"SIGE! IWAN NIYO NA AKONG LAHAT!" Halos umalingawngaw ang huling sinabi niyang iyon sa aking magkabilang tainga. Hindi ko na napigilan pa ang sunod sunod na pag-agos ng aking mga luha, pagkatapos niyang isigaw ang salitang binitawan, bago tumalikod palabas mula sa aking silid. "Senyorito.." nahihirapang sambit ko. Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong magpaliwanag kung bakit nasabi ko ang bagay na iyon sa kaniya. Gusto kong ipabatid sa kaniya ang ounto ko bakit tutol ako sa paraan gusto niyang manguari. Gusto kong manatili muna siya sa aking tabi ngunit tuloy tuloy lang ang kaniyang paglabas at pabalibag na isinara ang pinto. Ramdam ko ang galit niya sa akin. Mula sa mga tinging puno ng hinanakit, wari bang ipinadama niya rin sa akin na binigo ko siya. Gusto ko! Gustong gusto kong samahan

