CHAPTER 5

2153 Words
An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. Ewan, habit ko na yata itong pagkakaba ng aking dibdib tuwing maglalapit kami sa isa't isa. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit natatakot ako sa kanya. Pero, hindi ko rin naman masisisi ang aking sarili sapagkat tuwing titigan niya ako, wari bang naroon sa kaniyang maitim na mga mata ang matinding pagnanasa sa akin. Unang araw pa lang ng aming pagkikita, may pagdududa na ako sa sekswalidad niya. Kaya marahil takot ako sa kanya sapagkat ang mga kilos at galaw niya ay waring nagpapahiwatig ng hindi kaayaayang binabalak laban sa akin. Ramdam ko iyon. Nakikita ko sa paraan ng pagngiting aso niya habang hinuhubaran niya ako sa likod ng kaniyang mata, ang pagnanasa niya sa akin. Hindi naman sa assuming lang ako. Pero mabuti ng maghanda ako kaysa dumating ang punto na aatake siya sa akin nang wala akong kalaban laban. At kung sakaling may mali nga sa katauhan ni Senyorito, gagawa ako ng paraan maglayo lang ang aming landas. Bakit? Dahil ayaw kong masunog sa impyerno kasama siya. Bumuntong hininga muna ako saka mariing pumikit upang tatagan ang aking loob saka ko iniangat ang aking isang kamay upang katukin ang pintuan ng kaniyang silid. Isang katok. Walang sumagot. Ngunit mula sa loob tila may naririnig akong estrangherong mga tunog na ngayon ko lang naririnig dahilan para mapangunot ako ng aking noo. Dalawang katok. Wala pa rin. Naalala ko ang bilin ni Mameng na pwede kong buksan ang pinto ni Senyorito ng walang pahintulot sapagkat trabaho ko naman na paglingkuran siya sa kahit anong pagkakataon. Nilunok ko ang nakabarang laway sa aking lalamunan saka ko pinihit ang door knob upang buksan ang pinto. Kasabay ng paglangitngit pabukas ng pintuan, dahan dahan ring napuno ang aking pandinig ng mga ungol na hindi ko alam kung ano ang pinagmulan sapagkat hindi iyon tinig ni Senyorito. Nanatili akong natuod sa maliit na siwang ng pinto. Wari bang tuluyang napako ang aking mga paa sa sahig. Mas lalong naramdaman ko ang pagkaba ng aking dibdib. Ano naman kayang ginagawa niya sa sandaling ito? Bahala na. Kailangan matapos na itong bangungot na kinasasadlakan ko. Hindi man alam kung ano ang naghihintay sa akin, ngunit tuluyan ko nang binuksan ang pintuan. Sinadya ko na yumuko nang sa gayon, ano man ang kababalaghang nangyayari sa silid na ito, ay hindi ko iyon makikita. Biglang huminto ang mga pag-ungol nang tuluyan akong nilamon ng kanyang silid. Halos mabingi ako sa rahas ng pagtambol ng aking dibdib. "Se-senyorito, narito ang almusal ninyo," ang nauutal kong sabi, ang mga tingin ay nanatiling nakapako sa umuusok na kape na nakapatong sa trolley. "Ipatong mo na lang ang lahat ng iyan sa mesa," ang utos nito. "Mabuti at narito ka na para pagsilbihan ako, Sabio," dugtong niya. Hindi ko alam kung may ipinupunto siya na iba sa kaniyang huling sinabi ngunit isinawalang bahala ko iyon. Dahan dahan kong inilipat ang kaniyang mga pagkain sa kalapit na mesa. Nakakabingi ang katahimikan na namayani sa aming dalawa ngunit ilang saglit pa, nilakasan ko ang aking loob upang magsalita. "Nais ko pa rin sanang magtrabaho doon sa palayan kung inyong pahihintulutan, Senyorito." "Ang utos ko ay utos na kailan man ay hindi na mababawi pa, Sabio," matatag niyang sabi. "Paglilingkuran mo ako, ngunit para patas, kapalit ng pagsisilbi mo sa akin ay dodoblehin ko rin ang sahod na kinikita mo doon sa palayan." Dodoblehin? Hindi iyon makatarungan sa ibang manggagawa dito sa hacienda sapagkat kung tutuusin, magaan lang naman ang tungkulin na nakaatang para sa akin bilang personal na tagasilbi niya. "Se-senyorito, mahihirapan po akong mag-adjust sa panibagong responsibilidad ko na ito. Buong buhay ko, namulat ako sa gawain bilang kargador ng hacienda." "Ilang taon ka na, Sabio?" kapagkuway tanong niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang ibahin ang usapang ito. "Dalawampu't dalawa, Senyorito," ang aking tugon. "Masyado ka pang bata para sa gawain na mabibigat. Sa edad ko na 32, parang hindi ko yata kayang magbuhat ng sako-sakong palay sa kamalig." "Malakas na po ang mga buto ko. Sanay ako sa pagbubuhat ng mga palay. Kaya kung mararapatin mo, ibalik mo ako sa kama-" "Hindi," agad na sabad niya. May tonong inis ang baritonong tinig niya na iyon dahilan para lumundag ang aking puso sa sahig. "Kahit ano pa man ang mga alibi mo, sarado na ang aking pandinig. Sa akin ka magsisilbi, Sabio. Tapos na ang usapan na ito," pinal niyang wika. "Pa-patawad po, Senyorito," ang nalulumo kong saad. Mabigat ang aking loob na tumalikod para sa aking paglabas. "Tawagin niyo na lang po ako kapag tapos ka na sa iyong pagkain." "Sabio." Hindi pa man ako tuluyang makalabas nang muling tinawag niya ang pangalan ko. "Sabayan mo ako sa pagkain." "Tapos na po ako mag-agahan Senyorito," pagdadahilan ko ngunit ang totoo ay kumakalam ang sikmura ko sa sandaling ito. "Kung gayon ay bantayan mo na lang ako sa aking pagkain." Agad na napaarko ang isang sulok ng aking labi sa kanyang sinabi. Unti-unti ko na namang naramdaman ang pagkulo ng aking dugo para sa kaniya. Alam ko sa sandaling ito ay pinaglalaruan na niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang humarap sa kanya ngunit ang aking nayayamot na mga tingin ay biglang lumuwa kasabay ng paglalag ng aking panga nang mapadako ang aking mata sa dingding kung saan nakakabit ang malapad na flat screen na tv. Mahabaging langit! Awtomatikong napasign of the cross ako sa aking nakita. Kasalukuyang nakapause ang sa screen ang isang lalaki kung saan nakapatong sa katawan nito ang isa ring lalaki. Hubo't hubad ang dalawa na nakalingkis ang katawan habang nakadikit ang kanilang mga labi. Wari bang nasabugan ako ng bomba na natuod lang sa kinatayuan habang tigalgal na nakatanaw sa larawang nakikita. Bakit? Puno ng kalituhan ang aking isipan. Nagsimula na ring magsitayuhan ang aking balahibo sa katawan dahil sa labis na pagkatakot at pandidiri. Unti-unting bumaba ang aking mga tingin patungo sa mukha ni Senyorito na seryoso lang na nakatitig sa akin. Wari bang binabasa niya ng maigi ang reaksyon ko. Dilat ang aking mga mata na pabalik balik sa screen ng tv at kay Senyorito na wala man lang bahid na anong pagka hindi komportable na matatag pa ring nakasandal sa headboard ng kama nito. "Sabio," sambit niya sa aking pangalan. "Masusunog ka sa impyerno, Senyorito Pancho!" ang wala sa katinuan kong saad. Puno ng kalituhan ang aking isipan hanggang sa sandaling ito. Unti-unting naging klaro sa akin ang lahat. Totoo ang hinala ko na may hindi tama sa katauhan ni Senyorito. Pero bakit? Lalaki siya! Lalaki naman siya kung kumilos. Kaya ba tila palaging kalkulado niya ang kaniyang mga galawa para itago ang tunay niyang katauhan? Hindi ako makapaniwala! Ngunit sadya nga yatang mapanlinlang ang panlabas na anyo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sandaling ito. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata baka sakaling nilinlang lang ako ng aking paningin ngunit nang muli kong tingnan ang screen naroon pa rin ang eksenang nagpapakilabot sa akin ng labis. "Sabio," muling sambit niya sa aking pangalan. Ngunit, sa halip na tapunan pa siya ng aking tingin agad na akong tumalikod para lumabas. Isinara ko ang pinto saka lumakad palayo sa silid niya na iyon. Patuloy ang aking mga hakbang. Hindi ko alam kung saan ako tutungo ngunit kailangan kong mahimasmasan sa sandaling ito. Wari bang kinukumutan ng dilim ang aking katauhan. Mukhang kailangan kong buhusan ng holy water ang aking dalawang mga mata nang sa gayon ay mawala sa aking paningin ang makasalanang larawan na aking nasilayan. "Patawad po, hindi ko po sinasadyang magkasala sa araw na ito," taimtim kong dasal sa aking isipan. Ilang pasikot sikot sa pasilyo ng mansiyon ang aking ginawa bago ko nahanap ang malaking pintuan palabas. Agad kong tinungo ang tarangkahan ng mansiyon saka humakbang patungo sa kwadra ng mga kabayo kung saan ko inilagay si Marcus. Ilang sandali pa, kasabay ng mga mabibilis na yabag ni Marcus, ang unti-unti ring pagkalayo ko mula sa mansiyon. Hindi ko alam kung saan tutungo ngunit kailangan kong makalayo. Pakiramdam ko, kung mananatili ako sa lugar na iyon, madadamay ako sa salot na maging kaparusahan ni Senyorito. Mahigpit na itinuturo ng simbahan na malaking kasalanan ang pakikiapagniig sa parehong kasarian. Kailangan mahampas sa ulo si Senyorito Pancho upang maintindihan niya na ang kaniyang panonood sa bagay na iyon ay isang malaking pagpapakasala na magpaparumi sa kaniyang katauhan. Lutang ang aking isipan hanggang sa mapansin ko na dinala ako ni Marcus pabalik sa lawa kung saan ako parating magtungo kapag gusto kong mapag-isa. Muli akong umupo sa malapad na bato habang ang aking dalawang paa ay nakalublob sa tubig. Mabigat ang aking paghinga. Mukhang kailangan kong kumalma muna nang sa gayon ay makapag-isip ako ng tama. "Bakit bigla ka na lang umalis?" ang baritonong tinig niya na iyon ang muling nagpagulat sa akin. Agad akong napalingon sa aking likuran. Bakit niya ako sinundan rito? Hindi ba niya maintindihan na gusto kong lumayo sa kanya? "Gu-gusto ko lang mapag-isa muna, Senyorito," ang aking tugon. Naglakad siya palapit sa akin saka umupo sa aking tabi. Sandaling naglapat ang aming mga braso kung kaya agad akong umusod palayo sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya dahil sa aking ginawa. "Natatakot ka ba sa akin? Nakakadiri ba ako para sa iyo, Sabio?" ang may kalungkutan niyang pagtatanong dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nangungusap ang kaniyang mga titig sa akin ngunit agad ko ring iniwas ang aking mata palayo sa kaniya. "Hi-hindi, Senyorito," pagsisinungaling ko. Hindi ako nandidiri sa katotohanan na bakla siya. Ang pinandidirihan ko ay ang kaniyang ginawang panonood sa malaswang palabas na pinagsaluhan ng kapwa lalaki. Alam ko rin na ang mga pag-ungol na narinig ko kanina sa labas ng kaniyang pinto ay dahil doon sa eksenang pagtatalik na iyon. "Hindi mo man sasabihin sa akin, ngunit alam kong nagsisinungaling ka, Sabio," ang mabigat niyang tugon. May bahid ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hinanakit? Ano naman ang nais niyang palabasin? "Bakit nanonood ka ng ganoong palabas? Hindi normal para sa isang lalaki na magkainteres sa pakikipagtalik ng dalawang lalaki." Tumawa muna siya bago niya sinagot ang aking isinaad, "hindi ko alam na ganoon ka pala ka homophobic." Teka, bakit ako? Bakit ako pa ngayon ang nagmukhang makasalanan gayong siya naman ay may deperensiya dito? "Alam mo ba kung bakit ko sinadya na madatnan mo ang bagay na iyon?" ang kaniyang pagtatanong. "Dahil gusto kong malaman mo ang tunay na ako, Sabio. Gusto kong bumuo tayo ng samahan... iyong tipong hindi ko hinahaluan ng pagsisinungaling at pagtatago. Sa tanang buhay ko, nagtatago ako sa ilalim ng aking closet dahil sa takot na baka husghan ako ng lahat. Gusto kitang maging kaibigan Sabio, bagamat ramdam ko na iba ang paniniwala mo sa akin ngunit alam ko na malawak ang iyong pang-uunawa sapagkat bata ka pa. Nais kong magkaroon ng kakampi na tatanggap sa akin bilang ako o sino ako." Sandali akong natahimik. Wari bang pinoproseso ng maigi ng aking utak ang kaniyang sinabi. "Inaamin mo ba na hindi ka tunay na lalaki, Senyorito?" "Oo," saad niya ni walang halong pag-alinlangan sa tinig niya na iyon. "Pero, ba-bakit ako?" giit ko. "Dahil interesado ako sa iyo," hayagang saad niya dahilan para mandilat ang aking mga mata at agad mapako muli ang aking paningin sa kaniya. "Se-senyorito?" "Gusto kita, Sabio," sensirong sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wari bang umurong ang aking dila dahil sa sinasabi niya na iyon. Ipinapasa ba niya sa akin ang kasalanan niya? Hindi pwede iyon! "Lalaki ako, Senyorito. Lalaki ka rin. Hindi tama ang lahat ng nasa isip mo." "Marahil ay mali ka sa paniniwala mo o mali ang paniniwala ko. Ngunit alam kong hindi nasusukat ng kasarian ang tunay na kahulugan ng pag-ibig." "Kailan man ay hindi maaring magkamali ang itinuturo ng simbahan, Senyorito," may diing pahayag ko upang maunawaan niya ang aking pinupunto. "Hindi kita inoobliga na baliin mo ang paniniwala mo para sa akin. Hindi ko rin inutos sa iyo na gustuhin mo rin ako pabalik. Ngunit sana ay hindi mo ako talikuran at sana huwag mo ring iparamdam sa akin na nakakatakot ako dahil lang sa magka- iba ang ating paniniwala sa isa't isa. Tao pa rin naman ako. Kahit ganito ako, hindi ako gagawa ng ano mang mga hakbang na ikapapahamak mo. Manatili kang tumayo sa kung ano man ang pinanindigan mo ngunit hayaan mo ako na manatili sa paraan na..." bumuntong hininga siya sabay tingin sa malayo. "Paraan na ano?" " Sa paraan na.. gustuhin ka kahit hindi mo ako gusto." "Se-senyorito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD