Hindi niya ako sinisisi sa laptop niya. Bakit naman niya gustong makita ang kwarto ko?
Umiwas siya ng tingin. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa at luminga-linga na parang may tinitignan pa na kung ano.
“Your room is small. Mukhang hindi ka komportable rito.”
“Komportable ako,” sagot ko. “Maliit lang ang kwarto ko dahil malaki ka. Para sa akin, tama lang.”
“I see. Lalabas na ako, hihintayin ko na lang si Aling Mirasol makauwi. You can take a rest if you want.”
Sumunod ako sa kaniya sa paglabas. Nilingon niya ako na may nagtatakang tingin.
“Hindi ko day-off ngayon kaya hindi ako pwedeng magpahinga. Kung wala ka ng kailangan sa akin, baka ang kapatid mo mayroon.”
I saw how his jaw clenched. “I am pretty sure, wala ng kailangan ang kapatid ko. Kung mayroon man, kaya niya na ‘yon.”
Ano ba ang gusto niyang mangyari? Pati trabaho ko ay pinakikialaman niya.
“Amber?” tawag ni Adlei kaya nilingon ko siya. Wala pa rin itong damit pang-itaas pero nakabalot sa kaniya ang puting twalya.
“Tapos ka na maligo?”
Matamis siyang ngumiti. “Yes, gusto mo ba na maglakad-lakad sa labas–”
“May gagawin pa siya rito.”
Tignan mo ‘to. Sabi niya lang kanina ay pwede na akong magpahinga.
Nagtatakang tinignan ni Adlei, naghihintay ng sasabihin kong gagawin. Sasabihin ko sana na wala na akong gagawin tulad ng sinabi ni David pero naunahan na niya ako.
Napatingin ako kay David nang magsalita ito. “She’ll help me in the kitchen. Magluluto na ako ng lunch.”
Lumipat ang mata ko kay Adlei. “Mas gusto mo na magluto mag-isa, hindi ba? Huwag mo na pasamahin sa ‘yo si Amber, sasama na lang siya sa akin.”
Napunta na naman ang tingin ko kay David. “Marami akong iluluto, kaya ikaw na lang ang maglakad-lakad kung gusto mo.”
Binalingan ko ng tingin si Adlei na bahagyang nakanguso na. “Okay fine, matutulog na lang muna ako. Pakigising na lang ako, Amber kapag ka-”
“Ako na ang gigising sa ‘yo, magpahinga ka na.”
May pagtataka sa mata ni Adlei, maging ako rin naman dahil hindi ako sanay na maraming sinasabi si David.
“Weird,” rinig kong bulong ni Adlei.
Naiwan na naman kaming dalawa kaya walang ibang rason para hindi ko siya tignan. Ganoon pa rin, seryoso ang mukha at parang laging maraming iniisip.
“Anong itutulong ko sa ‘yo sa kitchen? Magbabalat ba ako?”
“Yeah,” he lazily said before walking towards the kitchen. “Balatan mo lang gamit ang peeler, ako ang maghihiwa. Also, marunong ka naman magsaing, hindi ba?”
“Marunong ako!” giit ko agad. Anong akala niya sa akin? Hindi ako kagalingan magluto sa iba’t ibang klase ng ulam pero perpekto ang luto kong kanin.
Umangat ang dulo ng labi niya kaya nanliit ang mata ko. Nakita ko ba siyang ngumiti? Totoo ba ‘yon?
“Good then, magsaing ka na bago magbalat.”
Kahit nagtataka sa inasal ay ginawa ko pa rin ang iniutos niya. Boss ko rin siya dahil anak siya ng boss ko.
Habang nagsasaing ako ay inilalabas naman niya ang mga ingredients na gagamitin niya sa refrigerator. Patingin-tingin ako sa kung ano ang susunod niyang gagawin pero sa tuwing lilingon din siya sa akin ay iiwas ako ng tingin. Nangangamba ba siya na pangit ang saing ko?
Napasimangot ako nang puro gulay ang inilabas niya. Hindi naman ako maarte sa pagkain pero hindi ko lang gusto na puro gulay. Nakita niya yata iyon dahil huminto siya sa ginagawa.
“What’s wrong?” takang taong niya.
“Anong lulutuin mo?”
Pinasadahan niya ng tingin ang mga gulay na inilabas niya. “Technically, I am not going to cook it. Pero Bibimpab ang tawag, a korean dish. Why? You don’t like it?”
“Bibimbap?” tanong ko. “Hindi pa ako nakakatikim ng… Bibimbap.”
Tumango-tango siya. “You’ll like this for sure,”
Doon ako hindi sigurado dahil puro gulay tapos may kanin pa? Gusto kong magreklamo dahil sikat na chef siya pero gulay ang iluluto niya pero ang kapal naman ng mukha ko kapag sinabi ko.
Siya na ang naghugas sa mga gulay na babalatan ko. Akmang kukunin ko na ang carrots para balatan nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko. Namilog ang mata ko sa gulat.
“Anong nangyari rito?” tanong niya habang ang paningin ay nasa band-aid sa hintuturo ko.
“W-Wala, nasugat lang.” Ayaw kong sabihin na nasugat dahil sa pagbabalat. Isipin niya pa na ang tanga-tanga ko. “Magbabalat na ako.” Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.
Tama si Adlei, ang weird niya ngayon. Kung hindi lang mainit ang dugo niya sa akin ay iisipin kong concern siya. Ang layo naman sa bituka ng sugat ko para magkaroon siya ng pakialam.
Na-conscious ako sa pagbabalat dahil wala naman siyang ibang ginagawa. Nakahalukipkip lang siya sa gilid ko. Nagmumukha tuloy akong nasa culinary school at siya ang prof ko na nagbabantay na magkamali ako.
Nang matapos ako ay kinuha niya ang pwesto ko. Umawang ang labi ko habang pinanonood siyang hiwain ang mga binalatan ko. Sa sobrang bilis ay parang naka-fast-forward ang paghiwa niya. Pagtapos niyang hiwain ay inilagay niya sa kawali at ginisa-gisa bawat isa ang mga gulay. Saka ko ang napansin na nauna na niya palang niluto ang ground beef.
May inilaas siyang parang mangkok sa cabinet sa ilalim. “Wash these,”
Pagtapos kong hugasan ay siya ang nagpunas. Kung may makakakita sa amin na ibang tao ay aakalain na mag-asawa kaming dalawa. Amber… bakit mo naman aakalin na mukha kayong mag-asawa? Gising, uy!
“Luto na ba ang kanin mo?”
“Kanina pa,” sagot ko. HIndi naman iyon pabalang pero natigilan kami pareho. “Kanina pa… po, Sir.”
Ano ba ‘yan! Sana nandito si Adlei para hindi kami awkward na dalawa.
Interesado ako sa ginawa niya kaya pinanood ko siya hanggang as matapos. Naglagay siya ng kanin sa bowl na hinugasan ko at sa ibabaw ay ang ganda ng pagkakalagay niya sa mga gulay. May kulay pula pa siya na inilagay na hiniling ko na sana ay hindi maanghang dahil mahina ako sa maanghang.
“Do you like spicy?” Mabilis akong umiling. Bahagya siyang natigilan at umiling-iling na may multo ng ngiti sa labi. “Kaunti lang ang ilalagay ko,” tukoy niya sa kulay pula.
Akala ko tapos na pero iyong apat na bowl ay inilagay niya sa ibabaw ng stove at isa-isang pinainit. Inalis niya lang kamay may naririnig ng sizzling.
“Kumakain ka ng ramen?” tanong niya.
“Oo, maraming ganiyan sa kanto namin, mura lang.”
“Talaga? What kind of ramen?”
Napaisip ako dahil nakalimutan ko ang pangalan. “Nakalimutan ko pero sampong piso lang ang isang cup.”
Kita ko ang gulat sa mata niya. Hindi ko alam pero proud akong napangiti dahil sa wakas ay may isang bagay siyang hindi alam. Pero sabagay, sino naman ang mayaman na kakain ng ganoon? Walang nagtitinda sa kanila kasi exclusive ang mga lugar kung saan sila nakatira.
Nagluto siya ng ramen na hindi ko alam ang tawag dahil instant lang naman iyon.
“Tawagin ko na si Adlei,”
“Ako na, ayusin mo na lang ang lamesa.”
Hinayaan ko na lang na siya ang magtawag. Hindi kaya ayaw niya na akong umakyat sa mga kwarto dahil sa laptop niya? Siya naman ang nagsabi na hindi niya iniisip na kinuha ko kaya hindi dapat ako mangamba. Isa pa, wala akong kinuha kaya hindi dapat ako matakot.
Sakto habang nag-aayos ako ay dumating na si Aling Mirasol na may dala pa na supot ng pagkain. Galing pala siya sa birthday, hindi man lang ako sinama.
“Aling Mirasol, sumabay na po kayo amin. Bawal tumaggi,” si Adlei na halatang bagong gising. Ngumiti siya lalo nang magtama ang tingin namin kaya ngumiti ako pabalik.
Nagulat kami pareho nang malakas hinila ni David ang upuan para makaupo siya.
Tahimik kaming kumain. Pinanood ko ang magkapatid kung ano ang gagawin nila dahil hindi ko alam paano kainin. Hinalo nila ang lahat, nakakapanghinayan dahil ang ganda tignan tapos sisirain ko lang.
“Anong problema?” tanong ni David dahil hindi ko namalayan na nagtagal pala ang tingin ko sa bowl.
“Ang ganda, nakakapanghinayang na haluin.”
Hindi niya inaasahan iyon. Napansin ko na namula ang magkaibila niyang tenga. Masyado yatang maanghang ang sa kaniya.
“Gusto mo picturan? Smile!”
Hindi na ako nakatanggi dahil mabilis ang kilos ni Adlei at kinuhanan ako ng larawan. Tawang-tawa siya pero unti-unti ring nabura dahil sa masamang tingin sa kaniya ni David. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit masama na lang bigla ang tingin niya sa kapatid.
“Galit? Para may remembrance si Amber sa gawa mo.”
“Don’t take photos of someone without their permission, Adlei.”
Tama nga naman, pero hindi naman big deal sa akin.
Si Aling Mirasol na ang naghugas noong nalaman niya na sinamahan ko sa pagluluto si David kahit na nagbalat lang ako. Ako na sana ang aako ng paghuhugas pero pinigilan niya ako dahil baka may iutos na naman ang magkapatid.
“Nagustuhan mo ba?”
Nasa sala sila kanina pero ngayon ay nandito na ulit siya sa paligid ko. Nasa garden lang ako, nagpapahangin.
“Masarap naman,” maiksing sagot ko. Gusto ko lang mapag-isa pero ito siya, ginugulo na naman ako. Akala ko ba ay iniiwasan niya ako.
“Next time I can cook other cuisine. Iyong hindi na puro gulay at maanghang.”
Bahagya akong natawa dahil paano niya nalaman na ayaw ko ng gulay at hindi ako mataas ang tolerance ko sa maanghang? Masyado ba akong halata?
“Ikaw bahala,” sabi ko na lang. Bumaba ng tingin ko sa kamay kung nasaan ang sugat ko na may band-aid, hindi ko pa pala napapalitan, lustay na ang itsura.
“Can I ask something?” mahinahong tanong niya na sobrang nakakapanibago talaga.
“Ano?” kunot-noong tanong ko. Tiningala ko siya dahil nakatayo siya sa gilid ko habang ako ay nakaupo sa upuan na gawa sa bato.
“Were you really interested in me when we first met? You gave me your number.”
Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway. Ang random naman nito! Pagkain lang kanina ang pinag-uusapan ngayon ay ang kalandian ko na?
Nagkibit-balikat ako. “Kalimutan mo na ‘yon, hindi na importante.”
Tumagal ang tingin niya sa akin na parang pinipilit basahin ang nasa isip ko. Ako ang unang umiwas ng tingin dahil sa init ng mga tingin niya.
“It is important to me. Aminin mo na.”
Pagak akong natawa. “Wala na ‘yon, kung naging interesado man ako, noon lang ‘yon. Sabi mo nga hindi ka interesado sa akin.”
“What if I am?” mabilis niyang segunda.
Natuptop ko ang bibig ko at wala na akong ibang marinig kung hindi ko ang puso ko na pabilis na nang pabilis ang pagtibok.
“H-Ha?”
Mariin siyang lumunok. “What if I am interested in you? Ibig sabihin ay ginayuma mo na ako. Luckily, I am not interested.”
Táng-ina? Anong problema niya.
Tumayo ako para sana pantayan siya pero umasa ako sa wala dahil hanggang baba niya lang ako kaya kinailangan ko pa siya na tingalain.
“Excuse me? Mas mukhang ikaw ang manggagayuma sa akin, ‘no!”
He looked at me innocently. “And who tried to marry me through a note?”
Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. “Naniwala ka naman sa note na ‘yon? Kahit kay Adlei kaya kong ibigay ‘yon, eh. Ano? Gusto mo gawin ko para patunayan na wala lang ‘yon?”
Mabilis na nabura ang nakalolokong tingin at ngiti niya. “Don’t you dare,” halos pabulong na iyon.
Matamis ko siyang nginitian. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at hindi ako nagkakamali, nakita ko siyang lumunok! Ha! This thirsty asshóle! Ako pa ang sabihan niya na manggagayuma sa kaniya.
“Watch me, magiging akin din si Ad–hmp!”
Wala na yatang ilalaki ang mata ko nang takpan niya ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay. Nagpumiglas ako na alisin niya ang kamay niya pero masyado siyang malakas.
“Tignan natin kung sino ang mauuna sa ating dalawa,” he warned me before letting me go.
Noong una ay hindi ko pa siya naintindihan pero noong mag-isa na lang ako ay saka nag-sink-in sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin.
Amber, umayos ka, huwag kang mahuhulog sa lalaking ‘yon.