An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes.
Lumipas ang mga araw, at ang bilang ng maraming mga araw na iyon ay nadagdagan pa. Sa kabila ng mahabang paglilingkod kay Senyorito, hanggang sa puntong ito ay hindi mabura mabura sa akin ang pagka 'di komportable sa kanya. Mula noong harap harapan niyang inamin sa akin ma silahis siya, sadyang hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili na mag-isip isip ng ano mang hindi kaaya ayang bagay, lalo na't sinabi niya na interesado siya sa akin.
Nakakatakot at nakakapanindig balahibo iyon! Ayaw kong umabot sa point na hihingiin niya ang serbisyo ko higit pa sa kung ano ang responsibilidad ko sa kanya. Alalay! Dapat hindi siya lalagpas sa katotohanan na iyan, na ako ay isang alipin na naglilingkod sa kanya.
Sa mga lumipas na araw, kung nasaan siya ay dapat naroon din ako. Minsan naiisip ko kung anong kahangalan itong pinagagawa niya sa akin sapagkat kung tutuusin ay wala naman talaga akong ginagawa kundi ang sundan lang siya kung saan siya dalhin ng kaniyang mga paa. Ni pati kung naroon lang siya sa mansion, kailangan na hindi ako mawala mula sa kaniyang mga mata.
Gusto ko nang bumalik sa palayan. Ayaw ko sa paraan na tumatanggap ng malaking pasweldo mula sa kanya na hindi pantay sa bigat ng tungkulin na ginampanan ko. Napaka-unfair nito sa mga trabahador sa hacienda. Bakit niya ako ginawan ng malaking pabor na ito? Isa ang bagay na iyan sa ikinatatakot ko baka dumating ang araw na sisingilin niya ako sa mga pabor na alam kung hindi ko kayang suklian.
"Sabio," tawag niya sa aking pangalan dahilan para magulat ako at mapabalikwas ng bangon mula sa kamang kinahigaan ko. Nawala ang antok sa aking katauhan. Kahit mahina lang ang pagkatawag niya sa akin ngunit ang malakas na presensiya niya ang kusang nagpagulantang ng aking mga ugat dahilan para magising ang aking diwa.
Paano niya nabuksan ang pintuan ng aking silid gayong sinigurado ko naman na nakakandado iyon kagabi?
Agad napadako ang aking papungas pungas ngunit nandidilat na mga mata sa pintuan kung saan siya matatag na nakatayo. Wala siyang suot na pang itaas na damit kaya unang tumambad sa akin ang nakaumbok niyang dibdib na dinidiligan ng butil na tubig na nagmumula sa kaniyang basang buhok. Sa estado niyang iyon, halatang katatapos niya pa lang sa pagligo.
"Se-senyorito."
"Maligo ka," ang utos niya sa akin. "Maaga tayo sa niyugan ngayong araw upang icheck kung nakahanda na ang tole-tolenadang kopra na ideliver sa bayan," dugtong niya habang ang kaniyang mga mata ay malagkit na nakatitig sa akin. Sa bawat sandaling titigan niya ako sa paraan na ganyan, hindi na estranghero sa akin bakit magkahalong takot at pagkailang ang laging nararamdaman ko para sa kaniya.
Bilang isang personal na alalay, wala akong magawa kundi ang maging sunod sunuran sa kaniya. Marahil ay lunukin ko na lang muna ang aking pride at tanggapin ang katotohanan na hangga't hindi pa babalik ang Senyor, maging buntot ako ni Senyorito Pancho.
"Si-sige po, Senyorito," ang aking tugon. Nagmamadali akong tumayo paalis sa kama. Malaki ang aking mga hakbang na tinungo ang pintuan ng banyo na nasa malapit lang rin ng bungad kung saan siya naroon ngunit ilang saglit pa ay napahinto ako nang marinig ang kaniyang pagsipol dahilan para mangunot ang noo ko na awtomatikong napalingon sa gawi niya. Nakangisi siya sa sandaling ito ngunit hindi ito nakatingin sa akin kundi sa mismong nagwawalang bukol ko na natatabunan ng itim na boxer short.
Potek! Nakalimutan kong nakabrief lang pala ako na natutulog kagabi!
Yan! Iyang kamanyakan niya ang isa sa mga rason bakit takot ako sa kaniya. Sa edad ko na 22, alam kung wala itong lakas ko kumpara sa kanya!
Wari bang merong matigas na bakal ang biglang humampas sa ulo ko dahilan para kusang gumalaw ang aking dalawang kamay upang itago mula sa kaniyang nagnanasang mga titig ang aking bukol.
Nanginginig kong inabot ang door knob ng banyo at pinihit iyon. Mabilis pa sa kidlat na pumasok ako sa loob. Napasandal na lang ako sa malamig na dingding habang pinipilit na pinapakalma ko ang aking utak. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam pa ako ng ganito sapagkat nakita na rin niya akong hubo't hubad sa lawa noon. Ewan, ngunit sadyang napapraning lang talaga ako sa presensiya niya na hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan. Alam kung hindi lang iyon dahil sa katotohanang bakla ang Senyoritong pinaglilingkuran ko at sa hayagang pag-amin na interesado siya sa akin
"Huwag mo nang i-lock ang pintuan, Sabio," dinig kong panunukso niya sa akin mula sa labas. "Para kapag mahanginan ang utak ko at bosohan kita, hindi na ako mahirapan," ang natatawang dagdag nito dahilan para awtomatikong kinapa ko ang lock ng knob at sinigardo na hindi niya mabuksan ito. Mabuti ng sigurado!
"Bakla!" ang nanggalaiting usal ko sa aking isipan.
"Hihintayin kita sa kwarto," huling sabi niya kasabay ng tunog ng pagsara ng pinto. Ngunit hindi nakaiwas sa aking pandinig ang paraan ng pilyong paghagikhik niya na iyon dahilan para magpanting ang dalawang tainga ko.
Araw araw magmula nang makasama ko siya, pinagdusahan ko rin ang paraan ng panunukso niya sa akin wari bang isang malaking kaligayahan para sa kaniya tuwing makikita niya akong natatakot sa kaniya.
Nang humupa na ang marahas na pagtambol sa ilalim ng aking dibdib, binuksan ko na ang shower ngunit agad napangunot ang aking noo nang wala ni isang butil na tubig ang lumabas mula rito. Sinubukan kong i-on ang gripo ngunit wala rin.
Badtrip naman to, oh!
Wala akong nagawa kundi ang lumabas sa banyo. Nagbihis na ako ng aking damit at pagkatapos ay mabigat sa loob na tinungo ko ang pintuan ng silid ni Senyorito Pancho.
Naka isang katok pa lang ako nang bumukas na agad ang kaniyang pintuan wari bang naroon na siya sa kabilang dahon nito naghihintay sa akin.
"Bakit hindi ka nakaligo?" takang tanong niya.
"Walang tubig sa kwarto ko, Senyorito Pancho," makatotohanang pag amin ko.
Agad na napaarko ang kaniyang kilay dahil sa aking inihayag, "Walang tubig? Paano nangyari iyon? Pwera na lang kung pinasadyang ipaputol ang linya ng tubig sa silid mo." Tumalikod na siya sa akin ngunit nagdududa ako sa mumunting pagngisi na kumakawala sa kaniyang mga labi. Malakas ang aking pagbuntong hininga bago ako sumunod sa kaniya para pumasok na rin sa kaniyang silid.
"Di bale na. Magmula ngayon dito ka na sa aking kwarto maliligo."
"A-ano po?" ang aking tanong hindi dahil sa hindi ko narinig ang kaniyang sinabi kundi gusto kong klaruhin kung seryoso ba siya sa kaniyang inihayag.
"Dito ka na maligo, Sabio."
"Pe-pero Senyorito hindi naman siguro-"
"Nauubusan na tayo ng oras." Sabad niya. "Pumasok ka na sa paliguan ko at maligo ka roon," mautoridad niyang utos.
"Na-nakabihis na ako Senyorito," muling pagdadahilan ko. Ano namang kagaguhan ito?
"Inuubos mo ba ang pasensiya ko, Sabio?" may halong inis ang boses niya na iyon dahilan para wala akong magawa kundi ang yumuko na lang.
"Hindi po, Senyorito. Susunod na po ako."
Sa sandaling ito ay abot langit ang pagkasuklam ko para sa Senyorito. Alam kong wala rin akong karapatan na hindi sumunod sa kaniya, ngunit tama naman siguro na tanggihan ang mga utos niya na hindi saklaw sa tungkulin ko bilang personal na tagapaglingkod niya. Kung makaasta siya, sa tingin niya ay isa siyang master at ako naman ay isang pinakamababang alipin na walang karapatang humindi sa mga nais niya! Hindi niya ba maintindihan ang salitang HINDI? Kung ituring niya ako ay para bang isa lang akong manika na sunodsunuran sa kaniya!
Hindi ko alam bakit niya ginagawa ito sa akin. Galit ako. Galit ako sa katotohanan na kung umasta siya ay wari bang pagmamay ari niya ang kagustuhan ko. Sana ay darating na agad si Senyor nang sa gayon ay matapos na itong pagdurusa ko mula sa baklang Senyorito Pancho na iyon! Hindi na ako makapaghintay pa na makabalik sa palayan!
Masama ang aking loob na tinungo ang kaniyang bathtub. Puno na ito ng tubig na hinahaluan ng pinong bula. Pumupuno rin sa aking ilong ang mabangong halimuyak na nagmumula sa mga petals ng puting rosas na kasalukuyang naglulutangan sa ibabaw ng tubig. Wari bang nakahanda na ang lahat ng ito para sa akin. Bakit niya kailangan na mag effort pa ng ganito para sa kaniyang tagapagsilbi?
Baliw!
Alam kong nasisiraan na ng bait ang Senyoritong iyon! Sa patagal ng patagal na narito ako sa kaniyang lungga alam ko rin na papalapit ng papalapit rin ako sa kapahamakan na ibibigay niya sa akin sa huli. Bagamat nangangako siya sa akin na wala siyang gagawing masama laban sa akin ngunit alam kung may dahilan ang lahat ng ito. Kung ano man ang mga dahilan na iyon, alam kong hindi ito pabor sa akin.
"Maliligo ka ng nakadamit?" muling nagulantang ang aking diwa nang marinig ko siyang nagsalita mula sa aking likuran. Sa lalim ng aking iniisip ni hindi ko narinig ang pagbukas at pagsara niya sa pintuan ng paliguan na ito.
"A-anong ginagawa mo rito, Se-senyorito?" puno ng takot kong pagtatanong sa kaniya.
"Maliligo ako," matatag niyang tugon. Muling nasilayan ko ang mga titig niyang tila hinihigop ang aking kaluluwa. Bago pa ako malunod ay iniwas ko ang aking mata palayo sa kaniya.
"Pe-pero na-nakaligo ka na," nagkandutal kong pahayag. Muling naramdaman ko ang pagkabuhol buhol ng aking utak. Kung may mga santo mang nakarinig sa akin ngayon, pakiusap iligtas niyo ako mula sa impyernong ito!
"A-ano," sandaling naglilikot ang kaniyang mga mata at sandaling nag-iisip. "Tinaehan ako ng butiki sa ulo. Kailangan kong maligo ulit," pagdadahilan niya dahilan para labis ang aking pagpigil upang hindi ko maiangat ang aking kamao at masapak siya. Alam kong sinadya niya ang lahat ng ito! Lakas talaga ng saltik sa utak mayroon ang lalaking ito!
"Pe-pero hindi ako sanay na may kasamang maligo, Senyorito," bagamat pumipiyok ngunit may diin ang pagkasabi ko na iyon wari bang nakikiusap na lubayan niya ako mula sa makipot na silid na ito. "Mauna ka na pong maligo." Muling sabi ko hahakbang sana ako para lumabas, ngunit alam kong di ko iyon magagawa sapagkat naroon siya nakatabing sa dahon ng pinto.
"Sabay tayong maliligo, Sabio," matatag na saad niya kasabay ng pagpunit ng isang malaking pagngisi mula sa manipis niyang labi. Ang ngisi niyang iyon ay ngiting manyakis! Sa pagngisi niyang iyon waring nawalan ako ng dugo sa katawan. Alam ko rin namuti ang mukha ko sa sandaling ito dahil sa takot na nararamdaman para sa kanya!
"Maghubad ka na," muling utos niya.
"Se-senyorito.." nagmamakaawa kong usal.
"Sabio!" may diing asik niya hudyat na kailanman ay hindi niya babaliin ang iniutos niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang tumalikod sa kanya. Nanginginig kong hinawakan ang manggas ng aking damit at inalis ito sa aking katawan.
Ibinaba ko na rin ang aking suot na maong. Itinabi ko ang aking pinaghubaran sa isang sulok saka ako humakbang pasulong sa bathtub. Sobrang gaan ng katawan ko. Marahas na kumakabog ang aking dibdib. Alam ko sa sandaling ito ay naglalaro sa aking katawan ang mga tingin niyang puno ng pagnanasa sa akin dahilan kahit malamig ang tubig na yumayapos sa akin, di nito naibsan ang pagtayo ng balahibo sa aking katawan.
Isiniksik ko ang aking likuran sa kabilang dulo ng bath tub. Kahit anong mangyari ay ilalayo ko ang aking katawan sa kaniya.
Isa isang hinubad ni Senyorito ang kaniyang mga saplot. Marahan ang kaniyang mga galaw wari bang inaakit niya ako. Gago talaga! Paano naman ako maakit sa kanya gayong mayroon din ako sa kung ano ang mayroon siya! Ni wala siyang pakialam sa hinanakit na naroon sa aking mga mata na unti-unting nabahiran ng masamang pagtitig sa kaniya. Walang pag-alinlangan na inalis niya ang suot niyang brief. Ngayon ay hubot hubad na siya sa aking harapan.
Siya ay isang napakagandang obra maestra. Totoo iyon. Ang kaniyang nakaumbok na dibdib at flat na malabatong tiyan ay wari bang sinadyang perpektong iniukit sa kaniyang katawan. Ang kaniyang mga masels bagamat malaki iyon ngunit hindi ito masagwang tingnan.
Nagsimula siyang humakbang palapit sa bathtub dahilan para muling mapansin ko ang ari niya. Mas lumaki pa iyon kumpara noong nakita ko ito noong una. Lahat ng kung anong meron sa lalaking ito ay perpekto na makapaglulunod ng mga kababaihan sa dagat ng kalibugan.
Kung tutuusin, ang kaniyang anyo ay nagsusumigaw ng matinding musculinity kaya hindi ko lubos maisip bakit bakla siya, at ngayon ako ang ginugulo ng demonyong ito! Kahit na anong mangayri, hindi niya ako mahihila sa impyenong patutunguhan niya balang araw.
Umupo siya sa kabilang dulo ng bathtub. Kasabay ng unti-unting pagkuyom ng aking kamao ang paglayo rin ng aking paningin mula sa kaniya. Ayaw ko siyang titigan baka makita ko pa si Satanas sa kaniya.
"Senyorito!" nahihintakutang bulalas ko nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang paa sa ibabang bahagi ng aking tuhod.
Potang ina!
An: Keep scrolling for the next page.