"Hindi mo kailangang gawin, iyan," nakangiting deklara ni Senyorito Pancho sa nahihirapang binata na kasama niya sa opisina sa sandaling iyon. Umpisa na nang pagtatrabaho ni Sabio bilang kanang kamay niya, kaya naman halos magkandarapa ito sa mga gawaing estranghero sa binata. Alam niyang hindi kayang gawin ni Sabio ang mga tungkulin na nakaatang rito, ngunit kailangan niyang makasigurado na ang lalaki ay hinding hindi mawawala sa kaniyang paningin. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya kung sakaling mawala sa kaniyang tabi ang lalaking tinatangi niya ng lubos. Nakangunot ang noo ni Sabio na nakatutok sa maraming dokumentong nakasalansan sa ibabaw ng mesa nito. Para sa kaniya, mas mainam pa.ang kaniyang buhay bilang personal.na tagapagsilbi ni Senyorito Pancho, ngunit kahit anon

