Si David ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa hospital bill ng kapatid ko hanggang sa ma-transfer siya sa pribadong hospital kung saan may sariling kwarto ang kapatid ko. Pwede naman na huwag mag-stay ang kapatid ko sa hospital pero mas maganda raw kung nasusubaybayan ng doctor ang kalagayan. Iyak nang iyak si Elvi nang simulan ang treatment niya. Umiiyak din ako pero ang kaibahan lang noong mga una ay nasa tabi ko si David. Hindi siya umalis hanggang hindi natatapos ang araw. Kung hindi siya ang amo ay malamang matagal na siyang walang trabaho. “Hindi mo sinabi sa akin na inilipat si Elvi ng hospital. Para akong tanga na naghahanap kung nasaan kayo.” Hindi ko sinabi kay Mama kung saan ililipat si Elvi dahil masama pa rin ang loob ko. “Bakit sa private pa? Alam mo naman na wala—” “Kahit

