Naging maayos naman ang unang linggo ng klase ko. Marami na rin akong nakakausap bukod kay Kio. Pero kahit na marami na rin akong ginagawa ay hindi ko pa rin kinakalimutan ang obligasyon ko sa trabaho. Kapag hindi maaga ang pasok ko ay naglilinis na agad ako ng bahay o kung ano man ang pwedeng gawin. Pag-uwi naman ay ako lagi ang nagpepresinta na maghugas ng pinggan o hindi kaya ay tumulong sa pagluluto. “Mahirap ba?” tanong ni David. Isa pa itong lalaki na ‘to. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya gayoong wala naman dito ang trabaho niya. Ang sabi niya ang dito niya tinatapos ang iba. Paano naman ang restaurant niya? Siya ang chef, sino ang magluluto roon? Hindi ko pa rin maintindihan kahit sabihin niya na siya lang ang main chef pero may naiwan pang mga professional chef doon. Sak

