Chapter 12

1327 Words
ISABELLA'S POV Nakatulog akong umiiyak. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang tuluyang iwan ako ni Richard sa kwartong iyon. Ang huli kong naalala ay ang paghapdi ng mga mata ko at ang pagkahulog ng sarili ko sa kailaliman ng pagod—pisikal, emosyonal, at lahat ng antas ng pagkawasak. Pero nang dumilat ako, ibang kama ang bumungad sa akin. Mas malaki. Mas malamig ang aircon. Mas malambot ang kutson. At ang ilaw—madilim ang paligid, pero may bahagyang sinag ng buwan mula sa bukas na kurtina. Dahan-dahan akong gumalaw ngunit napahinto ako nang maramdaman ko ang bigat ng isang bisig na nakayakap sa baywang ko. Parang binuhusan ako ng yelo. Dahan-dahan akong lumingon. Nakatulog si Richard mahigpit ang yakap niya sa akin, nakadikit ang dibdib niya sa likod ko, ang hininga niya ay pantay at malalim. Para siyang bata sa pagkakahimbing—walang bakas ng bagsik, walang galit, walang Richard Montevista na tila Diyos kung magpataw ng sakit. Sa mga sandaling iyon, tila siya ang pinaka-tahimik na tao sa buong mundo. “Paano ako napunta rito?” Napakunot ang noo ko, pinilit kong alalahanin kung kailan ako dinala sa kwartong ito. Hindi ko matandaan. Huli kong alam, sa kwarto ko ako natulog. Ako ba ang naglakad nang hindi ko alam? Dinala ba niya ako habang tulog pa rin? Pero bakit? Nagkagulo ang loob ko. Nagsisigawan ang isip at puso ko sa magkabilang panig ng emosyon—galit at gulo, sakit at pagkaawang hindi ko maunawaan. “Anong klaseng lalake ka ba, Richard?” bulong ko sa isipan. “Sinasaktan mo ako, pero binubuhat mo ako. Hinuhusgahan mo ang ama ko, pero niyayakap mo ako sa gabi. Gusto mo akong alipinin, pero hinahalikan mo ang kamay ko na parang ako ang huling bagay na mahalaga sa’yo.” Napapikit ako nang mariin. Masakit na nakakabaliw. Pilit kong kinalma ang sarili ko, pero hindi maalis sa dibdib ko ang bigat na parang humihila sa’kin pababa. Gusto kong magalit ulit. Gusto kong bumangon, isigaw sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko. Pero heto ako, nakahiga sa tabi niya. Tahimik at walang lakas. Wala ring tapang. At bakit tila kahit isang bahagi ng puso ko, hindi natatakot sa yakap niya? “Tanga ka, Isabella,” bulong ko sa sarili. “Isa kang malaking tanga kung iisipin mong may ibang dahilan ang bawat lambing niya kundi pahirap.” Napakapit ako sa kumot. Tiningnan ko ang kamay niyang nakayakap pa rin sa akin, mariin, parang may ayaw pakawalan. Tahimik siyang natutulog, pero parang pinupuno niya ang buong kwarto ng presensya niya—ang uri ng presensyang hindi mo matatakasan kahit ilang ulit kang tumakbo. At doon ko na-realize ang mas masaklap na katotohanan: Hindi ko alam kung saan matatapos ang galit ko sa kanya... at saan nagsisimula ang pagkahulog ko. Nag-init ang mata ko. Pilit kong pinipigilan ang luha, pero mabilis itong gumapang muli sa pisngi ko. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw niya sa likod. Napakapit ako sa hininga ko, baka magising siya. Pero imbis na bumangon, mas lalo niyang hinigpitan ang yakap. At sa tinig na paos, halos wala sa wisyo: “Baby…” bulong niya. Napahinto ang mundo ko dahil sa salitang lumabas sa bibig niya. Nananaginip yata kaya ganoon. Pero napamulagat ako ng pumisil ang kanyang mga palad sa dibdib ko. Halos himatayin ako sa lakas ng tambol ng dibdib ko kasabay ng pag iinit ng aking pisngi. “Aren't you hungry hmmmm?.” iyong lambing ng boses niya para akong idinuduyan, parang hindi siya ang magagalitin na Gobernador ng lalawigan, parang hindi siya iyong demonyong kumuha sa akin para pagbayarin. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na bumabalot sa kalahating bahagi ng katawan ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa batok ko. "Isabella, I know you are awake baby. You wanna eat? Hindi ka pa nag dinner" hindi ko alam kung ano ang iisipin ko, parang ibang tao ang nagsasalita. Nawala ang galit at pagkasuplado nito. Hindi parin ako tumugon, pero maiksi kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin. Ngunit, mas lalo lang niyang ibinaon ang mukha sa batok ko tapos ang mga kamay niyang tinanggal ko ay gumawa ng sarili nilang landas sa likod ko, humahaplos. Nanatili akong nakapikit, hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil sa kakaibang pakiramdam na binubuo ng init ng katawan niya at ng malamig na hangin mula sa aircon. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n siya—isang sandali'y bangungot, sa susunod ay tila panaginip. “Baby…” muli niyang bulong, mas banayad, mas mapagpaubaya. Parang pangalan ko ang tanging sandata niya laban sa katahimikan ng gabi. Mainit ang hininga niya sa batok ko. Dahan-dahang gumapang ang kanyang halik mula doon paakyat sa gilid ng aking panga. Napakapit ako sa unan sa harap ko, pilit pinipigilan ang sarili kong tumugon. Pero paano mo lalabanan ang isang lalaking alam mong makapangyarihan—hindi lang sa posisyon, kundi sa puso mong hindi mo maintindihan? “I said I will destroy you,” mahinang sabi niya. “But when I’m with you like this… I don’t know how to stop.” Lumipat siya, gumulong papunta sa harapan ko. At nang nagkatapat ang aming mga mata, parang saglit na tumigil ang mundo. Wala na iyong malamig na titig, wala na ang baritonong boses na puno ng utos. Ang natitira lang ay isang lalaking naglalambing sa isang babaeng takot mahalin siya. “You drive me crazy, Isabella baby. Do you know that?” Hindi ako sumagot. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pero ang mga mata ko, pinagtaksilan ako dahil imbes na lumayo, tila siya pa ang hinihintay ng bawat pintig ng puso ko. At iyon na nga. Dahan-dahan siyang yumuko, inilapit ang labi niya sa akin. Hindi agad siya humalik. Parang tinitimbang pa kung papayagan ko pero wala akong ginawa. Walang pagtutol, walang pag-urong. Kaya’t dahan-dahan, lumapat ang mga labi niya sa akin—mainit, mabagal, mapang-angkin. Ang halik niya ay parang paghingi ng tawad, parang panata na hindi niya kayang bigkasin. Masuyo noong una, hanggang sa naging mas mapusok. Napahawak ako sa braso niya, ramdam ang tensyon sa ilalim ng balat niya. “Tell me to stop babe,” bulong niya sa labi ko. “Sabihin mong itigil ko, and I will.” Pero wala akong masabi. Ang tinig ko’y natabunan ng t***k ng puso kong hindi ko na mapigilan. At sa gitna ng dilim ng kwarto niya, habang tahimik ang lahat, habang hinahalikan niya ako, doon ako unang natakot. Hindi sa kanya. Kundi sa posibilidad na bak baka hindi lang galit ang nararamdaman ko para kay Richard Montevista, Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman ko ang kanyang kamay na malaya ng humahaplos sa loob ng aking blouse.Para akong nahimasmasan sa init ng kanyang haplos. Parang bumalik ang ulirat ko, sabay ang pagbalik ng bigat sa dibdib—hindi lang dahil sa mga nangyayari kundi dahil sa damdaming pilit kong pinipigilan simula pa kanina. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang inalis mula sa pagkakahawak sa akin. Tiningnan ko siya sa mata, kita ko ang pagkalito at paghahanap. Bumangon ako sa kama, inayos ang blouse kong bahagyang nabuksan, saka huminga ng malalim. “Lalabas muna ako,” mahina kong sabi, pilit pinatatag ang tinig. “Nagugutom na ako.” Hindi siya kumibo agad. Nanatili lang siyang nakaupo roon, nakatitig sa sahig, ang panga niya’y bahagyang nanginig sa pagpipigil ng emosyon. Para siyang sinuntok ng katahimikan. Para siyang binagsakan ng mundo. Ramdam ko ang biglang lamig sa paligid naming dalawa. Paglingon ko, nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung galit ba ‘yon, o sama ng loob, o simpleng pagkadismaya. “Sige,” malamig niyang sagot. “I'll call Nanay Sela at ipaghanda ka.” Wala sa tono niya ang galit—pero mas masakit yata ang kawalan ng emosyon. Para siyang biglang naging ibang tao. Para siyang pinutol ang koneksyon naming kanina lang ay naglalagablab.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD