----
***Athena's POV***
-
Gusto kong magtago ng buong araw sa kwarto ko. Masyado akong nasaktan sa ginawa nina mommy at daddy sa akin. Masyado masakit ang sampal ni daddy pero wala nang mas hihigit pa kaysa mga masasakit na salita na narinig ko sa mga magulang ko. Bawat litra nito ay parang matulis na tinik na itinusok sa puso ko.
Hindi man lamang ako pinaniwalaan ng mga magulang ko kahit sa maliit na porsyento. Bakit ang ibang mga magulang pantay ang trato nila sa anak nila, bakit sa akin, hindi? At ang mas masakit ay talagang ipinaramdam ng mga magulang ko na mas matimbang sa kanila si Airah kaysa sa akin. Na kahit kunting porsyento, walang- wala ako kumpara kay Airah. And this too painful. Tagos hanggang sa pinakailalim na bahagi ng puso ko ang sakit.
Mayamaya, may narinig akong katok sa pinto. Ayaw ko sanang buksan ito pero sunod- sunod ang katok at nakadistorbo na ito sa akin. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako umalis mula sa kama para pagbuksan ng pinto sa kung sino man ang kumatok.
Isa sa mga katulong sa bahay ang napagbuksan ko ng pinto. Pati ang tatlong katulong sa bahay ay walang malasakit sa akin, silang tatlo, doon pa rin panig kay Airah. Wala akong kakampi sa bahay na ito.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito sa malamig na tinig. Napakunot- noo ako dahil ngumiti pa ito sa akin na hindi naman ginagawa nito.
"Senyorita, nandyan ang Lolo Faculdo mo sa ibaba. Hinahanap po kayo."
Kaya pala biglang bumait sa akin pati katulong at tinawag pa akong senyorita dahil sa nandito pala ang Lolo ko. Hindi naman ako ang nagbibigay ng sweldo sa mga ito kaya doon sipsip ang mga ito sa mga magulang ko.
"Wag mo na akong tawagin senyorita, naasiwa ako. Baka sa sobrang pagkaasiwa ko, masabi ko pa kay Lolo na tinatawag nyo lang naman akong senyorita pag nandyan sya." Pataray akong sabi dito.
Hindi maganda ang trato ng mga katulong sa akin kaya malamig ang trato ko sa kanila.
Ramdam ko naman na nabahala ito sa sinabi ko. Nilampasan ko ito para puntahan ang Lolo ko.
Pagdating ko sa sala, tama nga ang inisip ko, nandito ang buong pamilya ko.
"Athena, anak, mabuti naman at nandito ka na." Si mommy, nakangiti ito at sinalubong pa ako. Ang bait nito na parang hindi nya ako sinaktan kanina lang.
"What happened to your face, Athena?" Tanong agad ni Lolo sa akin nang nakalapit na ako nito habang akay ako ni mommy.
Nakalimutan ko na namumula nga pala ang pisngi ko dahil sa sampal ni daddy kanina. Hindi ko naitago agad ito sa makeup dahil agad akong pumunta dito. "Sabihin mo sa akin Athena, bakit namumula ang pisngi mo. May sumampal ba sayo?"
Nagkatinginan ang mga magulang ko. Kitang- kita ko ang paglatay ng pagkabahala sa mga mata nila. Napaisip din ako sa kung ano ang idadahilan ko, baka mas lalo pang magalit sa akin ang mga magulang ko.
"Lolo--" si Airah, nagsumamo ang ekpresyon ng mukha nya na parang maamong tupa. "-- pasensya na. Kasalanan ko. Nagkatuwaan lang naman kami kanina, bumangga po sya, hindi ko sinasadya. Kasalanan ko talaga Lolo." namamasa na ang mga mata ni Airah na parang totoo talaga ang sinabi nito sa Lolo namin.
"Totoo ba ito, Athena?" Tanong ni Lolo. Ramdam ko ang kaba ng aking pamilya habang hinihintay ang maging sagot ko kay Don Faculdo. Kaya wala akong nagawa at napatango ako sa tanong ni Lolo. Kahit malaki ang tampo ko kina mommy at daddy, gusto ko din protektahan ang mga ito mula kay Lolo. Mahal ko ang mga magulang ko. Mahal ko ang buong pamilya ko. Kahit pa hindi ko naramdaman na mahal nila ako.
"Airah, apo, sa susunod, mag- ingat ka. Ayaw kong makakita ng kahit anong galos sa katawan ni Athena." Ani ni Lolo kay Airah. Aminado ako na natuwa ako sa sinabi ni Lolo dito. Nakaganti din ako kahit papaano. "Bweno, isasama pa naman kita ngayon Athena. I am going to have a dinner meeting with some of big investors. You should meet them."
"Dad, si Airah na lang ang isama mo. Baka mahalata pa ng mga investors mo ang pamumula sa mukha ni Athena." Si daddy.
"Oo nga dad." Si mommy.
Napatingin ako kay Airah, kitang- kita ko ang excitement sa mga mata nya. Alam kong hinihintay nya ang maging desisyon ni Lolo at masyado s'yang umasa na sya ang isasama nito. Malapad nga ang ngiti nya.
"No. Si Athena ang isasama ko. May kilala akong kayang itago ang pamumula ng mukha ni Athena." Gamit ng side vision ko, makita ko ang pagkabura ng ngiti ni Airah. "Maghanda ka na Athena, don't worry about sa isusuot mo, pinahanda ko na sekretarya ko."
"Okay po Lolo." Nakangiti nyang sabi sa Lolo nya.
Pero walang kaalam- alam si Athena, na matalim ang titig sa kanya ng kapatid na si Airah. Isinumpa nito na gagawin nito ang lahat para masira si Athena sa Lolo nila. At hindi na ito makapaghihintay na mangyari iyon. Lagot sa kanya si Athena!
-------
Nasa isang bar ako. Ewan ko kung bakit dito gustong makipagkita ni Larah sa akin.
Si Larah ay ang childhood bestfriend ko pero naging bestfriend din kalaunan ni Airah, pero lumipat na ng school, na- bully kasi ng ilang kasama ni Airah sa cheering squad, na tinatawag na mean girls ng school namin.
May problema daw kasi si Lareh at kailangan nito ng mapagsabihan. I still care for her kaya hindi ko din natiis ito.
Maliban pa dito, gusto ko din may mapagsabihan ng mga problema ko. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sakit ng sampal ng ama ko sa akin. Parang matalim na kutsilyo na isinaksak sa puso ko ang mga masasakit na salita na binitawan ng mga magulang ko laban sa akin. Gusto ko na sanang kalimutan pa ang mga ito dahil sa ayaw ko nang masaktan, pero parang sirang plaka ang mga ito na pabalik- balik sa isip ko.
Idagdag din sa problem ko ay ang katotohanan na galit na galit na naman ang buong pamilya ko sa akin dahil sa ako ang isinama ni Lolo sa dinner nito with investors. Hindi ko maintindihan kung bakit pati ito ay ikinagalit ng pamilya ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko, Larah is already late for more than 30 minutes. Nag- alala na ako dito, sa naalala ko, hindi naman nale- late ang kaibigan ko na yon.
"Athena--" napalingon ako sa sumambit sa pangalan ko, at si Kiero ang nakita ko. Napangiti ako dito, lumapit naman ito sa akin. "-- it's really you. What are you doing here at mag- isa ka lang?"
"I am waiting for a friend." Nakangiti kong sagot dito. Lihim kong ipinalinga ang mga mata ko, baka may makakita na naman sa amin at e- report na naman kami kay Airah."Ikaw? K- Kasama mo ba si Airah?"
"This is my cousins' bar. Hindi ko din kasama si Airah, pero magkikita kami later."
Pupunta ba si Airah dito, kailangan ko na pa lang umalis. Bakit ba ang tagal ni Larah?
"Athena!"
Napalingon ako at nakita ko na si Larah, palapit ito sa akin.
"Nandyan na mga friends mo. Aalis na ako. Enjoy the night, Athena."
Isang ngiti lang ang itinugon ko kay Kiero. Nang nakaalis na si Kiero ay ibinaling ko ang atensyon ko kay Larah. May kasama itong dalawang lalaki.
"Ipapakilala ko nga pala sayo, si Nick, boyfriend ko at si Mark, pinsan naman nya. Dinalhan din kita ng partner mo para double date tayo." Nakangiting sabi ni Larah sa akin.
"Ano? Akala ko ba may problema ka?" Laking mata kong sabi.
"Oo nga. Pero mas gusto kong mag- enjoy kaysa isipin ang problema ko."
Pormal akong ipinakilala ni Larah sa mga kasama nito. Nakipagkwentuhan naman ang mga ito sa akin at medyo nag- enjoy naman akong kausap ang mga ito. Masarap din pala nang may makakausap. Wala talaga akong masasabing kaibigan, wala akong halos nakakausap.
Mayamaya, nagsimula nang umorder ng alak ang mga kasama ko. Hindi ako sanay uminom ng alak kaya tinanggihan ko ang offer nila sa akin. Pero pinipilit ako ni Larah, hindi naman daw malakas ang tama ng alak na inorder nila, kaya pinagbigyan ko na lang ang kaibigan ko ng ilang shot. Agad kong naramdaman ang epekto ng alak sa katawan ko, pero kaya ko pa naman.
"Friend, sandali lang ako ha! Pupunta lang ako sa restroom. Sina Nick at Mark muna ang bahala sayo." Paalam ni Larah sa akin. Isang tango lang ang ginawa ko. Hindi ko na kasi maintindihan ang naramdaman ko. Maliban sa medyo nahihilo ako, mainit pa ang pakiramdam ko.
"Are you okay?" Tanong ni Mark sa akin.
"I feel hot." Ang nasabi ko. Nagkatinginan sina Mark at Nick. Kitang- kita ko ang ngitian nila saka bumaling sa akin si Mark.
"Halika! Sumama ka sa aming dalawa." Si Mark na hinawakan ang kamay ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Diba, nag- iinit ka? May alam kaming gamot dyan." Si Nick.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Init na init ako kahit malamig naman dito sa loob ng bar. Pero kahit hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, matino pa naman ang isip ko.
"Hali kana, sumama ka na sa akin." Humigpit ang hawak ni Mark sa kamay ko na para bang pinapatayo nya ako.
"Ano ba? Bitawan mo ako? Bakit ako sasama sayo? Ngayon ko lang kayo nakilala?" Galit na sabi ko dito. Nasabi ko pa bago ako mawala sa katinuan ko dahil sa kakaibang naramdaman ng katawan ko.
"Sumama ka na sa amin. Wag ka nang pakipot." Ani pa ni Nick, at hinawakan na rin ako nito.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa akin sa kamay ng mga ito kaya ako sumigaw para makaagaw ako ng pansin sa kahit sino.
Ewan ko kung ano ang ginawa nila pero hindi ako tanga para hindi ko makuha na may plano silang masama sa akin. May inilagay kaya sila sa inumin ko? Are they drugged me? Kailangan kong makawala mula sa kanila bago pa mawala ang katinuan ko.
"Bitawan nyo sya." Galit na boses ng isang lalaki. Napatingin ako dito at nakahinga ako ng maluwag nang si Keiro ang nakita ko.
"Pare, wag kang mangialam dito. Girlfriend ko ito." Si Mark.
"H- Hindi kita boyfriend. B- bitawan mo ako!"
Nagsimula nang umepekto pati sa katinuan ko ang druga na pinainom nila sa akin.
"Stay away from her." Hinawakan ako ni Kiero.
"K- Kiero, h- help me!" Parang nagsimula nang mag- iba ang paningin ko.
"Pare, umalis ka! Wag kang mangialam dito kung ayaw mo ng gulo. Girlfriend ko ito at iuuwi ko na ito."
Naging blurred na ang paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Basta nakita kong may lumapit sa aming na dalawang lalaki na malalaki ang mga katawan. Ang huli kong naalala ay kinarga ako ni Kiero.