Siya rin ang naghatid sa akin sa school kinabukasan. Akala ko ay hindi siya magigising pero nagising pa siya ng mas maaga sa akin. Kagabi kasi ay nagsabi na siya na ihahatid ako. Ngayon ay tahimik kaming pareho sa sasakyan niya. Ibinigay naman niya kanina ang phone niya para magpatugtog ako kaya ang tanging ingay lang sa sasakyan ay ang kanta. “Kinakabahan ka ba?” Siya ang bumabasag ng katahimikan. Tumikhim ako bago sumagot. Hindi ko magawang humarap sa kaniya. “Hindi naman.” Will he not bring up about the kiss? Nakakahiya! Ngayon ako nagsisi na ako ang unang humalik sa kaniya. Pwede naman kasi siya ang mag-initiate? Bakit ako pa? “Do you need anything? For school?” “Wala na,” sagot ko. Nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana. Did he like it or not? Hindi naman talaga ako

