mukha ng tatay ko—gulo ang buhok, pasa-pasa ang mukha, pilit na sumisigaw ng katotohanan sa gitna ng mga putok ng camera. Napasinghap ako at napadilat. Mataas ang kisame. Malambot ang hinihigaan ko, masyadong mamahalin para sa isang ordinaryong kwarto. Amoy ko ang pabango ng kahoy at mamahaling tela. At saka ko naramdaman ang presensya niya. Kunot na kunot ang mukha nitong tumitig sa akin. Napaupo ako sa kama habang nakatungo ng humakbang ito papalapit. Napakagat ako ng aking labi na nanginginig dahil sa niyerbyos, minsan ko lamang nalapitan ito noong pumunta silang pamilya sa rest house nila na kung saan ang tatay ang care taker. Ni hindi ko nga narinig itong nagsalita noon kahit kaharap namin ni tatay dahil may pinagagawa ito sa kanya noon at nasa tabi lang ako ni tatay. Akala ko, mabait ito, ngunit lumabas din ang tunay nitong ugali, mapanganib ito.
“You are finally awake” rinig ko ang baritono nitong boses. Nang mag angat ako ng tingin, nakahalukipkip ang kamay nito at matiim na nakatitig sa akin. Pagkatapos ay narinig ko ang mga yabag nitong papalayo ulit sa akin. Nang mag angat ako ng tingin dito. nakatayo sa tabi ng bintana, nakatukod ang isang kamay sa gilid ng bulwagan, ang isa’y nakasuksok sa bulsa. Kahit hindi ako lumingon nang diretso, ramdam ko ang matalim na titig niyang nakapako sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o sa panghihina, pero hindi ko magawang gumalaw.
“Gov,…wala pong kasalanan ang tatay ko, hindi niya magagawa ang pumatay---
“Gaano ka kasiguradong hindi kayang pumatay ng tao ang ama mo?—matibay ang ebidensiya, at hindi ako titigil hangga’t hindi nabubulok ang ama mo sa bilangguan!” galit nitong sabi. Napayakap ako sa aking sarili. Nagsimula ng maglandas ang aking mga luha. Hindi ko matanggap na sabihin niyang mamamatay tao ang ama ko, hindi niya iyon magagawa. Umiling iling ako.
“Kahit patayin niyo na ako ngayon para maiganti niyo ang sinasabi niyong pagpatay ng tatay ko kay Congressman Montevista, maninindigan ako na hindi kayang gawin ng tatay ko ang ibinibintang niyo!” matigas kong saad. Humakbang itong papalapit sa akin, kinabahan ako sa kaya nitong gawin, kaya niya akong patayin na hindi malalaman ng lahat, ma
“You’re too beautiful to die Isabella” nang uuyam nitong saad habang hinahaplos niya ang aking pisngi. Kinilabutan ako sa ginawa nito, iniiwas ko ang aking mukha dito ngunit hinawakan niya ng mariin ang baba ko at pilit na pinagtagpo ang aming mga mata.
“Kaya kitang patayin ngayon kung gusto ko, no one will know. Masakit ang ginawa ng ama mo sa pamilya ko, gustong gusto ko nang pilipitin ang leeg ng tatay mo ngunit ayaw kung isahan lang ang sakit na mararamdaman niya, gusto kung patayin siya ng unti unti habang nakikita niya ang kanyang pinakamamahal na anak na nagdurusa!” naramdaman ko talaga ang sakit sa boses nito. Nang tignan ko ang kanyang isang kamay, nakakuyom ito.
“Gov…parang awa niyo na, huwag ninyong patayin si tatay, siya nalang ang pamilya mayroon ako!” humihikbi kong sabi. Tumayo ako at magsimula ng lumakad papalabas ng pintuan. Ngunit napalingon ako dito ng hindi ko ito mabuksan. Nang tignan ko ito ay mariin paring nakatitig sa akin.
"Gov, pakawalan mo ako dito...pupuntahan ko ang tatay ko" mahinahon kong sabi kahit sobrang galit na galit na ako sa loob ko. Binalingan niya ako, unti-unting lumapit, bawat hakbang ay parang dagundong sa tahimik na silid.
"You are now my prisoner young lady." matigas nitong sagot. Marahas akong napatitig sa kanya. Hindi pwede! Kailangan ako ng aking ama ngayon, kailangan kong makahanap ng paraan para mapawalang sala siya!
"Hindi! Hindi mo ako pwedeng ikulong dito Governor Montevista! Ano ang gagawin mo sa akin?" lumakas na ang boses ko. Tumawa lang ito ng pagak at hinaklit ang braso ko.
"Huwag kang mag-alala, wala akong interes sa’yo. Dinala lang kita rito dahil hinimatay ka sa presinto. Mabuti pa nga’t naisipan kitang tulungan. Dapat pala, hinayaan na lang kitang pulutin sa sahig, para maranasan mong kahit isang beses sa buhay mo kung paano maging mababa.” Marahas niyang binitiwan ang braso ko at lumayo ng konti sa akin, nananaliksik parin ang kanyang mata na nakatingin sa akin. Napalunok ako, naninikip ang dibdib sa bawat salitang binitiwan niya.
“Hindi ko kailangan ng awa mo.”
Mabilis siyang lumapit. Napaurong ako, pero wala akong matakasan.
"Pity? f**k, do you really think I pity you?” His voice dropped, laced with pure mockery. “Don’t think too highly of yourself, woman? You mean nothing to me.”
Nanginginig ang buong katawan ko. “Kung wala akong halaga, bakit mo pa ako dinala rito?”
Napairap siya at bumalasik na naman ang mukha nito.
“Because I had no choice. If I left you there, my name would be dragged even further through the mud. Do you have any idea how many people are criticizing me because of you? You, the daughter of a criminal, and now another burden on my shoulders.”
Napalunok ako. Hindi ko maintindihan kung bakit parang lalo niya akong gustong tapakan.
“Sinasabi mong pabigat ako, pero ikaw ang nagdala sa’kin rito. Hindi kita pinilit!”
Malamig siyang tumawa, pero sa halip na magpatawa, ang tunog noon ay parang pahiwatig ng mas masakit pang insulto.
“You? Insist? Do you really think you have a say in this? You’re useless now, woman. You have no power. Do you know the only thing you have? A last name stained with your father's crime."
Napapikit ako sa sakit ng mga salita niya. Para akong tinapaktapakan dahil sa pagiging mahirap namin ng tatay ko.
Para akong sinampal sampal ng ilang beses kahit wala naman akong kasalanan, walang kasalanan ang tatay ko.
“Ang sama mo!” bulong ko, hindi makapaniwala.
Lumapit pa siya, itinukod ang mga kamay sa gilid ng kama, ikinulong ako sa pagitan ng katawan niya at ng malambot na kutson.
Gusto kong sumagot. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero nanunuyo ang lalamunan ko, parang nauubusan ako ng hangin.
“Kung gusto mong mabuhay ang tatay mo…” aniya, puno ng poot ang tinig. “You will do exactly as I say. You belong to me now, Isabella Reyes!”
Napatingin ako sa kanya, nanginginig ang labi.
“H-Hindi mo ako pag-aari…”
“Sa tingin mo ba may pagpipilian ka?” Malamig ang tono niya. “Ikaw ang magbabayad sa kasalanan ng tatay mo. Sa lahat ng nawala sa pamilya namin. And I will make sure that you never forget your place in life."
“Ano ang ibig niyong sabihin?”
"Be my bedwarmer.” Walang pakandungang saad nito. Napasinghap ako sa aking narinig. Hindi man ako nakapag aral ng kolehiyo ngunit naiintindihan ko ang punto ni Gov. Montevista. Naikuyom ko ang aking kamay. Ganito nalang ba kababa ang tingin nito sa aming mga mahihirap? Na kaya niyang kunin ang gusto nito sa kahit na hind isa tamang paraan?!
“Ang sama mo…” hindi ko na napigilan ang aking sarili na sabihin iyon sa kanya. Tumawa ito ng pagak at hinaklit ang braso ko.
“Kulang pa iyan sa kabayaran sa ginawa ng tatay mo sa pamilya ko. Kasamaan ang ginawa niya, kasamaan din ang igaganti ko sa kanya! Gusto kong maglupasay siya kapag malaman niya ang gagawin ko sa pinakamamahal niyang anak!” puno ng puot ang mata nito. Hindi ko mapigilan ang humikbi ng sobrang hinigpitan nito ang paghawak sa braso ko, na halos maputol na nag buto ko. Nang makita niyang npapaiyak na ako sa sakit, bigla niyang linuwagan ang pagkakahawak sa akin at tuluyan ng tinanggal ang kamay at lumakad palayo sa akin. Akala ko lalabas na ito ngunit ng may makita itong isang bagay sa may gilid ng kama, kinuha ito at pinagbabasag.
“s**t! s**t! s**t!” nahintatakutan akong nagsumiksik sa isang sulok ng silid ng tuloy tuloy itong nagwawala at pinagbabasag ang kahit na anong mahawakan nito. Napaupo ako sa sahig ng tumama ang parte ng nabasag na salamin sa aking pisngi. Dumaloy ang dugo dito kaya nasapo ko ang aking mukha habang umiiyak parin ako. Halo halo na ang aking nararamdaman, galit, takot, at pangamba sa mga susunod na gagawin ni Gov. Montevista sa akin.
“Are you that stupid?!” galit nitong sigaw nang tangkain kong punasan ang pisngi ko gamit ang palad ko. Dali dali itong lumapit sa akin, at marahas na hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lamang ang nakita ko sa kanyang mga mata, pero dumaan ang malamlam nitong tingin ngunit agad ding naging matalim ito. Kinuha nito ang kanyang cellphone at may kinausap ito. Ilang sandali pa ay pumasok ang isang matandang babae, at isang lalaking hindi nalalayo sa edad ni Gov. Montevista.
“Dios ko po, anong nangyari?!” natutup ng matandang babae ang kanyang bibig nang makita niya ako na duguan. Lumapit ito sa akin at tinignan ang mukha ko na dumadaloy ang dugo. Tumalima naman ang lalaking kasama nito na lumabas at nang bumalik ay may dala na itong first aid kit. Umalis si Gov sa tabi ko at walang lingong likod na itong lumabas ng silid.
“Ano bang nangyari anak? Bakit may sugat ka sa pisngi?” tarantang tanong ng matanda. Hindi ako kumibo, patuloy parin akong umiiyak.
“Siya ba ang may gawa nito?” tanong ulit nito. Hindi parin ako sumagot. Tahimik lang akong umiiyak habang binibigyan ng lunas ang pisngi ko. Tumayo ang matanda at lumabas ng silid.
“You shouldn’t provoke that man, he can kill anyone as easy as a pie” Saad ng lalaki.
“Pwede po bang tulungan niyo akong makaalis na dito? Gusto kung puntahan na ang tatay ko” sabi ko. Tumitig ang lalaki sa akin, kapagkunwa’y bumuntunghininga.
“Richard’s word is the law. Walang sinoman ang makakabali nito. If I were you, sumunod nalang ako sa kagustuhan niya” patuloy nito bago niya ako iniwan. Napahagulgol ako sa huling sinabi nito. Paano na ang kalayaan ko? Paano na ang tatay ko? Paano ako makakasiguro na hindi nila papatayin ang tatay ko? Nanghihina akong napatayo sa aking kinasalampakan kanina, tinungo ko ang bintana, nang iikot ko ang paningin sa paligid, parang nasa isang kawalan ako. Parang ito lang yata ang kabahayan. Ang lalaki ng mga puno na nakapaligid sa kabuuan ng bahay. Nagmistulang kagubatan ang lugar dahil hindi mo tanaw ang walang kakahuyan. Nanghihina akong napadausdus ulit sa sahig dahil sa kawalan ng pag asa pa para sa amin ng tatay ko!
I hate you Richard Montevista! I hate you!