-------- ***Third Person’s POV*** - “Sinasaktan mo ang mama namin. Masama kang tao!” Galit na sambit ni Abby, ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na gagawin ng kanyang anak. Bigla itong lumapit kay Kiero, puno ng tapang, at binayo nito ng sunod-sunod na suntok ang lalaki. Dahil sa kaliitan ni Abby, ang kanyang mga suntok ay hanggang tiyan lamang ni Kiero ang inaabot. Hindi man lang nasaktan si Kiero sa ginawa ni Abby dahil sa liit ng mga kamao nito at kawalan ng lakas. Hindi din nagpatalo si Liam. Agad nitong sinundan ang ginawa ng kanyang kakambal. Lumapit din siya kay Kiero at ginaya ang ginawa ni Abby—paulit-ulit s’yang sumuntok na, tulad ng sa kakambal niya, sa tiyan lamang ni Kiero tumatama. Ewan ni Athena kung bakit parang gusto naman nyang matawa, dahil ang tapang ng mga ka

