"Sabio!" dinig kong pasigaw na pagtawag niya sa akin, ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Tuloy tuloy lang ako sa aking paghakbang hanggang sa tuluyan akong makalabas sa malaking tarangkahan ng mansiyon. Agad akong nagtungo sa kwadra ng nga kabayo. Sandali kong hinanap ang aking alagang si Marcus at laking pasasalamat ko nang matanaw ko agad iyon sa stableng pinaglagyan nito. Akala ko ay tuluyan na itong inangkin ni Senyorita Amanda at iniuwi nito sa kanilang lupain. Pagkatapos makalagan ng tali, sumakay na ako sa likuran ni Marcus saka walang lingon pabalik sa mansiyon na pinahuhurot ang naturang kabayo paalis. Hanggang ngayon ay tila nag-aapoy pa rin ang pagkamuhing nadarama ko kay Senyorito Pancho. Pakiramdam ko, walang kapatawaran ang pagtataksil niyang iyon sa akin. Hindi ko na al

