Kabanata 10

2172 Words
Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang tagpong iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan. Sa kahit anong gawin ko ay bigla-bigla na lang naglalaro sa utak ko. There’s nothing special about it. Muntik lang naman akong mahulog sa pool kaya niligtas niya ako. Nag-thank you naman ako pagtapos at parang wala lang din naman sa kaniya iyon. Mas lalong wala rin sa akin iyon kaya bakit… “Ouch!” tili ko nang mahiwa ko ang sarili. Agad na lumapit sa akin si Aling Mirasol para tignan ang nahiwa kong kamay. Akala ko ay magiging concern siya pero malakas niya akong hinampas sa balikat. “Ayan ang sinasabi ko! Kung ano-ano kasi ang iniisip mo. Pagbabalat na lang ng patatas nasusugatan ka pa.” Kinuha niya sa akin ang peeler at siya na ang nagpatuloy na magbalat. Nakagat ko ang ilalim na labi dahil sa kahihiyan. “May panlinis ng sugar sa banyo, linisan mo ‘yan agad dahil baka ma-infection.” “Sorry po, babalik din ako agad.” Ano ba ‘yan, Amber! Kailangan mong umayos kung gusto mong magtagal sa trabaho na ‘to. Pagtapos kong ayusin ang sugat ko ay bumalik na ulit ako sa kusina para tulungan si Manang sa pagluluto. Hindi na niya ako pinagbalat o hiwa, pinahuhugas na lang niya ang mga gamit bawat matapos niyang gamitin. Nang sumapit ang hapunan ay mag-isa na kumain si Don Miguel habang busy ito sa pagbabasa ng kung ano sa tablet niya. Lagi siyang may binabasa sa tablet niya sa tuwing kumakain siya mag-isa. Inaya niya na naman kami ni Aling Mirasol pero matigas si Aling Mirasol na tumanggi. Pabor naman sa akin dahil nahihiya akong sumabay sa pagkain lalo na at hindi naging maganda ang plano ko sa kaniya. I tried to flirt with him… for money. Kahit sino ay walang mukhang ihaharap lalo na kung pwede niya na akong maging anak sa tanda niya. Kaya hanggang maaari ay iniiwasan ko na rin kahit ang boss ko dahil nakokonsensiya ako. “Ah, hija, sorry for disturbing you but can you get my laptop upstairs? Hindi ako makatayo kasi nasa meeting na ako at the moment.” “Sa office niyo po ba?” “Yes,” tipid siyang ngumiti dahil kinailangan niya na agad na humarap sa tablet niya. Siguro ay lilipat siya sa laptop dahil mahirap naman makipag-meeting sa tablet. Hindi ko alamn kung saan ang office niya dahil hindi pa ako nakapasok sa office o sa kahit anong kwarto dahil iyon ang bilin sa akin. Ma-o-offend na sana ako pero alam kong bago ako at nag-iingat sila. May CCTV naman kaya wala silang dapat ikabahala. Pero kung walang CCTV? Joke! Pumasok ako sa office niya at una kong napansin kung gaano karaming libro. Nasa mukha naman ni Don Miguel na mahilig itong magbasa ng libro. Tuluyan na akong pumasok at lumapit sa lamesa kung nasaan ang laptop niya na may tatak ng apple na may kagat. Maingat kong kinuha iyon dahil mahirap na, kulang pa limang buwan na sahod ko pamalit dito. “Sir,” maingat kong tawag sa kaniya habang nakalahad ang laptop. “Thank you–Oh, no, this is not mine. Sa anak ko yata ang nakuha mo. Nasa dulo ang office ko, sa library ka siguro pumasok.” Bahagyang namilog ang mata ko. “Pasensiya na, kukunin ko.” Nagmamadali akong umalis lalo na at narinig ko na seryoso ang boses ng kausap niya. Nagpunta ako sa dulong kwarto at iyon ang mas mukhang kwarto. Ibinaba ko roon ang nakuhang laptop at kinuha ang isa. Yakap-yakap ko iyon sa pagbaba dahil natatakot ako maibagsak. “Salamat, hija.” “Welcome po,” Mabilis na lumipas ang mga araw. Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog dahil bukas na bukas din ay alam kong uuwi ang magkapatid dahil Sabado. Hindi pa nakatulong na narinig kong nagpaalam si Don Miguel na pupunta na naman ito sa ibang bansa. Ano naman kung uuwi ang magkapatid? Bahay nila ito, uuwi sila kung kailan nila gusto. Paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko agad na may nagluluto sa kusina. Hindi ko na kailangan kung sino ang naroon dahil kapag siya ang nagluluto ay laging kakaiba, hindi pamilyar ang amoy. “Good morning, Amber.” “Good morning, Sir.” Lumagpas kay Adlei ang tingin ko. Dumako iyon sa likod ng lalaking busy sa pagluluto. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Excuse me, Amber? Anong pakialam mo kung ano ang iniisip niya? Just do your work and don’t mind him. “Sumabay ka na sa amin mag-breakfast,” Umiling ako. “May gagawin pa kasi ako, kayo na lang po muna.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, umalis na ako sa kusina. Wala talaga akong gagawin ngayong araw dahil natapos na namin kahapon ni Manang. Tuwing Friday talaga ang pinaka-busy na araw ko kasi kailangan linisan lahat bago sila umuwi. Wala naman akong makitang kalat pero sa mata ni Aling Mirasol ay madumi lahat. Dahil wala akong gagawin ngayong araw ay kagabi pa lang nagpaalam na ako kay Aling Mirasol na bibili ako ng mga pasalubong para sa kapatid ko. Uuwi ako bukas dahil day-off ko. Hindi ko pa nasasabi sa kapatid ko dahil gusto ko siyang surpresahin. Sa malapit na divisoria ako nagpunta. Bumili ako ng laruan at mga libro na pwede niyang basahin. Hindi siya nag-aaral ngayon pero kung dumating na ‘yong time na pwede na, gusto ko ready pa rin siya. Pagbalik ko sa mansiyon ay walang kahit anong ingay. Si Aling Mirasol sa kusina lang ang naabutan ko na gumagawa ng meryenda. “Mabuti nandito ka na, dalhin mo ito sa pool area–naroon ang magkapatid.” “Sige po, ibababa ko lang mga binili ko.” Itinali ko ang buhok gamit ang hair clamp na binili ko lang din kanina. Ito ang napili kong reward sa sarili sa unang sahod ko. “Doon ka na lang din muna tutal wala kang ibang gagawin. Agapan mo dahil baka may kailanganin sila. May dadaanan lang ako sa palengke.” Dala ang tray ay nagpunta na ako sa pool area. Naabutan ko sila na mukhang nag-uunahan sa paglangoy. Walang tattoo ang katawan ni Adlei kaya alam kong siya ang nangunguna sa kanilang dalawa. Kumunot ang noo ko. Hindi naman ganito kabagal si David noong nakita ko siya na maglangoy. Sakto na umahon si Aldlei, hindi niya pa ako napansin noong una pero nang mapansin ay kumaway siya. Ngumiti lang ako sa kaniya dahil umangat na rin si David na seryoso na agad ang mukha kahit wala naman akong ginagawa. Minsan naiisip ko kung ano ba ang nagawa ko sa kaniya para parang mainis siya sa akin tuwing nakikita niya ako. “Wow! Ikaw gumawa niyan?” tukoy niya sa dala kong meryenda. Umiling ako. “Kauuwi ko lang, si Aling Mirasol ang nagluto nito.” Naunang umahon si Adlei, sumunod ang kuya nito. Nahigit ko pa ang hininga ko nang pareho silang naglakad palapit sa akin. Sino ba naman ang hindi? Ang gaganda nilang lalaki, mga nakahubad pa. Umalis ako at nagpunta sa bench na gawa sa bato. Sinundan ako ng tingin ng dalawa kaya lalo akong nakaramdam ng awkwardness. Bakit hindi na lang sila kumain? “Bakit nandiyan ka? Sabayan mo na kami rito,” aya sa akin ni Adlei pero ang tingin ko ay ang lalaki sa likuran niya na busy na sa pagkain. “Hindi na, busog pa naman ako.” He shrugged his shoulders. “Ikaw bahala, basta kuha ka lang dito.” Matapos silang kumain ay lumusong ulit sa tubig si Adlei. Samantalang si David ay bumalik na sa loob. Bumagsak ang balikat ko dahil mukhang siya na ngayong ang hindi pumapansin sa akin. Hindi naman sa gusto ko siyang pansinin ako… Ay, basta! Inabala ko ang sarili sa panonood sa paglangoy kay Adlei. Inutusan niya pa ako na kuhanan siya ng video at ilang beses akong inaya na mag-swimming din pero tumatanggi ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nawalan na lang ako bigla ng interest sa kaniya. Wala akong sisisihin doon kung hindi si David, siya lang naman ang hadlang noon. “Amber,” tawag nito. Akala ko ay si Adlei pero si David. “P-Po?” Tangina? Nautal pa si gaga. “Have you seen my laptop? Nasa library lang ‘yon, iniwan ko.” Laptop? Ah, oo nga pala. “Nasa office po ng daddy niyo. Akala ko kasi sa kaniya iyon.” Kumunot ang noo niya. Ayan na naman siya sa pakunot-kunot niya ng noo. “Inutusan ka niya na magpunta rito sa office niya?” May kung ano sa boses niya na hindi ko matukoy kung ano. “Basta inutusan niya lang ako na kunin ang laptop niya pero sa ‘yo ang nakuha ko kasi akala ko office ang library. Naiwan ko na rin ang laptop mo sa office niya noong kinuha ko talaga ang totoong laptop niya.” Oh, ayan, baka magtanong ka pa. Wala na siyang ibang sinabi, bumalik na siya sa loob pero wala pang ilang minuto ay narito na naman siya. “Hindi ko makita,” “Hindi ko kinuha,” depensa ko agad. “What? I am not accusing you of stealing it. Ikaw na ang nagsabi na doon mo iniwan kaya dapat nandoon lang iyon. Isipin mong mabuti kung saan mo talaga nailagay.” Tumayo na ako. “Sa lamesa ng daddy mo, doon ko inilagay. Bakit hindi mo tawagan si Don Miguel? Baka siya na ang nagtabi.” Namaywang siya sa harapan ko. “I did, ang sabi niya hindi niya napansin at ikaw daw ang huling nagtabi. And again, hindi kita inaakusahan na nagnakaw ng gamit ko. Nagtatanong ako.” “Titignan ko,” Nilagpasan ko siya. Ang bilin pa naman sa akin ni Aling Mirasol ay huwag akong magpunta rito kung hindi ako inuutusan ng may-ari. Whatever! Kaysa naman isipin nila na nagnakaw ako. Diretso ang lakad ko papunta sa office kaya hindi ko napansin na pagpasok ko ay naroon na rin siya. Nilapitan ko agad ang lamesa kung saan ko inilagay. Nagtaka ako dahil wala nga roon. “Promise, dito lang talaga naiwan iyon.” Hinawakan ko kung saan pwesto ko iyon ibinaba. Nilingon ko siya. Nakahalukipkip na ito habang pinapanood akong mag-panic. Bakit naman ako magpapa-panic? Baka isipin niya ay guilty talaga ako. “Kung ganoon, nasaan?” nanunuya niyang tanong. Bumukas ang bibig ko pero walang salita na lumabas. “You know what, don’t mind it. Si Aling Mirasol na lang ang tatanungin ko.” “Paano kung hindi niya rin alam?” Kabadong tanong ko. “Iisipin mo na ba na ninakaw ko?” Natigilan siya ng ilang segundo pero nasa mukha ko lang ang tingin niya. “Hindi ko ninakaw,” agap ko agad kahit na wala pa siyang sinasabi. “Hindi ako nag-aakusa ng walang ebidensiya, Amber. Kung hindi pa rin alam ni Aling Mirasol, pwede kong i-check ang mga CCTVs. Kung wala kang ginagawang masama, kumalma ka.” Tinalikuran na niya ako at naunang lumabas. Hindi pwede, kailangan kong makita ang laptop na ‘yon. Aaminin ko na kahit sabihin niyang hindi niya iniisip na ninakaw ko ay may parte pa rin sa akin na natamaan ang pride ko. “Titignan ko sa library,” sabi ko na nagpahinto sa kaniya sa paglalakad. “Wala–” Hindi ko na siya pinatapos, pumasok na ako sa loob. Kung saan pwesto ko kinuha at doon ko tinignan ngunit wala akong nakita kung hindi alikabok sa ibabaw ng lamesa. “Huwag mo ng isipin, bumalik ka na sa baba.” Umiling ako. “Gusto mo ba tignan ang kwarto ko? Hanapin mo roon.” Umangat ang isa nitong kilay. “Papapasukin mo ako sa kwarto mo?” Tumango ako bilang sagot. “Okay then, let’s see your room.” Nang nasa tapat na kami ng kwarto ko ay naalala ko na hindi pala malinis. Nagkalat pa ang mga bagong laba na damit ko sa kama. Makikita niya pa ang mga panty ko na nakabuyangyang pa. “A-Ah, hindi kasi–” “Marumi ang kwarto mo? Don’t worry, I don’t mind.” Nakagat ko ang ilalim na labi bago mas niluwagan ang pinto. Agad ko naman tinabunan ng kumot ang mga damit ko sa kama. “Magtingin-tingin ka na, wala kang makikitang laptop dito. Kahit tignan mo pa ang mga bag ko.” “Hindi ka ba nahihirapan dito?” biglang tanong niya kaya umayos ako ng tayo para tignan siya. Mas lalong lumiit ang space sa kwarto ko dahil sa kaniya. Hindi ko pinansin ang tanong niya. “Hindi mo ba titignan kung nandito ang laptop mo?” “Why would I? Sinabi mo na hindi mo ninakaw. For the nth time, I am not accusing you of stealing it.” Ako naman ang nagtaka sa kaniya. “Eh, bakit nandito ka?” “Wala, gusto ko lang makita ang loob ng kwarto mo.” Gagó?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD