RICHARD'S POV
Naalala ko pa kung gaano kainit noon sa rest house nang bumalik ulit ako dito sa Pilipinas galing States, fresh from a long-haul flight, bitbit ang pagod at lungkot dahil ang hindi ko pagtagumpayan kay Lianne. Tahimik akong dumating, ayaw ko sanang may makaalam pero gaya ng dati, pinapunta agad ako ni Papa sa ancestral property namin sa probinsya. Akala ko'y may meeting, o business inspection lang. Hindi ko inaasahan na sa araw ding ‘yon makikita ko siya.
Si Isabella.
Sampung taon ang pagitan namin, pero nang una ko siyang makita, hindi siya mukhang musmos. Nakatayo siya sa hardin ng rest house, may hawak na hose, basa ang mga palad habang pinapaliguan ang mga halaman. Nakatali ang buhok niya, simple ang suot—puting blouse at paldang abot tuhod. She looked... ethereal. At hindi ko alam kung dahil sa sikat ng araw o sa biglaang bugso ng pag-iisip, pero tumigil ako sa paglalakad. Nanatili lang akong nakatayo roon. Tahimik na pinagmasdan siya. Parang may humaplos sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. I was twenty-eight, for God’s sake. Hindi ako basta-bastang naaapektuhan sa simpleng ganda ng isang babae, lalo na kung masyado pa itong bata para sa akin. Pero may kakaiba kay Isabella noon. Hindi siya mahiyain, pero hindi rin siya palakibo. May lalim ang mga mata niya—mata ng isang dalagang mas maraming alam kaysa sa inaakala mong kaya niyang danasin.
“She's Isabella,” bulong ni Papa mula sa likod ko, sabay tapik sa balikat ko. “Bihira lang pumunta yan dito--kapag nandiyan lang ang mama mo. Gustong gusto niyang katabi matulog" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si papa sa likod ko. Nakapamulsa ito habang pareho naming pinagmamasdan si Isabella na hindi pa kami napansin. Tumango lang ako. Hindi ko siya sinagot.
"I don't know--masiyadong matigas ang batang iyan pagdating sa prinsipiyo niya--well ano pa bang aasahan eh anak iyan ni Facundo" umiling iling ito. Napakunot noo akong bumaling sa aking ama. He chuckled.
"Your mom and I offered her to send her in school, but she rejected it many times. Tsk" umiling iling na naman ito. So, she's not in school? Napatitig ako dito ng mariin, how could this girl stick to her principles, eh naghihirap na nga?
“She's beautiful right?” dagdag niya. “She’s not hard to like, son. And more than that, she has a good heart. Cheerful. Intelligent. Loveable. Facundo raised her well."
Hindi ko pa rin siya tinitingnan ng diretso noon. Ayokong ipakitang natigilan ako. Ayokong bigyan ng motibo si Papa pero alam kong naramdaman niya ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon ko.
“She's too young for me,” mahina kong saad.
“Hmm?” kunwaring tanong niya.
“Wala. Sabi ko, huwag nating guluhin. Bata pa ‘yan.”
“But tell me son, may chance na magustuhan mo siya.” tumatawang saad nito, kumikislap ang kanyang mga mata. Hindi parin ako kumibo pero tinamaan ako sa sinabi niya. On our third day sa rest house, tinawagan ko si Tatay Facundo na may ipapagawa ako sa kanya at sinabi kong isama si Isabella dahil bilin ni mama pero honestly, nagsinungaling ako--I just want to see her before I go back to Manila. Nasa tabi lang siya ng tatay niya ng pumunta sila, hindi nagsasalita pero nakangiti habang kinakausap minsan ng tatay niya. I never talked to her at that moment. She never bothered me. And I never approached her. Pero sa araw na iyon, lalo akong namamangha sa ganda ng mundo niya. Sa paraan ng pagtawa niya sa simpleng bagay. Sa paraan ng paggalang niya sa mga taong nasa paligid niya. She wasn’t just beautiful. She was... grounding.That was the beginning of my quiet torment.
Kada araw na lumilipas, lalong tumitibay sa isip ko ang sinabi ni Papa—hindi mahirap gustuhin. Pero hindi ko dapat gustuhin. Hindi ko puwedeng gustuhin. Dahil alam ko, hindi iyon ang tamang panahon. At higit sa lahat, hindi ko siya pag-aari.
Isabella became a quiet force in my life—someone I pretended not to see, but always noticed. Someone I refused to feel for, but never forgot. Hanggang sa dumating ang balitang iyon. Hanggang sa isang araw, tuluyang gumuho ang mundo ko.
At ngayon, heto kami. Wala na si Papa. Si Tatay Facundo, tinuturing naming salarin. Si Isabella, anak ng lalaking sinisisi ko—kasama ko sa isang bahay, kasalo ko sa katahimikan ng gabi, at siyang dahilan ng mga tanong na bumabagabag sa puso ko.
Hindi ko alam kung anong klaseng karma ang dumapo sa buhay ko. Pero ang sigurado ako, hindi ko kakayaning mawala pa siya. Not now. Not again.
"Kahit kailan... kahit gaano pa ako galit... hindi kita kayang saktan, Isabella," bulong ko sa sarili, habang tinititigan ang baso ng alak sa aking kamay.
At sa likod ng lahat ng ingay ng isip ko, naroon pa rin ang tinig ni Papa—mahina, malinaw, at hindi ko na maalis:
"Give her a chance."
Kahit sa gitna ng gulo. Kahit ako mismo, hindi ko alam kung kakampi ba siya o kalaban. Kahit ang puso ko... unti-unti na ring sumusuko. Napatingin ako sa wall clock. Alas-onse ng gabi. Tahimik ang buong mansyon maliban sa mahinang tik-tak ng grandfather clock sa hallway. Umiikot-ikot ako sa loob ng library, hawak pa rin ang baso ng alak pero hindi ko na ito iniinom. Hindi ko alam kung para saan pa. Hindi na ito nakakakalmante. Hindi na rin ito nakakatulong sa sakit ng ulo ko o sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Lumabas ako sa balcony ng pangalawang palapag para lumanghap ng hangin Napalingon ako sa baba. Bukas ang ilaw sa veranda. Napakunot noo ako dahil naroon si Isabella, nakaupo, nakatulala lang na parang ang lalim ng kanyang iniisip. Agad akong bumaba para puntahan ito, malalim na ang gabi at ayaw kong makita siyang mag-isa lamang doon kahit pa sabihing may mga tauhan ako sa mansion para magbantay pero sa sitwasyon ko bilang gobernador at idagdag pa ang nangyari kay papa, hindi ako pakampante. Nakaupo sa silyang yari sa rattan, may hawak na journal. Hawak niya iyon gabi-gabi. Hindi ko alam kung sinusulat ba niya ang lahat ng sama ng loob niya sa akin doon. Siguro. Marahil kung binasa ko, malalaman ko kung gaano niya ako kinamumuhian. Gaano niya gustong makatakas at gaano siya nasasakal.
At ganoon ang irony ng lahat—pinoprotektahan ko siya mula sa isang mundong hindi ko kayang unawain habang siya, sinusubukang protektahan ang sarili niya mula sa akin. Tahimik akong naglakad dahil ayokong marinig niya ang hakbang ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa ito. Pero gabi-gabi, hindi ako mapakali hangga’t hindi ko siya nasisilip. Hanggang hindi ko naririnig ang paghinga niya. Na safe pa siya. Na hindi pa siya kinuha ng kung sinumang gustong tumapos sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman, dalawang gabi ng may umaaligid sa bahay nila base sa report ng mga tauhan kong lihim na nagmamasid doon. Doon ko napagtanto, she's in danger too. Lumapit ako pero hindi ako lumabas ng veranda. Nagkubli ako sa anino, mula sa kanto ng hallway. Tinitigan ko siya. May naaaninag akong luha sa pisngi niya. Tinakpan niya ito agad ng palad pero huli na—nakita ko na.
Isabella... ano na naman ang iniiyak mo?
Biglang may narinig akong ingay mula sa labas ng gate. Isang mahinang “klik” na alam kong hindi dapat marinig sa ganitong oras. Tumayo ako agad. Tinignan ko kung narinig din ni Isabella—pero hindi siya tumingin sa direksyon ng gate. Abala pa rin siya sa pagsusulat. Mabilis kong kinuha ang baril na nasa drawer sa hallway table. Tumawag ako ng bodyguard. “Check the perimeter,” bulong ko sa radyo. “May gumalaw sa labas.”
Hindi pwedeng ngayon pa sila umatake. Hindi habang andito si Isabella. Hindi habang wala pa akong hawak na buong katotohanan.
Bumalik ako sa veranda. Hindi ko na napigilang lumapit sa kanya.
“Get inside the house,” mahinahon kong sabi, pero matigas ang tinig ko. Napalingon siya. Kumunot ang noo.
“Kung gusto mong ikulong na naman ako sa loob ng kwarto, pwede bang bukas na lang?” may sarkasmo sa boses niya. “Sandali na lang ‘to.”
Gusto kong sumigaw. Sabihin sa kanya na hindi siya nakakulong—na ito’y para sa kanya. Pero wala akong lakas ng loob. Dahil kahit ako, hindi ko na rin alam kung saan nagsimula ang pagprotekta, at saan nagsimula ang pagkulong.
“I’m not asking, Isabella.” Tumigas ang panga ko. “Get inside.”
Hindi siya kumilos. Pero ilang segundo lang, narinig din niya ang sunod-sunod na yapak. Mabilis at papalapit. Tumayo siya, natigilan. Doon ko siya hinawakan sa braso, hindi na para pagalitan—kundi para iligtas.
“Sa loob!” utos ko, sabay hila sa kanya. Napatingin siya sa akin—halata ang kaba at takot. Sa wakas, hindi na galit ang nasa mata niya. Takot na at sa isang iglap, nagtiwala siya. Sumama siya sa akin. Pagkasara namin ng pinto, sumabog ang tunog ng bala sa labas. Mabilis, sunod-sunod.
Putok.
Boga.
Sigaw ng mga guwardiya.
Tinulak ko siya palapit sa dingding. Ako ang pumuwesto sa harap niya. Tinutok ko ang baril ko sa may hagdanan. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko—mahigpit na nakakapit sa akin.
“Richard…” bulong niya. “Sino ang mga‘yan?”
Hindi ako sumagot. Sa halip, binuksan ko ang radio.
“Status!”
“Dalawa, Gov! Armed. Nakasuot ng itim. Tumakas na sa likod—pero may isa pong nasugatan sa security team natin.”
Napamura ako sa isip.
Damn it! Kung hindi ko siya nakita agad, malamang wala na, nawala na siya!.
At kahit gustuhin kong sisihin siya, mas nangingibabaw ang isang bagay.
Ayokong may mangyaring masama sa kanya.
Nagkatinginan kami. Hindi na ako nagkunwaring galit. Hindi na ako nagtago sa likod ng pride. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang takot sa mata ko.
At siguro, nakita rin niya... na kahit anong gawin niya, kahit anong layo ang gusto niyang marating...
Hindi ko siya bibitawan.
Not now.
Not ever.