------ ***Athena's POV*** - Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng matinding inis dahil sa ginawa ni Kiero kay Abby, pinaasa nya ang aking anak, sana hindi na lang sya nangako dito, hindi din naman pala nya tutuparin. Iba pa naman si Abby, pag pinangakuan ito ay talagang umaasa ito ng sobra. Nangako kasi si Kiero dito na dadalhan nya ito ng chicken joy na galing sa jollibee kaya kahit alas siyete na ng gabi ay hindi pa rin kumakain ang aking anak dahil sa pangako ni Kiero dito. Sinubukan ko nang tawagan si Kiero pero hindi ko ito makontak kaya bweset na bweset ako sa lalaki. "Abby, kumain ka na." Yaya ko na naman sa aking anak. Ito pa lang ang unang beses na hindi pa nakakain ng ganitong oras si Abby, it's already 7:30 pm, doon sa probinsya 6:30 pa lang ay tapos nang kumain ang aking

