--------- Napatingin ako sa batang kasama nina Roderick at Cecilia. Ang kapal din naman mukha ng batang ito para sabihin nitong isa itong Montreal, halata naman wala itong dugong Montreal, he is nothing like a Montreal. Si Jordan siguro ang ama nito, malaki ang similarity nito sa hudas na Jordan na iyon. Napatingin sa akin ang dalawang matanda na nirespeto at minahal ko ng sobra. Pati ba naman mga anak ko. “Ikaw pala ang ina, kaya pala walang modo ang mga batang ito. Kasi wala ka din modo eh! Wala kang utang na loob.” Si Cecilia. “Mama—hindi po namin sya itinulak.” Sumbong ni Abby sa akin, una kong hinarap ang aking mga anak. Pagagaanin ko muna ang loob ng mga ito bago ko harapin ang mga demonyo sa harapan ko. “I know.” Nakangiti kong sabi sa aking mga anak. “Doon muna kayo, haharapin

