KUNG hindi pa sa pagkatok ni Mike ay hindi siya magigising. Hindi niya akalaing mapupuyat pa siya sa pagbabalik sa nakaraan. Inabot tuloy siya ng pangangantiyaw ng binata. “Baka nananaginip ka pa niyan,” anito nang makapasok sa unit. “Sandali lang ako,” aniya at muling pumasok sa kuwarto. Ilalapat na lang niya iyon nang sumungaw. “Make yourself coffee. Pakidamay mo na rin ako.” Mabilis siyang naligo. Iyon na nga ba ang weakness niya kaya gabi pa lang ay inihahanda na niya ang isusuot. Lagi na ay may tendency siya na tanghaliin ng gising. At kabawasan na sa oras niya ang preparasyon niyon gabi pa lang. May pagmamadali rin sa kilos niya nang magbihis. Nang lumabas siya ng silid ay bitbit na niya ang inempakeng gamit. Noon pa lang sinalinan ni Mike ang kanyang tasa ng kape. “Thanks,” awt

