Napasinghap ako nang bigla akong hatakin ni Reed palapit sa katawan nito.
"Reed!"gulat na binalingan ko ito.
"bakit nandito kayo mom?"si Reed na hindi ako pinansin at diretso ang tingin sa mama nito.
"uh, well anak balak ka sana naming bisitahin ni Charlotte."
Mabilis ang tingin na binigay ko sa dalawang bagong dating dahil sa pangalang narinig.
"office hours mom--"
"oh come on anak! Don't give me that excuse, ano at nandito si Alissandra?"napalunok ako sa kaba lalo at nasa akin na ang atensyon nila.
Though, I heard Reed cursed ay hindi parin nawawala ang kaba ko.
"she's my secretary mom."hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako sa narinig mula kay Reed.
Nadisappoint ba ako sa sagot nito?
True, I'm his secretary but I am also his girlfriend right?
"right, but anak Charlotte just got home from UK and she really did missed you kaya sinamahan ko siya dito."
Gusto kong mahiya para sa kanila, knowing I'm his girlfriend ay parang nakakabastos naman yata ang marinig iyon without asking me if it's okay. Let's say na nauna siya, she's a dear friend and I can never change that pero bakit parang naooffend ako?
"I'm with Leigh.."Reed said.
I heard his mom heave a sigh bago tumingin sa akin.
"do you mind iha kung uuwi ng maaga si Reed?"nilingon ko si Reed, I can't even read his expression.
Ayoko sana dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari but when I saw his mom's eyes na para bang nakasalalay sa akin ang pagpapahiya dito ay mariing pumikit ako bago umiling.
"I don't m-mind po.."I stuttered.
"narinig mo anak? Kaya halika at ikaw ang unang gustong makita ni Charlotte, diba Charlotte?"maging ako ay hinintay ang isasagot nito.
"yes tita, I've been thinking about how is he lalo na nung nasa abroad ako, now I have a chance to ask him how he is these past long years."she giggled.
Chance? What kind of chance did she meant?
Paranoid lang ba ako o may something? But if there's something between them siguro naman pagbabawalan sila ng mama ni Reed because I'm already here.
The girlfriend.
"Leigh I need to accompany these two, can you manage here alone?"ang nagtatanong na mga mata nito ang dahilan nang pangingilid ng luha ko.
Yumuko ako to hide my tears.
"oo, ako na ang bahala."sagot ko.
"okay.. I'll text you later."bulong nito bago kinuha ang gamit nito at umalis kasama ang dalawa.
Napaupo ako sa swivel chair dahil kanina pa nanghihina ang tuhod ko. Bigla ay parang napagod ako. Sumandal ako at pumikit para pakalmahin ang sarili ko.
Kanina pa sila nakaalis at three hours na ang lumipas pero wala paring text from Reed. Kanina pa ako tingin ng tingin sa phone ko dahil baka hindi ko lang narinig pero wala talaga.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Pareho kaming nagulat ni Alfonso s***h Onsoy.
"nandito ka pa? Wala na ang boss mo ah.."he mocked.
"may tinatapos lang."sagot ko.
"pinapakuha ni mom ang ilang papers at sa bahay daw muna si Reed dahil may bisita."wika nito.
"do you know her?"nag aalangang tanong ko.
"Nope! But I heard she's the first love of uh..Reed.."napalunok ako sa narinig.
"don't worry Isay akong bahala nandoon naman ako at--"
"pero wala ka doon ngayon.."natigilan ito sa sinabi ko.
Nang makita nito ang itsura ko ay napabuntong hininga na ito. Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko.
"kahit wala ako doon Isay I can tell that Reed won't do anything stupid dahil malalaman ko din iyon, don't you trust him?"he asked.
"I do trust him."I murmured.
"but not the lady?"tumango ako sa sinabi nito.
"I can understand you with that, pero kung nag aalala ka why don't you just leave this place at sumama ka sa akin pauwi?"umiling ako sa suggestion nito.
"magmumukha akong nagbabantay.."
"hindi ba? Kesa naman mabaliw ka sa kakaisip sa kanila."dagdag nito.
"I'm fine, tatapusin ko lang ito at uuwi na."ngumuso ito sa akin dahil sa sinabi ko bago tumango.
"see you around then.."he said, ngumiti ako dito at tumango nang paalis na ito.
Habang pababa na ako ng building ay napasandal ako sa elevator. Hindi ko napansin ang oras, gabi na bago ko napansin na overtime na ako. Bumukas ang elevator sa lobby naglakad ako palabas nang makita ko si Oliver kasama si Lea.
"hi!"bati ni Lea sa akin.
"hello."I replied.
Tumingin si Oliver sa akin at parang may hinahanap.
"hindi mo kasama si Samaniego?"tanong nito.
"hindi e."
Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko.
"hindi ka ihahatid pauwi?"umiling ako dito.
"gabi na it's almost 9 bakit ngayon ka lang uuwi may sasakyan ka ba?"bigla ay gusto kong mailang sa dami ng tanong nito.
"Ver, investigator ka ba? Chill dami mong tanong."natatawang puna ni Lea.
Umiling lang si Oliver dito bago muling bumaling sa akin.
"do you have a car?"doon ko lang naalala na wala akong sasakyan dahil pinakuha ni Reed kanina sa driver nito at sabay sana kaming uuwi ngayon.
Umiling ako.
"I can't believe this, he didn't ask you to drive you home?"he asked.
"ah, maaga siyang umuwi kasi dumating si Charlotte."nakita ko ang pagdaan ng pagkagulat sa mukha nito.
"I see, come I'll drive you home then."alok nito.
"naku huwag na! Kaya ko naman mag tataxi nalang ako at isa pa baka nakakaabala kay Lea--"
"she have her own car so I don't need to drive for her, let's go."hindi na ako nakaimik nang mauna na itong maglakad.
"go on habang matulungin pa ang kapatid ko hahaha!"Lea commented.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay sa sasakyan nito. A ford? Not bad.
Nasa byahe na kami pero tahimik lang kami at walang nagsasalita. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan ng lumiko ito sa isang restaurant.
"baki--"
"I can bet that you haven't eaten yet, kumain muna tayo bago kita ihahatid."lumabas na ito ng sasakyan.
I sighed.
Sumunod ako dito papasok ng restaurant, sinalubong ito ng isang lalaki at nakipag apir dito.
"same ba Oliver?"bago sumagot si Oliver dito ay lumingon muna sa akin.
"ask her first."sagot nito.
Natigilan ang lalaki ng makita ako. Nailang pa ako sa uri ng titig nito.
"a babe huh.."the guy said.
"don't think on hitting on her, she's not available."seryoso ang boses ni Oliver kaya napalingon ako sa kanya.
"okay!"natatawang nagtaas ng kamay yung kausap na lalaki nito.
"what do you want miss?"he asked me.
"ahm, can I see the menu?"tanong ko.
"sure!"binigay nito ang menu sa akin.
"carbonara and pineapple juice."tumaas ang kilay nito sa order ko bago lumingon kay Oliver.
"my order is same as before, add the special menu for today."ngumisi ang lalaki dito bago umalis.
"he's my cousin, sorry."hindi ako nakasagot nang mag angat ito ng tingin sa akin.
"after we eat I'll send you home."tumango ako dito at ngumiti.
Nang dumating ang pagkain ay nalula ako, carbonara lang ang inorder ko pero may steak pa at tenderloin kaya napatingin ako sa kanya.
"eat, you're thin."maikli lang ang mga salita nito pero nakakapagdudang naiintindihan ko siya.
Nang matapos kami kumain ay busog na busog ako, pinaubos niya kasi ang steak sa akin, pakiramdam ko ay isa akong tamilmil na bata sa pagkain at kailangang bantayan.
"salamat.."usal ko ng nasa tapat na kami ng penthouse.
"no worries."sagot nito bago ako tinalikuran.
Halos kanina ko pa siya kasama pero bilang ko lang ang mga sinabi nito sa akin.
I checked my phone pag uwi ko at napangiti ng may message ako pero napawi din ng makitang si Onsoy iyon at hindi si Reed.
"Reed is busy he can't text you so he asked me to do it, anyway don't worry Isay I've got my eyes on them, goodnight."
Nangilid ang luha ko sa nabasa. Hindi man lang ba niya ako tatawagan to check kung nakauwi na ba ako knowing I don't have my car?
Wow Reed.