Kabanata 15

2206 Words
Tahimik ako habang nasa passenger seat. Parang nawala na ‘yong hilo na naramdaman ko kanina noong ipasok niya ako sa isang private room. May upuan kasi roon, doon siya naupo habang nakatayo ako sa harapan. He urged me to dance the way I danced on the dance floor, but his stare was too much. Paano ko naman magagawa na mag-twerk sa harapan niya? Alam ko naman na naiinis lang siya sa akin kaya ganoon ang ginawa niya kaya nang hindi ako kumilos ay lumabas na rin kami at dinala ako sa parking lot. Naabutan ko si Adlei na tulog na agad sa backseat, sakop nito ang buong pwesto kaya sa passenger seat ako naupo. “Amber… sino mas gwapo?” Napalingon ako sa backseat kung saan nakahiga pa rin si Adlei. Nakapikit ito habang nagsasalita. Ngayon ay alam ko nang nagiging madaldal siya kapag lasing. “Don’t mind him,” si David na diretso pa rin ang tingin sa daan. Malamang, baka masapak ko siya kapag lumingon din siya sa kapatid niya. Muli kong ibinalik ang tingin sa harap pero nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Adlei na akala ko ay tulog na. “Ako… o si… Kuya?” Ano raw? Tinignan ko ng tingin si David, mukha siyang walang pakialam pero nakita kong humigpit ang kapit niya sa steering wheel. “Naga-gwapuhan ka ba sa Kuya? Amber? Nasaan ka na? Sagot ka please.” Napalunok ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko siya pinansin dahil lasing siya, hindi magma-matter kung sasagutin ko ang tanong niya dahil for sure, wala siyang maaalala kapag nawala na ang epekto ng alak sa sistema niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang nagsalita si David. “Why don’t you answer his question?” “Huh? Sabi mo, don’t mind him?” Makulit kaya ang Mommy nila noong nabubuhay ito? Hindi naman kasi makulit si Don Miguel. “Gusto kong malaman ang sagot.” Nilingon niya ako pero mabilis lang dahil nagmamaneho pa rin siya. “Wala akong sagot,” sabi ko at nagkunwaring humikab. “Antok ako, tulog muna ako, ah.” Mariin ang pikit ko habang nakasandal sa gilid. Sinadya kong matabunan ang mukha ko ng buhok para hindi niya makita na umaakto lang ako. I heard him sighed. Ang pagpapanggap ko na makatulog ay naging totoo. Nagising na lang ako nang maramdaman ko na may marahang humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata, ang unang bumungad sa akin ay si David. Nasa gilid ko siya, nakabukas na ang pintuan ng sasakyan sa side ko. “Nandito na tayo, bumaba ka na.” Panaginip lang? Akala ko naman ay may humahaplos na talaga sa akin. Inaantok pa ako na bumaba ng sasakyan niya. Lumingon ako para tignan si Adlei pero wala na siya roon. “Naiakyat ko na siya sa kwarto niyo. Ikaw, matulog ka na rin.” Umiling ako. “Maliligo pa ako,” wala sa sariling sabi ko. “Bukas ka na maligo, gabi na.” “Maliligo ako, ang baho ko na.” Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. “Hindi ka pa naman mabaho pero amoy alak ka. Huwag ka na maligo, maghilamos ka na lang.” Sinimangutan ko siya. “Pati sa pagligo ko gusto mo makisama sa pagdedesisyon?” Na-realize niya yata ang sinabi ko kaya maliit siyang napangiti at umiling. “Ikaw ang bahala, aakyat na ako. Pasok na sa loob.” Nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at kumuha ng damit pamalit. Maayos na ang pantulog na pinili ko dahil alam kong aasarin niya na naman ako kapag nakita niya ang suot kong damit na kita na halos ang kaluluwa. Isipin niya pa na sinasadya ko na ipakita ko sa kaniya. Hindi ako maagang nagising kinabukasan, dala siguro ng alak. Walang tao sa kusina o sa sala kaya lumabas ako sa pool area. Naroon ang magkapatid, naliligo na naman. Iyon yata ang bonding nila dahil sa tuwing narito sila ay hindi pwedeng hindi sila maligo sa pool. Si Don Miguel kaya? Bakit hindi sumama sa kanila. “Amber, good morning!” Mabilis na umahon sa tubig si Adlei. Wala itong damit pang-itaas kaya lantad na lantad ang mapipintog nitong muscles sa katawan. “Nalasing ka rin kagabi?” tanong niya habang may ngiti sa labi. Mukha siyang puppy kapag ngingiti siya. Siya ata iyong sinasabi ng karamihan na may golden retriever vibes. Lumagpas ang tingin ko sa balikat niya kung nasaan si David na nakaupo sa gilid ng pool, and dalawang kamay ay nasa magkabilang gilid nito pero ang tingin ay nasa akin. Sinabi niya ba na nalasing ako? Na para akong baliw na paulit-ulit na nag-twerk sa dance floor? “H-Hindi naman, ikaw lang ang nalasing. Sa susunod alam ko na kung hanggang ilang shot ka lang.” Napakamot siya sa batok, parang nahihiya. “Ang lakas pala ng binili natin na alak kagabi. Sa susunod ‘yong may kaunting alcolhol percentage na lang.” Tumango na lang ako, hindi ko na naman mapigilan na tumingin sa gawi ni David. Nakatayo na ito sa gilid ng pool habang nagpupunas ng towel. Iyon lang ang ginagawa niya pero bakit makabuluhan na para sa akin? Para siyang nagsho-shoot ng commercial. “Amber?” tawag pansin sa akin ni Adlei. “Hmm?” Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero sumara at ngumiti na lang. “Wala,” Weird, sana huwag siyang tumulad sa Kuya niya na weird. Pagsapit ng hapon ay nasa kusina na si David. Si Adlei hindi ko alam saan nagpunta. “Nasaan si Adlei?” tanong ko. Naupo ako sa highchair. Likod lang niya ang nakikita ko. “Why are you asking me? Mukhang mas close pa kayong dalawa kaysa sa amin na magkapatid.” “Sungit,” bulong ko. “Nakipagkita sa mga kaibigan niya rito. Why, are you bored because he is not here?” Sasagutin din pala, kailangan muna ako sungitan. “Oo,” sagot ko na lang. Magiging weird din ako kung hahanapin ko ang kapatid niya tapos wala lang ang dahilan ko. “Nandito naman ako,” sabay lingon niya sa akin. May hawak siyang kutsara na may sabaw, marahan niyang hinihipan iyon. Hindi ko alam kung saan ako magre-react. Sa sinabi niya o sa balak niyang gawin—ang ipatikim sa akin ang niluluto niya na siya mismo ang umihip. “Tikman mo kung okay na,” Para akong robot na ibinuka ang bibig para matikman ang luto niya. Nang malasahan ko na ay doon ko naisip kung bakit hindi ko kinuha sa kaniya ang kutsara at hinayaan ko pa siya na isubo sa akin ‘yon. Pagkasubo niya ay naghintay siya ng magiging reaksiyon. “M-Masarap, chef ka nga talaga. Ah… sa kwarto na muna ako.” Tangina… ano ‘yon? Dali-dali akong bumalik sa kwarto ko at doon nagkulang. Humiga ako sa kama at hinayaan na maglayag ang isip. Hindi na lang ako sa kaniya nawiwirduhan, maging sa sarili ko ay nagtataka na rin ako. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko dati kapag nandiyan siya. Hindi pakiramdam na kabado… iba at hindi ko mawari kung ano iyon. Hindi kaya… nagkakagusto na ako sa kaniya? Impossible! Hindi niya ako type. Siguro kung pinatulan niya ako noong una kaming magkita sa club ay papatulan ko pa siya. Pero ngayon? Bumuntong-hininga ako. Hindi naman malabo na magkagusto ako sa kaniya, ngayon na nagtatrabaho ako sa daddy niya. Nakatulugan ko na ang pag-iisip. Nagising na lang ako ay ala sais na, hindi ko alam bakit pagod na pagod ako. Sigurado ako na umalis na ang magkapatid. “Aling Mirasol?” tawag ko agad paglabas ng kwarto. May naririnig ako sa kusina kaya dumiretso ako roon. “Kumain na po kayo?” Ngunit iba ang nadatnan ko. Bakit nandito pa rin siya? Akala ko ay umalis na silang magkapatid? “Wait there, ipaiinit ko lang itong ulam kanina.” I bit the inside of my cheeks. Nandito pa nga talaga siya. Kahit na gusto kong umalis dahil iba na naman ang nararamdaman ko ay minabuti ko na lang na kumuha ng dalawang plato at utensils. Kakain din kaya siya? Nang matapos niyang maipainit ang ulam ay pumunta na rin siya sa lamesa dala iyon. Napatitig ako sa nasa mangkok dahil muli ko na namang naalala ‘yong nangyari kanina. Kung umasta siya ay parang wala lang habang ako ay ino-overthink ko na. “Kung pagod ka pa, magpahinga ka na muna sa kwarto mo.” Iyon ang una niyang sinabi habang kumakain kami. “Hindi na ako pagod,” agap ko agad. Ayaw ko naman na isipin nila na pinasusweldo ko rito tapos panay na lang ang pahinga ko sa kwarto. “Si Adlei?” Sandali siyang natigilan sa pag-nguya. “Nauna na,” simpleng sagot nito. “Ikaw?” mahina kong tanong. He shrugged his shoulder. “I decided to take a break from work. Magbabakasyon na muna ako rito ng isang linggo.” Nabulunan ako sa kinakain ko. Mabilis naman niya ako na inabutan ng tubig. Kinuha ko iyon pero muntik ko na rin mabitawan dahil nagtama ang daliri namin. Ano?! Isang linggo ko siyang makakasama rito sa bahay? Ngayong isang araw pa lang ulit siyang narito ay parang mababaliw na ako kakaisip nang kung ano-anong bagay, ngayon pa na narito siya? “P-Paano ang trabaho mo?” Umangat ang isa nitong kilay. “I didn’t know your concern about my work,” sabi niya at bahagyang umangat ang dulo ng labi. “Nagtatanong lang,” depensa ko agad. “Secretary ko na ang bahala.” Wow, may secretary pala siya. “Kaya siguro hindi mo ako tinanggap noon kasi secretary talaga ang gusto mong pasukan ko?” nang-aasar ko siyang tinignan. Linunok niya ang kinakain saka uminom ng tubig. Kahit ano talagang gawin niya ay graceful pa rin tignan. “Ang feeling,” sabi nito. Umawang ang labi ko at bahagyang natawa. “Joke lang!” Nakangiti na rin ito sa akin habang pinanonood akong tumawa. Unti-unting nabura ang ngiti ko dahil sa tingin niya. May nakasabit pa yata sa ngipin ‘ko, ang laki pa ng ngiti ko. “Napag-isipan mo na ba?” tanong nito. “Ang alin?” “About my dad’s offer? Gusto mo ba na mag-aral ulit?” “Gusto ko pero…” Parang nawalan na ako ng gana dahil sa sistema ng Pilipinas. Anong mangyayari kapag nakatapos ako? Sa malas kong ito ay baka kahit may dimploma na ako ay hindi pa rin ako matanggap sa kahit anong trabaho. Pwede kaya ‘yong kapatid ko na lang ang pag-aralin nila? “Pero?” Sasabihin ko ba sa kaniya? Hindi pa naman kami close. Mapait akong ngumiti. “Pag-iisipan ko pa,” sagot ko na lang. Alam ko na napansin niya na may mali sa akin pero pinili na lang niya na huwag magtanong. Iyon nga ang gusto ko dahil hindi pa ako handa na mag-open pa kahit kanino. “Gusto mo lumabas mamaya?” biglang tanong niya. “Saan punta? Gabi na.” Nagkibit-balikat siya. “Lakad lang, kung ayaw mo naman maglakad, pwede tayong manuod ng liga sa kabilang barangay–fiesta sa kanila.” Ayaw ko mang isipin pero… kaming dalawa, naglalakad ng sabay? Parang kakawala na naman sa dibdib ko ang puso ko. “S-Sige,” Ako ang naghugas ng pinggan. Babalik sana ako sa kwarto pero baka pagalitan na ako ni Aling Mirasol kaya sunod-sunod na lang ako sa kaniya. Alam kong naiirita na siya sa akin pero mas mabuti na ito kaysa wala akong ibang gawin. Dahil sa inis niya ay inutusan niya na lang ako na magtupi ng mga damit nila na bagong laba. Gusto kong may gawin dahil panay ang tingin ko sa oras. Anong oras kaya kami aalis mamaya? Anong susuotin ko? Hindi na ako nag-dinner dahil kakakain ko lang. Si Don Miguel at Aling Mirasol ang kumain ng sabay. Si David hindi ko alam kung nasaan, baka nasa kwarto niya? Imbis na isipin ko pa kung nasaan siya ay naligo na lang ako. Nagsuot lang ako ng maong short at itim na shirt. Hindi na muna ako lumabas agad dahil kapag nakita ako ni Aling Mirasol ay magtatanong na naman iyon. Ano naman ang isasagot ko? Nalalabas kami ni David? Isipin niya pa na date ang gagawin namin, ang kapal naman ng mukha ko. Alas onse nang may kumatok sa kwarto ko. Bumangon ako binuksan iyon. “Are you done? Let’s go?” Tumango ako. “Tara,” Nasa kwarto na si Aling Mirasol kaya malaya ako na maglakad sa bahay. “Malapit lang naman, okay lang ba sa ‘yo na mag-tricyce na lang tayo papunta?” Tinignan ko siya. Saka ko lang na-realize na pareho kaming nakaitim. Naka-simpleng short lang din siya na kulay gray. “Akala ko… maglalakad tayo? Pero ikaw bahala kung gusto mo tricycle.” Nagtaka ako ang bigla na lang siyang ngumingiti. “Gusto mo na maglakad tayo?” “Ikaw nagsabi kanina na maglalakad tayo.” He smirked. “Rason ko lang ‘yon para makasama ka ng mas matagal. If we both want that, then let’s go–maglalakad tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD