-----
***Athena’s POV***
-
Note: Hello guys, binago ko na ang dalawang naunang chapter. Sana binasa nyo muli.
----
Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa isip ko sa binasa ko. Hindi mawala- wala sa isip ko ang sinabi ni Kiero sa akin kanina. Napatanong ako kung nagkamali ba ako?
Hindi ba si Kiero ang lalaking nagligtas sa akin noon? Ang kakambal ba nya ang nagligtas sa akin?
Tinanong ko si Kiero kung nasaan ang kakambal nya at kung bakit sya lang ang lagi kong nakikita sa mga magazine. Sabi nya sa akin, low profile daw ang kakambal nya at kung saan- saan lang daw ito nagpupupunta. At sa ngayon daw, hindi nya alam kung nasaan ito dahil sa palipat- lipat ito ng lugar, minsan sa kagubatan ito tumitira. Kaya nga daw nito na tumira kahit sa ilalim ng tulay. Ito daw ang trip ng kakambal n'ya. Minsan pa nga daw para itong taong grasa.
Napatigil ako at sinubukan kong ibalik muli sa binabasa ko ang pokus ko. Pero kakasimula ko pa lang sa pagbabasa nang narinig ko ang malakas na katok ng pinto ng kwarto ko.
Sino naman kaya ito? Agad akong tumayo para pagbuksan ng pinto sa kung sino ang nasa labas.
“Bakit?” tanong ko kay Airah nang sya ang napagbuksan ko ng pinto.
Biglang nagbago ang tingin ko sa kanya dahil sa kataksilan nya kay Kiero. Anyway, iba naman talaga ang pagkakilala ko sa kanya.
“May nakakita sa inyo na magkasama ni Kiero. Saan kayo galing ng boyfriend ko?”
“Pumunta lang kami sa isang coffee shop. May mga itinatanong lang sya sa akin.” Sinagot ko naman sya ng maayos.
Gustong- gusto kong itanong sa kanya kung bakit nagawa nyang magtaksil kay Kiero. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Alam mo Athena, alam kong ignorante ka pagdating sa pakikipagrelasyon pero sana naisip mo na hindi ka dapat sumasama sa mga lalaking may kasintahan na. Lalo pa at kapatid mo yong girlfriend. Kawalan yan ng delikadeza.” nakangiti nyang sabi. Ganito naman sya lagi. Gusto nyang mapanatili ang imahe nya na parang hindi marunog magalit pero iba naman ang lumalabas sa labi n’ya.
At nagawa pa nyang sambitin ang salitang delikadeza. Wala naman kaming ginagawa ni Kiero. At mga itinatanong nga ng boyfriend nya ay tungkol lang sa kanya. Kahit may gusto ako kay Kiero pero wala naman sa plano ko na agawin ito mula sa kanya.
“Delikadeza? At nagawa mo pa talagang pangaralan ako sa pagiging delikadeza. Bakit, meron ka ba nung, Airah?” hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Hindi na ako pumapatol sa kanya kahit parang iniinsulto na nya ako pero sumusobra na sya.
“Oo naman. Kahit sinong tanungin mo, alam nila kung anong klaseng babae ako. Relaks, tinatanong lang naman kita. Bakit ka ba nagagalit agad? Kaya ka walang kaibigan kasi ang sama ng ugali mo.”
“Masama na ang ugali ko. Kung ang pagiging mabuti ay nangangahulugan na okay lang makipaghalikan ako sa ex- boyfriend ko kahit may boyfriend ako at pupuntahan ang ex- boyfriend ko sa condo nito, habang nagsisinunggaling sa boyfriend ko, ayaw ko nang maging mabait, Airah.”
Sandaling napaawang ang labi nya sa sinabi ko.
“Ano ba yang pinagsasabi mo, Athena? Are you making stories again?”
“You know that I didn’t make stories. Kahit kailan, hindi ako gumagawa ng estorya lang, lahat ng sinasabi ko ay totoo. Ikaw lang naman ang laging nagbabaliktad sa kwento.”
Kaya nga siguro hindi kami nagiging close dahil sa simula pa lang, magaling na syang magbaliktad ng kwento, kaya malaki ang hinanakit ko sa kanya. Sya ang dahilan kung bakit malayo ang loob ng pamilya namin sa akin dahil lagi nya akong binabaliktad. At ewan ko kung bakit lagi nalang sya ang pinaniwalaan ng kapamilya ko.
Magaling syang magkunwari, kayang- kaya nyang ipalabas na sya yong inaapi sa aming dalawa at ako yong maldita. It’s like she’s wearing a mask, trying so hard to keep up her perfect image, when deep down, she’s not at all what she seems. I can almost feel the darkness lurking behind that fake exterior. Pero hindi ito nararamdaman ng iba.
“Bakit ka ba ganyan Athena? Simula mga bata pa tayo, lagi ka nalang gumagawa ng kwento. Lagi mo akong hinahanapan ng mali. Bakit ganyan ka sa akin? Ano ba ang naging kasalanan ko sayo?” tanong nya at tumulo na ang luha nya, na parang sa aming dalawa, ako yong nang- aapi.
“Ano bang nangyari dito?” boses ng mommy ko. Napatingin ako dito, kasama nito ang daddy namin.
“Mom, dad, ang sakit magsalita ni Athena. Pinaratangan nya ako na nagtaksil sa relasyon naming dalawa ni Kiero. Hindi daw deserve ni Kiero ang tulad ko na walang delikadeza.” Sumbong ni Airah sa mga magulang namin. “Nandito lang naman ako para tanungin sya kung ano ang kailangan ni Kiero sa kanya at bakit sumasama pa sya sa boyfriend ko. Naghintay ako ng halos isang oras kay Kiero pero pinigilan lang pala nya ito para puntahan ako."
Sabi ko na nga ba babaliktarin na naman nya ako. Puno ng luha ang mga mata nya habang nakatingin sa mga magulang namin.
“Ang kapal din ng mukha mo para sabihan ng ganyan ang kapatid mo. At gumagawa ka pa ng kwento. Hinayaan mo na naman ang sarili mo na kainin ka ng inggit. Hindi ka na nagbabago. Hanggang ngayon, lagi ka pa rin naiinggit sa kapatid mo.” Galit na sabi ni mommy sa akin, malakas ang boses nya.
“Hindi naman yan ang sinabi ko.” Pagtatanggol ko sa sarili ko. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na ako ang pakikinggan ng mga magulang ko.
“Tumigil ka Athena! Hanggang ngayon, napakasinunggaling mo pa rin.” Galit din na sabi ni daddy, malakas din ang boses nya. “Bakit ka ba ganyan ha? You always made us disappointed of you. Wala ka nang ginawang tama.”
Napatulo na rin ang luha ko. Masyado akong nasaktan sa sinabi ni daddy. Parang sinasaksak ang puso ko ng paulit- ulit sa ginawa nilang dalawa ni mommy. Hindi na naman nila ako pinaniniwalaan.
“Dissapointed kayo lagi sa akin? Wala naman kasi kayo ibang ginawa simula pa noon. Lagi nalang kayong si Airah, sya nalang lagi ang tama, ako lagi yong mali. Ni minsan, hindi nyo ako pinaniwalaan. Kung ano ang sinabi ni Airah, iyon ang totoo. Ganyan kayo katanga pagdating sa kanya. Puro pagkakamali ko lang naman ang lagi nyong nakikita. Wala na akong ginawang tama sa mga mata nyo.” Tulong luha kong sabi, puno ng hinanakit ang boses ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko. “I have a lot of achievement pero ni isa wala kayong binibigyan ng halaga. Para sa inyo hindi ko deserve ang mga iyon kasi hindi ko naman pinaghirapan sa opinyon nyo. Iyan ang lagi nyong sinasabi. Pinaghirapan ko lahat ng naabot ko, mom and dad. Dahil gusto kong magiging proud kayo sa akin.” Nagsumamo ang titig ko sa mga magulang ko, umaasa ako na kahit kunting pagmamahal at pagmamalasakit para sa akin ay meron sa puso nila.
“God Athena, anong klaseng drama yan?” si mommy, tila frustrated ito. “That’s the problem of you, you are so melodramatic. Pinapagalitan ka lang sa pagkakamali mo, ang dami mo nang satsat."
Melodramatic? Buong buhay ko, ngayon ko lang sila nasumbatan. Ngayon lang ako nagsalita dahil sa masyado na akong nasaktan. Lagi nalang akong lihim na umiiyak. Pero ngayon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Masyado na akong nasaktan. Malaki ang hinanakit ko sa kanila.
"Malodramatic ako? Kayo? Ano kayo? One- sided? Closed- minded? Mula pa noon, hindi nyo pinakinggan ang mga paliwanag ko. Lagi nalang kayong Airah. Lagi nalang sya ang tama kahit sya naman lagi ang mali. Napaka- one sided nyo, laging sarado pa ang isip n'ya sa mga paliwanag ko. Kaya minsan hindi ko mapigilan ang mapatanong kung mga magu----"
Naputol ang iba kong sasabihin nang isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa ama ko. Nasapo ko ang pisngi ko na nasampal nya. Napahagulhol ako. Napakasakit ng sampal ng ama ko pero mas masakit ang isipin na nagawa nya akong sampalin.
"Ang laki ng hirap namin sayo para sagot- sagutin mo lang ng ganyan. Napaka- ungrateful mo sa amin. Kahit buhay mo ay hindi kayang tumbasan sa laki ng sakprisyo namin sayo. You are always a disgrace of this family." galit na galit na sabi ni daddy. Napakasakit ng sinabi ng aking ama. Wala nang mas sasakit pa.
Mahal na mahal ko ang mga magulang ko nang higit sa ano pa man. Pero mahal ba nila ako? Uhaw ako. Uhaw na uhaw ako sa pagmamahal nila. Gusto ko lang maramdaman kahit saglit lang na minahal din nila ako pero habang tumatagal, mas lalo kong naramdaman na hindi man lamang nila ako minahal. At napakasakit dahil mahal na mahal ko sila. Mga magulang ko sila.
"Dad--" si Airah. "Bakit mo naman sinampal si Athena. Hindi mo sya dapat sinampal." paiyak- iyak na naman ito, laging ganito ang mangyayari sa bandang huli. "Kasalanan ko na. Hindi ko lang siguro naintindihan ang sinabi nya kanina. Ako ang nagkamali. Ako dapat ang sinampal mo at hindi si Athena."
"Nakita mo na Athena? Nagawa ka pang ipagtanggol ng kapatid mo." si mommy. "Ganyan kabait ng kapatid mo sayo, pero hindi mo binigyan ng halaga ito."