----- ***Athena's POV*** - "Wag kang lumapit sa akin Jordan. Wala akong kasalanan sayo." Nanginginig sa takot kong sabi kay Jordan. Pati ang aking kalamnan ay nanginginig din. He walks towards me. Napaatras naman ako. I wanted to run but my feet won't cooperate with me. Nangangatog ang tuhod ko. "Wag kang umatras Athena, wala naman akong gagawin masama sayo." "Walang gagawin masama? Ginahasa mo nga ang kapatid ko. Isa kang rap*st!" "F*ck! Hindi ako rap*st! Don't say that. Baka madamay ka pa sa galit ko sa schemer mong kapatid." Mas lalo akong nakaramdam ng takot dahil sa matinding galit na mabanaag sa tinig nya. Kahit takot at nakaramdam na rin ako ng pagkahilo pero sinubukan ko pa rin ang maging mahinahon. Kailangan ko nang malaman kung ano ang kailangan nya sa akin. "I did

