Kabanata 13

2068 Words
Inabala ko ng sarili sa pagtatrabaho, kulang na lang ay akuin ko pati ang trabaho ni Aling Mirasol o sabihin sa kaniya na linisin ko ang malawak na bubong para lang magkaroon ako ng pagkakaabalahan at hindi mabakante ang oras. Kapag wala kasi akong ginagawa ay kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Mabilis lang ang mga araw, bukas ay narito na naman ang magkapatid. “Bukas ang birthday ni Don Miguel, ayaw niya ang magarbo na handaan, gusto lang niya na makasalo ang mga anak. Gumising ka ng maaga bukas para samahan ako na magluto.” Gusto kong sabihin na maaga naman talaga akong nagigising kahit na hindi niya sabihin. “Sige po,” Maiintindihan naman siguro ni Don Miguel na wala akong pera kaya hindi ko siya mabibigyan ng regalo. Tsaka, masyado na siyang mayaman para magkaroon pa ng materyal na bagay bilang regalo. Kuryuso tuloy ako kung ano ang pasabog ng magkapatid bukas. “Bakit ka umiiyak?” inis na tanong ni Aling Mirasol. “Kung iiyak ka lang diyan ay umalis ka na, naiirita ako sa pagmumukha na ganiya.” Sa mukha ko pa talaga siya nainis? “Ang hapdi sa mata ng sibuyas, Aling Mirasol. Kanina pa ako naghihiwa ng sibuyas, hindi na ako malalapitan ng aswang.”Suminghot-singhot pa ako dahil ang hapdi na ng mata ko kaya nagbabara na rin ang ilong ko. “Sibuyas? Bawang dapat!” Hindi ko pa tapos ang hinihiwa ay binitawan ko na ang kutsilyo. Tumakbo ako sa lababo para hugasan ang mata pero nahihirapan ako, muntik ko pa na maihawak ang kamay ko. Tumakbo ako papunta sa labas dahil may hose doon pero bumangga ako sa matigas na pader, mabuti na lang nahawakan ako nito sa braso. Huh? Pader? Hinawakan ako sa braso? “Hey,” Pamilyar ang boses na iyon. Nandito na sila?! Hindi ko man lang narinig ang sasakyan. “S-Sandali lang–” “Bakit ka umiiyak? Something happened?” bakas sa boses niya ang pag-aalala. Umungot ako dahil mahapdi na talaga ang mata ko pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Magiging totoo na ang iyak ko kung hindi niya pa kakalasin ang pagkakahawak niya sa akin. “Bitawan mo ‘ko, makita pa tayo ng daddy mo, ano pa isipin noon.” “So, si Dad ang rason kung bakit ka umiiyak?” Hindi pa ako nakakasagot ay binitawan na niya ako. Ang mahapdi kong mata ay nanlaki kaya mas lalong humapdi. Bahala na! Tumakbo na ako palabas para hugasan ang mata ko. Nang mahugasan ko gamit ang hose ay patakbo na bumalik ako sa loob at umakyat. “What? Son, I didn’t do anything. Ano ba ang nangyari kay Amber?” “Ikaw ang tinatanong ko. Anong ginawa mo sa kaniya kaya bakit siya umiiyak pagdating ko?” Tinulak ko ang pinto sa office kahit na mahigpit na bilin sa akin ni Aling Mirasol na huwag papasok hanggang hindi sinasabi sa akin. Kailangan ko lang klaruhin kung ano man ang maling iniisip ni David. Para naman siyang tánga! “S-Sir, pasensiya na po.” Kunot ang noo ni Don Miguel sa akin, halata ang pagtataka sa mukha niya. Mukhang malapit na rin ito mawalan ng pasensiya sa anak. Si David naman ay nagmamatigas pa rin ang mukha na nakaharap sa lamesa ng tatay niya. Ano ba ‘yan! “What happened to you, Amber? Ako raw ang may kasalanan kung bakit ka umiiyak? Bakit ka umiiyak?” Napatayo na rin ito sa pagkakaupo. Pareho kaming nagtaka nang humarang na lang bigla si David sa harapan ko. Okay, anong nangyayari? Bakit ang weird na naman ng lalaking ‘to. Gàgo ‘to, birthday ng tatay pero iniinis. Nagpunta ako sa gilid para makita siya ng maayos. “Pasensiya na po sa istorbo. Naghihiwa po kasi ako ng sibuyas sa kusina pero naparami po kasi kaya humapdi ang mata ko. Ang akala po ni David ay umiyak ako… hindi ko lang po alam kung bakit kayo… kayo ang sinisisi.” Nilingon ako ni David na bumaha na ang maraming tanong sa mata pero hindi nakaligtas ang pamumula ng tenga niya, nahihiya na sa inasta. Ayan, tamang hinala pa. “Son?” agaw nito ng pansin sa anak. “I… I am sorry, I thought you did something–” “What? What will I do to Amber?” Umiling siya. “I am sorry, akala ko napagalitan niyo.” Akala ko magagalit pa si Don Miguel pero bahagya na lamang itong humalakhak. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil nahihiya rin ako. Kainis na lalaki na ‘to! “Don’t worry, wala akong ibang gagawin kay Amber. She can work whenever she feels like it. Ikaw naman, galit agad… bakit kaya?” May panunuya na sa boses nito kaya napatingin ako sa kaniya. May kung ano sa tingin niya sa anak, sunod sa akin na hindi ko mawari kung ano. Basta, may kislap sa mata niya. “I-It’s nothing!” mabilis na depensa ni David. Nilingon niya ako. “Let’s go, bumalik ka na sa kusina.” Nauna siya ng lumabas. “Pasensiya na po talaga,” muli kong paumanhin. Nakangiti naman na tumango siya. “Huwag kang mag-aalala, mabait at responsable ang anak ko na ‘yon.” Kahit nagtataka sa sinabi niya ay lumabas na rin ako. Hindi ko na makita kung nasaan si David. Wala akong oras at lakas para hanapin siya kaya sa kusina na ako dumiretso. Walang kaalam-alam si Aling Mirasol dahil busy ito sa pagluluto. Aaminin ko, naiinis ako sa inaakto ni David. Masyado siyang magulo kaya hindi ko siya maintindiha, Kung bakit ganoon na lang siya umasta? Kung bakit paiba-iba ang ugali na ipinapakita niya sa akin? At kung bakit nasabi niya ang huli nitong sinabi sa akin bago siya umalis. Ganito ba talaga kagulo ang mga lalaki? Baka naman ako na ang may problema? Nilalagyan ko ba ng meaning ang mga ginagawa niya? Umaasa ba ako? PAra saan?! Gusto kong kutusan ang sarili. Ang dami na rin na nagbago simula nang magtrabaho ako rito. Kung makikita ako ni Gaile ngayon ay magiging proud siya sa akin na parang bula na nawala sa isip ko na magpakasal sa pera. Well, naroon pa rin ‘yong thought pero mas nabawasan na lang ngayon yong urge. Siguro dahil may trabaho na ako. Eh, paano kung mahulog na lang sa kin si David? Papayag ba ako na maging girlfriend niya? “Hey,” “Ay, malandi!” gulat na sigaw ko. Pigil na pigil naman ng tawa si Adlei. Malalim ba ang pag-iisip ko at hindi ko man lang siya naramdaman na dumating. Nakasuot pa ito ng shade kay nagmukha siyang artista na nagpipigil ng tawa. “Nagulat ako!” singhal ko sa kaniya. “Halata nga! Ano ba ang iniisip mo, ang lalim pwede na ako sumisid.” “W-Wala, mga bayarin lang…” Tangina mo, Amber, ayus-ayusin mo ang pumapasok sa isip mo. Hindi maganda ang naisip mo kanina. Ano ka tanga para isipin na magugustuhan ni Sir David? “Ows? Kailangan mo ba ng tulong? Nagpapautang ako.” “Ay, utang? Akala ko magbibigay ka na.” Nagpatuloy na lang ako sa pagbabalat ng carrots. “Tss! Huwag na lang pala,” biro niya na ikinatawa namin pareho. “Maiwan na muna kita, magpapalit lang ako ng damit. By the way, nandito na si Kuya?” Tumango ako at hindi na nagsabi ng kung ano pa. Kung alam lang niya ang ginawang katangahan ng kuya niya ay malamang mas malakas pa ang magiging tawa niya Tapos na ang mga niluto ni Aling Mirasol pagdating ng pananghalian. Ang daming putahe kaya pala ang daming pinahiwa na sibuyas. “Happy birthday to you…” sabay-sabay kaming kumanta habang hawak ni Adlei ang birthday cake ng tatay nila. “I wish good health for my family and the good people that surround us. May God bless me with more healthy years with my children.” Simple lang ang handaan, walang kahit na sino pang bisita pero oras-oras yata ay may dumadating na order, regalo raw sa kaniya. Hindi ko nakikita kung ano ang mga iyon dahil diretso agad sa kwarto nito pagtapos punasan ng alcohol. “Later, let's have dinner outside. Sumama na kayo Mirasol para naman makalabas kayo rito sa bahay.” “Sir, pasensiya na pero magpapahinga na lang ako ng maaga kung aalis kayo.” “Ganoon ba?” “Si Amber na lang ang isama niyo, sir.” Kulang na lang ay idagdag niya na isama ako para may mautos-utusan sila. Para may tagabuhat sila ng mga mamahalin nilang pinamili. “If that’s what you want, I’ll bring Amber with us. Magpahinga ka ng mabuti.” “Wow, dress pretty, okay?” kinindatan pa ako ni Adlei. Pareho kaming napatingin kay David nang tumikhim siya. “Kung gusto mong magpahinga rin, magpahinga ka na lang.” Bakit hindi na lang niya sabihin na huwag akong sumama? Nginitian ko si Adlei. “Hindi ko alam kung may nadala akong magandang damit. Hindi ba pwede na naka-uniform na lang din ako mamaya?” ang tingin ko ay na kay Adlei lang. “No,” “Hindi,” Kahit na isa sa sumagot si David ay hindi ko siya pinansin. Manigas ka diyan, ang labo mo. “Minsan lang ‘to, Amber. Mamaya hindi ka empleyado ni Dad. Isipin mo kaibigan mo kami at magsasaya tayo mamaya!” Umusbong ang excitement sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero dahil kay Adlei ay umaasa na ako. Wala akong ibang ginawa sa loob ng isang buwan kung hindi ang maging maayos na kasambahay kaya kailangan na kailangan ko talaga ang pagsasaya na ‘to. Ni balingan siya ng tingin ay hindi ko ginawa. Naiinis pa rin ako sa inaasal niya. Dapat malaman niya na hindi maganda na basta-basta na lang siyang manghihinala. Kung hindi mabait si Don Miguel ay baka wala na akong trabaho ngayon. Bumalik na ako sa kwarto ko at naghanap ng pwedeng maisusuot. Hindi ko naman inisip na gagala ako rito kaya hindi na ako nagdala ng magaganda na damit. Tatlong katok sa pinto ko ang umagaw ng atensiyon ko. Sigurado ako na hindi si Aling Mirasol iyon dahil hindi naman siya kumakatok, bigla-bigla na lang pumapasoK. Tumayo ako at binuksan iyon. Gusto kong isara ulit nang mabungaran ko si David. Ang nakakainis ay pumasok agad sa ilong ko ang mabango niyang amoy. He’s just wearing his casual clothes—black polo-shirt and khaki pants but he can top any model. “Ano?” walang emosyon kong tanong sa kaniya. Seryoso ang mukha niya pero parang nangungusap na ang mga mata. “Can we talk?” Umakto ako na parang walang alam—wala naman talaga! “Huh? Nag-uusap na tayo.” “I mean… us, in private.” “Hindi pa ba private ang bahay niyo?” pabalang na sagot ko. Bumuntong-hininga hininga siya. “Look, I am trying to communicate everything to you, so please cooperate with me. Let’s all be civil here.” “Sabihin mo na rito kung may sasabihin ka.” “Kung ayaw mo ngayon—mamaya, pwede na mag-usap tayo,” he said—almost with his pleading voice. Umangat ang isa kong kilay. “Ayaw ko,” masungit kong sagot bago ko isara ang pinto. Aba, balak niya pa yata na sirain ang pagsasaya ko mamaya. Civil niya mukha niya—pagtapos ng kahihiyan na dinulot sa akin? Akala ko aalis na siya pero kumatok pa ito ng isang beses kaya binuksan ko na naman. May bakas na ng pagkayamot ang mukha niya. Oh, nasaan na ang parang tuta niyang mukha? Sinasabi ko na nga ba na plastic ang lalaking ‘to. “Humanda ka mamaya,” he said in his unusually low voice before turning his back on me. Tignan niyo! May pagbabanta pa! “Ikaw ang humanda!” habol na sigaw ko sa kaniya kaya lumingon siya. Inilabas ko ang dila ko. Namilog ang mata niya sa inasta ko. Nang makita ko na naglalakad ulit siya ay mabilis kong isinara ang pinto. Hindi ko napigilan na tumawa habang nakasandal sa likod ng pintuan ko. Huli na nang ma-realize ko na sobrang lawak ng pangngiti ko, na parang mapupunit na. Bigla akong kinabahan dahil sa sandaling saya na naramdaman. This is not good. He is not good for me, I just know it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD