Kabanata 69 Sa wakas nakarating na rin kami sa dulo ng Kanluran. Pero bangin na ang aming naabutan, wala kaming nakitang tulay na puwedeng tawiran. Ano ang gagawin namin? “Deeve anong gagawin natin? Mukhang wala tayong ibang paraan na magagawa. Wala tayong kahit na ibang nakikitang bagay na maaari nating gamitin para makatawid muli tayo sa banmgin. Bakit ba kasi sa bawat dulo ng kagubatan ay mga bangin na?” reklamo ngayon ni Aztar, aligaga na rin siyang tumtingin-tingin sa paligid sa kung ano ang makita niyang pwede naming gamiton, pero sa tingin ko sa reaksiyon sa kanyang mukha wala siyang ibang nakikitang paraan. Pati ang iba ay mukhang wala ring nakikitang magagamit namin para makatawid sa mismong bangin, imposible naman din kasing tatalunin namin

