Kabanata 70 Hindi muna kami umalis sa aming kinatatayuan, pumikit muna kami at nagdasal ng mataimtim. Dahil ngayon ay palapit na kami nang palalapit sa kung saan ay mas mabibigat pa naming mga misyong kahaharapin. Magkahawak kaming lahat habang nagdarasal ng tahimik. “Nawa’y inyo po kaming protektahan sa lahat ng mga kapahamakang darating sa amin ngayong nandito na kami sa panibagong yugto ng aming paglalakbay. Alam po naming may kakayahan kami, pero hindi pa rin matatalo ang kapangyarihan niyo po, kaya sana riyan sa itaas ay lagi mo kaming bantayan at ilayo sa lahat ng mga kasamaan.” “Amen.” Sabay-sabay naming pagdilat ng aming mga mata. Sa isipan lang kami sabay-sabay na nagdarasal. Para walang makarinig sa aming mga kalaban.

