Simula
One thing is for sure in this world–hindi ako mamatay na mahirap. Hindi ako gagaya sa nanay ko na mas piniling magmahal ng jeepney driver at hayaan na magutom ang mga anak. I’ll be a good wife as long as my man makes money.
Yes, call me a gold digger but I don't care. Sa buhay ngayon, hindi ka mabubuhay kung wala kang pera. Hindi ka rin naman mamamatay sa masasakit na salita na ibabato nila sa ‘yo. Mamamatay ka kung magpapaapekto ka sa ka nila. Sa kaso ko, matagal na akong sanay at nawalan ng pakialam. Kumakalam na ang sikmura ko, uunahin ko pa ba ang sasabihin ng ibang tao?
Higit sa lahat, hindi ka mabubuhay sa pagmamahal–isang malaking katangahan.
Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Hanggang second year college lang ang natapos ko pero kahit na ganoon ay hirap pa rin ako maghanap ng trabaho. Kahit gusto kong mag-aral ng mabuti, naapektuhan pa rin iyon dahil mahirap lang ako. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na ang kahirapan ay hindi hadlang para mag-aral, dahil kahirapan talaga ang dahilan kung bakit maraming mas pinipili na kitilin na lang ang sariling buhay.
Buhay ay karera, hindi mo alam kung kailan ka mamatay ka. At ako? Ayaw kong mamatay na mahirap.
Kahit anong sipag mo sa pagtatrabaho kung marami kang kailangan na unahin, mawawala ka sa daan na gusto mo. Lalo na kapag ikaw ang panganay, ikaw ang aasahan ng buong pamilya na mag-aahon sa kahirapan. That’s bullshít.
Hindi ko ginusto na mabuhay sa mundo para lang tulungan makaahon sa kahirapan ang mga tao na hindi nag-iisip,—tinutukoy ko ang mga magulang ko. Simula ng magkamulat ako sa mundo, wala na akong ibang sinisi sa kamalasan ko kung hindi sila. Kung maaari na akong magdesisyo kahit isa pa lang akong sperm cell ay hindi ko pipiliin na mabuhay sa kasuklam-suklam na mundo na ‘to.
“Ang mahal naman,” yamot na wika ko. Nasa mall ako ngayon at kailangan ko bumili ng bagong stiletto heels para mamayang gabi.
Kung mayaman lang ako ay hindi lang isa ang bibilhin ko, buong laman ng store ay gagawin kong collection. Oo, mahirap lang ako pero mahilig ako sa mga bagay na kumikinang–sa itsura at sa presyo.
May lumapit na saleslady sa akin. “Yes, Miss? Ano po iyon?”
I sighed. “May iba ba kayong kulay nito?” Ipinakita ko ang kulay itim na stiletto.
The saleslady smiled apologetically. “I am sorry, Ma’am. Last na po kasi iyan. Marami na po kasi ang bumili ng ibang kulay. Next week pa po ang dating ng mga bagong stock galing ibang bansa.”
Pinalungkot ko ang mukha ko. “Sayang naman, ang ganda pa naman pero hindi ko type ang black ngayon. Kung next week pa ang mga bagong kulay, siguro next week na lang ako babalik?”
Matamis siya na ngumiti sa akin at nahihiyang tumango. “Yes, Ma’am. Pasensiya na po talaga.”
Tumango ako at nilisan ang mamahalin na store na ‘yon. And that’s how I get away from buying. Pwede naman na umalis na lang ako pero ayaw ko na magmukhang mahirap. Mahirap na nga ako, papayag pa ba akong magmukhang mahirap? Bakit ba kasi ang mamahal na ng gamit ngayon?
Sa huli ay sa palengke ako nakabili ng mumurahing sapatos na katulad lang din ng nakita ko sa mall. Parehong-pareho lang sila pero ang pinagkaiba lang ay walang kintab ang nabili. Kahit na labag sa loob dahil hindi naman ito ang gusto ko ay binili ko pa rin.
“Oh, pupunta ka na naman doon? Ang kulit mo talaga, ilang beses kong sasabihin na wala kang makikita na matinong lalaki sa club?”
Naglakad ako papasok ng kwarto niya. Naupo ako sa vanity table. Sa harapan ko ay mga mamahaling makeup niya na madalas niyang ginagamit sa akin kapag may gusto siyang aralin na klase ng makeup. Pabor din naman sa akin iyon dahil bukod sa magaling talaga siya mag-makeup ay nagmumukha talaga akong mayaman.
“Sinong nagsabi na matinong lalaki ang hinahanap ko? Gusto ko ng mayamang lalaki, Gaile. Iyong sobrang yaman na kaya akong pahigain sa kama na maraming pera.” Napangiti ako sa naisip. Kailan kaya mangyayari ‘yon? Hindi na ako makapaghintay.
“Amber, alam mo, ako ang kinakabahan sa mga pinaggagawa mo. Paano kung mabuntis ka?” Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang mga makeup niya na gagamitin sa akin. Sanay na siya sa ganito dahil siya lagi ang nag-aayos sa akin.
Gaile and I have been friends since high school. Ang pinagkaiba lang namin ay mayaman siya samantalang ako ang kabaliktaran niya. Siya ang swerte sa magulang, sa pag-aaral, sa buhay habang ako ang minalas sa lahat. Madalas iniisip ko kung nabuhay ba ako na makasalanan noon mga naunang buhay ko kaya minamalas ako ng ganito.
“Excuse me, virgin pa ako ‘no. Ang rule ko ay hindi ako magpapatusok hanggang hindi nila nilalagyan ng singsing ang kamay ko. Aba, gusto kong makasiguro na matatali talaga sila sa akin.”
But even though I am a virgin, I know all the things that I should know. Nakapanood na ako ng malalaswang panoorin dahil sa kuryusudad ko at para na rin matuto. Kung magiging asawa man ako ng mayamang lalaki, gusto kong mapaligaya siya sa kama kahit na hindi ko siya mahal.
Umiling na lang siya sa akin bago ako inayusan. Ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang mukha at katawan ko. I have a sun-kissed complexion, the typical skin color of a Filipina. An almond-shaped eyes, framed by long, dark lashes. Kulay tsokolate naman ang mga mata ko na mas gumaganda kapag nasisinagan ng araw. I have full, ang inviting lips. Sa mga lalaking nakakausap ko, walang palya na laging bumababa ang tingin nila sa labi ko. I can't blame them.
Matapos niya akong ayusan ay sinuot ko ang dress na iniregalo niya sa akin noon. The black off-shoulder top I am wearing gracefully accentuated my collarbones. I paired it with a deep black mini-skirt that perfectly hugged my small waist and wide hips. To complete the look I am achieving, I wore the stiletto that I bought earlier.
“Should I give you a ride?” Nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako. “Hindi na, kaya ko na. Thank you sa makeover!”
Kailangan ko na rin umalis dahil kapag naabutan ako ng Mommy niya ay magagalit na naman iyon sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang nakikita na kasama ako ng anak niya. Sino bang may gusto na makita ang anak na ako ang kasama? Ilang taon na ako pero wala pa akong maayos na buhay. Si Gaile, naghahanda na para sa board exam niya, panggulo lang ako. Malas lang niya dahil ako ang gustong kaibigan ng anak niya.
Pagdating sa kilalang club ng mayayaman ay hindi ako nag-aksaya ng oras. Nakakapasok ako rito dahil may VIP card si Gaile. Lagi kong sinasabi sa kaniya na kapag yumaman ako ay siya ang unang babayaran ko. Entrance lang naman ang binabayaran ko dahil ang mga lalaki ang nagbabayad ng inumin para sa akin.
Pagpasok ko ay maraming tao ang bumungad sa akin, tamang-tama lang. Weekend ngayon kaya inaasahan ko na ganito karami ang tao. Naglakad ako palapit sa bar counter at doon naupo. Kung gusto ko talaga makakilala ng mayaman na lalaki, sakto lang ang pwesto na ‘to.
Marami sa mga nasa dance floor ay sakto lang ang budget sa pag-inom. Kapag may mga lalaking umiinom dito sa counter ay malalaman mo na mayaman sila dahil ang pinunta lang talaga nila rito ay uminom. Isa pa, malalaman mo rin na mayaman kapag mamahalin ang mga alak na binibili nila. Madalas ang mayayaman ay simple lang manamit kaya isa iyon sa pinagtutuunan ko talaga ng pansin.
Sa mga ganitong pagkakataon na wala pang lumalapit ay kailangan kong bumili ng sariling inumin ko. Dahil hindi dapat ako malasing ay nag-juice lang ako. Hindi ko talaga iinumin ‘yon, gagawin ko lang props at aakto na sobrang dami ng problema ko. Doon nagsisimula ang lahat, kapag may lumapit ay tatanungin ako kung ano ang problema.
“A bottle of rum,” a deep voice from someone.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. I fought the urge to look at the man who just sat beside the stool I was sitting on. Pasimple akong napangiti bago sumimsim sa inumin ko. Base sa boses niya ay malalaman mo na kahit wala siyang ginagawa ay kumikita siya ng pera. He's probably in his late twenties or early thirties.
Ngunit lumipas ang isang minuto, dalawa, tatlo hanggang sa naging sampong minuto na ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Minsan lang na hindi ako pinapansin ng lalaking tumatabi sa akin kaya naman kapag ganito ay ako na ang gumagawa ng paraan.
Paglingon ko sa kaniya ay sakto naman na niluluwagan niya ang suot na tie. He then bore his deep set of black eyes on me. That didn’t last long because he averted his gaze as if I were no one. Well, I am literally no one but can’t he appreciate me?
Hindi kinaya ng pride ko ang hindi nito pagpansin sa akin. Pinakalma ko ang sarili ko. Umiwas ako ng tingin. Ang hot niya pa naman. My eyes slightly widened when I realized that he was wearing a business suit. Shocks! For sure he’s rich. Mukhang galing siya sa importanteng meeting.
Muli ko siyang nilingon. Pinalalaruan niya ang yelo sa baso ng alak niya. Nakatulala lang doon at halatang malalim ang kaniyang iniisip.
He has a wide shoulder and a strong aura in harmony with his height. Wala siyang ginagawa pero alam mong kayang-kaya ka niya pasunurin sa kung anuman ang gusto niya. The blinding lights coming from the dance floor played on his chiseled features, highlighting his strong jawline, and well-defined facial structure–halata na sobrang yaman ng isang 'to. Sa isip ko ay nakikita ko na ang sarili na nakahiga sa kama na puno ng pera.
“Kanina ka pa nakatingin sa akin, may sasabihin ka?” bigla niyang sabi saka ako nilingon.
His intense eyes met my eyes full of admiration for his looks. Shít! Kailangan kong mag-focus sa kung ano ba ang pinunta ko rito.
I smiled sweetly at him before sipping on my drink. Pati sa pagsasalita sa Tagalog ay ikinadagdag sa kagwapuhan niya. “Hindi mo ako masisi–I was lost for words. You look good in your suit.”
“Alam ko,” he agreed confidently.
Literal na nawalan ako ng sasabihin. Hindi man lang niya itatanggi? And now I am curious about him. Kailangan ko pa na gumawa ng hakbang para humaba ang usapan namin.
“Mukhang marami kang problema, babae ba?”
Sumimsim siya sa iniinom na alak. “Paano kung oo? Would you like to be my guest?”
Oh, have mercy on me. Ako dapat ang nagpapaikot sa kaniya at hindi siya! Halatang sanay na sanay na siya sa ganito. Malamang din na ang babae ang lumalapit sa kaniya. Kung gustuhin niya ay kayang niyang makaaya agad ng babae sa kama niya.
I chuckled to hide how stunned I was. “Ah, so makakasama sa kama pala ang hanap mo.”
He smirked. “Hindi lang naman sa kama, pwede sa sofa, sa lamesa, sa banyo, sa sahig, sa hagdan, sa kotse, at sa iba pa.”
Mariin akong napalunok. I could feel the unknown feeling rushing throughout my body. May iniinom ako pero parang natutuyuan ang lalamunan ko habang nakatingin sa kaniya at pinakikinggan siyang magsalita.
Umayos ako ng upo bago muling sinimsim sa iniinom ko. Hindi ko na siya pinansin. He’s not really interested in me. Naghahanap lang siya ng mapaglilipasan ng init ngayong gabi. Mapapahamak pa ako kung itutuloy ko sa kaniya ang plano ko.
“How about you? Bakit ka nandito?”
Nagulat ako nang bigla itong magtanong tungkol sa akin. Himala, may initiative pa pala siya na makipag-usap sa akin.
“Naghahanap lang ng kung sino,” walang gana ko na sagot sa kaniya.
Sana umalis na siya para may ibang umupo sa pwesto niya. I want someone who I can treat like a pet. Gusto ko ako ang may kontrol. Anong oras na pero wala pa ring progress, kahit motibo lang sa iba ay wala. Paano ako yayaman nito?
“That’s what I thought based on that boring drink you’re having.”
Boring?! Ang mahal kaya ng mga inumin dito.
“Maraming magagandang babae sa dance floor, doon ka maghanap.” Hindi ko na napigilan na magtaray sa kaniya.
He chuckled huskily before eyeing me from head to toe. “I kind of want you.”
Hindi niya ba ako titigilan? Mukha ba akong pumapatol sa one-night stand? Dahil ba sa suot ko? My goodness.
“Sorry, I’m not interested. You’re not my type,” pagtataray ko.
Natawa siya at hindi ko inaasahan iyon. Madalas kapag sinasabi ko iyon ay nagagalit ang lalaki dahil natamaan ko ang ego nila. Pero siya? Humalakhak lang naman siya at iyong tawa niya ay parang pwede na ipambili ng house and lot. Pati pagtawa ay mayaman pakinggan.
“At sa tingin mo tipo kita?” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, pabalik ulit sa mukha ko. Nakita ko ang pagtaas at baba ng lalamunan niya dahil sa mariin na paglunok. “Kung magpapakilala ka pa sa akin, baka magbago ang tingin ko sa ‘yo. Right now, wala talaga, wala kang appeal sa akin.”
Umawang ang labi ko. Kasasabi niya lang na he kind of want me, tapos?! Ako ang unang nagsabi sa kaniya na hindi ko siya type pero siya itong kung umasta ay parang luging lugi sa akin? At bakit parang nag-iba na siya agad? Dahil ba sa alak? Eh, hindi niya pa nga nakakalahati ang iniinom.
“So, type mo ako kasi gusto mo akong makilala?” pagpipilit ko para muling mabuo ang ego ko.
Ngumisi siya pero hindi na sumagot. Nagtaka ako nang tumayo na siya pero bago umalis ay nag-iwan siya ng dalawang libo sa counter. Literal na pwede ng pasukan ang bibig ko. Umalis na siya ng walang pasabi.
“Galante talaga ‘yang si Sir David, dating marino at maraming branch ng fine dining restaurant dito sa Pilipinas. Nakakapagtaka nga na wala pang asawa. Type mo ba? Gusto mo ibigay ko number niya?” sabi ng babaeng bartender na kulang berde ang buhok.
Did I just waste my opportunity?