CHAPTER 3

2181 Words
An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa tanong niya na iyon. Napakayabang ng taong ito! Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang pagkulo ng aking dugo para sa Seniyorito! Mukhang kailangan kong iiwas ang aking sarili sa kaniya. Dagdagan pa na may kung ano sa kaniya talaga na tila hindi ako komportable. Parang ang mga madilim niyang mga mata ay napakamisteryo para sa akin. May kung anong mga lihim ang binabakuran ng kanyang mahaba, itim, at makapal na mga pilik mata. Isa lang ang nasa isip ko sa ngayon, si Senyorito Pancho ay isang mapanganib na tao. Sana mali lang ako ng aking iniisip. "Patawad po," ang nagtitimpi kong tugon. Ayaw kong bahiran ng pagkayamot ang aking tinig dahil sa katotohanan na amo ko siya. Isa siyang langit habang ako naman ay lupa lang na inaapakan niya. Kailangan ko makiayon sa layo ng agwat naming dalawa. "Isa po ako sa mga trabahador sa hacienda ninyo. Kargador po ako ng mga palay sa malapit na palayan." "Anong pangalan mo?" ang kaniyang muling tanong. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, wari bang hinihigop niya rin ang aking kaluluwa dahilan para kusa akong nag-iwas ng aking paningin. "Sabio,po, Senyorito." "Sabio," pag-uulit niya sabay tango tango ng kaniyang ulo. Hindi nakaiwas sa aking mata ang paraan ng pagbaba niya ng kaniyang paningin na patuloy na dumidikit sa aking katawan. "Mauna na po ako sa inyo, Senyorito. Papalubog na ang araw at ipapastol ko pa ang aking alagang si Marcus," ang aking pahayag sabay talikod nang hindi ko na talaga makayanan pa ang labis na pagkailang. Hindi ko na siya hinintay magsalita pa. Mabilis ang aking mga hakbang na tinungo ang puno kung saan ko itinali si Marcus saka walang sinayang na oras na sumakay sa ibabaw nito. Ayaw kong sabihin na naroon ang pagnanasa sa kaniyang mga mata nang pagmasdan niya ang aking hubad na katawan sapagkat kapwa kami lalaki ngunit ang paraan ng pagtambol ng aking dibdib ay isang hudyat upang lumayo na ako sa kanya. "Uuwi kang nakahubad?" dinig kong sigaw niya dahilan para pagsasampalin ko ang aking sarili sa loob ng aking isipan. Nadagdagan ang aking pagkapahiya. Ngayon pa lang ako natatangahan sa aking sarili ng labis. Pota! Anong nangyari sa akin? Napalingon ako sa kanya na ngayon ay kasalukuyang umaahon mula sa tubig. At sa tanawing nasilayan, biglang nalaglag ang aking panga nang makita ko na ni isang saplot ay wala din pala siyang suot. Gago! Tanging nasambit ko na lang sa loob ng aking isip kasabay ng kusang paglandas ng aking mga mata patungo sa malabato niyang tiyan. Nakakahanga iyon dahilan para nakaramdam ako ng insekyuridad para sa aking sarili. Nang iiwas ko na sana ang aking paningin, hindi sinasadyang nahagip ng aking mata ang mala ahas niyang pag-aari na umaalog pa dahil sa ginawa nitong paglakad palapit sa aking kinaroroonan. Hindi ako bakla kaya di ko na dapat pa pinansin ang bagay na iyon ngunit pati ang ari niya ay galabanos din sa labis na kaputian! Pakiramdam ko ay may kung anong humampas sa aking mukha dahilan para maramdaman ko ang pamamanhid nito. Bakit ko ba nararamdaman ito gayong kapwa naman kami mga lalaki? Bukod pa doon hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng hubot hubad na lalaki gayong minsang hubot hubad naman kaming naliligo ni Saymon sa lawa na ito. Pakiwari ko ay sadyang kakaiba ang epekto ni Senyorito para sa akin. Ewan. Hindi ko maintindihan. Marahil ay nahihiya lang ako sa kanya sapagkat ito pa lang ang unang pagkakataon na magtagpo ang aming mga landas sa isa't isa. Tila nawala ako sa aking sarili na tumalon pababa mula sa likod ni Marcus. Muntik pa akong masubsob sa damuhan dahilan para marinig ako ang pagtawa niya na labis na nagpapaiinis sa akin. Dali dali kong sinuot ang aking pinaghubaran na lumang t-shirt. Nang akmang isusuot ko na sana ang aking brief nang marinig ko siyang muling nagwika. "Napakaganda namang pagmasdan ng kabayo mo." "Sala-" hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang iangat ko ang aking paningin, nakita ko na hindi pala siya nakatitig kay Marcus kundi sa mismong ari ko. Ang aking paningin sa kanya ay unti-unting nabahiran ng pagdududa. Ngunit hindi ko kayang ipalabas sa aking bibig ang katanungan unti-unting naglalaro sa aking isipan. Bakla ba si Senyorito Pancho? Ngunit hindi! Alam kong walang bahid na hindi katuwiran sa kaniyang pagkatao sapagkat sa paraan ng pagkilos at pagdala niya ng kaniyang sarili ay mas lalaki pa siyang umasta kay sa sa akin. Isa pa, karaniwang bakla dito sa aming bayan ay nagsusuot ng damit pambabae. Wala pa akong nakikitang bakla na lalaki kung gumalaw! Mabilisan kong isinuot ang aking pang-ibabang kasuotan at pagkatapos ay umakyat na ako pabalik sa likuran ni Marcus. "Bakit nagmamadali ka, Sabio?" ang kaniyang pagtatanong. Nilingon ko siya at tapos na pala itong magbihis. "Naiilang ka ba sa kahubdan ko?" "Se-senyorito?" ang aking tanong dahil baka namali lang ako ng aking pandinig. "A-ano pong ibig niyong sabihin?" kunot noong pag-uusisa ko sa kaniya pabalik. "Naiilang ka ba sa kahubdan ko?" may diing sambit niya,wari bang ipinamukha niya sa akin na hindi ako komportable sa mga kaganapang ito. "Hi-hindi po Senyorito. Ka-kapwa naman tayo mga lalaki kaya wala akong dapat ikailang." Unti-unting pumunit ang isang ngising aso mula sa mainipis niyang mga labi na pinapalibutan ng pinong balbas dahilan para mangunot ang aking noo. Isang makahulugang pagtitig ang kaniyang iginawad sa akin. Matagal niya akong tinitigan saka pinal na nagwika,"hanggang sa muli nating pagkikita, Sabio." Ang kaniyang saad sabay patong at hataw ng latigo sa kaniyang puting kabayo at pinatakbo na ito sa kabilang daan. Naiwan ako sa ibabaw ng likuran ni Marcus na napupuno ng pagtataka ang isipan. "Se-senyorito Pancho," ang kusang usal na lumabas sa aking bibig habang sinundan ng aking paningin ang papalayo niyang likuran. ______________________ An: Hindi po kayo mahayblood sa nobelang ito. Chill chill lang tayo hahaha! Don't know why ngunit excited talaga ako sa kwento na 'to. Sarap maging teen ager. Charot! _________________________ Ala-una ng hapon kaya ganoon na lang kasakit sa balat ang init ng araw. Lahat ng manggagawa sa palayan ay kasalukuyang nakasilong sa lilim ng punong mangga na ilang distansiya ang pagitan sa kamalig. Nangangati ang aking balat. Nakakapagod rin ang araw na ito sapagkat kailangan naming ibilad ni Saymon ang mga naaning sako sako na mga palay. Mahigpit kasing ibinilin ni Senyor Flavio na kailangan munang matuyo ang mga bagong ani saka iimbak papasok sa kamalig. Bakas sa mukha ng mga taong kasama ko rito ang pagod. Kailangan kasing matapos agad ang pag-aani ng mga palay bago sumapit ang tag-ulan kaya mabilisan rin ang kilos ng lahat. Ngunit, sadyang napakatarik ng araw sa sandaling ito, kaya kailangan muna naming mamahinga. Sa kabila ng pagod, ngunit maririnig ang tawanan ng mga trabahador. Naroon ang asaran at biruan kaya gumagaan pa rin ng kaunti ang aming pakiramdam upang magpatuloy sa mabigat na gawain dito. Ang mga tawanang iyon ay unti-unting naputol nang makarinig kami ng mga yabag ng kabayo. Lahat ng mga tingin ay napadako sa lalaking nakasakay sa puting kabayo nito. "Nandito si Senyorito Pancho," dinig kong mahinang usal ni Saymon. Naroon sa tinig na iyon ang pag-alala. Naramdaman ko rin ang pagka-aligaga ng mga trabahador na hindi malaman kung ano ang gagawin sa sandaling ito. Bakas sa kanila ang takot baka ikakagalit ng Senyorito ang aming pagtigil sa pagtatrabaho. Patuloy sa pagtakbo ang kaniyang kabayo palapit sa amin. Maaliwalas ang kaniyang mukha na ginuguhitan ng ngiti. Bagay na bagay sa kaniya ang suot nitong sombrero na gawa sa abaka. Hapit din sa katawan niya ang suot na sando na pinaibabawan ng brown na leather jacket upang maprotektahan mula sa araw ang kanyang balat. Haciendero nga siyang tunay sa hitsura niyang iyon. "Magandang araw," ang nakangiti nitong bati sa amin nang huminto ang kabayo niya. Tulala lang ang lahat. Wari bang isa siyang diyos na dumating dahilan para matuod lang kami sa aming kinaroroonan habang ang aming mga tingin ay nakapako sa kanya. "May problema ba?" ngunot noong tanong nito nang wala siyang nakuhang tugon mula sa isa sa amin sa ginawang pagbati niya na iyon. Sandali pang nagkatinginan ang lahat, wari bang hindi inaasahan na ganoon ang ibungad ni Senyorito Pancho sa amin. Ibang iba kasi ito sa Senyor Flavio na labis kung maghigpit sa mga nasasakupan. Hindi ko naman masabing masamang amo si Senyor, ngunit ayaw niyang masayang ang oras. Basta araw ng pagtatrabaho, wala siyang pakialam kung mainit o maulan ang panahon. Lahat ay dapat gampanan ang gawaing nakaatang sa kanya. "Se-Senyorito," ang utal na saad ni Mang Kanor. Malikot ang tingin nitong pabalik balik sa amin at sa Senyorito na kararating lang. "Sandali lang po kaming nagpapahinga ngunit babalik na po kami sa palayan para gawin ang pag-aani." "Wala namang problema," pahayag niya. Biglang huminto ang kaniyang tingin sa akin dahilan para mapayuko ako. "Masyadong nakakapaso ang araw kaya magpahinga muna kayo." Hindi ko alam bakit pakiramdam ko ay natatakot ako sa kaniya gayong wala naman siyang ginawa laban sa akin. Sa inakto niya ngayon, unti-unti kong napagtanto na mali ako sa aking iniisip laban sa kaniya na isa siyang masamang amo. "Ano pong sadya niyo rito, Senyorito Pancho?" muling pagtatanong ni Mang Kanor. "Naglilibot lang. Gusto kong kabisaduhin ang mga pasikot sikot sa hacienda nang sa gayon ay maging pamilyar sa akin ang mga taniman na narito. Isa pa, gusto ko ring makita at makilala kayong lahat," ang pahayag nito. Nang muling iniangat ko ang aking paningin, patuloy pa rin siyang nakatitig sa akin ngunit ang mga titig niya na iyon ay may kasama ng makahulugang pagngiti. Hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig sa inakto niya ngunit pakiramdam ko ay hindi ito maganda. Marahil ay tinutukso niya ako tungkol sa hindi magandang pagtatagpo namin sa lawa noong isang araw. Masyadong nakakahiya iyon at nakakasuka! Kung maari lang sana ay hindi na kami muling pagtagpuin pa ni Senyorito! Bumaba siya mula sa sinasakyang kabayo. Mabilis naman ang mga kilos ni Mang Kanor upang dulugan ito. "Ako na po ang magtatali sa kabayo ninyo, Senyorito," ang mapagkumbabang pagpresinta ng matanda. "Salamat." HINDI KO lubos akalain na marunong din palang makisama si Senyorito Pancho. Sa kasalukuyang ito, kapwa kami nakaupo sa lilim ng punong mangga na sinisilungan. Hindi ko alam kung sinadya ni Senyorito na maupo sa mismong harapan ko. Hindi rin nakaiwas sa aking mga mata ang malagkit na paraan ng pagnanakaw niya ng titig sa akin. Marahil ay hindi iyon halata ng mga kasama ko ngunit ramdam ko ito. Ramdam ko na mayroon siyang nais iparating sa akin na tanging siya lang ang nakakaalam kung ano. Ang buong akala ko, strikto ito at maldito ngunit iba ang pakikitungo niya sa amin ngayon. Sa totoo nga niyan ay madali niyang nakagaanan ng loob ang mga trabahador na naririto. Walang arte na sumasabay rin siya sa mga tawanan at biruan ng mga trabahador. Sinong mag-aakala na ang anak ng mahigpit na Senyor ay marunong din palang makihalubilo sa mga mababang uri na kagaya namin? Sa paraan ng mga tawanan na pumupuno dito sa lilim ng punong mangga, ramdam ko ang paghanga ng mga manggagawa para sa kaniya. "Sabio, ikaw na," bulong sa akin ni Saymon sabay siko sa aking tagiliran dahilan para mapalingon ako sa kanya. "A-ano?!" gulat akong napalingon kay Saymon. "Ikaw na lang ang hindi nagpakilala kay Senyorito," ang muling tugon niya. Naramdaman ko na ang lahat ng atensyon ay nasa akin na. Hindi ko maunawaan ang aking sarili bakit kinakabahan ako. Humugot ako ng aking lakas bago nagawang salubungin ang madilim na mga mata ni Senyorito na ngayon ay matamang naghihintay sa aking sasabihin. Nasilayan ko naman ang mga titig niya na nakakatunaw. Wari bang hinihigop ako nito. Napalunok ako bago nagawang nagsalita. "Sa-sabio po, Senyorito," ang pumipiyok kong sabi. "Sabio..." unti-unti na namang pumunit ang makahulugang pagngisi niya dahilan para mas lalong madagdagan ang kaba sa ilalim ng aking dibdib. "Ikinagagalak kong makita kang muli... Sabio," ang may diing sambit niya sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay natatae ako o ano na tila may kung anong mga paru-parong nagliliparan sa ilalim ng tiyan ko. "Pagpasensiyahan mo na itong si pareng Sabio ko, Senyorito," dinig kong sabad ni Saymon dahilan para maagaw niya ang atensiyon ng kaharap. "Malakas yata ang tama niyan sayo. Kanina maingay naman yan ngunit nang dumating ka, aba! Bigla na lang tumahimik," dugtong nito na may kasama pang pagtawa na sinabayan pa ng pagkantiyaw ng mga kasama namin dahilan para mamahid ang aking mukha sa labis na kahihiyan. Awtomatikong sinamaan ko ng tingin si Saymon, "pinagsasabi mo?" An: Keep scrolling for the next page.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD