Hindi ako pumasok kinabukasan. Mas gusto kong dito nalang muna ako sa penthouse kesa doon. Na receive ko ang text mula kay Reed na malelate siya ng pasok.
Hindi ako nagreply.
Bahala siyang pumasok at magtaka kung bakit wala ako. Naliligo ako nang tumunog ang phone ko.
May text.
"can I go to your house?"
Nanlaki ang mata ko sa text ni Wheng. Agad kong tinawagan ang bruha.
"may problema ba?"tanong ko agad.
Tumawa ito sa kabilang linya bago sumagot.
"I wanna ask you out busy ka ba?"
"nope."sagot ko.
"great! Where can I meet you?"she sounded excited
"same place."ani ko.
"sa bar? Ang aga pa!"natawa ako sa sinabi nito.
"sa resto na pinupuntahan natin you dimwit!"natatawang ingos ko.
"oh! Okay!"she ended the call while laughing.
Tss.
Nagbihis na ako at naglagay ng konting make up. Paalis na ako ng tumunog ang phone ko, tumatawag si Reed. Anong oras na ba?
2pm?
Really?
Ngayon mo lang nalaman na wala ako sa trabaho?
I didn't pick up his calls. Nagdrive ako papunta sa resto. Napaaga yata ako dahil wala pa ang bruha.
Napatayo ako ng makita si Wheng sa pinto kasama si Steve. Holding hands pa talaga ha.
Nang makita ako ni Wheng ay kumaway pa ito sa akin. Mukhang masaya na ito.
"kanina ka pa?"she asked habang nakikipagbeso sa akin.
Tinapik naman ako sa balikat ni Steve hindi ko alam kung para saan siguro ay pagbati niya sa akin ang tapik na 'yon.
"so what's the fuss at inaya niyo akong lumabas?"tanong ko sa couple.
Wheng didn't answer, she just put her hand in front of me. I gasps.
May singsing na siya. Napatili ako at niyakap siya.
"totoo?"hindi makapaniwalang tanong ko sa dalawa.
"well, kukunin sana kitang maid of honor kaya gusto kitang kausapin."she beamed a smile.
"of course!"masayang bulalas ko.
Nagkwento si Wheng kung paano nagpropose sa kanya si Steve na pulang pula naman sa tabi nito. Nakangiti akong nakikinig sa kanila, medyo kinikilig pa ako nang mapawi ang ngiti ko nang makita ang papasok ng resto.
Akala ko ay nasa office siya? Sa dinami dami ng resto dito pa talaga?
Did he call me dahil hindi siya papasok?
And here I thought he called me because he's worried.
Worried my ass!
Steve saw my reaction kaya sinundan niya ang tinitignan ko.
I heard him utter a word pero hindi ko naintindihan.
"so ayun nga I'm so excited lalo at sure akong kompleto ang three kings and--"
"love, I think we should go somewhere."Steve cut her words.
"huh?"si Wheng naman ay tinignan ang kanina ko pang pinagmamasdan.
She cursed.
I literally heard her every word.
"who's that?!"hindi ako nakasagot kay Wheng.
"lipat nalang tayo."si Steve.
"no Steve, answer her, sino nga ba si Charlotte?"I know I sounded so bitter kaya nag aalalang tinignan na ako ni Wheng.
Steve sigh.
"that's his fiancee.."his words cut through my veins.
"f-fiancee? Pero si Ali ang girlfriend niya paanong--"
"obviously we're not together anymore Wheng, I'm sorry I have to go."paalam ko sa kanila bago ako tumayo.
Nakuha ko ang atensyon nila sa kabilang table dahil sa pagtayo ko and I saw how surprised he is nang makita ako.
I smirked at him bago lumabas ng resto. Nakita ko ang pag sunod nito kaya binilisan ko ang paghakbang papunta sa sasakyan ko.
"Leigh!"
"Leigh wait!"
"baby.."hinablot nito ang kamay ko at hinarap ako sa kanya.
"nagulat ka ba? Don't worry nagulat din ako."sabi ko bago piniksi ang braso ko.
"aalis na ako sa penthouse mo, babayaran ko ang mansion namin--"
"let's talk first baby.."sinandal nito ang noo sa balikat ko.
Hindi ako gumalaw, ni hindi ko tinangkang kumilos sa mga lambing nito.
"I heard you have a finacee.."nanigas ito sa sinabi ko.
His actions hurt me, dahil ito ang sumasagot sa mga tanong ko.
"let me explain please.."bulong nito.
"hindi na kailangan Reed, Go on and have a date with your fiancée, I'm done here."umiling ito sa sinabi ko.
"no baby.."
"yes Reed, goodbye."nanghina ito sa mga sinabi ko kaya nagawa ko itong itulak.
Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot pauwi sa penthouse. Pagdating ay agad kong kinuha ang mga gamit ko. Umiiyak na nilagay ko ang lahat sa maleta ko.
Kanina pa tumutunog ang phone ko at alam kong si Reed yun. No, I'm not going to talk to you anymore.
Sa harapan ng pintuan ng bahay nila Wheng ako dinala ng mga paa ko. She welcome me with her hugs.
Umiyak ako or more on humagulgol ako sa kanya. She had seen me broken before kaya siguro ay ayos lang ito.
"Ali sshh..hush now.."she whispered.
Kinabukasan ay masakit ang ulo ko, siguro ay dahil sa hanggang sa makatulog ako ay umiiyak parin ako. Naabutan ko si Steve sa sala paglabas ko sa kwarto ko.
"hindi ko alam na nandito ka pala.."tumayo ito habang kumakamot sa ulo.
Alam ko na napansin nito ang namamaga kong mata pero hindi na ito nagkomento pa. Kahit paano ay naipasalamat ko na may consideration ang jowa ng kaibigan ko.
Hindi ko alam na sinabi pala ni Wheng ang lahat ng hinaing niya para kay Reed sa jowa niya.
Kaya ang jowa niya ay mukhang nag iisip din. Pareho sila ng reaksyon.
"ganyan din ang itsura ni Oliver nang malaman na kasama ni Reed si Charlotte."naagaw ko ang atensyon nito dahil sa sinabi ko.
"fuck.."usal nito na nagpasalubong ng kilay ko.
"bakit?"tanong ko.
Umiling lang ito kaya napairap ako.
"she's his fiancee right?"kitang kita ko kung paanong namumutlang tumango si Steve sa sinabi ko.
"sadly, nalaman ko agad, ano pala dapat? Yung medyo mukha akong tanga? "sabi ko bago tumayo sa pagkakaupo.
"Reed doesn't like her."I almost smirk nang marinig 'yun.
"you will never call a person on his or her nickname if she isn't dear to you."Steve went silent on what I said.
Alam ko naman, na ipagtatanggol niya ang lalaki na' yun dahil kaibigan niya.
"I'm sure about it though."hirit pa din nito.
Hindi na ako pumasok sa opisina, sinadya ko nalang mag AWOL kesa ang makausap pa at makita si Reed.
I'm not martyrdom.
Nasa patio ako at nakatingin sa malawak na swimming pool nila Wheng. Naglilinis ang mga katulong doon at kinukuha ang mga tuyong dahon na nahuhulog sa tubig.
Nasa ganoong sitwasyon ako nang bumukas ang gate. Akala ko ay si Wheng ang dumating mula sa trabaho pero pareho kaming nagulat nang magtama ang mata namin.
"Ian.."
"Ali?"
Natawa kami pareho bago siya lumapit sa akin.
"visiting Wheng?"he asked.
Ayoko sanang magsinungaling pero ayoko rin naman na malaman niya ang pinagdadaanan ko ngayon.
"ah.. Oo.."
"nandyan na ba siya? Kakausapin ko din sana about sa you know kasal ko."medyo humina ang boses nito sa sinabi.
Awkward I know. But I know to myself that I had moved on lalo at lubog ako ngayon dahil kay Reed.
Samaniego though didn't give time to look for me. He is so busy with his fiancee pakiramdam ko ay napagtulungan ako ng pamilyang iyon.
Maging si Onsoy. He didn't say a word about those two. Imposibleng hindi niya alam iyon. But he kept it from me.
Ngayon na narito ako at kausap si Ian, gusto ko uling tanungin ang sarili ko, kung paano ko nga ba naiwala ang lalaking ito.
Gusto kong pakaisipin at damhin ang sakit na dinulot nito sa akin na alam kong ilang taon kong kinimkim pero bakit ngayon parang wala akong maalala sa mga nangyari.
Feels like hindi naging kami, parang si Reed lang ang naging boyfriend ko at sinasaktan ako ng ganito.
I wanted to forget him. Na sa sobrang gusto ko siyang makalimutan ay willing akong alalahanin ang sakit na dinulot sa akin noon ng lalaking kaharap ko.
How pathetic Alissandra.
Nasa ganoong tagpo kami ng bumukas ang gate at tumambad sa amin si Steve kasama si Wheng.
"bakit narito ka?"tanong kaagad ni Wheng sa pinsan niya bago tumingin sa akin.
"may itatanong ako sa iyo, nagulat lang ako nang makita si Ali dito--"
"don't give me that crap! You heard my conversation with Steve kanina."nanlaki ang mata ko sa narinig.
He sighed.
Bago siya lumingon sa akin. Ian shook his head bago ngumiwi.
"I just wanna check on her."he said.
Kung noon ay may mararamdaman siguro ako, kilig or inis? I don't know.
But right now I'm lost. Hindi ko ma gets kung bakit knowing he is getting married.
"you're not a doctor so back off."napalingon kami kay Steve at halata sa mukha nito ang inis.
"I'm her friend too--"
"she have Wheng, that's enough."hindi na nakaimik si Ian.
Tiim ang bagang na tumingin ito kay Steve bago umalis at lumabas ng bahay.
Wheng held my hand.
"I'm sorry about this.."she apologized.
"it's fine."sagot ko pero umuling ito bago umatras at may hinila mula sa labas.
My eyes widen when I saw Reed. With his suit and leather shoes.
Humakbang ito palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"baby.."