-------
***Athena’s POV***
-
Pinili kong wag tuluyang lumapit sa pamilya ko, kaya nakatago lang ako sa gilid na bahagi ng pinto.
Pinalilibutan ng pamilya ko si Airah. Lahat sila ay ang nag- alala kay Airah pati na si Kiero na hinawakan agad ang kamay ni Airah nang tuluyan na syang nakalapit dito.
Agad na nag- init ang sulok ng mga mata ko, dahil sa agad akong nakaramdam ng matinding pagseselos. Galit nga ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang makaramdam ng ganito, kailangan naman talaga ni Airah ang suporta dahil sa nangyari dito. Ito ang napahamak. Kaya hindi ako dapat makaramdam ng ganito.
“Hinintay kita kagabi Kiero pero hindi ka dumating. Hanggang sa dumating si Jordan, nilinlang nya ako, sinabi nya na mag- uusap lang kami. May ibinigay sya sa akin na alak. Masyado akong ignorante. Wala akong kaalam- alam na may mga druga pala na pwedeng ilagay sa alak. Napaka- ignorante ako. Bakit ba napaka- ignorante ko sa mga ganito? Kaya napagsamantalahan tuloy ako.” Umiiyak na sabi ni Airah kay Kiero.
“Airah, wag kang magsasalita ng ganyan. Kung ignorante ka man sa mga ganyan, dahil iyon sa isa kang mabuting babae anak. Kahit pa sa nangyari sayo, ipinagmamalaki ka pa rin namin.” Si mommy, umiiyak din ito.
“Paano na ngayon? Nawala na sa akin ang pinaka- ingat- ingatan kong pagk*babae. Pakiramdam ko hindi na ako karapat- dapat para sa kahit sinong lalaki.” Napahagulhol si Airah. B*rhen pa ba talaga si Airah bago ang nangyari kagabi? “Kaya maintindihan ko kung iiwan mo na ako Kiero. Dahil hindi na ako karapat dapat para sayo. Hindi na ako dalisay, malayo na ako sa babaeng gusto mong pakasalan dahil hindi na ikaw ang una sa akin. Please, wag mo sanang sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko, kasi naghintay pa ako sayo. Sana umuwi na lang ako at hindi na nakipag- usap pa kay Jordan.”
“Please, don’t cry, Airah!” si Kiero at pinunasan nito ang luha nang humahagulhol na si Airah. “It’s not your fault. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito sayo.”
“Please, hindi mo kasalanan Kiero. Wag mong sisihin ang sarili mo.”
“Don’t worry, sisiguraduhin ko na magbabayad ang Jordan na yon. Hindi nya matatakasan ang batas. Sisiguraduhin ko na mabubulok sa kulungan ang lalaking iyon.”
“No! Please Kiero, wag mo nang palakihin ito. Nakikiusap ako.” Nagsusumamo ang tinig ni Airah kay Kiero.
Napakunot- noo ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Airah na magkaroon ng hustisya ang ginawa ni Jordan sa kanya.
“Pero bakit Airah? He rapes you. He needs to pay of what he did to you. Kailangan nyang makulong.”
“Dahil ayaw kong malaman pa ng iba ang ginawa ni Jordan sa akin, ayaw kong makilala ako ng mga tao bilang biktima ng rape. Maraming mapanghusga. Please, ayaw ko nang palakihin ito. Mahalaga sa akin ang dangal ko at ayaw kong mas lalong dungisan pa ito dahil sa mga mapanghusgang tao. Please! Please! Ayaw ko Kiero.” Umiiyak na sabi ni Airah. Kung pagbabasehan ko ang boses ni Airah habang umiiyak, mukhang totoo naman ang sinasabi nito. Ramdam ko yong sakit sa tinig nito.
“Kami ang magdedesisyon para sa anak namin, Mr. Montreal. Naintindihan namin ang desisyon nya na ayaw na nyang palakihin ito.” Si daddy, mabanaag ang galit sa tinig nito. “Kung nagbago ang pagtingin mo sa anak namin. Naintindihan namin. Iwan mo nalang ang anak naming ng tahimik, kami na ng pamilya ko ang bahala sa kanya.”
“Ayaw namin na mas masaktan pa ang kapatid naming dahil sa ito na nga napahamak, ito pa ang huhusgahan.” Si Kuya Carlo, medyo galit din ang tinig nito.
“Pinainom ng druga ang kapatid namin, hindi nya alam ang ginagawa n’ya. Marami ang nakakita na sumama sya sa walang hiyang Jordan na yon. Kahit pa may mga pasa sa katawan ang kapatid ko. Huhusgahan pa rin ang kapatid namin.” Si Kuya Troy naman. Medyo galit din ito.
“Dad, kuya, please wag naman kayong magalit kay Kiero.” Umiiyak pa rin si Airah.
“Nakikiusap ako Kiero ijo, kung hindi mo na matanggap ang anak namin, maintindihan naman namin. We have to deal this as family. Nakikiusap kami na wag na itong palakihin pa. Naniniwala naman kami na mapaparusahan din ang walang hiyang Jacob na yon sa ginawa n’ya sa anak namin.”
Nasaktan ako sa narinig ko. Kahit pa may hinanakit ako kay Airah pero kapatid ko pa rin ito, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na kahit anong mangyari, pareho pa rin ang dugo na nanalaytay sa ugat naming dalawa.
Pareho lang naman ang nangyari sa aming dalawa. Nawala din sa akin ang pinaka- iingatan ko sa lahat. Hindi ko man masabi na na- rape ako pero wala din ako sa sariling pag- iisip nang nangyari iyon. Hindi pa rin ako proud sa nangyari kahit pa si Kiero ng lalaking nakasama ko kagabi. Pero si Airah, nagawa syang saktan ni Jordan physically. Hindi na nga dinungisan nito ang pagk*babae ng kapatid ko, sinaktan pa nito ng physical si Airah.
Naninigat ang dibdib ko. Kailangan kong umalis para makalanghap ng hangin, parang sinasakal ako dito. Hindi ko mapigilan isipin na may kasalanan ako sa nangyari kay Airah. Kung hindi lang sana ako nagpaloko kay Larah, baka hindi mangyari sa aming dalawa ni Kiero ang nangyari kagabi, baka napuntahan nito si Airah at hindi sana magahasa ni Jordan ang kapatid ko. Ang sakit isipin na may kasalanan ako sa nangyari kay Airah.
Tulong luha akong humakbang paalis. I was guilty of happened. Kung alam ko lang, sana hindi na lang ako nagtiwala muli sa dati kong kaibigan. Masyado akong desperada na magkaroon muli ng kaibigan kaya kay dali kong naniwala kay Larah. Hindi sana nadungisan pareho ang pagkadalisay naming dalawa ni Airah.
Nang nakalabas na ako, pumunta ako sa tagong pasilyo. Tuluyan na akong napaiyak dito. Sobrang namimigat ang dibdib ko. Napahagulhol ako sa pag- asang mabawasan ang pamimigat dito pero hindi--- ang bigat pa rin sa dibdib ang mga nangyayari. Para kong tinu- torture sa sobrang sakit.
--------
“Kiero, lasing ka na. Itigil mo na itong paglalasing mo.” Ani ko kay Kiero, nagsumamo ang boses at tinig ko sa kanya.
Alam kong wala akong karapatan na mangialam sa kanya pero nag- alala ako sa kanya. Kahit pa sa mga nangyari, pero naging mabait naman si Kiero sa akin bago ang nangyari sa pagitan naming dalawa.
“Wag mo nga akong pakialaman. Sino ka ba ha? Hindi kita kaano- ano, Athena. I just f*ck you for one night and that’s it. You don’t have the right to intervene with me.” Galit na galit na sabi ni Kiero, kitang- kita ko ang galit sa mga mata nya. “And I regretted of f*cking you.”
Nag- init agad ang bawat sulok ng mga mata ko dahil sa sinabi ni Kiero. Agad na namasa ang mga mata ko. Sobra akong nasaktan sa mga salitang binitawan ni Kiero. Pakiramdam ko, hindi nya binigyan ng halaga ang pagk*babae ko.
“I’m sorry, Kiero.” Tulong luha kong sabi kay Kiero. Kung ano man ang kinagalit nya sa akin, gusto kong humingi ng tawad sa kanya.
“Sorry?” insulto syang tumawa. “Yes. You should be. Dahil kasalanan mo naman lahat. Kung alam ko lang na ang maging kapalit sa ginawa kong pagligtas sayo mula sa mga lalaking iyon ay ang puri ni Airah, sana pinabayaan na lang kita. Hindi ka naman ganun kahalaga sa akin. If will be easier for me to accept that you are the one that was raped than Airah. Now, stay away from me Athena, I don’t want to see your f*cking face ever again. Isang malaking pagkakamali ang pagligtas ko sayo."
Sunod- sunod na sa pagtulo ang luha ko. Napakasakit ng mga salitang nanulas sa labi ni Kiero. Para akong pinapatay ng paulit- ulit sa bawat litra.
Alam ko na may kasalanan ako. Aminado naman ako dito. Pero kahit pa may kasalanan ako sa nangyari, biktima lang din naman ako. Isa lang din akong biktima, hindi ko kagustuhan ang nangyari kay Airah. Hindi!