An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes.
Unti-unting natabunan ng puting ulap ang araw nang hapon na iyon kaya balik na naman muli sa pagtatrabaho ang lahat.
Kasalukuyang iniligay ni Saymon ang mga ibinilad na palay sa mga sako habang ako naman ang taga buhat papasok sa kamalig kung saan ito pansamantalang iimbak.
Hanggang sa kasalukuyang ito ay tila hindi pa rin naalis sa aking isipan ang paraan kung paano ako titigan ni Senyorito.
Hindi ko man aaminin sa aking sarili ngunit alam ko na naroon ang paghanga ko para sa kanya. Bagamat naroon sa kanya ang kapangyarihan at bakas sa kaniyang mga kilos na mas mataas ang antas niya kay sa amin ngunit hindi ito hambog. Hindi naman sa interesado ako sa kaniya o sa kung ano siya bilang tao ngunit may kung anong mga bulong sa aking isipan na naguudyok sa akin na mas kilalanin pa ng husto si Senyorito Pancho.
Ano ba itong iniisip ko?
Hindi naman siguro sapat na rason na humahanga lang ako sa kagwapuhan niyang taglay kaya mas nais kong kilalanin siya ng higit pa.
At...
Teka.
Iniisip ko bang gwapo si Senyorito Pancho? Muli kong sinabutan ang aking sarili sa aking isipan dahil sa bagay na iyon. Kung ano ano na lang ang pumapasok sa utak ko magmula pa noong magtagpo kaming dalawa. Lalaki ako. Siyempre hindi likas sa akin na hahanga sa kakisigan niyang taglay kasi kung tutuusin may ibubuga rin naman ako sa kanya kung katawan lang ang pag-uusapan.
Pero sige, aaminin kong gwapo si Senyorito Pancho. Lahat marahil ay may alam tungkol sa bagay na iyan. Mapababae at mapalalaki man siguro dito sa hacienda ay hindi maiwasang hindi mapahanga sa kanya.
Noong unang nakita ko siya doon sa mansiyon noong ipinapakilala ito ni Senyor Flavio bakas, sa mga tingin ng mga kababaehan ang pagningning ng kanilang mga mata. Malapad ang balikat ni Senyorito wari bang pasan pasan niya lagi ang kapangyarihang nagsusumigaw sa katauhan niya. Ang kaniyang prominenteng panga na kinukulayan ng pinong balbas ay sobrang nakakaagaw pansin. Ang kaniyang namumulang manipis na labi ay tila napakalambot na sadyang bumabagay sa perpektong hugis ng kaniyang ilong. Tuwing ngumingiti siya wari bang sa kaniya ko pa lang unang nasilayan ang isang taong mayroong nabubukod tanging perpektong set na pantaypantay at mapuputing ngipin. Sa tingin ko sa kaniya ay isa siyang literal na depinisyon ng salitang Adonis na talagang makapagpapalaway sa mga kadalagahan dito sa hacienda.
Alam ko na hindi normal para sa isang lalaki na tawagin ang kaanyuan ng kapwa lalaki ng mala-Adonis. Pagbabaliktarin man ngunit makakatohanan ang bagay na iyan. Kaya ngayon pa lang, kailangan ko ng madepensahan ang aking sarili. HINDI AKO BAKLA.
Mariin akong pumikit. Kailangan kong mabura sa aking isipan ang lalaking iyon baka kung ano ano pa ang pumasok sa utak ko at baka tuluyan pa akong mawala sa aking katinuan.
Humugot ako ng aking lakas sabay angat ng aking karga paangat sa aking balikat upang maipatong ito sa mataas na bahagi ng mga nakasalansan ng mga gasakong mga palay. Hindi ko pa man ito masyadong naisaayos sa itaas, nang makarinig ako ang pamilyar na tinig mula sa bungad ng pinto.
"Sabio," ani ng baritonong boses nito.
Gulat akong napalingon sa pinagmulan ng tinig na iyon, "Senyorito, Pancho!" bulalas ko, kasabay ng pandidilat ng aking mata. Hindi ako makapaniwalang sinundan niya ako rito.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi ngunit agad ding nabura iyon na biglang napalitan ng pagbilog ng kaniyang dalawang mga mata.
"Ilag!" Pasigaw na utos niya sa akin. Saktong paglingon ko, tumambad sa akin ang papabagsak na sako ng palay. Bago pa man ako makagawa ng kasunod na kilos, naramdaman ko na lang ang dalawang kamay niya at kinabig niya ako palayo sa kintatayuan ko.
Kasabay ng pagtilamsik ng mga pinong butil ng palay na naglikha ng marahas na pagkalabog ay ang pagbagsak rin ng katawan ko sa sahig. Napapikit ako at napadaing dahil sa lakas ng pagkatama ng aking likuran sa kawayang sahig. Agad akong napadilat ng aking nga mata nang maramdaman ko na may nakadagan sa ibabaw sa akin. At hindi nga ako nagkamali sapagkat, saktong pagdilat ko, tumambad rin sa akin ang mukha ni Senyorito Pancho.
Napakalapit ng kaniyang mukha sa akin dahilan para maramdaman ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa aking pisngi. Ang kaniyang mga mata ay mariing nakatitig sa akin habang ang kaniyang nga labi ay nakaawang pa, wari bang isa itong pulang bulaklak na naghihintay madapuan ng bubuyog.
Agad na naglakabay sa aking mga ugat ang matinding kilabot dahil sa posisyon naming dalawa. Naramdaman ko ang pagtayo ng aking balahibo sa aking katawan dahilan para puno ng pandidiri ko siyang naitulak palayo sa aking ibabaw.
"Alis!" sabay tulak sa kaniyang matipunong dibdib na hindi ko man lang nagawang maigalaw. Napakatatag ng dibdib niya na iyon!
"Senyorito!" muling bulalas ko nang hindi siya kumilos bagkus ay mas lalo niyang binigatan ang pagkapatong sa akin.
"Bakit ba tila takot na takot ka sa akin, Sabio?" tanong niya kasabay ng marahang palapit ng mukha niya na ngayon ay ilang pulgada na lang ang layo sa akin.
"Se-senyorito!" nagpupumiglas ako ngunit di ko magawang kumilos.
"Pakiusap, Sabio, huwag mo akong tingnan sa paraan na ganyan dahil hindi mo alam kung gaano kalalim ang epekto sa akin ang paraan ng pagtitig mong iyan," nakita ko na naman ang pagngisi niya na sadyang nakakalibot ang hatid sa akin. "Baka hindi ako makapagpigil... hindi lang ang mapang-akit mong mga labi ang aking sisipsipin kundi pati na rin ang kaibuturan ng iyong kaluluwa," ang matatag niyang pahayag. Pilit kong hinahagilap mula sa kaniyang dalawang madilim na mga mata ang katotohanan na biro lang niya ang sinasabi ngunit naroon sa kaniyang paningin ang kasiguraduhan na seryoso siya sa kaniyang inihayag.
"Se-senyorito," ang pumipiyok kong sambit. Bakas sa pagkakautal ko ang labis na pagkatakot dahil sa kaniyang tinuran.
Baliw ang Senyorito na ito! Wala siya sa wastong pag-iisip!
"Magsimula bukas ay hindi ka na magtatrabaho dito sa palayan sapagkat direkta ka nang magtrabaho sa akin. Sa aking mansiyon ka na maninirahan. Paglilingkuran mo ako sa bawat oras at sa bawat sandaling kailangan kita.... Sabio!"
"Mabuti naman at nandito ka na, Sabio," sandaling napatigil si mama sa pagwawalis ng aming bakuran nang mapansin niya ako. "Aba!" ang kaniyang bulalas. "Basang basa ka na naman. Hindi ba't sinabihan na kita na bawal kang maligo sa lawa pagkatapos ng iyong pagtatrabaho? Gusto mo bang magkasakit?"
"Nagpatuyo naman ako ng pawis bago ako naligo," pagdadahilan ko.
"Kahit na," may diin niyang tugon. "Sige na magbihis ka na muna at may pag-uusapan tayong dalawa."
"Pag-uusapan?" ngunot noong tanong ko. "Tungkol naman saan?"
"Magbihis ka muna."
Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang. Ayaw ko ng makigpatalo pa kay mama dahil hanggang sa sandaling ito, pakiramdam ko ay lasing na lasing pa rin ang utak ko sa mga nangyayari kanina doon sa kamalig.
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumunod sa kagustuhan ni Senyorito na sa mansiyon na ako manirahan upang pagsilbihan siya. Alam ko rin na wala akong karapatan na humindi sapagkat trabahador lang ako sa haciendang ito. Pero hindi naman siguro ibig sabihin na wala rin akong karapatan na tumanggi sa trabahong iniutos niya sa akin.
Nakakaasar! Hanggang sa sandaling ito, naroon pa rin sa akin ang pangamba na baka may iba pang agenda na binabalak si Senyorito laban sa akin. Bakit hindi? Sa dinami daming mga tauhan mayroon ang Salvatore, bakit ako pa ang napili niya upang personal na maglingkod sa kanya?
Ewan! Gulong gulo ang utak ko. Kung sakali ring panunukso lang ang ipinapakita niya sa akin, pero kahit na! Totoo na gusto kong mas makilala pa si Senyorito ng lubusan ngunit hindi sa paraang ganito na kailangan pang maglapit kami sa isa't isa.
Matapos makapagbihis, lumabas na ako sa aking silid upang puntahan si mama. Ano naman kayang mahalagang pag-uusapan namin? Sana ay hindi iyon makadagdag sa problema ko.
"Ma," bungad ko sa kanya nang madatnan ko siya sa kusina na kasalukuyang naghahanda ng hapunan.
"Nandito kanina ang Senyor Flavio," pag-uumpisa niya na siyang ikinangunot ng noo ko.
"Si Senyor? Ano naman ang sadya niya rito?" takang tanong ko. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng kaba sa ilalim ng aking dibdib sapagkat sa tanang buhay ko, wala pa ni isang beses na napadako ang Senyor dito sa village ng mga trabahador.
"Ikaw ang kailangan niya, Sabio," muling pahayag ni mama na nanatiling naroon sa kinukumpuning malunggay ang atensiyon. "Luluwas sa America ang matandang Senyor upang magpagamot ng sakit. Matatagalan daw bago siya makauwi. Ibig sabihin si Senyorito Pancho lang ang maiiwan sa Mansiyon."
"At ano naman ang kinalaman ko sa bagay na iyan?"
"Hiniling ni Senyorito sa matanda na kumuha ng personal na trabahador upang magsilbi sa kanya nang sa gayon may aalalay sa kaniya sa pagpapatakbo ng hacienda. Hindi ko alam kung bakit, pero ikaw ang napili ni Senyorito Pancho."
"Ma, ayoko!" ang malakas kong pagtutol. "Tinanggihan mo ba ang Senyor?"
"Hindi," simpleng tugon niya. Ni wala nga akong mahapuhap na pag-alala sa tinig niya na iyon. "Kung tutuusin mas mapagaan ang trabaho mo kaysa sa magbubuhat ka ng mga saku-sakong palay araw-araw. At isa pa, nakakahiyang tanggihan ang matanda. Alam mo naman na lahat ng gusto niya ay laging nasusunod."
"Ma, naman!"
"Tumigil ka nga sa kahibangan mong iyan, Sabio! Baka hindi ako makapagpigil maihampas ko sa iyo itong sandok! Pabor sa iyo ang bagay na iyon. Pansamantala lang naman. Kapag bumalik na ang matanda, balik ka na naman uli sa palayan."
Wala akong nagawa kundi ang mapasabunot na lang sa aking buhok dahil sa matinding frustration na nadarama. Paano ko ba matakasan ng kamalasang ito? Dumating lang ang gagong Senyorito sa hacienda, nagulo pa ang nanahimik kong buhay.
"ANG SILID na iyan ang kwarto ni Senyorito. Dito ka sa katabing silid nang sa gayon kapag may kailangan sayo ang Senyorito madali mo siyang madulugan," naunang pumasok sa aking magiging kwarto ang mayordoma ng mansyon na nagpakilala sa pangalan na Mameng. Sinamahan niya ako upang makabisado ko ang mga pasilyo sa malaking mansiyon ng Senyor sapagkat ito ang unang pagkaktaon na nakapasok ako rito.
Bagamat lumang istilo ang pagkagawa sa mansiyon na sadyang inspired sa kapanahunan ng kastila ngunit nakakamangha ang karangyaan na nagsusumigaw sa kabuuan ng bahay. Ang mga muwebles at mga kagamitan ay gawa sa mamahaling kahoy. Ang marmol na sahig ay napakakintab na maari ko ng masalaminan.
"Ilagay mo na muna ang mga gamit mo sa paanan ng kama. Mamaya mo na lang isaayos iyan. Sa ngayon bababa muna tayo sa kusina upang ihanda ang almusal ni Senyorito," ang utos niya sa akin nang makapasok kami sa marangyang silid na tutulugan ko. Napakalaki ng naturang kwarto. Kapansin pansin rin ang malambot na kama nakalagay doon malapit sa bintana. Bakit nila ako ilalagay rito gayong isa lang naman akong ordinaryong trabahador? Sa pagkakaalam ko kasi, may mga quarters ang mga katulong rito sa underground ng mansiyon.
Sumunod lang ako sa likuran ng matandang mayordoma. Maraming mga katulong ang nadaanan namin. Lahat ay may kanya-kaniyang ginagawa. Bakit kailangan pa ako ni Senyorito gayong marami naman siyang mga tauhan na handang magsilbi sa kanya?
"Alas otso gigising ang Senyorito. Kaya alas Syete, kwarentay singko palang bumaba ka na rito sa kusina upang dalhan siya ng agahan sa kaniyang silid. Wala kang ibang gagawin rito kundi ang mag-antabay lang sa kung ano ang iuutos niya sa iyo."
Tumango lang ako at tinandaang mabuti ang bilin ng matanda. Labag sa loob ko ang pagsilbi sa kaniya ngunit narito na ako. Wala ng atrasan pa ito. Kung sakali mang may masama siyang binabalak laban sa akin, hindi ako magdadalawang isip na ipagtanggol ang sarili ko.
"Sige na, gising na ngayon ang Senyorito. Ihatid mo na ang kaniyang almusal sa kanyang silid," ang muling utos ni Mameng.
Tulak tulak ang trolley kung saan nakapatong ang umuusok pa na pagkain ni Senyorito, maingat ang aking mga hakbang patungo sa kaniyang silid. Bawat hakbang ng aking mga paa, naroon din ang kaba sa ilalim ng aking dibdib. Wari bang nakamagnet ang aking mga paa sa sahig dahil sa bigat ng aking mga hakbang.
An: Keep scrolling for the next page.