It's a Mistake!

1291 Words
------ ***Athena’s POV*** - Mabigat ang talukap ng mga mata ko kaya kahit gising na ako, hindi ko pa rin kayang ibuka ang mga ito. Masakit ang aking ulo, pati na katawan ko lalo na sa gitnang bahagi ko na syang pinakamaselan bahagi ng aking katawan. Hindi ko maintindihan kung bakit ko naramdaman ang ganitong pananakit ng katawan ko. Wala akong maalala sa kung ano ang nangyari sa akin kagabi, maliban sa kasama ko si Larah, then nagpaalam ito sa akin. Pagkatapos nito, hindi na malinaw sa akin ang mga sumunod na pangyayari. Mayamaya, mabilis kong naibuka ang mga mata ko nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Pagbuka ng mga mata ko, saka ko pa lang napagtanto na may katabi pala ako. Kinakabahan ako ng sobra. I wasn’t born yesterday, so I know exactly what happened to me, especially when I realize that I have nothing on beneath this large blanket—neither does the man lying next to me. I don’t even know who he is. I can’t bring myself to look at him. I’m terrified. I can feel the trembling in my body, every muscle shaking with fear. Agad na napatulo ang luha ko sa nangyari. Sobra akong nasaktan. Hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng boyfriend, ang mahalikan, pero nawala na sa akin ang pinaka- iingatan kong pagk*babae. Nawala dahil sa nilinlang ako ng kaibigan ko. Hindi ko lubos akalain na magagawa ito ni Larah sa akin. Buong akala ko, kaya ito nakipagkita sa akin dahil sa may problema itong dinadala, may plano pala itong masama sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ito ni Larah sa akin? Sa pagkaalala ko, wala naman akong kasalanan dito. Kaya sobrang nasaktan nga ako noon nang tinalikuran nito ang pagkakaibigan naming dalawa. Gumalaw muli ang lalaking katabi ko. Mas lalong tumindi ang pag- iyak ko. Hindi ko alam kung paano ko matanggap ang nangyari sa akin. I want to walk away, but my body refuses to move. I’m paralyzed, not just by the physical pain coursing through me, but by the crushing weight in my chest. My heart feels shattered, and the intensity of the ache is overwhelming. I’m consumed by weakness, as if every bit of strength has drained from my body, leaving me helpless. It feels like my entire world has crumbled, and I’m powerless to pick up the pieces. “Athena!” Nagsalita ang lalaking nasa tabi ko. Pamilyar sa akin ang boses nito. Kaya naglakas loob na ako na tignan kung sino ang lalaking nakakuha sa v*rginity ko. --- Magkaharap kaming naupo ni Kiero. Tahimik lang kaming dalawa. Alam kong tulad ko, wala din syang maisip na pwedeng sabihin. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala ni isa ang gustong bumasag sa katahimikan naming dalawa. “Athena!” basag ni Kiero kalaunan sa katahimikan naming dalawa. Bumuntong- hininga sya. Ramdam ko ang bigat ng kanyang kalooban. Napatingin ako sa kanya, hindi ko pa rin magawang magsalita. Kinakabahan ako. Ang lakas ng t*bok ng puso ko, na parang may nagkakarera na mga kabayo sa loob nito. Hindi ko magawang makipagtitigan kay Kiero pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa kagabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa katotohanan na sya ang lalaking nakakuha sa akin. Isa lang ang alam ko, gusto kong umiyak. Gusto kong humahagulhol sa pag- iyak. "I'm asking for forgiveness for what happened last night. I didn’t mean for it to happen, Athena. You were under the influence of a drug, and I was a bit drunk. It just happened, and only now am I realizing the gravity of the mistake I made. The events of that night aren’t entirely clear to me either." Aniya. Tuluyan nang namasa ang mga mata ko. Naramdaman ko ang sobrang pagsisisi sa tinig nya. “Dinala lang kita dito para makapagpahinga ka ng maayos. Hindi kita pwedeng iuwi dahil sa nagsimula nang umepekto ang druga sa katawan mo. I tried to call your parents, but I can’t reach them. Then it happened, Athena.” Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto kong malaman. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang plano nya pagkatapos nang nangyari sa aming dalawa pero hindi ko mahagilap ang salita ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko. Kinalma ko ang aking sarili. Gusto ko syang tanungin. Gusto kong malaman kung ano ang plano nya. Naramdaman naman siguro nya na sya ang unang lalaki sa buhay ko. “A- Anong plano mo ngayon, Kiero?” lakas loob na tanong ko kay Kiero. Hindi ko alam kung ano ang iisipin nya sa tanong ko pero kailangan kong malaman kung may plano ba sya pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa. “P- Plano?” “Gusto ko lang mala-----” “Honestly, wala akong plano, Athena.” Napatayo sya, palakad- lakad, halatang namumublema sya. Nasundan ko lang sya ng tingin. “I can’t marry you, Athena. Hindi kita mahal. Si Airah ang mahal ko, sya ang gusto kong pakasalan at hindi ikaw.” Nag-init na naman ang bawat sulok ng mga mata. Pero pinigilan ko ang maiyak na naman. Hindi naman sa umasa ako kahit pa may nangyari sa aming dalawa, masyado lang akong nasaktan sa mga salitang lumalabas sa labi nya. Parang tinataga nya ang dibdib ko sa mga sinasabi nya. “I’m sorry to say this but what happened between us last night is just a mistake. Malaking pagkakamali. I am saving you from those bastards. Sana naintindihan mo na biktima lang din naman ako. I am so sorry, Athena. Iyan lang ang naisip kong sabihin sayo.” Even though I felt utterly drained, I summoned every ounce of strength to stand up. I had to get away before he could say anything else that would cut even deeper. I was already carrying so much pain. It hurts to think that what happened between us was nothing more than a mistake in his eyes. It feels as if he didn’t give an importance of the purity that he took from me. It’s as if my feelings meant nothing to him, and that realization pierces me in a way I never expected. I want to scream in frustration and sorrow, but all I can do is walk away and try to forget. “Athena---” Pinilit kong humakbang para umalis na pero hinawakan nya ang braso ko kaya napahinto ako. Napatingin ako muli sa kanya. Namamasa na ang mga mata ko. “Sana walang makakaalam sa nangyari. Sana sa ating dalawa lang ito. Ayaw kong magkasiraan kaming dalawa ni Airah dahil dito. Nakikiusap ako. Mahal ko si Airah.” “Kalimutan na natin ito, Kiero.” Tanging nasabi ko, parang isang tinik ang bawat litra na mas lalong nagdulot ng pananakit sa akin. Agad akong tumalikod sa kanya. Kunting- kunti nalang at tuluyan nang malaglagan ang luha ko. Hindi nya pwedeng makita muli ang pagluha ko. “Salamat.” Binitawan naman nya ako. Humakbang ako muli. Kahit nanghihina ako, kahit nahihilo ako, pero pinilit kong makahakbang. Gusto ko nang umalis. Ayaw ko nang makaharap pa si Kiero. Bago ako tuluyan nakalayo, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Kiero, sinagot naman nya ito. Napahinto ako nang narinig ko ang pinag- uusapan nila ng nasa kabilang linya. Nagdulot ng matinding pagkaalala sa akin ang narinig ko kaya ako napalingon kay Kiero. “A- Anong nangyari?” “Si Airah--- may nangyari kay Airah!” “Anong nangyari sa kapatid ko?” sobra akong nag- aalala sa narinig ko. “God, kasalanan ko ang nangyari kay Airah. Sa pagliligtas ko sayo Athena--- si Airah ang napahamak. Si Airah ang napahamak dahil sayo Athena! She--- she was rap*d. She was rap*d by her ex- boyfriend!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD