Tahimik ang gabi. Wari bang ang lahat ng mga buhay sa sandaling iyon ay naroon sa kaniya-kaniyang silid tulugan dahilan para magmistulang naging bahay pananahanan ng mga hindi ordinaryong nilalang ang naturang mansion. Ang kaninang maingay na paligid ay tila ba biglang natigil nang marinig ang impit na paghiyaw ni Senyorita Amanda. Ang mga hiyaw na kumakawala sa mga labi nitong nanginginig ay wari bang nagpapahiwatig ng pagkatakot at paghihirap. Ngunit nagmistulang bingi ang lahat. Wari bang nakatakip ang mga tainga ng mga tao sa mansiyon dahilan kahit may kararampot na mga pagtatangis ang minsang naglandas sa mga labi niyang marahas na nginangasab ni Senyorito Pancho, walang nakakarinig sa kaniya. Sa muling pagkakataon ay sinubukang idilat ni Senyorita Amanda ang kaniyang mga matang mar

