Part 8

2017 Words

EKSAKTO alas-otso ay nasa opisina na si Yssa. Pag-upo pa lang sa likod ng mesa ay dinampot na niya ang tissue at alcohol. Hindi pa niya tapos linisin ang glass top ay tumunog na ang intercom. Mula sa linya ni Mike ang tawag. Napakunot ang kanyang noo. Wala siyang kamalay-malay na nauna pang dumating sa kanya si Mike. Karaniwan nang dumarating ito nang alas-nuwebe. “Yes, good morning.” “‘Morning,” salat sa siglang tugon ng binata. “Please, come over here.” “Right away,” aniya. Hindi niya gustong pansinin ang katamlayan nito. Mabibilang sa daliri ang mga ganoong pagkakataon at mas gusto niyang kumbinsihin ang sarili na inaantok pa ito kaya ganoon ang tinig. Pipihitin na lang niya ang pinto papasok sa kuwarto nito nang may maalala. Kinuha niya ang bag. Inilabas doon ang singsing at saka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD