TOAH 5: AMBROSIO

2245 Words
AMBROSIO Masiyadong malalim na ang gabi nang makauwi ako sa amin. Sana nariyan na ang kapatid kong suwail. Nasa college na ang kapatid kong babae ngunit mas pinili nito ang kaniyang pagbabanda kaysa sa mag-aral. Ayos sana kung nakapagbibigay siya ng pera sa pamilyang ito, pero hindi naman. At kung gusto niya namang mag-aral ay hirap na rin naman kami sa buhay. Mas lalo lamang kaming mababaon sa hirap. Kaloka naman kasi itong life namin na dinaig pa namin ang isang daga. Maswerte ka na lang talaga kung mabuhay ka na mayaman sa mundong ito. “Nariyan ka na pala, kumain ka na muna bago ka matulog,” namumungay pa ang mga mata na wika ni Mama sa akin. “Salamat, ma. Nariyan na po ba si Hazel?” tanong ko. “Wala pa, ewan ko ba riyan sa kapatid mo. Kapag pinagsasabihan ko naman ay ako pa itong nagmumukhang masama,” madamdamin nitong saad. Kahit kailan talaga ay nakaka-imbyerna ang babaeng iyon. Sarap sabunutan. Pero wala naman akong magagawa sa pag-uugali niya. Ma-i-stress lang ang beauty ko. “Hayaan mo na siya, ma. Matatauhan din ‘yang si Hazel.” Hindi na ako pinansin ni Mama at tumalikod na ito sa akin. Napaupo na lamang ako sa upuan pagkatapos ay napasuklay ako sa buhok ko. Napakaswerte naman talaga ni Hazel kasi siya ay pinipilit na mag-aral, samantala ako ay pinipilit nina Mama at Papa na magtrabaho. Ilang sandali pa ang nakalipas nang pumasok ang kapatid ko. Wow, sa wakas ay umuwi na rin ang prinsesa. Tumingin lang ito sa akin at dumiretso ito sa lagayan ng baso para uminom ng tubig. Huwag na lamang siyang mag-talk, dahil masasabunutan ko talaga ang p***y niyang magubat. Imagination kong hinawi ang mahaba kong buhok kahit wala naman ako no’n at maarteng tumayo ako. Sa muli naming pagtitigan ay maarte ko itong inikutan ng mga mata. At palihim na kumendeng-kendeng papunta sa kuwarto ko. “Mukha kang bakla, Ambrosio.” Napabaling ang ulo ko sa kaniya ng 360° dahil sa itinawag niya sa akin. Ayos lamang sa akin na tawaging bakla, beki, badet, pero huwag na huwag mo akong tawaging Ambrosio! Ang merlat na chararat na ito! At hindi talaga siya tumatawag ng kuy—este ate sa akin. “Ano ngayon kung mukha akong bakla? Ikaw nga mukhang galis at puwet ni Dora, hindi ko naman ipinagsabi sa ‘yo.” Sabay talikod ko sa kaniya para hindi na siya makahirit pa. And I know na hindi niya ako kayang sigawan dahil mapapalo ni Mama ang kaniyang p***y, char. Nasa loob na ako ng kuwarto ko, kaagad kong inilapag ang bag ko sa mesa malapit sa kama ko. Maaga akong nagising kinabukasan para ihatid ang request ni Tita Sabel na puto, nagluluto kasi ng puto si Mama para paninda niya at ako naman itong nagde-deliver sa mga suki niya, katulad ngayon na maraming ide-deliver. “Beng, nandiyan ba ang mama mo?” tanong ko sa batang tumutulo pa ang sipon. Tumango ito sa akin pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa loob ng bahay nila. Nang lumabas ang mama niya ay kaagad kong ibinigay ang order nito. “Salamat, Ambong,” anito. Napangiwi ako nang bongga sa isip ko. Ohmai gosh, nakasusuka talaga ang Ambong. Ano ako ambon? Imbes na magtaray ay ngumiti na lamang ako kay Tita Sabel. “Salamat din po. Order po ulit kayo,” ngiting sabi ko. Tumango naman ito. Tumalikod na ako para pumunta naman sa sunod kong de-deliveran, pero halos lumabas ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa nasaksihan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Isang bata ang inilipad sa malayo dahil sa lakas ng impact nang pagkabangga ng isang puting sasakyan ditto. Kaagad na dinagsa nang napakaraming tao ang kinaroroonan ng bata, samantala ang kotseng nakabangga ay mabilis na humarurot ng alis, na parang walang nangyari. Aba! Mukhang tatakas pa ang animal! Mabilis kong inihulog sa lupa ang isang malaking basket na dala-dala ko pagkatapos ay hinabol ko ang nakabanggang sasakyan sa bata. Hindi puwede na makaalis ang may sala! Hindi ako makapapayag na hindi niya mapagbayaran ang pagbangga niya sa isang inosenteng bata. “Bak—Ambong!” Sa paglingon ko ay roon ko rin nakita ang dalawa kong kaibigan, hinahabol rin ng mga ito ang sasakyan na siyang hinahabol ko rin. Hingal na hingal na ako pero hindi ako susuko na mahabol ang sasakyang iyon. Walang kaluluwa ang makagagawa ng bagay na iyon, na hindi man lamang lumabas para tulungan ang bata na nabangga niya. Nakita ko ang short cut na daan kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko. Nararamdaman ko na ang pawis ko sa noo at leeg pero isinawalang bahala ko na lamang iyon. Kaagad akong lumiko sa kanan. Kalerkey naman ito, pagoda tragedy na ang beauty ng mama niyo, pero kerebels pa rin para mahabol ko lang ang salbahe na nagda-drive ng sasakyan. Halos lawit na ang dila ko nang mabilis akong humarang sa daan para huminto ang sasakyan. At halos sambahin ko na ang lahat ng mga diyosang katulad ko na nasa buwan, kung sakaling hindi ito huminto ay baka matulad ako sa bata. Thank you Father rainbow Lord sa pagligtas sa maganda kong katawang lupa. “Jusme, baks ang bilis mo. Runner ‘yarn?” hinihingal na saad ni Adolpho sa akin, ganoon din naman si Agapito na hindi na makapagsalita dahil sa hingal. Napakunot pa ang noo ko dahil ang weird ng mga mukha nilang dalawa sa paningin ko, parang nag-gi-glitch ang mga ito sa paningin ko. Kaagad kong inalog ang ulo ko, baka kasi may problema lamang sa mga mata ko. Kinusot-kusot ko pa iyon pero ganoon talaga ang mga mukha nila. Gosh, hayaan na nga. Ako na ang lumapit sa may bintana at kinatok ko iyon. Ilang beses akong kumatok pero walang nagbubukas. Hanggang sa mas nilakasan ko pa lalo ang pagkatok na parang mababasag na ang salamin, pero napahinto ang kamay ko sa ere nang bumukas nang mabagal ang bintana ng sasakyan. Naghintay ako nang ilang sandali para masinghalan ko kaagad ang warla na ito. At masapak ito ng bonggang-bongga, tipong manghihiram na siya ng mukha sa aso. Ang sarap din nitong banggaan ng ilang beses para maalog ang utak niya. “Lumabas ka ri—” hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko nang makita ko ang nasa loob ng sasakyan. Lumaki ang dalawa kong mga mata nang sandaling makita ko ang nakasakay rito. Naaagnas ang kaniyang mukha at pulang-pula ang kaniyang mga mata. Ngumisi ito sa akin kaya bigla akong pinagpawisan ng malapot. Kaagad kong tiningnan kung saan ang mga kaibigan ko pero wala akong makita kahit ni isa sa kanila, nasaan na ba sila? Mga maderpaker ng taon! Ang bilis nilang tumakbo palayo. Sa takot ko ay napasalampak ako sa lupa. Bumukas ang pintuan ng sasakyan, pagapang akong lumayo at nang makatayo ako ay mabilis akong tumakbo. Anong klaseng nilalang iyon? Totoo ba ang dem*nyo? As in nakakita nga ako ng dem*nyo? “Jusme, Father rainbow Lord, hindi mo naman sinabi sa akin na dem*n pala ang nasa loob ng sasakyan? Nananaginip ba ako?” Nang huminto ako sa gilid ng kalsada ay kaagad kong sinampal ng napakalakas ang mukha ko. “Ouch!” daing ko. Naramdaman ko naman ang sakit kaya ibig sabihin ay totoo nga ito. Naupo na lamang ako sa gilid at tiningala ang kalangitan na kulay asul. End of the world na ba? Mawawasak na ba ang sangkatauhan? Lord, ‘wag muna please, hindi pa ako nakatitikim ng jumbo! Hindi pa ako nagkakaroon ng love life. Napatayo ako nang biglang dumilim ang kalangitan at isang napakaliwanag na bagay ang napakabilis na bumubulusok sa ibabaw ng kalangitan. Hindi ko kayang tingnan ang liwanag dahil sa masakit ito sa mata. “Ano kayang klaseng bagay iyon?” wala sa sariling kong banggit. Kitang-kita ng mga mata ko ang isang kulay asul na apoy na bumulusok sa kalupaan. Ang kasunod na narinig at nakita ko ay isang napakalaking apoy at malakas na hangin ang sumalpok sa katawan ko, dahilan na tangayin ako at ang pagtama ng katawan ko sa isang matigas na bagay sa likuran ko. Kasabay nang pag-ulan ng napakaraming apoy sa kapaligiran. Ouch, ang likod ko. “Ambong! Ambong! Gumising ka na!” Napamulat ang mga mata ko at kaagad na bumungad sa paningin ko ang cheapangga kong kapatid. Sa inis ko ay kaagad ko itong sinabunutan ng buhok pero char lang ‘yon. Napahawak ako sa mukha ko. Panaginip lang pala iyon. Salamat naman. “Bilisan mo na riyan dahil magde-deliver ka pa raw ng mga panindang puto ni Mama,” anito. Napaunat ako ng mga braso ko saka ko iniligpit ang pinaghigaan ko. Jusko, parang totoo talaga ang panaginip na iyon. Nang matapos na akong maglinis sa katawan ko ay bumaba na ako para mag-almusal. Kaagad kong nadatnan si Mama na inaasikaso ang pagkain ng kapatid ko. Psh, ano ka baby? Hindi ako nagsalita at nagtimpla na lamang ng kape. Naupo ako sa katabing upuan ng kapatid ko. “Bilisan mo riyan para mas maaga mong matapos ang pagde-deliver ng mga puto at nang hindi ka ma-late sa trabaho mo,” aniya ni Mama. Tumango na lamang ako dahil wala talaga ako sa mood na makipag-usap ngayon. “Alis na po ako, ma,” matamlay kong paalam sa nanay ko. Hindi na ako nakapagpaalam kay Papa dahil nasa katabi na naman namin itong kapitbahay, nakikipagsugalan sa nanay ni Agapito. “Sige, ingatan mo iyang mga paninda ko dahil malalagot ka sa akin kapag hindi mo maihatid ng maayos ang mga paninda ko sa mga suki ko,” sermon pa nito sa akin. Hindi na lamang ako sumagot at tumalikod na lamang. Una kong inihatid ang puto kay Tita Sabel. “Salamat Dong. Ang sipag niyo talagang magkakaibigan.” Ngumiti na lamang ako rito at nagpasalamat na rin. Dalawang bahay na lamang ang hahatiran ko nang makasalubong ko si Linda na patay na patay sa kaibigan kong si Adolpho. Naalala ko pa dati ng mga bata pa kami ay ito iyong hindi nagsusuot ng panty at palaging hinihigop ang sipon sa ilong, eww talaga! Kumekendeng pa itong lumapit sa akin, suot ang pekpek short shorts niya at pinaresan ng crop top. Shemay, syempre hinding-hindi magpapatalo ang isang diyosang naninirahan sa planetang Earth na katulad ko. “Nakita mo ba si Baron?” sobrang liit ng boses na tanong niya sa akin. Ang sarap talagang sapakin ng pisngi ng bruhildang ito para naman magpantay ang pagkapula ng pisngi niya. “Hindi ko nakita,” walang ganang sagot ko rito. “Sige, kung wala ka ng kailangan ay aalis na ako dahil may kailangan pa akong puntahan,” sunod ko pang sambit. “Hindi ako naniniwala na hindi mo alam kung nasaan siya,” giit pa nito. “Pake ko ba kung hindi ka naniniwala,” bagot kong wika pagkatapos ay nilagpasan ko ang cheapangga na habol nang habol sa kaibigan ko. Like duh, ang eww kaya. Hinding-hindi siya papatulan ng kaibigan ko dahil pareho naman sila ng hanap. Hindi pa man ako nakakalayo nang hawakan nito ang braso ko kaya parang naging isa akong uod para lang makawala sa paghawak sa akin ng bruhildang ito. “Sandali nga... kapag kinakausap kita, huwag na huwag mo akong tatalikuran!” galit na anas nito. Malakas kong iwinaksi ang maruming kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Huwag mo akong hawakan, hindi tayo close. At isa pa, huwag mo akong guluhin dahil marami pa akong gagawin. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maingudngod kita sa tae ng kalabaw.” Kaagad naman itong bumitaw sa akin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad ko. Pag-uwi ko ay kailangan kong mag-sanitize ng buong katawan, baka kasi nahawaan ako ng germs ng isang Lindayot. Pauwi na ako sa bahay nang makasalubong ko ang isang lalaki na tinututukan ng matalim na kutsilyo ang isang babae. “Akin na iyang bag mo kung ayaw mong butasin ko ‘yang gilid ng tiyan mo!” malakas na sigaw nito kaya sa takot ng babae ay napasiksik naman ito sa gilid. Sumenyas ako sa babae na huwag magpahalata na nakikita niya ako. “Please po, maawa na po kayo sa akin. Sa pampaggamot pa po ito ng aking inang,” pagmamakaawa nito. Nakaiinis lang na may mga taong gumagawa ng masama para mas mapadali ang kanilang buhay sa mundong ito. “Huwag ng maraming satsa—” kaagad kong hinampas ang isang maliit na kahoy sa likod ng lalaki. “Putang—” mabilis ko siyang binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha dahilan na mapaatras ito. Gumanti ito ng suntok at natamaan ako sa braso ngunit kaagad din naman akong nakaganti sa kaniya. Hanggang sa isang malakas na hampas ang naramdaman ko sa aking batok kung kaya ay natumba ako sa semento. Nakita ko ang babae na tinulungan ko. Ito pala ang humampas ng malaking kahoy sa likod ko. Malalakas na tadyak ang natanggap ko mula sa lalaki, hanggang sa maramdaman ko na lamang ang pagbaon ng kutsilyo sa aking tagiliran. Kinapkap ng babae ang pantalon ko na naglalaman ng mga bayad sa mga puto na niluto ni Mama. Nakangisi nitong tinapik ang pisngi ko. “Sa susunod ay huwag ka ng makialam boy,” ngisi na wika nito. Magkasama pala silang dalawa. Napakuyom ang mga kamao ko at pumikit na lamang ako dahil sa inis at sakit na nararamdaman ko sa aking tagiliran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD