Tears under the Rain!

1513 Words
-------- ***Athena’s POV*** - Nanghihina ako sa narinig ko kay Kiero. Kaya nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad ako palabas ng bar. Wasak na wasak ang puso ko. Sa paglabas ko, agad na sumalubong sa akin ang madilim na paligid. Tanging ilaw lang na nagmula sa poste at ilang establishment ang nagbigay liwanag sa madilim na gabi. Napatingin ako sa ulap nang naramdaman ko ang bahagyang patak ng ulan. Kasabay sa patak nito ay ang pag- agos din ng aking luha mula sa aking mga mata. Mayamaya, nakita ko na gumuhit ang marka ng kidlat sa sinundan pa ng dumadagundong na tunong ng kulog. Pero hindi ko man lamang alintana ang pagsama ng panahon. Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang nagbabadha na malakas na ulan. Nagsimulang umihip ang malamig at malakas na hangin. Niyakap ko ang aking sarili para maibsan ang ginaw na aking naramdaman. At kung sana mabawasan din ang kalungkutan na naramdaman ng nanlalamig kong puso. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buong paligid, naglalakad ako sa ilalim ng ulan na walang tiyak na direksyon. Kasabay ng buhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng aking luha. Masyado akong nasaktan sa mga salitang binitawan ni Kiero. Para nagkapira- piraso ang puso ko sa katotohanan na pinagsisihan nya ng sobra ang ginawa nya sa akin ng gabing iyon. Hindi lang nya ito pinagsisihan, hiniling pa nya na sana ako na lang ang napahamak ng gabing iyon at hindi si Airah. At ito ay nagdulot ng malaking sugat sa aking puso. Hindi ko hiniling kailanman na mapahamak si Airah, hindi ko kagustuhan ang nangyari sa akin ng gabing iyon. Masyado akong nagtiwala sa isang tao na kahit tinalikuran ako ay tinuturing ko pa rin na isang kaibigan. Pero bakit--- bakit kong makapagsalita si Kiero ay parang kasalanan ko pa ang lahat? Nakuha din naman nya ako ng gabing iyon na tulad ng ginawa ni Jordan kay Airah. Magkatulad lang din naman ang nangyari sa aming dalawa ni Airah. Napatigil ako. Naninigas. Nakarinig kasi ako ng busina ng sasakyan. Napatingin ako. At liwanag mula sa papalapit na sasakyan sa akin ang sumalubong sa paningin ko. Kahit gusto kong umiwas pero hindi ko magawang kumilos, hindi ko magawang ihakbang ang naninigas kong mga paa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinintay kung kailan tumama ang sasakyan sa katawan ko. Kahit masakit, pero tinanggap ko na ang katotohanan na maaaring ito na ang maging katapusan ko pero ilang sandali, hindi tumama sa katawan ko ang sasakyan kaya naibuka ko ang aking mga mata. “Ano ba miss, magpapakamatay ka ba?” galit na tanong sa akin ng driver ng kotseng tatapos na sana sa buhay ko. “Kung gusto mong magpakamatay, wag mo akong idamay. Tumabi ka nga.” Kahit nanghihina at nanginginig hindi dahil sa malamig na panahon kundi dahil sa takot na naramdaman, pinilit ko pa rin humakbang para makapunta sa isang gilid. Dito na ako napaupo sa lupa at napahagulhol na ako. Akala ko katapusan ko na pero nahinto pa rin ng driver ang kotseng minamaneho nito. Takot na takot ako. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin ako. Ang lakas ng kabog ng puso ko na parang papalapit pa rin sa akin ang kotseng babangga sana sa akin kanina. Naninikip din ang dibdib ko, dahilan na parang kinakapos din ako sa paghinga. Ano bang ginagawa ko ngayon? Bakit ba ako nagkaganito? Alam kong sobra akong nasaktan sa nangyari, pero sapat na ba iyon para ipapahamak ko ang aking sarili? Muntikan na akong madisgrasya dahil sa hinayaan ko ang aking sarili na magpadala sa sobrang sakit. Hindi ako dapat nagkaganito ngayon. Dapat kong ayusin ang sarili ko at baka sa pangalawang pagkakataon na mapahamak ako, hindi na ako maliligtas pa. Nanginginig ako. Basang- basa ako ng ulan. Pero pinilit kong tumayo at ayusin ang aking sarili. Kailangan kong tatagan ang aking sarili. Sanay na akong nasasaktan simula pa noong bata ako, kakayanin ko din ang sakit ngayon. Pagkatapos ng halos isang oras ay tuluyan na rin akong nakarating sa bahay. Agad kong binuksan ang pinto. Pagpasok ko, agad na sumalubong sa paningin ko ang galit na galit na mukha ng aking mga magulang. Aminado ako na kinakabahan ako dahil sa matalim na titig nila sa akin. Kahit namimigat ang aking mga paa pero humakbang pa rin ako papasok. Nakailang hakbang pa lang ako, isang malakas na sampal agad ang sumalubong sa akin mula sa aking ama. Muntikan na akong matumba kung hindi lang ako nakahawak sa dahon ng pinto. “Bakit po? Ano pong nagawa kong kasalanan?” tulong luha na tanong ko sa aking ama. Mas lalong naninikip ang dibdib ko dahil sa ginawa ng aking ama sa akin. “Walang hiya ka! Napakalandi mong bata ka!” ang aking ina, nanlilisik ang titig n’ya sa akin. “Ikaw ang may kasalanan kaya napahamak ang kapatid mo. Akala mo ba na hindi naming malalaman na nilalandi mo si Kiero ng gabing iyon at kaya hindi ito nakapunta sa usapan nilang dalawa ni Airah. Kasalanan mo ang nangyari sa kapatid mo. Walang ibang dapat sisihin kundi ikaw lang.” galit na galit na sabi ng aking ina. Nasapo ko ang bahagi ng aking pisngi na nasampal ng aking ama. Ang aking luha naman ay parang malakas na ulan na umagos mula sa aking mga mata. “Patawad mom and dad pero biktima lang din ako. Hindi ko kagustuhan ang nangyari kay Airah. Hindi ko nilalandi si Kiero. Tinulungan lang ako ni Kiero ng gabing iyon. Kung wala si Kiero, baka napahamak na rin ako. Hindi ko----” “Walang nagsabi sayo na pumunta ka sa isang bar at makipaglandian sa mga lalaki doon. Kung napahamak ka man, iyon ay kagustuhan mo. Pero si Airah ang napahamak dahil sayo. Ang inosente mong kapatid ang napahamak dahil sayo.” Ani naman ng aking ama sa galit na galit din na tinig. Sobrang naninikip ang dibdib ko sa narinig ko sa kanila. Bakit ba wala silang simpatiya sa akin? Biktima lang din naman ako. Hindi ko naman kagustuhan ang nangyayari. “K- Kung saka- sakali ba na ako ang napapahamak, na ako ang nagahasa ng dalawang lalaki na naglagay ng druga sa inumin ko, mararamdaman ko din ba ang pagkaalala, ang pagmamalasakit, ang pag-aaruga, ang pagmamahal at suporta na ipinaramdam nyo ngayon kay Airah? Kung saka- sakali ba na hihingin ko sa inyo na gusto ko ng hustisya, gagawa ba kayo ng paraan para makamtan ko ito?” Lakas loob kong tanong sa mga magulang ko. Tulong luha ako habang palipat- lipat ang tungin ko sa kanila. Ilang segundo pa bago may nagsalita na kahit isa man sa kanila. Tila pinag- iisipan pa nilang dalawa ang maging sagot nila, hanggang ang ina ko ang bumasag sa katahimikan namin na tanging ang mahinang paghikbi ko lang ang naririnig. “Nagahasa ka dahil sa kalandian mo. Habang si Airah ay nagahasa dahil sa nabiktima sya ng isang lalaki hindi makapag- move on mula sa kanya. Pero mas pinili nya ang manahimik at wag ipapahiya ang pamilya natin, pero ikaw—talagang wala kang kwentang anak, gusto mong sirain ang pangalan natin. Alam mo ba kung ano ang maging epekto yang plano mo sa kompanya na syang bumubuhay sa atin. Ang kitid talaga ng utak mo. Ang layo mong mag- isip kumpara kay Airah. Airah sacrificed and didn’t ask for justice para pinaka- iingatang pangalan ng pamilya natin.” Mas lalo nabasag ang puso ko sa sagot ni mommy. Pakiramdam ko kung sa akin pa nangyari ang nangyari kay Airah, ni isa man sa kanila ay walang dadamay sa akin, walang makikipagsimpatiya sa akin. Ang sakit! Sobra akong nasaktan! Parang paulit- ulit na sinasaksak ang puso ko. “M- Minahal nyo ba talaga ako?” Mga katagan na hindi ko mapigilan nanulas sa labi ko. Basag na basag ang puso ko. Ang bigat ng aking paghinga habang hinihintay ang maging kasagutan nila. “Bweset ka talaga!” si mommy at sinugod ako. Itinulak ako nito palabas ng pinto. “Umalis ka. Napakawalang- kwenta mong anak. Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo naming sayo, nagawa mo pa kaming tanungin ng ganyan. Umalis ka. Ayaw muna kitang makita. Dyan ka sa ulan at pagkaisipin mong mabuti ang mga kasalanan mo.” Ipinagtulakan ako ng ina ko palabas ng bahay kahit pa napakalakas ng ulan sa labas. Hindi man lamang ako ipinagtanggol ng aking ama kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad na naman sa ilalim ng ulan. Ginaw na ginaw na ako, pero kailangan kong makahanap ng masisilungan, may pera naman akong dala, kaya napagpasyahan kong mag- check in nalang sa isang hotel. Nagsimula na rin bumaha sa ilang bahagi. Nakatayo ako sa isang gilid habang naghihintay ng taxi na masasakyan pero muntikan na akong napapitlag ng isang kotse ang biglang huminto sa bungad ko. At nanlalaki ang aking mga mata nang nakita ko kung sino ang nagmamaneho ng kotse. Agad kong naramdaman ang matinding takot nang lumabas ito mula sa kotse. “J- Jordan!” napaatras ako, lalo pa at may kutsilyo syang hawak. (Please read the Author's Note!)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD