“Nakuha mo na ba ang schedule mo?” tanong sa akin ni Aling Mirasol. “Para malaman ko kung anong oras ka na lang magtatrabaho.”
“Mamaya po ay titignan ko sa portal ko.”
“Tawagin mo na si Sir David at Don Miguel sa itaas, handa na ang pagkain nila. Hindi tayo sasabay kahit na anong aya nila, hayaan natin silang dalawa dahil mamaya na ang alis ni Sir David.”
Tama, mamaya na aalis si David. Sa buong isang linggo niya na narito ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang inisan ako, at pag-isipin ng kung ano-ano. Masasabi ko na okay naman ang pakikitungo namin sa isa’t isa—It’s just that I felt like there are still barriers. Siguro dahil mayaman siya at mahirap ako. Mayaman din naman si Gaile pero kasi wala akong masyadong pakialam sa pera noong high school pa lang kami.
Umakyat ako, una akong nagpunta sa kwarto ni David. Kumatok ako at agad naman na bumukas iyon. Para akong mawawalan ng balanse dahil sa itsura niya. Tanging itim na twalya lang ang nakatakip sa torso niya. May pumapatak pa na tubig sa dulo ng buhok niya.
Gabi na nga lang magkakasala pa ako.
“Yes?”
“Kakain na raw,”
“Okay, sunod ako.”
Hindi ko na siya hinintay na pagsalitain pa o paalisin dahil kusa na akong umalis sa harapan niya. Sunod akong nagpunta sa office ni Don Miguel kahit na rinig na rinig ko pa rin ang kabog ng dibdib ko. Ang init bigla.
“Kain na raw po,” magalang kong sabi.
Naabutan ko siya na nakasandal sa swivel chair niya at hinihilot ang noo. Umayos siya nang upo dahil sa akin. He smiled a little and nodded his head.
“Okay. Thank you, hija.”
Sakto na paglabas ko ng office ay lumabas na rin si David. Nagkatinginan kami pero ako rin ang unang umiwas ng tingin. Ako rin ang naunang bumaba sa hagdan. Hindi na ako nag-stay doon at dumiretso na lang sa kwarto ko.
I was busy minding my business with my phone when I received a call.
[“Amber!”] sigaw ni Mama.
“Ma?”
Wala pa siyang sinasabi pero kumalabog na ang dibdib ko. Minsan lang siya tumawag at kapag tatawag siya ay dalawa lang ang dahilan—kailangan niya ng pera o may nangyari na hindi maganda kay Elvi.
[“Si Elvi! Anak, si Elvi!”]
Parang gumuho ang mundo ko. Napatayo ako sa kaba.
“Ma?! Ano! Dalhin niyo na siya sa hospital! Susunod ako.”
Mabilis kong kinuha ang bag ko at hindi na alam kung ano ang pinaglalagay ko na damit doon. Suot ko pa rin ang uniform ko ay lumabas na ako. Sakto na nasa kusina si Aling Mirasol kaya nakita ko siya agad at nagpaalam ako. Dahil kumakain pa ang mag-ama ay sa pinto sa kusina na lang ako lumabas.
Tumutulo na ang luha ko sa sobrang kaba. Naaalala ko na naman ang nangyaring nag-agaw buhay ang kapatid ko. Para akong mababaliw.
Palabas na ako ng gate nang may busina. Wala akong balak na pansinin iyon pero huminto sa gilid at bumukas ang bintana.
“Hop in,” seryoso niyang wika.
Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko at hindi na tumanggi pa. Mas mabilis kung sasabay ako sa kaniya.
Habang lulan ng kotse ay sinubukan ko na tawagan si Mama pero hindi ito sumasagot kaya lumala lang ang pag-aalala ko. Sunod kong tinawagan si Gaile pero hindi rin sumasagot. Napasabunot ako sa sarili dahil hindi ko na alam kung kanino ako tatawag. Wala namang cellphone si Papa.
“Tangina,” mahinang bulong ko. Hindi ko na mapigilan ang paa ko na hindi gumalaw sa sobrang frustration.
“Hey… I don’t know what happened but calm down first.”
“Huwag mong sabihin sa akin ‘yan ngayon,”
“I’m sorry,” he said with his low voice.
Kung normal na araw ito ay makokonsensiya ako pero ayaw ko talaga na sinasabihan ako sa bagay na hindi ko naman magagawa. Kapag ba sinabi nila ay magically mawawala ang kaba ko? Ang tanga naman kung ganoon.
Wala na siyang sinabi pa at iyon naman ang gusto kong mangyari. Nakatingin lang ako sa labas at hinihiling na mas bilisan niya pa ang takbo. Panay ang tingin ko sa phone, naghihintay ng tawag o message man lang.
“Pakibaba na lang ako sa provincial,” sabi ko.
Iyon nga ang ginawa niya. Pagkahinto pa lang ng sasakyan ay bumaba na ako. Nagpasalamat lang ako ng mabilis sa kaniya at lakad-takbo ang ginawa ko papasok sa loob. Nagtanong ako at sinabi na nasa hospital room na sila.
Pagpasok ko ay tatlo ang pasyente na naroon. Nasa dulo si Elvi. Nanghina agad ako nang makita ko siya na tahimik na natutulog mag-isa. Bawat pasyente ay may bantay kahit na isa pero siya? Naroon siya mag-isa, mahimbing na natutulog.
Lumapit ako at ang una kong ginawa ay marahan siyang niyakap. Hinalikan ko siya sa noo bago tignan siya ng kabuuan. Ang laki ng ipinayat niya at mas lalo siyang namutla. Nanghihina na napaupo ako sa mono bloc na nasa gilid at umiyak ng tahimik.
Nang mahimasmasan ay tumayo ako para hanapin ang doctor niya o kung sino mang nurse ang nakatoka sa kaniya.
“Kapatid mo ba?” tanong nang matandang babae na kasama sa room.
“Ah, opo…”
Lumungkot ang mata niya. “Magulang mo pala ang kanina. Nag-away kasi rito tapos gusto yata ng Papa mo na umuwi na pero ayaw ng Mama mo dahil magagalit ka raw. Ayaw nila na tumigil kaya napilitan ang mga nurse na tawagin na ang security guard.”
Nakakahiya…
Nakakahiya sila maging magulang.
“G-Ganoon po ba? Pasensiya na po sa istorbo. Labas lang po ako, magtatanong lang ako sa mga nurse.”
Kulang na lang ay yumuko ako palabas ng room dahil sa tingin nila. Kung pwede lang magpanggap na wala akong magulang ay ginawa ko. Hindi nila naisip na nasa hospital sila at ang anak nila ay may sakit pero mas pinili pa na mag-away.
“Kinuhanan pa lang namin siya ng mga results, bukas pa makakapagbigay ng diagnosis si Doc.”
“Sige, salamat po.”
Bumalik ako sa room at tulog pa rin si Elvi. Habang tumatagal ay mas bumibigat ang nararamdaman ko. Gusto ko na lang na gumising siya.
Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at umusal ng panalangin. Pinipigilan ko na huwag umiyak dahil makakabala lang ako at baka bigla na lang siyang magising. Ilang minuto akong nakaganoon lang—nakayuko at nakapikit.
Napaayos ako nang upo nang may humawak sa balikat ko. Akala ko nurse lang at may kailangan gawin kay Elvi pero hindi.
“I bought dinner—kumain ka na muna.”
May hawak siyang pagkain na galing sa fast-food restaurant at basket ng iba’t ibang prutas na sa itsura pa lang ay alam kong mahal na. Bakit niya ba ito ginagawa?
Ang mga kasama namin sa room ay nakatingin na rin sa kaniya na parang ibang klase ng species siya at hindi tao. Paano ba naman, hindi siya bagay sa lugar na ito. Kung pupunta siya ng hospital ay ‘yong pangmayaman na.
“Salamat pero hindi mo naman na kailangan na gawin. May trabaho ka pa kaya hindi mo na kailangan na pumunta pa rito.”
I appreciate his effort—lalo na ‘yong isinabay niya pa ako pero ayaw kong masanay sa ganito niya dahil alam ko na ako lang din ang kawawa sa huli. Aaminin ko, may kaunting gusto na ako siguro ako sa kaniya at ayaw ko nang lumalim pa iyon lalo na at hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya sa akin.
“Bukas pa ako magsisimula sa trabaho ko. Besides, this won’t make me sleep at night. Nag-aalala rin ako… para sa ‘yo.” Lumipat ang tingin niya sa kapatid ko. “Hindi ko alam na may kapatid ka.” May pagkadismaya sa boses niya nang sabihin niya iyon.
“Magpahinga ka na lang—”
“But—”
“Please, David? Wala akong oras para makipag-usap ngayon. Pasensiya na pero pwedeng umalis ka na muna?”
His eyes dropped on his feet, and I wanted to take back what I said. Hindi ko gusto na saktan siya sa salita pero ayaw ko lang na makita niya ako na ganito. One of the least things that I want is to people see me suffering. Ayaw kong kaawaan nila ako.
Dahan-dahan siyang tumango. “Okay, I will. Iiwan ko na lang dito ang pagkain at prutas para sa kapatid mo. Don’t forget to drink water and rest. I’ll go ahead.”
Ni lumingon para tignan siya na lumabas ay hindi ko ginawa. Lumingon lang ako nang maramdaman ko na wala na siya saka bumuntong-hininga. Lumipat ang tingin ko sa ibinaba niya sa maliit na lamesa. Tinignan ko at tatlong meal ang naroon. Lalo akong kinain ng konsensiya dahil panigurado na sa kaniya ang isa rito. Kinain ko na lang ang kaya ko ubusin kahit na wala akong gana dahil mas nakakahiya kung hindi ko kakainin.
Nagising lang si Elvi madaling araw na. Umiyak agad ito paggising niya kaya akala ko ay may masakit sa kaniya pero nandito raw ako at masaya siya. Muntik na akong maiyak nang mga sandali na iyon pero pinigilan ko kahit na parang nasasakal ako dahil mas iiyak lang siya kapag nakita ako na umiiyak.
“Ang sarap,” sabi niya habang kumakain ng prutas.
“Gusto mo pa? Ipagbabalat ka pa ni ate.”
Masaya siyang tumango. Nang dumating ang doctor ay nakinig ako ng mabuti.
“Based on his result, his condition worsens. Nakitaan din siya ng ibang complication sa dugo pero kailangan pa niya sumalang sa mga test para mas matignan at maging malinaw kung ano ang nangyari ay bigla siyang kinombulsiyon. Sa ngayon ay dito muna siya para matignan ng maayos.”
Nakatulala na lang ako hanggang sa umalis siya. Iyong dalawa sa kasama namin sa room ay masaya dahil madi-discharge na sila bukas. Mukhang masosolo pa namin ito.
“Ate,” tawag sa akin ni Elvi pero wala sa akin ang tingin niya.
“Hmm?”
“May kuya,” bulong niya.
Lumingon ako at nakita si David. Iba na ang suot niya at medyo basa pa ang buhok. Parang kalalabas niya lang ng shower at hanggang sa pwesto ko ay naamoy ko ang aftershave at bodywash niya. May dala na naman siyang prutas at pagkain kahit na hindi pa ubos ang dala niya. Hindi lang iyon dahil may dala rin siyang malaking backpack.
“Anong ginagawa mo rito? Ang aga pa.”
Gusto kong humingi ng sorry pero paano? Akala ko ay magagalit din siya at hindi na ako papansinin kapag nakabalik kami sa bahay nila kaya hindi ko inaasahan na narito na naman siya at may dala pa ulit.
“Naisip ko lang na hindi ka makakalabas kasi walang bantay ang kapatid mo kaya nagdala na rin ako. Also, I bought backpack containing some hygiene things and some clothes. Nasa kotse ko na talaga ‘to for emergency purposes, naalala ko lang kanina.”
Napipi ako dahil walang ibang pumapasok sa isip ko. Nakatingin lang ako sa kaniya kaya naging malikot ang mata niya. Hindi niya siguro nakayanan kaya si Elvi na lang ang pinansin niya.
“Hello, buddy. Kumusta ang pakiramdam mo?”
Nahihiya na napatingin sa akin ang kapatid ko. “O-Okay lang. Boyfriend ka ba ni ate?”
Doon nanlaki ang mata ko. “Elvi, no—”
“Friend pa lang pero gusto mo ba?” nakangiting tanong niya sa kapatid ko. Sandali niya lang ako binalingan ng tingin kaya hindi ko nagawa na samaan siya ng tingin.
Maging ako ay naghintay sa sasabihin ng kapatid ko. Dapat ay pigilan ko siya at suwayin si David sa mga tanong niya pero ang makita sila nag-uusap ay nagpagaan sa damdamin ko.
“Marami ka bang pera? Kung marami kang pera ay pakasalan mo na lang ang ate ko.”
Elvi?!