Natulala ako sa halaman na dinidiligan. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na makakabalik ulit ako sa pag-aaral. Hindi tulad ng dati na nursing pero bilang student sa business related na course—business administration major in financial management.
“Nalulunod ang halaman.”
Mabilis kong pinatay ang tubig. Napatingin ako sa halaman na umaapaw na ang tubig, umabot na rin ang tubig sa paa ko.
“H-Hindi ko napansin,” sabi ko.
He sighed. “Yeah, it seems like you have a lot in mind.”
Hindi ko namalayan na nasa kaniya na ang hose na hawak ko. Seryoso siyang ibinalik iyon sa pagkakaayos at isinabit sa lagayan nito, saka niya ako binalikan na parang naiwan sa era ang atensiyon.
“Nagdidilig pa ako,” wika ko sa mahina na boses.
“Nilulunod mo ang mga halaman. Alam mo ba na hindi ka dapat nagdidilig na marami ang iniisip? May problema ba?”
Bahagya akong napanguso dahil tama nga siya. Kung hindi niya pa ako nakita ay malamang patay na ang mga halaman.
“Wala, iniisip ko lang ‘yong mga dating requirements ko sa school. Kailangan ko ba talaga na kunin pa?”
“Of course, mas mapapadali ang process kasi baka may mga na-take ka nang subjects na hindi mo na kailangan na ulitin pa. Why, is there a problem with getting your requirements?”
Hindi naman sa problema… hindi naman school ang inaalala ko, kung hindi ang lugar na iyon mismo. Mas kilala pa ako ng mga tao roon ang sarili ko kaysa sa sarili ko mismo. Marami akong issues doon. Si David pa naman ang sasama sa akin para kunin iyon, ayaw kong may marinig siya tungkol sa akin. What if magbago ang isip nila na pag-aralin ako?
“Wala naman… ano… kaya ko naman na ako na lang ang kumuha.”
Kumunot ang noo niya, alam ko na nakakapansin na nang kakaiba sa akin. Kaya siguro kahit extra sa palabas ay hindi ako matanggap dahil hindi ako marunong umakting. Nag-iwas ako ng tingin at sinubukan bilangin ang dahon sa halaman na nasa harapan ko.
“May problema nga,” sabi niya at sigurado siya roon.
“Wala! I mean, mas mabilis siguro kung ako na lang ang kukuha. Syempre, baka ano ang isipin ng mga tao roon. Nakakahiya naman kung isipin nila na boyfriend o mas malala ay asawa kita, hindi ba?”
“You’re bothered with it? Kung hindi naman totoo, bakit ka mangangamba?” Kalmado ang mukha niya pero may bakas ng inis sa boses niya.
“Walang problema sa akin pero sa ‘yo, baka iba ang isipin—”
“Any rumor with you is fine with me.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Ayan na naman siya sa bulaklakin niyang mga salita. Kung sabihin niya ay parang wala lang pero para sa akin ay laging may laman ang bawat salita niya.
“Paano kung hindi tungkol sa atin, pero tungkol lang sa akin…”
Hindi ko matapos ang sasabihin ko. Sa buong buhay ko ay wala akong pakialam sa iisipin at sasabihin ng ibang tao sa akin. Pero ngayon ay natatakot ako na may malaman siya sa akin kahit na hindi naman totoo, at kung totoo man, iba na ngayon dahil kasama ko siya.
Bakit ko ba ito iniisip? Kasasabi niya lang na wala siyang pakialam.
“Tell me, what is it?” he demanded patiently. Parang kaya niya akong pakinggan kahit na abutin kami ng gabi rito.
Umiling ako. “Wala, nag-overthink lang ako.” Pinilit ko na ngumiti sa kaniya kahit na halata naman na ayaw niya pa rin ako na paniwalaan. “Anong oras tayo aalis bukas?” pag-iiba ko ng usapan.
Ayaw niya pa ako na sagutin pero bumuntong-hininga na lang ito bago ako sagutin. “Alas otso para makabalik din tayo agad.”
Gusto niya na bumalik din kami agad dito.
“Kung marami kang gagawin, kaya ko—”
“Kasasabi ko lang bakasyon ko. Naramdaman ko lang na kailangan din natin na makabalik dito dahil ayaw mo sa lugar na iyon. I won’t ask anymore questions, but if you have other concerns, you can talk to me about it.”
Ngayon alam ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. It is not only because of his physical appearance but also how he acts—a man.
“Hindi naman tayo close,” bulalas ko sa mahinang boses pero mukhang narinig niya.
Ngumisi siya. “Then consider tomorrow the start.”
—
Nasa loob na ako ng sasakyan niya. Tahimik lang kami. Gusto kong buksan ang music pero nakakahiya naman dahil baka ayaw niya pa na may tugtog habang nagmamaneho siya.
“What’s the problem?” tanong niya kaht na nasa daan pa rin ang tingin niya.
“Pwede ba na magpatugtog?”
“Iyan pa ang kanina mo pa gustong sabihin?” his voice sounds amuse. “You can, i-connect mo na lang ang phone mo.”
“Hindi… Hindi ko alam kung paano.”
Akala ko aasarin niya ako pero gamit ang isa niyang kamay ay kinuha niya ang phone nito sa bulsa at iniabot sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan.
“105203,” sabi niya lang.
“Huh?”
“My password. Phone ko na lang ang gamitin mo para magpatugtog.”
Nag-init ang mukha ko. Talaga ba na hawak ko ang phone niya at hinahayaan niya akong buksan ito?
“Hindi ka natatakot na may mabasa ako o makita?” pang-aasar ko sa kaniya para kahit papaano ay gumaan ang atmosphere sa pagitan namin.
Naalala ko na naman ang sinabi niya, ‘consider the tomorrow the start’. Gusto ko rin naman siyang maging kaibigan kaya hindi rin masama na ako na ang mag-first move sa friendship namin.
“Kung iniisip mo na may mababasa ka diyan na message ng babae, nagkakamali ka. Well, you can see messages from unknown numbers but they are harmless. Also, wala ka ng ibang makikita riyan kung iniisip mo na may mga malalaswa riyan.”
Namilog ang mata ko. “Wala naman ako sinabi na malaswa ang makikita ko, ‘no!”
Umangat ang sulok ng labi niya. “Pero iyon ang pinararating mo. If you’re bored, you can use my phone, I have data.”
“Tugtog lang,” mabilis kong sagot sa kaniya.
Aware naman ako kung ano ang Spotify kaya roon ako namili ng kanta. Naka-premium din siya pero mukhang hindi niya ginagamit dahil wala akong makita na kanta kahit sa search bar niya. Mukhang ako pa lang yata ang makakagamit nito.
Gotta change my answering machine
Now that I'm alone
'Cause right now it says that we can't come to the phone
And I know it makes no sense, 'cause you walked out the door
But it's the only way I hear your voice anymore
Tumingin ako sa labas ng bintana dahil hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa kanta kahit na malungkot ang lyrics nito. Hindi ko alam pero kinikilig talaga ako sa kanta. Bahagya pa na nagba-bounce ang ulo ko sa kanta. Gusto ko rin sana na sabayan pero alam kong aasarin na niya ako.
And I'm so sick of love songs, so tired of tears
So done with wishing you were still here
Said I'm so sick of love songs, so sad and slow
So, why can't I turn off the radio?
“What’s the title?” bigla niyang tanong kaya lumingon ako sa kaniya.
“So sick… ganda ‘no?”
Hindi siya sumagot pero obvious naman na natutuwa rin siya sa kanta.
Hindi na mabilang ang kanta nang huminto ang sasakyan sa isang gas station. Akala ko magpapa-gas siya pero lumabas siya. I guess, may bibilhin siya. Kaya lang ay pumunta siya sa gilid ko at binuksan din ang pinto sa pwesto ko.
“Bakit?”
“Let’s eat first–hindi ka pa kumakain.”
“Hindi naman ako gutom pero kung nagugutom ka, samahan na lang kita.”
“Kakain tayong dalawa,” he firmly said.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi bumaba rin. Pumunta kami sa fast-food na narito.
“Good morning, what’s your order?” nakangiting tanong nang kumukuha nang order pero nasa akin ang tingin niya.
“What do you want?”
Hindi naman ako pamilyar sa mga pagkain na narito kaya kung ano na lang ang pinili ko, iyong simple at mura lang. Habang siya ay nagkanin at kape. Sa laki ng katawan niya ay halata naman na marami talaga siyang calories intake.
“Is that all, ma’am?” Patagal nang patagal ay pa-creepy nang pa-creepy ang ngiti niya.
“That’s all, let’s go, love.”
Hindi pa nag-sink in sa akin noong una ang sinabi niya pero maging ang lalaking nasa counter ay parang napahiya dahil diniinan talaga ni David ang salitang love.
“Ano ‘yon?” natatawang tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa bakante na table.
“The guy is interested with you,” maikling sagot niya.
“Ano naman? Ito naman ang una at huling beses na magkikita kami. Saka, iisipin na noon ay magkasintahan tayong dalawa.”
Nagulat ako nang ipanghila niya ako ng upuan. Inignora ko na lang iyon at inisip na ganoon talaga siya, ayaw ko na maglagay ng meaning sa lahat ng gagawin at sasabihin niya, sumasakit lang ang ulo ko.
“What did I tell you yesterday? That I don’t care if I have a rumor with you.”
Tumango-tango ako. “Sabagay, marami kasing nali-link na babae sa ‘yo kaya malamang sanay ka na. Okay, noted, susubukan ko rin na huwag na lang pansinin.”
Kumunot ang noo niya sa akin pero wala siyang sinabi na kahit ano. Hanggang sa dumating ang order namin ay parang malalim ang iniisip niya. Gusto ko rin na magtanong pero paano kung sabihin niya tapos hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya. Sarili ko ngang mga tanong ay hindi ko masagot.
We ate in silence. Paminsan-minsan ay may sasabihin siya tungkol na iyon sa pagkain o kaya naman ay sa requirements ko. Pakiramdam ko tuloy ay may nasabi ako na hindi niya nagustuhan.
Ano ba ‘yan, hindi pa nga kami magkaibigan pero nagkakalabuan na kami.
Nang nasa kotse na kami ay hindi na naman kami nagkibuan pero walang sabi-sabi niyang iniabot sa akin ang phone niya. Kinuha ko na lang at muling nagpatugtog.
“Iyong mga kanta na pinatugtog mo, ilagay mo sila sa iisang playlist para sa susunod ay hindi mo na kailangan na mag-search pa.”
May susunod pa? Mabilis kong pinigilan ang kung ano man ang mga naglalarong tanong sa isip ko.
“Okay,”
Tanghali na nang makarating kami. Sa labas pa lang ay kita ko na ang maraming estudyante na labas at pasok sa dati kong college universities. Lahat nang alaala ko noon dito ay nanumbalik,
“Manggagamit!”
“Malandi ka, pati boyfriend ko pinapatulan mo!”
“Ikaw ang kilala ko na magnu-nurse na lalandi ng pasyente niya na mayaman.”
Kung ano-ano ang sinasabi nila sa akin pero wala lang naman iyon sa akin. Hindi ko alam kung bakit ilang taon na ang nakalipas ay naaalala ko na naman. Aaminin ko, nagkaroon ako ng inferiority complex dahil doon, mabuti na lang ay nalagpasan ko.
Kasalanan ko naman kaya wala akong karapatan na malungkot sa mga alaala na iyon. May totoo pero mas maraming kasinungalingan sa mga sinasabi nila.
“Sasamahan na kita,”
Umiling ako. “Hindi na, ako na lang–”
“Sasama ako,” pinal niyang sabi.
Wala na tuloy akong nagawa nang mauna siyang bumaba. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto, bumaba na rin ako.
Ilang segundo lang ay ramdam ko na ang tingin nang mga estudyante na narito. Tulad ng ginagawa ko dati, sinubukan kong huwag sila pansinin at naglakad na lang papasok, nakasunod naman si David. Dala ko ang dati kong ID at may request form akong dala kaya pinapasok kami sa loob.
“So, this is where you studied nursing.”
“Oo, maliit lang pero marami naman napo-produce na mga nurse.”
“Are you sure that you wouldn’t continue your journey as a nursing student?”
“Sigurado na ako. Hindi ko na rin nakikita ang sarili ko na isang nurse.”
“Weird. Hindi ko alam na kailangan nakikita mo muna ang isang bagay bago mo subukan.”
“Applicable lang ‘yan sa mahirap na tulad ko. Kailangan laging sigurado kapag may gagawin kasi masasayang lang kung mapupunta ang lahat sa wala.”
Huminto kaming pareho nang nasa tapat na kami ng dean’s office. Bago ako pumasok ay nagsalita na naman siya.
“If that’s the case, is there a possibility that we can be together?”
Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Nabibingi na yata ako.
“Ano pinagasabi mo?” peke akong tumawa na agad din na natigil dahil seryoso siya.
“In my dreams, you and me… we’re together.”