Kabanata 12

1639 Words
I was too stunned to speak. Mabuti na lang ay umalis na sila ng hapon, hindi na sila naghapunan dito. Pabor sa akin iyon dahil simula nang paghahamon niya ay hindi ko na siya matignan sa mata. Samantalang siya ay parang normal lang. Ganoon niya siguro kinukuha ang mga babae na natitipuhan niya. Well, kung sa kanila gumagana, sa akin hindi. Kung noong una pa lang siya nagpakita ng motibo sa akin ay baka patusin ko siya dahil hirap na hirap talaga ako sa buhay. “Ate!” Lahat ng pagod na mayroon ako sa katawaj ay parang bula na nawala nang mabilis siyang tumakbo papunta sa direksyon ko at salubungin ako ng yakap. Mula sa likod niya ay naroon si Mama na nakangiti sa akin, pero alam ko na ‘yong ganiyang klase ng ngiti niya. “Kumusta ka? Miss mo ba ako?” Sunod-sunod ang pagtango niya. Huli na nang mapansin ko na lumuluha na pala siya. Kumibot ang mga labi ko at kumirot ang puso. “S-Super po, ate. Huwag ka na umalis, dito ka na lang.” Sobrang higpit ng yakap niya sa akin, halatang ayaw na talaga akong umalis. “Elvi, pakinggan mo si Ate, okay? Need ni ate ng work para gumaling ka na at makapag-aral, ayaw mo ba ‘yon? Kapag gumaling ka, magagawa pa lalo natin ‘yong mga gusto mo. Basta ang i-promise mo sa akin ay magpapagaling ka rin.” Umiiyak pa rin siya pero pinakita niya sa akin na big boy na siya. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at pilit na ngumiti. “Malaki ba ang sweldo mo?” iyan ang unang tanong sa akin ni Mama. Ni hindi man lang niya ako hinayaan na makapagpahinga o hindi man lang ako tinanong kung kumusta na ako. Sa ilang beses ko na tumawag ay puro sweldo ko ang tinatanong niya. “Kailan pa naging malaki ang sweldo ng katulong? Ang maibibigay ko lang sa inyo ay ang pang-araw-araw na pangkain.” Nabura ang ngiti. “Iyon lang? Paano ang tubig at kuryente? Ang utang ko kay Aling Tess? Oh, iyong gamot pa ng kapatid mo? Aba kung kailan naman–” Pagod ko siyang tinignan. “Ako na ang bahala sa gamot ng kapatid ko. Isa pa, hindi ba may trabaho kayo ni Tatay? Bakit niyo ipapaako sa akin kung kayo lang din naman ang nandito sa bahay? Ang utang niyo kay Aling Tess, buti sana kung pagkain, kung hindi alak at sigarilyo at kung ano-anong walang kwentang bagay.” “Aba’t! Tama nga sila, kapag nagkatrabaho ang anak ay nagiging malaki ang ulo! Ano?! Magkano ba ang sweldo mo para magmalaki ka ng ganiyan?” Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili. Akala ko para sa pagpapahinga ang day-off, hindi ko naman alam na mas mapapagod pa ako rito sa bahay. “Inuulit ko, hindi malaki ang sweldo ko para akuin lahat ng responsibilidad dito sa bahay. Hindi niyo ba maintindihan iyon? Para naman kayong bata na kailangan ko pa ipaintindi ng mga bagay-bagay. May trabaho kayo ni Tatay, saan niyo gustong mapunta ang mga sweldo niyo?” Hindi ako madamot. Kung alam kong may sobra ay magbibigay ako kahit na hindi sila nanghihingi. Nagkataon lang na kilala ko silang dalawa at kung saan-saan nila gagastusin ang pera. May mga importante pa na kailangan kong pagtuusin. “Bahala ka!” inis na sabi niya bago siya lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga ako sa hindi mabilang na pagkakataon. Inilibot ko ang paningin sa bahay, nagkalat ang mga damit. Ang semento naman ay puro na buhangin. Wala pa akong maayos na pahinga sa byahe pero ang unang ginawa ko ay maglinis ng sarili naming bahay. Ayaw na ayaw ko na marumi ang bahay. Hindi pwede na maliit na nga ay marumi pa. Ako na rin ang nagluto ng lunch at dinner. Umuwi si Tatay at Mama at parehong panay ang parinig sa akin na kesyo hindi ko man lang daw sila maabutan kahit na kaunti. Iba pala talaga kapag ang mga anak na ang parang nagpapalaki sa mga magulang. “Bigyan mo ‘ko kahit pang-alak,” nakalahad agad sa akin si Tatay matapos naming kumain. “Dali na! Baka pati isang daan ay pagdamutan ako, ang kapal ng mukha mo.” “Tay, wala ng pera si Ate–” “Manahimik ka!” sigaw niya rito. Napantig ang tenga ko roon kaya mabilis akong tumayo sa harapan niya. Sabihan niya na ako ng masasakit na salita pero huwag ang kapatid ko. “Isang daan ba? Oh, ayan, huwag na huwag mong sisigawan si Elvi. Nanahimik lang ako pero hindi niyo magugustuhan ang magagawa ko kapag nadamay dito ang kapatid ko.” Ngumisi siya. “Iba ka na nga talaga pero kahit anong gawin mo bobo at malas ka pa rin! Aral-aral pa, hindi rin naman magagamit. Katulong pa rin ang bagsak!” Hanggang sa paglabas ng bahay ay nag-iingay ito. “Hindi mo na sana sinagot ang tatay mo,” malamig na wika ni Mama. Nagtiim ang bagang ko. “Isa lang ang hiling ko, ma–huwag na huwag niyong idadamay ang kapatid ko.” Alanganin pa ako na bumalik sa trabaho kinabukasan kaya nagsabi ako kay Gaile at ate Lenie na paminsan-minsan ay dumaan sa bahay. Umiiyak ako habang nasa byahe dahil naaalala ko kung paano umiyak si Elvi. Ayaw niyang ipakita na umiiyak siya pero hindi niya maitago ang mga luha. I tried so hard to cry as well but now that I am alone, I couldn’t hold it back anymore. Sumisinghot-singhot ako habang papasok sa bahay. Wala si Aling Mirasol dahil umuwi ngayong araw sa pamilya niya. Magkasunod ang day-off namin. Ang naiwan lang ay ako at si Don Miguel na sa tingin ko ay nakakulong na naman sa office niya. Saktong pagpasok ko ay tumunog ang landline. Nagmamadali akong lumapit doon at sinagot ang tawag. “H-Hello,” hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses dahil galing lang ako sa pag-iyak. Sandaling natahimik sa kabilang linya. [“Amber, is this you?”] “Oo, anong kailangan mo? Ang daddy mo ba? Nasa office yat–” [“Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? May ginawa ba siya sa ‘yo? Ano? Sumagot ka!”] Nanliit ang mata ko. “Anong pinagsasabi mo? Bakit naman ako iiyak?” Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. [“Your voice… your voice sounds sad and hoarse. Anong nangyari?”] Paano niya nalaman? Isa ba ito sa mga paraan niya para makuha niya? Muntik na ako roon, ah! “Bakit ka nga tumawag? Wala si Aling Mirasol dahil day-off niya.” Pilit kong inaalis sa utak ko kung paano mag-alala ng boses niya. [“Naiwan ko ang personal phone ko sa kwarto ko. Pwede ba na pakitabi, kukunin ko sa ‘yo pag-uwi ko.”] Grabe, may personal at work phone siya. Kaya siguro hindi niya napansin na naiwan niya kasi dalawa ang phone niya. May laptop pa siya at tablet! “Okay, iyon lang ba?” [“Wala na… by the way…”] Naghintay ako ng sasabihin pa niya pero hindi na natuloy dahil pinatay na niya ang tawag. Nangunot ang noo ko dahil ang weird niya. Umakyat ako sa kwarto niya. Tinignan ko pa ang bandang office, nakasarado iyon pero naririnig ko ang ingay mula roon–nasa meeting na naman si Don Miguel. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni David. Alam ko kung saan dahil nakita kong lumabas siya rito minsan. Hindi ako nahirapan na hanapin ang phone niya dahil umilaw iyon. May tumatawag! Walang pangalan, number lang. Sasagutin ko ba? Baka importante, sasabihin ko na lang na naiwan ni David ang phone niya. Dinampot ko iyon at sinagot. [“Finally, keep it safe. Kung gusto mo at hiramin mo kapag naiinip ka diyan.”] “Da–I mean, Sir David? Akala ko kung sino na ang tumatawag, ikaw lang pala. Saka, bakit ko naman hihiramin ang phone mo? Personal phone mo ‘to, hindi ka ba natatakot na magbasa akong messages dito?” Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. What is happening? [“Suit yourself–tell me what you thought about those messages, then. Should I say, happy reading?”] Hala, nasisiraan na yata siya ng ulo. “No thanks, baka may scandal ka pa rito. Madudumihan mo pa ang mata ko.” [“Scandal?”] Tignan mo ‘to, kunwari ay hindi pa alam ang tinutukoy ko. “Wala! Itatago ko na lang itong phone mo sa cabinet mo rito sa kwarto mo. Baka mawala ko o mabasag ko kapag ako ang nagtago. Mas safe rito sa cabinet mo.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. [“Edi wala rin,”] bulong niya. “Ano?” [“Nothing, do what makes your mind at peace.”] Ako na ang nagpatay ng tawag kasi wala na rin namang kwenta ang usapan namin. Naglakad ako papunta sa cabinet niya at nagbukas ng box na naroon. Nag-init agad ang mukha ko nang mabuksan ko kung saan nakalagay ang mga boxers at brief niya. Mabilis ko iyong sinara. Nagbukas na lang ako ng iba, nakahinga na ako nang maluwag dahil puro relo na ang naroon. Doon ko inilapag ang phone niya. Dali-dali akong lumabas ng kwarto niya at nagmamadali na bumalik sa kwarto ko. May sariling isip ang katawan ko dahil pabagsak kong ibinaba ang sarili sa kama at kinulong ang mukha sa unan. Hindi ko napigilan na tumili sa walang dahilan. Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? May sakit ba ako? Hinawakan ko ang pisngi ko, mainit! May sakit nga yata ako. Pero hindi naman ako nahihilo o pagod. Ano itong nararamdaman ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD