An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes.
Patuloy na umiikot ang aking paligid dahilan para mapapikit ako. Maingat akong pinaupo ni Senyorito mula sa pagkakahiga. Kinuha niya ang kaliwang braso ko at naramdaman kong isinabit niya ito sa kaniyang malapad na balikat. Tinulungan niya akong makatayo.
"Ang bigat mo, Sabio!" dinig kong nahihirapang usal niya. "Mabalian pa yata ako ng buto dahil sa iyo!"
Unti-unti kong naramdaman ang paghakbang namin. "Huwag mong masyadong bigatan ang katawan mo," utos niya sa akin ngunit sa halip na sumunod, dahil sa kawalan ng lakas, mas lalo kong isinandal ang aking katawan sa kaniyang malapad na dibdib dahilan para maramdaman ko ang init na sumisingaw sa kanyang balat. At sa ginawa kong iyon, mas bumagal at bumagal pa ang aming paghakbang.
"s**t!" usal niya. "Hindi kita kayang kargahin!" ang narinig kong huling sinabi niya bago ko marinig ang paglagapak ng likuran niya sa damuhan. Dahil nga ay nakaakbay ako sa kanya, sa kaniyang pagbagsak nadala niya ako na ngayon ay naglupaypay rin sa kaniyang tabi. Kapwa kami nakahiga sa mga berdeng damo.
Napadaing ako. Kahit lasing ako nararamdaman ko ang pagkabali ng buto sa likod ko. Mayamaya pa ay narinig ko ang pagtawa niya dahilan para mapalingon ako sa kanya. Nagmulat ako nang aking mga mata at binigyang siya ng masamang tingin.
"Para kang tanga!" Pagalit na pahayag ko. "Ipahilot mo ako bukas."
Unti-unti siyang humarap sa akin dahilan para makita ko ang kanyang maamong mukha na ngayon ay mas pinatingkad pa lalo ng sinag na nagmumula sa buwan. Nang titigan ko ang ang kaniyang mga mata, wari bang nakatitig ako sa napakakinang na bituuin sa kalangitan.
Unti-unting nabura ang ngisi sa kaniyang labi. Puno ng kaseryosohan na siya ngayong nakatitig sa akin.
"Sabio," usal niya sa aking pangalan. Marahil ay dahil sa lasing ako kaya ko nagawang salubungin ang mga titig niya nang hindi nalulunod sa madilim niyang mga mata.
Mahabang minuto ang lumipas ngunit nanatili kami sa ganoong estado. Nakaharap sa isat isa, nagpakiramdaman habang nagtitigan. Wala akong mahanap na kaba sa aking dibdib. Isang bagay na estranghero para sa aking pakiramdam gayong sa tuwing titigan niya ako, ganoon na lang ang marahas na paglulukso ng aking puso. Ganito ba talaga pag lasing? Marahil ay kayang pamanhirin ng alak ang pakiramdam ng tao.
"Bakit ka bakla, Senyorito?" kusang lumabas sa aking bibig ang tanong na iyon. Siguro ay dahil sa lutang pa ang aking pag-iisip kaya mayroon akong lakas loob na itanong sa kaniya ang ganoon ka sensitibong bagay.
Kumawala sa kaniya ang pagtawa marahil ay hindi niya rin inaasahan na itanong ko sa kaniya iyon. Pero seryoso ako sa tanong na iyon!
"Ano?" nayayamot kong tanong ulit.
"Ewan," seryosong sabi niya. "Hindi ko rin masagot ang bagay na iyan. Pero kahit ganoon ang katauhan ko, hindi naman iyon nakakabawas sa p*********i ko. Lalaki pa rin ako, Sabio. Nagkataon lang siguro na sa iyo pumintig itong puso ko."
"Mali ang magmahal ng kapwa lalaki, Senyorito. Isa iyan sa mga batas na ipinapatupad ng simbahan," giit ko.
Bumuntong hininga siya, "siguro mali ang itinuturo ng simbahan."
"Pero paano kung tama?" Wala sa sariling pag-usisa ko ulit habang unti-unting naglandas ang aking paningin paibaba sa tuktok ng kaniyang ilong hanggang sa kusa itong huminto sa kaniyang manipis na labi.
Ang mga labi na iyon na kay lambot sa aking mga mata. Tila napakasarap nitong halikan. Sandali! Ano itong iniisip ko?
"Hindi ba sabi mo sa akin na gawin mo akong bakla, Senyorito?"
"Uhuh!" kusang napakagat labi ako nang matanaw ko kung paano gumalaw ang kaniyang labi sa pagsalita niyang iyon.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagbara ng malaking laway sa loob ng aking lalamunan. "Paano ba maging bakla, Senyorito?"
"Hindi ko alam."
"Kung hahagkan ba kita, magiging bakla na ako?" Teka! Saan galing ang tanong na iyon! Lasing ako! Hindi tama ito!
"Si-siguro..." ang nauutal niyang tugon. Naririnig ko ang pagtambol ng kaniyang dibdib.
"Senyorito?" ang pabulong kong tanong habang unti-unti kong inalapit ang aking mukha sa kaniya. Kung maglapat ba ang aming mga labi maging bakla na ba ako kinabukasan?
"Sabio..."
Hindi tama ito!
"Bakit hindi natin subukan?" Kusang lumabas sa aking bibig ang matalim na paghinga.
Kumunti ng kumunti pa ang pagitan ng aming mga mukha. Nagsimulang tumama ang amoy lambanog niyang hininga sa akin. Napakainit nito at tuwing pumapasok ang paghinga niya na iyon sa aking ilong, wari bang nadagdagan rin ang aking kalasingan.
"Sabio..." ang namamaos na bulong niya.
"Pero hindi pwede, Senyorito." Tiningnan ko ang nangungusap niyang mga mata. "Hindi pwede sapagkat lalaki ako," ang huling sabi ko, ngunit saka ko lang nalaman na taliwas pala ang kinilos ng katawan sa kung ano ang lumabas sa aking bibig nang nadatnan ko na lang ang aking labi na ngayon ay nakadikit na sa kaniyang labi.
Hindi siya nakaimik! Dilat ang kaniyang mga mata dahil sa gulat.
Mali ito pero bahala na!
Iginalaw ko ang aking labi sa kanya ngunit hindi siya tumugon. Bagkus ay bumitaw siya upang ilayo ang mukha niya sa akin. Bakit? Ito ang gusto niya hindi ba? Gusto niya ako gawing bakla! Paano niya malalaman kung magiging bakla ako kung hindi siya tutugon sa halik ko?
"Hagkan mo ako, Senyorito," utos ko sa kaniya. "Hagkan mo ako nang sa gayon ay malaman ko kung nakakabakla ba para sa akin kung matikman ko ang manipis mong mga labi."
"Sabio..." puno ng pagdududa ang kaniyang mga mata ngunit naroon ang pananabik at pagnanasa.
"Alam kong gusto ko akong hagkan, Senyorito."
Unti-unting naglapit muli ang aming mga mukha, paunti ng paunti hanggang sa muling maglapat ang aming mga bibig.
Nagsimulang gumalaw ang mga labi ni Senyorito. Banayad ang paggalaw nito, maingat, ngunit naroon din ang paglilikot nito ng marahas.
Hindi ako makapaniwalang hinagkan niya ako! Magkahalong emosyon ang naramdaman ko ngayon. Naroon ang kaba ngunit hindi ko maikakaila na nagugustuhan ko ang lahat ng ito.
Nadadala ako hanggang sa kusang lumaban ang aking bibig sa mapusok na halikan na iginagawad niya sa akin. Naramdaman kong niyakap niya ako. Hinagod hagod niya aking likuran hanggang sa hinawakan niya ang aking ulo upang bigyang diin ang maalab na pagsasagupaan ng aming mga labi. Laway sa laway, dila sa dila. Tunay na napakarumi ng halikang ito ngunit sa kabila ng lahat bakit nakaramdam ako ng kapayapaan?
Pakiramdam koy nasa alapaap ako ng mga sandaling ito. Masarap, animoy pinapatay ako ng matinding ligaya sa kanyang ginawa.Tinugon ko ang pagalaw ng kanyang dila sa aking bibig. Nang may pagkakataong mahuli ko ang malikot niyang dila ay mariing akong napakagat niyon dahilan para marinig ko ang baritonong pag-ungol na kumawala mula sa bibig niyang patuloy na nakakapit sa akin.
Nagpatuloy ang aming halikan tila mga lobong gutom na gutom. Walang nais magbitaw sa halikan naming dalawa. Dahil sa kakapusan ng paghinga ay kusa akong bumitaw. Kapwa kami hinihingal sa sandaling nagkalayo ang aming mga labi.
"Magiging bakla ka na ba para sa akin, Sabio?" ang nakangising tanong niya. Habol habol pa rin niya ang kanyang hininga. Mabakas pa rin sa kanyang mukha ang matinding pagnanasa sa akin.
"Masusunog ako sa impyerno, Senyorito Pancho," ang aking tanging nasabi bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
Nagising ako dahil sa matinding pananakit na pumupuno sa aking ulo sa sandaling ito. Tila may kung anong nasa loob nito na nagnanais makawala dahilan para pakiramdam ko ay mabibiyak na ang aking bungo dahil sa labis na pagkirot na nadarama.
Marahan ang ginawa kong pagbangon mula sa kamang kinahihigaan. Agad akong napahilot sa aking sentido nang mas domoble pa ang pananakit nito. Sobrang bigat ng aking pakiramdam, dagdagan pa na tila may kung anong humampas sa likuran ko. Anong nangyari sa akin?
Ang tanging natandaan ko lang ay 'yung nagpunta kami ni Senyorito sa niyugan at doon ay nagkaroon ng salu-salu. Nakainom ako at nahiga sa damuhan. Tapos wala na akong maalala pa na sumunod na nangyari.
Teka, paano ako nakauwi dito? Malala pala talaga makapag hang-over ang lambanog na iyon! Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako uminom ngunit ewan ko ba kung anong sumagi sa utak ko kagabi bakit ko nilaklak ang isang bote ng lambanog. Kung alam ko lang sana na nakapag amnesia ang alak na iyon, sana ay hindi na lang ako uminom pa.
Teka lang... Hindi pamilyar sa akin ang amoy ng silid na kinaroroonan ko ngayon. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at sa muling pagdilat ko, hindi nga ako nagkamali sapagkat narito nga ako sa silid ni Senyorito Pancho!
Anong ginagawa ko rito?
Agad na nabaling ang aking paningin doon sa bumukas na pintuan ng kaniyang paliguan. Mula doon, lumabas si Senyorito na tanging puting tuwalya lang ang nakatabon sa pang-ibabang katawan.
"Gising na pala ang misis ko," ang pilyong sabi niya kasabay ng pagpunit ng ngisi sa kaniyang labi. Awtomatikong nang-init ang aking mukha dahil sa sinabi niyang iyon. Iba ang aura niya ngayon dahilan para makaramdam ako ng pangamba. Anong dahilan ng pagkabog nitong dibdib ko gayong wala naman akong naaninag na pagbabanta mula sa nga kilos ni Senyorito, bagkus kung tutuusin napakaaliwalas ng kaniyang mukha sa umagang ito, na sadyang ibang iba sa mga nagdaang mga umagang nasisilayan ko siya. May hindi ba ako alam na nangyayari kagabi?
"Mukhang pagod na pagod ka, ah!" ang kaniyang muling pahayag. Tinungo niya ang kaniyang walk in closet at doon ay kumuha ng mga damit. Nang makakuha ng mga damit agad siyang bumalik sa harapan ko at walang pasabing nilaglag niya ang tuwalya sa sahig.
Agad akong nag-iwas ng tingin.
Bastos talaga ng lalaking ito!
"Bakit ang tahimik mo ngayon?" Mayamaya ay nagtanong siya. Muling bumalik ang aking paningin sa kaniya. Naroon pa rin ang mga ngisi niya na hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig.
"Eh, kagabi ang ingay ingay mo naman.., Sabio," ang makahulugang dugtong niya. May diin ang pagkabigkas niya sa aking pangalan at wari bang inaakit niya ako sa pagkasabi niyang iyon.
Agad akong napalunok ng aking laway, umaasang malunok ko ring tuluyan ang kabang bumubundol sa aking dibdib. Iba ang pakiramdam ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung normal pa ba itong paraan ng pagtibok ng aking puso?
"Wa-wala, Senyorito."
"Wala?!" ang di makapaniwalang tugon niya. "Bakit tila may malaking bumabagabag sa iyo?"
"Wa-wala ito, Senyorito."
"Nag- enjoy ka ba kagabi?" muling pag-uusisa niya nang hindi pinutol ang pagtatagpo ng aming mga tingin, habang nakikita ko ang makahulugang pagngising pilit na kumakawala mula sa kaniyang manipis na labi.
Hindi ko napigilan ang pagngunot ng aking noo. Nalilito ang aking isipan. Alam kong may nais siyang iparating sa akin sa sandaling ito, ngunit wala akong maalala na iba pa.
Gago!
Bakit ba niya ako tinitigan sa paraan na ganyan?! May nangyari ba kagabi habang wala akong malay?
"A-anong nangyari sa akin kagabi, Senyorito?" pag-uusisa ko. "Lasing ako, pa-paano ako nakauwi rito?"
"Kinarga kita sa kabayo," diritsong sagot niya. "Te-teka wala kang maalala sa mga nangyayari kagabi?"
"Ba-bakit, Senyorito? Dapat bang may maalala ako sa mga nangyayari kagabi?"
Unti-unting lumiit ang mga mata niya. Naroon sa kaniyang mukha ang pagkalito ngunit naroon din ang tingin na wari bang tinatantiya niya nang maigi kung nagsasabi ba ako ng totoo, o hindi.
"Wala kang maalala?" ulit na tanong niya. Naroon sa tinig niya na iyon ang kagustuhan na ihayag ko ang katotohanan.
Umiling ako. "Alam kong nalasing ako kagabi. Lumayo ako sa salu-salo na iyon bitbit ang isang bote ng lambanog. Nang maubos ko ang alak, hilong hilo na ako kaya humiga ako sa damuhan. Iyon lang ang natandaan ko ngunit may parte sa alaalang iyon na narinig kitang tinatawag mo ang pangalan ko."
"Sigurado ka na hanggang doon lang ang naalala mo?"
Tumango ako.
"Nakapagtataka," dinig kong mahinang usal niya. Ngunit bakas sa kaniyang mukha ang reaksyon na wari bang hindi niya pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko. Dapat ba talaga na may maalala ako sa mga nangyari kagabi?
"Ma-may nangyari ba kagabi, Senyorito?" puno ng pagdududa kong pag-uusisa muli.
Alanganin siyang napailing, "wala."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya na iyon. Ngunit may kung anong isang bahagi sa aking isipan na bumubulong sa akin na hindi maniwala sa kaniya.
Ano ba to?
Kaya nga siguro wala akong maalala kasi wala naman talagang nangyari kagabi.
Ngunit, nakapagduda lang kasi ang mga kilos ni Senyorito. Kasi sa paraan ng pagtatanong niya sa akin kanina tila may nais siyang ungkatin na isang bagay na nakalimutan ko. Ano naman kaya iyon? Napakamisteryo!
"Salamat," ang sensirong sabi ko sa kaniya.
"Para saan?"
"Sa pag-uwi mo sa akin ng buhay dito sa mansiyon mo."
Bumulanghit siya ng tawa dahil sa aking inihayag. May saltik talaga sa utak itong lalaki na ito. Lahat ng seryosong bagay na lumalabas sa bibig ko, lagi na lang niyang ginawang biro!
"Siyempre," ang hambog niyang tugon. "Baka kung ano pa ang masamang mangyari sa iyo. Eh, di, sino nalang ang..." huminto siya, sabay ngisi ng pilyo dahilan para maintriga ako sa susunod niyang sasabihin.
"Sino na lang ang?" ngunot noo kong pagtatanong.
"Aasawahin ko.."
"Aasawahin mo?"
"Ang slow mo naman."
"Hindi kasi kita maintindihan."
Mas domoble ang pagngisi niya sabay unti-unting lapit ng kaniyang mukha sa akin dahilan para mapaatras din ako mula sa aking kinauupoan. "Ang sabi ko, kung may masamang mangyari sa iyo, sino nalang ang aasawahin ko."
"Gago!" asik ko sa kanya. "Hindi ako bakla!"
An: Keep scrolling for the next page.