------ ***Athena's POV*** - "Airah Velasquez, God knows, how much, I love you. Will you marry me?" "Yes! Yes, I will marry you Kiero." Umaalingawngaw ang palakpak sa buong paligid pagkatapos mag- proposed ni Kiero kay Airah at tinanggap naman ng huli ang marriage proposal. Inulan sila ng mga pagbati sa mga taong naging saksi sa nangyayaring proposal. Mabanaag ang kaligayahan sa mga mata nina Kiero at Airah, habang hinarap ang mga bumabati sa kanila. Lahat ng masaya para sa kanila maliban lang siguro sa akin. Nasa gilid lang ako, hawak ko ang isang baso na may laman na wine. Habang nakatingin ako sa masayang mukha nina Kiero at Airah, parang paulit- ulit na sinasaksak ang puso ko. Sobra akong nasaktan pero kailangan kong magtiis, wala akong karapatan na magdamdam sapagkat hindi n

