MAALIWALAS ang panahon sa sandaling ito. Buhay na buhay ang buong hacienda sapagkat ngayong araw nakatakdang ipagdiwang sa mansiyon ang pagaling ni Senyor Flavio. Isang malaking hapunan ang inihanda para sa lahat. Kahapon pa nakauwi ang matanda at sa sandaling ito ay namamahinga. Bilang pasasalamat ay isang salu-salu ang kaniyang ipinatupad para sa lahat ng mga trabahador ng hacienda gayong patuloy sa pag-usbong at pag-unlad ang malawak na lupain sa ilalim ng pamumuno ni Senyorito Pancho. Mula dito sa pasilyo kung saan ako kasalukuyang naglalakad upang hatdan ng pananghalian ang Senyorito sa silid nito, tanaw ko kung gaano ka bisi ang lahat ng mga tauhan sa mansiyon. Bali-balita rin ang pagdating ng ilan sa mga matatalik na kaibigan ni Senyor Flavio mamayang gabi. Batid kong isang napakal

