CHAPTER 7

2084 Words
An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. "Ano?" patay malisya niyang tanong sa akin. Ngunit alam kong sinadya niyang idantay sa aking tuhod ang paa niya! Malala na itong paraan ng panunukso niya sa akin! "Lumayo ka sa akin," sabay kabig ng kaniyang paa paalis sa akin. Narinig ko ang pagtawa niya na siyang ikinasiksik ko ng labis sa sulok ng bathtub. Gago! "Halika," utos niya sa akin. "Se-senyorito," puno ng pag-alalang usal ko. Ramdam ko rin ang pagdududang pumupuno sa aking mata. Anong gagawin niya sa akin? "Di-dito lang ako." "Sabunin mo ang likod ko, Sabio." "Po?" Nakita ko na kinuha niya ang kulay puting sabon kapagkuway iniabot niya ito sa akin. Sa halip na sumunod, sa pagkakataong ito ay hindi ako kumilos. Hindi ko tinanggap ang sabon na iyon. Alam kong parte lang ito ng kaniyang laro. Sa sandaling ito, hindi ako magpapatalo sa larong sinimulan niya. "Wa-wala ng oras Senyorito..." "Kaya nga gawin mo na," matatag niyang utos. Napabuntong hininga ako kapagkuway labag sa kalooban na tinanggap ang sabon. Tumalikod siya sa gawi ko ngunit hindi ako kumilos. Nang maramdaman niyang hindi ako umalis sa kinauupoan ko, siya na ang nagkusang umusog palapit sa akin. Bakit ba niya ginagawa ito sa akin? Isa pa, masyadong nakakabakla para sa akin ang gawaing ito? Sinimulan kong sinabon ang kaniyang likuran ngunit naroon ang pag-iingat ko na hindi lumapat ang aking kamay sa kaniyang balat. Potek! Pinagpawisan ako kahit nakalublob naman sa tubig ang katawan ko! Buong buhay ko, hindi ko inaasahan na mangyari ang bagay na ito sa akin. Isa lang akong simpleng kargador ng hacienda na ngayon ay naging impyerno ang buhay dahil sa demonyong Senyorito Pancho na ito! Kung hindi lang sana mali ang pumatay, kanina ko pa ito sinakal hanggang sa malagutan siya ng kaniyang paghinga! Masyadong malaking kagaguhan ito! Ni hindi ko naranasang paliguan ang mga kapatid kong lalaki na sina Lorcan at Axel! Nakakapotang ina lang! Tahimik kong sinabon ang likod niya alinsunod sa iniutos niya sa akin. Kung alam ko lang sana na pati ang pagpapaligo sa kaniya ay tungkulin ko rin, edi sana kahit balatan pa ako ni mama ng buhay, hindi ako pupunta rito! Kalagitnaan ng pagsasabon ko sa kanya nang muli siyang nagwika,"Tama na iyan," pigil niya sa akin dahilan para huminto ako sa aking ginagawa. Bigla siyang humarap sa akin dahilan para mapako ako sa aking kinaupoan. Nabitawan ko ang sabon na hawak dahil sa pagkagulat. Sobrang lapit niya sa akin at kahit anong atras ko, hindi ko na magawa pang isiksik palayo ang katawan ko sa kanya. "Se-senyorito," ang pumipiyok kong sambit. Takot ako sa sandaling ito. Alam kong ramdam niya ang kaba sa akin at nakikita niya ang paraan ng pag-igsi ng aking paghinga "Lahat ng iuutos ko sa iyo ay susundin mo, Sabio," ang pahayag niya ngunit hindi ako umumik. "Hindi ko alam kung bakit takot na takot ka sa akin? Ngunit kung ano man ang ikinabahala mo sa mga inakto ko, asahan mong hindi kita gawan ng kung ano man ang ikapapahamak mo." Alam kong hindi siya mapagkatitiwalaan. Kahit anong gawin niya ay hindi niya makukuha ang loob ko. Bakla siya! Kailangan kong lumayo sa kaniya! "Bakit ka ba takot na takot sa akin, Sabio?" seryosong tanong niya. "Hi-hindi ako natatakot sa iyo, Senyorito." "Sinungaling," may diing pagiit niya. "Ramdam ko na takot ka sa akin, Sabio. Tuwing iniiwasan mo ako, pakiwari ko ay isa akong lalaki na may nakakahawang sakit. Bumuntong hininga siya. "Bakit? Dahil ba bakla ang tingin mo sa akin?" ang may bahid ng kalungkutang tanong niya. Pinili kong tumahimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Hindi naman talaga ako takot sa mga bakla. Ngunit sadyang iba ang hatid ng presensiya niya sa akin. Tuwing sasalubungin ko ang kaniyang mga titig kumakaba rin ang aking dibdib. Tuwing sasambitin niya ang aking pangalan, wari bang may kung ano sa puso ko na nagpapabilis sa pagpintig nito. Ewan hindi ko maintindihan. "Paano ko ba mabura iyang takot mo sa akin?" Unti-unting dumako ang mga titig niya sa aking labi. " Isang halik siguro..." "Se-senyorito..." domoble ang pagkabog ng aking dibdib. "Baka sakaling mahagkan ko palayo ang takot na sumisilay sa iyong mga mata, hindi ka na mandidiri pa sa akin," walang pakialam niyang pahayag. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin dahilan para kumunti rin ng kumunti ang pagitan ng mga mukha naming dalawa. "Hindi mo alam kung gaano ko kagustong maangkin ang iyong mga labi, Sabio," ang namamaos niyang sabi. Ang mainit na paghinga niya ay pumupuno sa aking ilong. Unti-unting nanlobo ang aking dalawang mga mata. Hindi ko maintindihan kung takot o excitement ang ipinapahiwatig ng pagtatalon ng aking puso sa ilalim ng aking dibdib. Ewan! Ngunit alam kong mali ang lahat ng ito. "Isang halik lang, Sabio," ang wika niya sabay halik sa akin ngunit agad kong iniiwas ang aking mukha dahilan para dumikit sa aking leeg ang kaniyang labi. Sa kabila noon ay nanigas ang aking buong katawan. Naramdaman ko ang mga hilba ng kuryenteng unti-unting nagpabuhay sa mga paru-parong nagliliparan sa ilalim ng aking tiyan. Bakit ako nakaramdam ng ganito. "Hi-hindi tamang hagkan mo ako, Senyorito. Ka-kapwa tayo lalaki at hindi ako ba-bakla!" ang nanginginig kong saad habang patuloy na nakaiwas ang mukha palayo sa kaniya. "Kapag maging bakla ka ba, hahagkan mo na rin ba ako?" Ngunot noo kong ibinaba ng kaunti ang aking mukha upang salabungin ang nangungusap niyang mga mata. "A-nong ibig mong sabihin?" "Marahil ay hindi tamang umibig ang dalawang lalaking magkaiba ang paniniwala. Patuloy kang manindigan sa prinsipyo mo. Maninindigan rin ako sa kung ano ang pinaniniwalaan ko. Ano man ang mangyayari sa huli, saka na lang natin malalaman kung ano ang tama sa mga pinaninindigan natin," matalinghaga niyang sabi. Muling nadagdagan ang kalituhan sa aking isipan. Ano ang ipinapahiwatig niya sa lahat ng ito? Alam kong may hindi tama sa nais niyang iparating sa akin. "Gagawin kitang bakla, Sabio," puno ng kasiguraduhan niyang pahayag. " Nang sa gayon ay mamahalin mo ako." "Se-senyorito Pancho." Nakakabingi ang mga tawanan ng mga trabahador ng niyugan. Bakas sa mga tawa na iyon ang tuwa. Isang salu-salo ang ipinahanda ni Senyorito dahil sa malaking kinita ng koprahan. Sa sandaling ito, kapwa kami nakapalibot sa malaking siga. Pawang mga lalaking trabahador na lang ang nandito sapagkat malalim na ang gabi. Estranghero sa akin ang mga manggagawa rito sapagkat ito pa lang ang unang pagkakataon na nadako ako sa niyugang bahagi ng hacienda. Sa gitna makikita ang maraming bote ng alak na wala ng laman. Halata sa paraan ng pananalita ng mga tao na narito ang kalasingan ngunit patuloy ang inuman. Hindi naman sa pakialamero ako sa mga desisyon ni Senyorito Pancho sa buhay, kasi wala naman talaga akong pakiaalam sa kanya, ngunit bakit siya gagawa ng isang bagay na alam kong hindi magugustuhan ni Senyor Flavio? Ni minsan ay hindi nagpahanda ang matanda ng salu-salo kahit na tuwing malaki at sobra-sobra ang kinikita ng sakahan sa hacienda. Kung malaman niya ito, tiyak magagalit iyon. Kung magagalit ang Senyor, siya naman ang mananagot. Karma na iyon sa panggugulo niya sa akin. "Buti na lang talaga, mabait itong Senyorito Pancho natin," ang pahayag ng matandang lalaki na sinang-ayunan naman ng lahat. Dahil sa inihayag nang matanda, kusang nabaling ang mata ko sa Senyorito na nakaupo sa harapan ko. Sinadya kong hindi umupo sa tabi niya sapagkat banas na banas ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa aking isipan ang panggago niya sa akin kaninang umaga. Pag-angat ko ng aking tingin, nakatitig na pala siya sa akin. Unti-unting sumilay ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahilan para maramdaman ko ang muling pagkulo ng aking dugo dahil sa labis na pagkasuklam sa kanya. Halata sa paraan ng pagngising ibinibigay niya sa akin ang kahambugan nito, wari bang ipinamukha niya sa akin na katotohanan ang papuring isinawalat ng trabahador. Napakuyom ako ng aking kamao dahilan para humigpit ang pagkahawak ko sa bote ng alak na nasa aking kamay. Gusto kong masuka sa huling sinabi ng matanda na iyon. Mabait? Demonyo kamo! Walang pasabing tumayo ako mula sa kinaupoan ko at tumalikod palayo sa pagtitipon na iyon. Alam kong nakasunod ang mga tingin niya sa akin ngunit wala akong pakialam. Kahit isang kunting saglit lang ay mawala muna siya sa aking paningin baka di ako makapagpigil at maibato ko sa kaniya ang boteng hawak ko. Nahihilo ako wari bang umiikot ang kapaligiran. Napakagaan ng aking paghakbang wari bang nakalutang ako sa hangin. Marahil ay lasing na ako ngunit kaya ko pa naman ang aking sarili. Sa tulong ng maliwanag na buwan, tuluyan akong napalayo sa kanila. Sa paglipas ng ilang sandali patuloy ko pa ring tinungga ang malapit ng maubos na alak. Sa bawat lagok, pakiramdam ko rin ay palala ng palala ang aking pagkahilo. Bakit ako nalasing ng ganito eh, hindi ko pa nga naubos itong alak na bitbit ko? Wala akong nagawa kundi ang umupo sa damuhan kung saan ako dinala ng aking mga paa. Ang sama ng aking pakiramdam wari bang nasusuka ako kaya humiga ako sa mg pinong damo baka sakaling humupa itong nararamdaman ko. Sa aking paghiga natanaw ko ang bilog na buwan. Tinitigan ko ito nang mariin kaya nararamdaman ko ang kapayapaang hatid nito sa madilim na gabi. "Gawin kitang bakla, Sabio, nang sa gayon ay mamahalin mo ako." Bigla na namang pumasok sa aking isipan ang banta niya na iyon. Bawat segundo o minuto, wari bang nakaukit na sa aking utak ang kaniyang sinabi dahilan para mapraning ako ng labis. Gagawin niya akong bakla! Anong kagaguhan iyon? Kailan man ay hindi niya mababali ang tuwid kong pagkatao. Mukhang kailangan niyang paliguan ng isang tolenadang holy water nang sa gayon maintindihan niya mali ang pagiging bakla. Kinasusuklaman ko siya! At naiinis ako sa katotohanan na kahit galit ako sa kaniya ngunit hindi ko siya pwedeng labanan at gawan ng masamang bagay sapagkat isa lang akong trabahador sa haciendang ito. Kung kakalabanin ko ang Senyorito, malaki ang epekto nito para sa pamilya ko. Ayaw ko nang dumagdag pa sa problema ni mama. Kung sakaling palalayasin kami sa lupain ng Salvatore, saan naman kami pupulutin? Ni wala kaming sariling lupain. Ang hacienda na ito lang ang aming tanging sandigan. Kunting tiis na lang, sa susunod na mga buwan darating na ang Senyor. Hihilingin ko agad sa matandang amo ang kalayaan ko mula sa mga kamay ni Senyorito. Gagawa ako ng paraan makabalik lang ako sa palayan. "Bakit ka nakahiga diyan?" dinig kong tanong niya sa akin. Hindi ko akalaing sundan niya ako dito. Kailan ba ako lulubayan ng lalaking ito? "Bakit ka nandito, bakla?" ang tila wala sa katinuan kong tanong wari bang nabura sa isip ko na ang taong binastos ko ay si Senyorito Pancho. Narinig ko ang pagtawa niya bago ko maramdaman ang pag-upo niya sa aking tabi. "Lasing ka na, Sabio. Uuwi na tayo sa mansiyon." "Gusto kong mapag-isa," ibinaling ko sa kaniya ang aking masamang tingin. "Lumayo ka sa akin. Naalibadbaran ako sa iyo!" "Bakit?" Ang nakangisi niyang tanong sa akin. Kung may sapat lang akong lakas sa sandaling ito, babaklasin ko 'yang mga labi niya nang sa gayon ay hindi ko na masilayan pa ang nakakabwisit na paraan ng pagngiti niya sa akin. "Lasing at pagod ako." Pag-amin ko. "Pagod? Eh, hindi naman kita pinagod, ah!" "Pagod ako sa lahat ng bagay. Pagod ang utak ko kakaiisip sa iyo!" "Iniisip mo ako?" puno ng ningning ang kaniyang mga mata. " Bakit?" "Gawin mo akong bakla, eh! Ayaw kong masunog sa impyerno!" Mas domoble ang mga ngiting kumakawala mula sa labi niya. "Huwag mo nga akong ngitian ng ganyan!" angil ko. "Ang pangit mo sa tototoo lang, Senyorito Pancho!" Bumulanghit siya ng tawa dahil sa aking inihayag. "Malala pala ang epekto ng lambanog sa iyo." "Huwag mo akong gawing bakla, ah! Sinabi kosa 'yo. Babalatan kita ng buhay!" "Lasing ka na," humahagikhik niyang saad. "Uuwi na tayo sa mansion nang makapagkape ka." Umiling ako. "Tumayo ka na," utos niya sa akin. "Namumungay na 'yang mga mata mo, oh! "Buhatin mo ako, Senyorito Pancho." An: Keep scrolling for the next page.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD