RICHARD'S POV
Nakatitig ako sa lumang retrato ni Papa. Nakatayo siya roon, nakaakbay kay Tatay Facundo—ang ama ni Isabella. Magkayakap silang parang tunay na magkapatid. Bata pa lang ako, ramdam ko na kung gaano kataas ang respeto ni Papa sa lalaking ‘yon. Hindi lang siya basta empleyado. Hindi lang caretaker. He was family. He was my protector, my comforter sa mga sandaling hindi ako maalala ni Papa kapag sobrang busy nila ni Mama sa mga negosyo namin. Siya lagi ang kasa-kasama ko habang lumalaki ako hanggang sa umalis ako ng bansa para mag-aral sa ibang bansa. At sa loob-loob ko noon, minsan nasabi ko pa, “Parang dalawa ang tatay ko.” Ako si Richard Montevista. Lahat ng meron ako—kayamanan, kapangyarihan, pangalan—lahat ’yon ay bunga ng dugong nanalaytay sa akin. Montevista ako. Ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig, sabi ng iba. Anak ako ng isang respetadong Congressman, at ng isang babaeng kilala sa buong lalawigan bilang ilaw ng tahanan—matapang, matalino, at may malasakit sa masa.
Lumaki ako sa marangyang tahanan, napapalibutan ng mga taong laging handang magsilbi. Hindi ako lumaki sa kakulangan. Sa halip, lumaki ako sa piling ng dalawang magulang na mahal na mahal ako. Hindi ko kailanman kinailangan magtanong kung may nagmamahal sa akin—dahil araw-araw nilang pinaparamdam iyon. Araw-araw, ramdam ko na buo ang mundo ko. At isa sa binigay nila sa akin ay ang pagkalinga ni Tatay Facundo, siya ang pumupuno sa pagkukulang minsan ng aking mga magulang. Pero kahit ganoon, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko dahil naramdaman ko ang pagmamahal sa kanila. Pero kahit gaano kaganda ang mundong ’yon, gumuho rin lahat sa isang iglap. Kaya nung mabalitaan kong siya ang sumaksak raw ang kay Papa para akong binasag. Parang may sumabog na hindi ko kayang pagdugtung-dugtungin. Dalawang ama ang nawala sa akin at nagdulot sa kaibuturan ko ng matinding sakit at pagkapoot.
“Hindi puwede ‘to,” bulong ko habang nakatitig sa mga report. Paulit-ulit kong binasa, inisa-isa ang bawat detalye, mga salaysay, ebidensya, CCTV na biglang ‘nawala’, mga testimonya na parang sabay-sabay ang script. Hindi ako naghanap ng kasinungalingan pero ‘yun ang bumungad. Mas lalo akong nalito at mas lalo akong napikon. Bakit ganito kabilis ang lahat? Bakit parang may gustong takpan?
May nagmamaniobra.
May gustong pabagsakin ang Montevista.
At pinakamasakit, ginamit nila ang isang taong itinuring naming pamilya. Oo, galit ako kay Tatay Facundo Galit ako kasi wala man lang paliwanag. Galit ako kasi parang basta na lang niya akong tinalikuran, basta na lang niyang kinalimutan ang aking pamilya na nagbigay ng importansiya sa kanya--basta na lang niyang kinalimutan si Papa na itinuring siyang kapatid. Pero higit sa lahat, ang pinakamasakit sa lahat ng ito ay si Isabella-ang anak niya. Ang babaeng ngayon ay nasa ilalim ng bubong ko, nasa ilalim ng proteksyon ko, kahit ako mismo, hindi ko na alam kung sino ang kalaban at kakampi. Sinusubukan kong maging matigas sa harap niya. Puro sungit, puro pader, puro utos. Ayokong mahalata niyang wasak na wasak na ako sa loob. Pero sa tuwing titingin siya sa akin—yung mga mata niya, punong-puno ng tanong, sakit at pagkasuklam—pakiramdam ko ako ang nililitis. Gusto ko siyang layuan. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang hayaan siyang masaktan. Hindi ko kayang may ibang taong gumamit sa kanya, lokohin siya, o mas masahol pa ay patahimikin siya. Kaya kahit masakit, kahit wasak ako sa tuwing nakikita ko siyang naguguluhan, lumalaban, and worst, kinasusuklaman niya ako… I keep her close kahit ang tingin niya, nakakulong siya. Hindi ko ginagawa ‘to para gantihan siya. Hindi ko siya sinusupil para lang maghiganti. I’m doing this because deep down, may tinig sa loob ko na hindi matahimik:
“Protektahan mo siya. Kahit siya pa ang anak ng lalaking sinisisi mo sa pagkamatay ng ama mo.”
Kailangan kong malaman ang totoo. Para kay Papa, para sa pangalan ng pamilya namin. Para kay Tatay Facundo at higit sa lahat para kay Isabella. Kasi kung mali ako, kung mali ang lahat ng paratang, kung wala siyang kasalanan—at wala ring kasalanan ang ama niya—
I'm sorry Isabella for everything.
Pero hangga’t hindi ko pa hawak ang katotohanan ay hindi ako puwedeng magpahinga. Hindi ako puwedeng magkamali sa desisyon.
Hindi ko siya puwedeng bitawan. Hindi pa ngayon. Dahil kung tama ang hinala ko—kung talagang hawak niya ang piraso ng katotohanang gustong itago ng lahat baka siya na lang ang natitirang pag-asa namin. At kapag nahanap ko na ang buong katotohanankapag handa na akong harapin ang lahat ng sakit at galit—Doon lang kita palalayain, Isabella. Kung hindi pa huli ang lahat, kung hindi pa niya tuluyang bibihagin ang buong pagkatao ko. Aaminin ko, kapag napapalapit ako kay Isabella, halo halo ang nararamdaman ko. Galit. Takot. Guilt. Pagnanasa. Lahat ng damdaming pilit kong itinago, pilit kong itinatanggi, pilit kong ikinukulong—unti-unting sumisingaw tuwing nariyan siya. Isang sulyap lang ng mga mata niyang punong-puno ng tanong at paninindigan, at parang nabubura ang lahat ng depensa ko. Isang hakbang lang palapit sa akin, at ang galit na ilang buwan kong pinanghawakan ay tila nadudurog—pinapalitan ng isang uri ng pagkasabik na hindi ko kayang ipaliwanag. Pero hindi puwedeng manaig ang damdamin. Hindi ako puwedeng mahulog. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking mga kamay dahil sa galit ko sa mga nangyayari. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinungo ang bar counter na nasa gilid ng library. Nagsalin ako ng alak. Hindi ko pa nalilimutan ang biglang pag-iwas ni Isabella kanina sa kwarto ko and damn me, dahil hindi ko napigilan na naman ang sarili ko na hawakan siya. Para akong asong ulol na hindi napapakali kapag nariyan na siya, na kaharap ko na siya. She's so fragile yet brave young woman. Siya lang ang kaisa-isang babae na kaya niya akong sagut-sagutin at makipag taasan ng pride sa akin. Siya lang ang kaisa-isang taong kayang salubungin ang galit ko at sa lahat ng pagkakataon na iyon--natatalo ako ng aking damdamin towards her.
"Richard, I want you to meet your Tatay Facundo's daughter--gusto kong siya ang mapapangasawa mo" isang gabing nagdinner ang pamilya namin pagkadating ko mula sa Amerika. Napakunot noo ako sa kanyang tinuran. Arranged marriage for me is a big big NO. Ako ang pipili ng babaeng mapapangasawa ko at iyon ang unang unang gagawin ko, hanapin si Lian Jade De Vera, ang babaing ipinangako kong ihaharap ko sa altar. Pero sa tinuran ni Papa, parang wala na akong karapatang humindi dito.
"Danilo--let your son decide, in fact kararating niya lang" minulagatan ito ni Mama. Tumawa lang ang dalawang kapatid kong lalaki na parang gustong gusto pa ang suhesyon ni Papa. Ngumiti si Papa sa akin na parang gusto niyang umoo ako kaagad pero umiling iling ako.
"Hon, I know, nagbabakasakali lang ako. That young lady is perfect for him. Tapos kilala na natin ang kanyang pamilya lalong lalo na si Facundo, alam kung magiging mabuting asawa siya sa panganay natin" Nakangiti parin ito.
"Pa--I am waitng for someone para pakasalan" maikling saad ko. Napako lahat ang atensiyon sa akin. Alam ko ang iniisip nila.
"Hulaan ko, that girl whom you courted in High School, am I right son?" biglang lumiwanag ang mukha ni mama na parang excited pa. Tumango ako at mas lalo pa siyang napalatak. Tumikhim si papa, ng tignan ko--seryoso ang kanyang mukha.
"I want Facundo's daughter for you Richard--think about it hijo."
"Danilo! Ikaw kailan ka pa namimili ng babae para sa anak natin. At saka, masiyado pang bata si Isabella para kay Richard, she's just barely 18, for God's sake!"
"Whaatttt?" magkapanabay pa kaming tatlong anak niya pagkarinig sa sinabi ni mama. Isabella is too young for me, how could my father gets his idea na ipakasal siya sa akin?
Eighteen, Pa?” tanong ko na may halong gulat at pag-aalinlangan. “She’s barely legal. Ano bang iniisip mo?” Napahawak ako sa sintido ko habang pinipilit intindihin kung saan nanggagaling ang ideya ni Papa.
“Hindi mo naman siya kailangang pakasalan agad-agad,” sagot niya, tila ba masyadong kampante. “Ang gusto ko lang, makilala mo siya. Gusto kong magkaroon kayo ng connection. The rest, you decide. Pero sana, bigyan mo ng pagkakataon, anak.”
“Bigyan ng pagkakataon? Papa, she’s just a kid. I’m twenty-eight. Anong klaseng relasyon ang pwedeng mabuo sa amin?” mariin kong tugon habang sinusubukang huwag uminit ang ulo.
“Richard, hindi ka pinipilit ng Papa mo. He’s just suggesting—” singit ni Mama na halatang gustong mapakalma ang tensyon sa hapag.
“Suggesting? More like imposing,” bulong ko, pero narinig iyon ni Papa.
“Anak,” sabi niya sa mababa ngunit mariing tinig. “Hindi ko ginagawa ito para lang sa sarili ko. Facundo saved my life. Maraming utang na loob ang pamilya natin sa kanya. And this is my way of honoring that. Isa pa, hindi mo pa kilala si Isabella. Huwag mong husgahan agad.”
“Kung ayaw ni Kuya Pa, ako nalang kaya?” sabat ng bunso naming si Matthew, sabay lagok ng juice. “I'm more than willing”kumindat pa ito sa akin. Lihim akong napangiti sa suhesyon nito.
“Matthew!” singhal ni Mama.
Tumawa rin si Marco, ang pangalawa naming kapatid. “Eh kung maganda naman si Isabella, baka mas bagay siya sa akin Pa.” tumatawang saad din nito.
“Hay naku, Marco,” singhal ko rin, habang umiling. “Hindi ito biro.”
“Hindi nga biro,” muling sabat ni Papa. “Facundo and I talked. May mga plano kami para sa kinabukasan ng mga anak namin. Isabella is not a child—she’s mature for her age. Responsible. Alam niya ang takbo ng buhay. Hindi siya maarte. And yes, she’s beautiful.”
“Papa, stop. Please,” mariin kong sabi habang nilapag ang kutsara’t tinidor. “Kahit anong ganda pa niya, kahit gaano pa siya kabait o karespeto, hindi siya si Lianne.”
Tahimik ang mesa. Ramdam ang bigat ng pangalan na binanggit ko.
“Lianne? You mean... Lianne Jade?” mahina pero malinaw na tanong ni Mama. Tumango ako.
“I thought... she was just a high school phase,” sabi ni Mama, halatang nagugulat.
“She’s the one,” mariin kong tugon. “At kung may babae akong pakakasalan, siya iyon. Hindi dahil may utang na loob tayo sa kahit sino. Kundi dahil mahal ko siya.”
Tahimik si Papa. Ilang saglit bago siya muling nagsalita. “Kung ganoon, hanapin mo siya. Prove me wrong, Richard. But if you fail... if she doesn’t choose you, then you give Isabella a chance. That's all I’m asking.”
Napakuyom ako ng kamao. habang binabalikan ko ang pag uusap namin noon ilang taon na ang nakakaraan. Alam kong may dahilan ang Papa ko—pero hindi ako pumayag na ikulong ang sarili ko sa kasunduang hindi ko pinili. Lalo na’t ang babae ay isang inosenteng dalagang wala pa sa tamang edad para pag-usapan ang kasal. But I failed to find Lianne--no, I mean natagpuan ko nga siya ngunit huli na ang lahat, she's inlove to my High School friend Ethan at wala na akong nagawa pa doon--at wala na rin akong nagawa kundi bigyan ng pagkakataon ang hiling ng aking ama.