Deanna Point of View
Ngayon ang bonfire, nandito ang creamline team pati yung ibang former lady eagles. Nandito lahat ng team, iba't-ibang sports, organization and lahat ng coaches.
Madaming tao dito dahil nandito din yung ibang students at junior. Tinawag ang pangalan ko at pinakilala ako ni coach O sa stage bilang isang bagong captain ng volleyball lady eagles.
"Congrats Deans." Jules said.
Binati din ako ng rookies and iba pang former players. Nginitian ko si Jema, nasa kabilang side siya eh.
Tinawag si ate Bea sa stage, ngayon na ang farewell speech. "Uhm . . Unang-una gusto ko magpasalamat sa lahat ng taong sumuporta sa team namin and kay coach O na tumulong samin para maibalik yung championship. Thank you din sa teammates ko, lalong lalo na kay Deanna Wong. Ayun na ang last playing year ko so salamat sa ateneo and sa lahat ng taong naging kaibigan ko dito. This is Bea De Leon. Jersey #14 of Ateneo Lady Eagles, now signing off from the UAAP."
Napangiti nalang ako at pilit na pinipigilan ang aking luha. Tapos na . . . Hindi ko alam kung paano na kami next season, ang hirap.
Sunod na nag-farewell speech ay si ate Kim, sumunod si ate Kat at ang pinaka-huli ay si ate Mads.
Madaming sinabi si ate Mads pero ang nakapag-paiyak kay Ponggay ang pinaka-huling sinabi nito. "This is Maddie Madayag. Jersey #07 of Ateneo Lady Eagles, now signing off from the UAAP."
"Where are you going, Pongs?" Ann asked.
Hindi siya pinansin ni Ponggay at tumakbo na ito. "Deans sundan mo siya." Jules whispered to me.
I wore my jacket and sinundan na si Ponggay, naabutan ko ito sa parking lot. Umiiyak habang nakasandal sa kotse niya.
"Pongs." Hinawakan ko ang balikat niya.
"Deans, bakit sobrang sakit?" She asked while crying.
I hugged her. "Iiyak mo lang, mawawala din yan."
"Hindi k-ko na a-ata kaya, Deans."
"Kaya mo yan. Kung hindi mo na kaya, umamin ka na." I said.
Nahihirapan ako. Masakit para sakin na makita ng ganito si Ponggay, hindi ko ine-expect na makikita ko siyang ganito nang dahil lang kay ate Mads.
Sobrang sakit . . . Wala man lang ako magawa para mabawasan ang sakit na nadadama niya.
Maddie Point of View
Isa-isa ako niyakap ng teammates ko, hinanap ng mata ko si Pongs pero wala siya. Where is she?
Pansin kong wala din si Deanna, mag kasama kaya sila?
"May pupuntahan lang ako." I said to my teammates and nagsimula na lumakad palayo sa kanila.
Dinala ako ng paa ko sa parking lot. May napansin akong shadow ng tao sa bandang gilid kaya pinuntahan ko ito.
I don't know but bigla nalang nag dilim ang paningin ko sa nakita ko. Hindi ko namalayan na nasapak ko na pala siya, nakaupo na ito sa sahig.
"DEANNA!" Tiningnan ako ng masama ni Ponggay. "WHY DID YOU DO THAT?"
"SAKIN MO PA TALAGA TINANONG YAN! NAPAKA-GALING NIYO!"
Galit ako. Galit na galit parang gusto ko durugin ang buto ni Deanna ngayon sa harap niya.
Hindi ko inaasahan na makikita ko silang ganun ang sitwasyon, napakasakit para sakin.
Jema Point of View
Masaya kami nagkwe-kwentuhan, pansin kong nawala si Maddie. Wala din si Ponggay at Deanna, nasan yung tatlo?
Lumapit ako kay Bea na kasalukuyan nakikipag-usap sa men's volleyball team. "Hi Jema." Binati ako ng men's VB.
"Oh Jem, bakit?" Bea asked.
"Nakita mo ba sila Deanna?" I asked.
"Bea!" Napatingin kaming dalawa kay Bettina. "Si Maddie tsaka Deanna nag-aaway."
Agad namin pinuntahan, kasama sila ate Ly. Pag dating namin dun wala si Deanna tsaka Maddie, si Ponggay lang ang nandun.
"Ponggay nasan yung dalawa?" Ate Kat asked.
"Umalis silang dalawa." Umiiyak na sabi ni Ponggay.
"Saan nagpunta?" Nag-aalala kong tanong.
Umiling lang siya. Magsasalita sana si ate Ly pero inunahan na siya ni Jules. "Wag niyo na intindihin yung dalawa, babalik din sila."
"Jules hindi ito ang tamang oras para mag biro." Sabi ni ate Den. Former lady eagles.
Nilapitan ko si Ponggay para i-comfort. Kawawa naman ito. Pero teka, nasan ba kasi yung dalawa?
Nang matapos ang event, nagsi-puntahan muna kami sa eliazo dorm. Pinagpahinga na namin si Ponggay at ang mga rookies.
"Hoy Samonte, may alam ka ba dito?" Bettina asked.
"Oo nga Jules, parang may alam ka." Ate Amy. Former lady eagles din.
"Sabihin muna, Jules." Sabi ko.
Ngumiti naman ito. "Chill lang kayo. Si Ponggay kasi inlove kay Madayag and tapos pansin namin ni Deanna na parang inlove din daw si Mads kay Pongs kaya naman gumawa kami ng paraan para ma-confirm namin kung totoo yung hinala namin dalawa."
"At ano naman ang ginawa niyo?" Kim asked.
"Ewan ko kay Deanna basta ang alam ko, gagawa si Deanna ng ikagagalit ni Madayag." Jules said.
"Jema wala ka bang kaalam-alam dito?" Bea asked.
"Wala. Nagulat nga din ako eh."
Ilang oras pa kami naghintay pero walang dumating na Deanna at Madayag kaya nag-decide na kami umuwi.
Tinext ko si Deanna but hindi ito nagre-reply. Deanna nasan ka na ba? Maayos ka lang ba? ARGH! Nakakainis naman.
Bea Point of View
Hindi ako umalis ng dorm, dito ako nag-stay. Nagising ako sa sofa, dito na pala ako sa sala nakatulog.
"Good morning ate Bei." Bati sakin ng mga rookies.
"Morning. Wala pa bang balita sa dalawa?"
"Wala pa po, tumawag po kami sa blue residences pero ang sabi hindi daw dumating doon si ate Mads or ate Deanna." Erika said.
I nodded. "Yari sila sakin dalawa pag nakita ko sila." Biglang pumasok sa isipan ko si Ponggay. "Gising na ba si Gaston?"
"Opo, nasa kwarto siya." Sagot ni Jaja.
Nagpaalam ako sa kanila na pupuntahan muna si Ponggay. Hindi na ko kumatok pa at dire-diretsong pumasok sa loob.
"Ponggay?"
She looked at me. "Bakit nandito ka? Hindi ka umuwi?"
Umiling ako. "Hindi, hinintay ko sila, nagbabakasali na bumalik sila dito." Umupo ako sa kabilang kama. "Pongs kwento mo nga, ano bang nangyari? Bakit sila nag-away?"
"Hindi ko alam, basta ang tanda ko magkayakap kami ni Deanna and sinuntok niya si Deans."
"Why? Teka. Totoo bang inlove ka kay Madayag?"
She nodded. "Yeah kaya nakipag-break ako kay Kobe."
"Ah . . Yun pala ang dahilan."
*TOK!*TOK!*TOK!*
"PASOK!" Ponggay shouted.
Pumasok si Jules. "Guys nasa baba si ate Jia at ate Ly, kasama si Jema."
"Cge baba kami." Pongs said.
Hinintay ko matapos si Ponggay maghilamos at sabay namin binaba sila ate Ly.
"Bea, wala pa rin bang balita sa dalawa?" Ate Jia asked.
"Wala pa." Naupo kami sa couch.
"Ireport na kaya natin sa pulis." Jema said.
"Wag, baka dumating na din ang mga yun." Ann said.
Ilang minuto pa nga ang lumipas at bumukas ang pinto. Napatayo kaming lahat. "Uy Maddie nasan si Deanna?" Tanong ko agad.
She looked at me. "Pinatay ko na."
"Hoy Madayag, umayos ka nga!" Sigaw ni Ponggay.
Napanganga kaming lahat sa ginawa ni Maddie kay Ponggay. Hinila niya lang naman ito at hinalikan sa harap namin lahat.
Napatakip nalang ng mga mata ang rookies dahil sa ginawa ni Maddie.
Natauhan lang kami nang bumukas muli amg pinto at pumasok ang taong kanina pa namin hinahanap.
"Ano ba yan?! Dito pa talaga? Hindi man lang kayo nahihiya." Bulyaw ni Deanna.
Tumigil naman si Madayag at tiningnan ng masama si Deanna kaya pumagitna na ko. "Hep! hep! Saan kayo galing dalawa? Alam niyo bang alalang-alala kami sa inyo?"
"Hindi namin alam." Maddie said.
Pansin kong may sugat si Deanna sa gilid ng labi, medyo maga din ang pisngi niya.
"Maddie, Deanna. Saan kayo galing?" Seryosong tanong ni ate Ly.
"Sa bar po." Sagot ni Deanna at nilapitan si Jema.
Alyssa Point of View
Pinaupo ko si Maddie at Deanna sa aking harap, nasa gilid ko naman sila Bea, Jema at Ponggay. Yung rookies at iba ay nasa likod nung dalawa, si Jia nasa tabi ko.
"Saan kayo nanggaling dalawa?" I asked again.
"Sa bar nga po ate Ly." Sagot ni Deanna.
"Bar? Sa bar niyo pinagpatuloy yung pag-aaway niyo?" I asked.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Okay naman kayo nung nagsimula yung bonfire." Jia said.
"Okay naman po talaga kami." Sabi ni Maddie.
"Okay? Eh sinuntok mo nga si Deanna. Cge nga Maddie, ipaliwanag mo sakin kung paano naging okay yun." Kunot noong sabi ko.
"Hindi ko naman kasalanan kung nasuntok ko siya, nadala lang ako ng selos." She said.
"Selos? What do you mean?" Jema asked.
"Nakita ko sila ni Ponggay na magkayakapan." She said.
"Tapos? Ganun lang yung dahilan tapos sinuntok muna si Deanna?" Jema asked.
"Inlove siya kay Ponggay, normal lang na maramdaman niya yun." Deanna said and stood up. "Ako na ang nagsabi para sayo." Deanna looked at me. "Aalis na po ako, gusto ko na magpahinga sa condo."
"Sasama ako sayo." Jema said.
Tumango naman si Deanna. Umalis na silang dalawa habang kami ay naiwan. Pansin kong awkward kaya tumayo ako, hinila ko na din patayo si Jia.
"Guys aalis na kami."
Tumayo si Bea. "Ako din."
Sabay-sabay kami umalis. Hinatid ko si Jia sa bahay ni Miguel habang ako ay tumungo sa trinoma para makipagkita kay Dennise.
"Hi Ly, i miss you." She hugged me.
Tumango lang ako, inaya ko na siya maupo. "Miss mo ko agad? Kakakita lang natin kagabi."
"Eh namiss kita eh. Ayaw mo ba?" She pout.
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay, madalas kasi sinasabi mo lang yan kay LA."
"Ito naman nagtatampo." Sabay hampas sakin. "Mas love kita noh."
"Mas love? Dapat siya yung mas love mo kasi fiance muna yun."
"Hay na ko. Bakit ba kasi hindi pa nagpro-propose sayo si Kiefer?"
"Pareho kaming busy." Sabi ko.
"Kami din naman ni LA ah, pero nagawan niya ng paraan. Isa pa busy? Eh lagi nga kayo mag kasama."
"Basta."
Nilibot namin ang buong trinoma hanggang sa napagod kami kaya kumain muna kami sa Nami restaurant.
Naalala ko madalas kami kumain dito nila Amy at Ella, kasama pa namin sila Deans at Pongs. Ang babata pa nila Deanna nun, pero ngayon. Hay! Bilis ng panahon, parang dati lang lagi pa kong umiiyak sa training ni coach Tai. Nakakamiss yung college life ko.
********************