Masama ang tingin sa akin ni David habang nasa kotse pa lang kami. Paano ba naman ay nakikita ko siya na tinitignan ako sa rear view mirror. Siya ang nagmamaneho, nasa passenger seat si Don Miguel. Kaming ni Adlei ang nasa likod.
“You look great,” papuri sa akin ni Adlei.
“Thanks! Hindi na ba ako mukhang katulong?”
Sumimangot siya sa tanong ko. “What wrong with being a katulong?”
“Wala, binibiro lang kita. Alam ko naman na maganda ako kahit na anong suotin ko.”
Ngumiti lang siya pero nakita ko kung paano kumislap ang mata niya habang nakatingin sa akin. Naalis lang ang tingin ko sa kaniya nang naramdaman ko na bumili ang takbo ng sasakyan.
“David, what’s wrong? Ang bilis na nang takbo mo.”
Hindi sumagot si David kay Don Miguel pero bumuntong-hininga muna ito bago bagalan ang takbo. Humalukipkip na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Ano kayang tumatakbo sa isip niya?
Huminto kami sa isang restaurant. Sa labas pa lang ay halatang mamahalin na ang bawat putahe rito.
“Reservation for?” bungad sa amin sa entrance pa lang.
“David Faustino,” maikling sagot ni David. Kitang-kita ko na kumikinang ang mata nang babae, pinipigilan niya lang ang sarili para maging professional sa harap namin.
“This way, please…”
Umawang ng labi ko nang umakyat pa kami sa second floor kung saan kakaunti lang ang tao. Ang maganda pa ay glass wall lahat kaya kitang-kita ang kapaligiran. Sa bandang likod pala ng restaurant na ito ay mayroong man-made river. Pwede raw magpunta roon pero sa umaga lang.
Binigyan kami isa-isa ng order menu. Unang kita ko pa lang ay hindi ko na mabigkas ang mga pangalan. Ang alam ko lang ay ang presyo na naroon, grabe ang mahal! Halos kalahati na ng sweldo ko ang isang order ng putahe. Sigurado ako na small portion pa ito.
“Don’t mind the price, order what you want,” masungit na sabi ni David.
Oh… siya siguro ang taya ngayong gabi. Tama ba na sumama pa ako? Hindi naman talaga ako sasama kung hindi lang mapilit si Adlei.
Nakapag-order na silang tatlo, ako na lang ang hindi. Hinihintay nila ako na magsalita. Sinubukan ko naman na bigkasin ang pangalan pero nabubulol lang ako.
“Katulad na lang sa akin ang sa kaniya. Sasabihin na lang namin kung may order pa kami. Salamat,,” wika ni David.
Nakagat ko ang ilalim na labi. Hindi naman pansin ni Don Miguel at Adlei na nahihirapan ako pumili dahil nag-uusap na ang mag-ama sa hindi ko malaman na topic. Itong si David lang talaga ang nakapansin! Binabantayan niya na magkamali ako?
“Thank you,” wika ko nang makaalis na ang waiter.
Magkaharap kaming dalawa sa lamesa, katabi nito si Don Miguel.
“Mag-usap tayo mamaya,” sabi niya lang at hindi na ako pinansin.
Naunang dumating ang wine at may ginawa pa siya na patikim-tikim rito. Una ay aamuyin, sunod ay paiikutin ang kakarampot na laman sa wine glass tsaka titikman. Parang nag-isip pa ito bago tumango. Doon lamang nilagyan ang mga wine glass namin ng laman.
Ritual ba ‘yon ng mayayaman? Sa amin kasing mahihirap basta nalaman namin ba wine at lagok agad. Ang mahal kaya ng mga wine.
“Hija, are you busy tomorrow?” tanong sa akin ni Don Miguel.
Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni David.
“Why?” kuryoso niyang tanong.
Napatingin kaming tatlo sa kaniya. Malamang! Hindi naman kasi siya ang tinatanong pero siya itong sumasagot. Hindi ko alam na mayroon na pala akong spoke person.
“Gusto ko lang asikasuhin niya ang mga requirements niya. If she would, I would give her a scholarship to continue her studies.”
Parang luluwa na ang mata ko sa gulat. Lumandang ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pag-aaralin niya ako? Seryoso ba siya?
Kumalma naman ang mukha ni David. Tumingin siya akin, naghihintay ng sasabihin ko.
“P-Pag-iisipan ko po,” tanging nasagot. Ayaw ko naman um-oo agad dahil kailangan kong pag-isipan ang magiging desisyon ko.
“Okay, basta sigurado ako na susuportahan ko ang pag-aaral mo habang nagtatrabaho sa akin. By the way, what was your course before? And what do you plan to pursue now?”
“Nursing po… at nursing pa rin kung sakali.”
Nakita ko sa gilid nang mata ko ang pagkamangha sa mukha ni Adlei. Si David? Walang masyadong reaction. Hindi siguro siya makapaniwala na muntik na akong maging nurse. Pwes, malalaman niya na matalibo namab talaga ako, wala lang pera.
Tumango-tango si Don Miguel. “That’s good, I hope you think about my offer. Sayang naman kung hindi ka magpapatuloy. You’re young and smart.”
“Kung mag-aaral ka, rito ka lang din?” si Adlei na mas excited pa sa akin.
“A-Ah… pag-iisipan ko na muna. Kakausapin ko rin si Aling Mirasol tungkol dito.”
“Mabuti pa nga, hija.”
Dumating na ang order namin. Steak at hindi pamilyar na pagkain. Walang kanin? Saka, hindi ko ba pwedeng kamayin ‘to? Hindi ko alam paano gumamit ng parang kutsilyo na maliit.
Nagsimula na silang kumain samantalang ako ay nakatingin lang sa ginagawa nila. Hays, kaya siguro hindi pa ako yumayaman dahil alam na magiging tanga lang ako.
“Eat,” seryosong sabi ni David.
Bahagyang umawang ang labi ko nang pinagpalit niya ang pinggan namin. Binigay niya sa akin ang nahiwa na sa maliliit na steak.
Ramdan ko ang tingin ng mag-ama, lalo na ang kay Don Miguel na mahina pa na humalakhak. Si Adlei naman ay natigil sa pagsasalita.
“S-Salamat,”
Bahala na kung paano ako kakain, ang mahala ay mabusog ako at masulit ko ang mga ito dahil minsan ko lang maranasan ito.
Matapos naming kumain ay nagpasya sila na magmunta sa mall. Naririnig ko pa na sagot naman ni Adlei ang mapipili ng ama, kahit ano.
“Amber, pumili ka rin ng gusto mo. Isipin mo na lang na early gift ko sa ‘yo.”
“Hin—”
“Hep! I am not taking no as an answer. Sulitin mo na habang galante ako. Bili ka dress or kaya shoes. para may panggala ka.”
Una ay si Don Miguel na gustong suportahan ang pag-aaral ko. Ngayon naman ay si Adlei na parang nagbibigay lang ng barya sa akin. Ganito ba kagalante ang pamilyang ‘to?
Well, except siguro kay David.
Tinignan ko siya. Nasa section siya ng mga relo, kasama si Don Miguel. Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya binalingan niya ako. Mabilis akong umiwas ng tingin at lumapit na lang kay Adlei na nagtitingin ng sapatos niya.
“May napili ka na? Nasa kabilang section ang woman’s section. Gusto mo samahan kita?”
Umiling ako pero nagawa niya pa rin akong hilahin papunta sa women’s section kung nasaan ang mga dress at sandals.
“Pili na, mabait pa ako, oh.”
“Wala—”
“Miss, dress nga na babagay sa kaniya.”
Tumalima naman agad ang sales lady kaya hindi na ako nakapagprotesta. Mahina ko siyang hinampas sa braso, ang tigas pala.
“Hindi mo ‘ko kailangan na bilhan. Ang daddy mo ang may birthday, hindi ako.”
Umungot siya. “Wala naman ako sinasabi? Bawal ba magbigay? As a friend?”
Wala na akong nagawa nang siya na ang pumili sa akin. Hiyang-hiya naman ako kahit mukha akong mamahalin na gamit. Masyado silang mabait sa akin kaya natatakot akong maabuso ko sila.
“Are you done? Let’s go.”
Nagkatinginan na naman kami ni David. Bumaba ang mata niya sa dala ko na paper bag. Dahan-dahan ko iyong inilagay sa likod ko para itago pero alam ko naman na nakikita pa rin.
“Mauna na kayo ni Kuya, Dad. May pupuntahan lang kami ni Amber?”
“Where?” sabay ba tanong nang mag-ama.
“There is a newly open club here—gusto namin tignan, right, Amber?”
Tumango ako. “Opo,”
“Okay, kayo ang bahala. Just message me or David if papasundo na kayo—”
“Hindi pwede,” putol nito sa sinasabi ng ama nila.
Umangat ang isang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Ano na naman ba? Lahat na lang ay hindi pwede sa kaniya.
“Kuya, sandali lang kami. Titignan lang namin tapos uwi na.”
“Sasama ako, ihahatid ko lang si Dad.”
Adlei groaned like a kid. Nakita ko na nagpipigil ng ngiti si Don Miguel habang pinanonood ang dalawang anak.
“Hindi na kailangan, malaki na kami. Saka, may gagawin ka pa na business report, hindi ba? Uwi ka na, kaya na namin.”
Lalong nagseryoso ang mukha ni David. “Sasama ako, wait me here—ihahatid ko lang si Dad pauwi.”
Wala na kaming nagawang pareho ni Adlei. Dahil wala kaming sasakyan ay no choice kami na mag-commute papunta sa bagong bukas na club daw. Alam na siguro ni David kung saan ‘to.
“Isang baso ng alak lang ang iinumin ko,” paalam niya sa akin. “Ikaw, juice?”
Umiling ako. “Gusto ko rin na uminom.”
We didn't realize that the one shot we intended to drink began to multiply. Hanggang sa hindi ko namalayan kung nakailang baso kami. Hindi na diretso ang tingin sa akin ni Adlei.
“Really? It has only been an hour since I left you two.”
Nilingon ko ang nagsalita. Napangiti ako nang makita si David. Natigilan siya dahil kumaway pa ako sa kaniya.
“Lasing na kapatid mo,” nasinok pa ako. “Ako hindi ako lasing.”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Halata nga,” sarkastiko niyang sabi.
“Promise!” itinaas ko ang kamay ko. “Uuwi na tayo?”
Nilapitan niya su Adlei na iinom pa sana pero pinigilan niya na. Inilagay niya ito sa likod niya at tinignan ako. “Dito ka lang, babalikan kita.”
“Okay, sir…” hindi ko nakilala ang boses ko sa sobrang lambing noon.
Hindi ako lasing…
Nang mawala siya sa paningin ko at naagaw nito ang pansin ng mga sumasayaw sa gitna. Mukhang masaya! Tumayo ako at naglakad papunta roon. Sumisigaw na ako bago pa ako magsimula na sumayaw.
“Twerk! Twerk! Twerk!”
Naka-dress ako na umaabot hanggang ibaba ng tuhod pero spaghetti ang strap nito. I tried twerking just like what they said and the cheer doubled. Mas ginanahan ako na sumayaw.
May lumapit sa akin na lalaki, pumwesto sa likod.
“Twerk! Lower!” sigaw nila.
I was about to do it when someone grabbed me from my wrist and pulled me out of the crowd.
“Ano ba!” inis na sigaw ko kay David na galit na galit na ang tingin.
“What do you think you are doing?!” pigil ang inis niya na tanong sa akin.
“Dancing!” sagot ko. Napakamot ako sa ulo bago siya talikuran para bumalik sa dance floor pero hinawakan na naman niya ako, sa bewang na naman! “David!”
“Gusto mo sumayaw, sige sumayaw ka. Huwag kang titigil hanggang hindi ko sinasabi.”
Huli na para ma-realize ko na nakapasok na kami sa isang private room.