----- ***Athena's POV*** - Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa aking ina dahil sa mga pinagsasabi ni Airah na hindi naman totoo. Hindi ko pa nga nagawang ipagtanggol ang sarili ko pero agad silang naniwala kay Airah. "Anong klaseng anak at kapatid ka? Hindi mo ba nakita na nasa hospital ang kapatid mo? May sakit na nga ang kapatid mo, nagawa mo pang sabihin sa kanya ang ganyang bagay." galit na galit na sabi ng ina ko sa akin. "Kung alam ko lang na ganyan ka lumaki, sana pinatay na lang kita nung nasa sinapupunan pa lang kita." Sapo ko ang bahagi ng pisngi ko na nasampal. Sobrang nanakit ito dahil sa malakas na sampal ng ina ko pero mas masakit ang mga salitang binitawan ng aking ina. Napakasakit na marinig mula sa isang ina ang mga katagan na pinagsisihan nito at ipinan

