CHAPTER 5

1805 Words
Deanna Point of View "Ate Deans aalis ka na din?" Tanong ni Aya at lumungkot ang mukha. Ginulo ko ang buhok nito. "Don't worry maglalaro pa naman ako, nag-decide lang ako sa condo na ko tumira." "Mamimiss kita." "Mamimiss din kita." I smiled. Si Aya yung pinaka-malapit sakin na rookie tsaka si Jaja, Sam and Milli malapit sakin yan mga yan. Halos lahat naman kaso mas malapit sakin silang apat. Bago ako umuwi ng tuluyan sa condo unit ko, dumaan muna ako sa bahay nila Cy para kunin si Charlie. "Hi chuichui." Sa gate palang ay sinalubong na ko agad ni Chuichui, yung aso ni Jema. Yung pinaka-unang anak namin. "Nandyan si Cy?" "Wala po ms. Deanna. Umalis sila ng family niya kasama si Mafe." "Ah okay. Sunduin ko lang si Charlie." "Cge po. Wait lang." Hinintay ko nalang sa gate, ayoko na pumasok sa loob. "Ms. Deanna." "Thank you. Tara Charlie." Sinakay ko si Charlie sa passenger seat atsaka umikot para sumakay sa driver seat. After an hour nakarating na din kami sa condo unit ko, nilapag ko ito sa bed niya. "ARF! ARF! ARF!" "bakit?" I asked and hinubad ang sapatos kong suot. "Nagugutom ka?" "ARF!" "Wait lang." Kinuha ko ang food bowl and water bowl niya, nilagyan ko ito ng dog food tsaka water. "Here baby." Habang tinitingnan ko siya pansin kong wala yung ID tag niya. Natanggal. Tumayo ako para kunin ang isang ID tag niya pa, kinabit ko ito sa collar niya. Kulit kasi nito. Biglang nag-ring ang phone ko. "Hello?" "Hey." "Jema?" "Where are you?" Mahina ang boses nito na parang may sakit. "Bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka?" "Nandito ako sa apartment." "Sino ang kasama mo?" "W-wala." Sabi sa kabilang linya. "May sakit ka ba?" "Yeah. I have a fever." "Dyan ka lang." I said and ended the call. "Dito ka lang, Charlie ah. Puntahan ko lang mami." I took my key and umalis na. After thirty minutes, nakarating na din ako sa tapat ng apartment ni Jema. Hindi na ko kumatok pa, pumasok na agad ako sa loob. Naabutan ko siya nakahiga sa sofa. "Deanna?" Nanghihina niyang sabi. "Bakit nandito ka? Diba kakalabas mo lang ng Ospital kanina?" "Oo, d-dito a-ako nagpahatid k-kay ate J-jia." "Nanghihina ka." Nilagay ko ang kamay ko sa neck niya. "Ang init mo, gusto mo dalin kita sa Ospital?" Umiling ito. "Ayaw, g-gusto ko m-makita si Charlie." Inalalayan ko ito umupo. "Nasa condo ko siya." "P-punta tayo d-dun." "Kaya mo ba?" She nodded. "Bawal lang ako t-tumalon pero n-nakakalakad ako." Inalalayan ko siya palabas hanggang sa makasakay siya sa kotse ko, ako na ang nagkabit ng seat belt niya. "Check ko lang yung apartment mo." Pumasok ako muli sa loob para icheck kung nakasara ang mga bintana at mga saksakan. Nang maicheck ko ay lumabas na ko at nilock tsaka sumakay sa kotse. "Daan muna tayo sa mercury para maibili kita ng gamot." Nang malapit na kami sa katipunan, may nakita akong mercury drug. Hininto ko ang kotse sa gilid at akmang baba ng kotse nang may humawak sa kamay ko. "Wait." "Why?" "I'm sorry." Napangiti ako. "Shh . . . I understand. Bibili muna ako." I kissed her hand bago tuluyan bumaba ng kotse. Bumili ako ng paracetamol tsaka ng water. Bumili na din ako ng makakain namin, baka magutom siya eh. Nang makarating kami sa condo, inupo ko agad si Jema sa couch. Bawal siya mapagod baka hindi agad gumaling yung paa niya. "Charlie." Binuhat nito si Charlie at inupo sa kanyang lap. "Namiss kita." "Arf! Arf!" "Inumin mo 'to." Inabot ko sa kanya ang gamot at bottled water. "Thank you." I nodded. "Maliligo lang ako." I went to the bathroom. Jema Point of View Nag-sorry ako kay Deanna dahil sa nasigawan ko ito sa Ospital. Hindi ko sinasadya, sadyang nainis at nasaktan lang ako ng sinabi ng doctor na hindi ako makakalaro at training. Habang hinihintay ko si Deanna, nanood muna ako at nilaro si Charlie. Ang cute niya. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro kay Charlie nang biglang nag-vibrate ang aking phone, hudyat na may nagtext sakin or notification. "Hey! How are you madam?" Si Cy. "I'm okay but I have a fever." "Are you okay? Nasan ka? Puntahan kita." He replied. "Nasa condo ako ni Deanna." Matagal na bago nakapag-reply ito. "Wag na pala, kasama muna si lodicakes. Nga pala bati na kayo?" "I don't know." "Tsk! Inaway mo kasi." "Nabigla lang naman ako." I replied. "Cge na. May meeting pa ko." Hindi na ko nag-reply, sakto dumating na si Deanna. Naka-bathrobe lang ito at tumutulo pa ang tubig sa kanyang hita, hindi kasi ganun kahaba ang kanyang bathrobe na suot. "Are you hungry?" "Nope." "Sa kwarto tayo. Masyado malamig dito sa living area." Inalalayan niya ako papunta sa kwarto. "Nakakalakad naman ako, hindi mo ko kailangan alalayan lagi." "Girlfriend kita, kailangan kita alagaan lalo na't may fever ka pa." She said. Inaamin ko, kinilig ako. "Ganun ba yun?" Pinahiga niya ko at kinumutan. "Matulog ka muna." "Where are you going?" "Sa cr magbibihis lang." She said and lumabas na. Hinintay ko ito bumalik pero ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin ito. "Deanna!" Bumukas ang pinto at pumasok ito. "Bakit? May masakit sayo?" "Wala. Bakit ang tagal mo bumalik?" "Nanonood ako sa sala eh. Matulog ka na." Akmang lalabas ito ulit pero I grabbed her hand. "Stay with me." Hinila ko siya kaya sumubsob ito sakin. "I miss you. Hindi mo man lang ako naisipan dalawin sa Ospital but congrats, napanood kita ang galing mo." "Akala ko kasi galit ka sakin." She said and pout. "I'm sorry, nainis lang talaga ako sa nalaman ko." "Hm . . Nasaktan ako sa sigaw mo ah. First time mo ko sigawan na hindi tayo magkaaway." "Sorry talaga love." Niyakap ko ito ng mahigpit. "Matulog tayo." Umayos kami ng higa at sabay na pinikit ang aming mga mata. Deanna Point of View Nagising ako bandang seven o clock ng gabi, nasa tabi ko pa rin si Jema. She still sleeping. Dahan-dahan ako umalis sa kanyang tabi at naghilamos sa CR. "Deanna?" "I'm here!" Habang nagsisipilyo ako naramdaman ko nalang na may pumulupot na dalawang kamay sa bewang ko. "I love you." Nagmumog ako atsaka humarap sa kanya. "Bakit tumayo ka? Baka hindi agad gumaling yung paa mo." "Gagaling 'to basta nasa tabi lang kita." "Paano yan? May pasok na ko sa June twenty." I said. "Tagal pa yun, three weeks pa bago simula ng klase mo." Hinawi ko ang buhok nito na nakaharang sa mukha niya. "Ang haba na ng buhok mo, ang bilis parang kailan lang tayo nagkakilala." "Oo nga tapos ngayon engaged na tayo." She smiled at me. I hugged her tightly. "I love you, walang sawaan ah?" "Of course." "Are you hungry?" She nodded. "A little bit." "Let's eat, oorder nalang ako." "Okay." Lumabas na kami, tumungo kami sa sala. Tumawag ako sa isang restaurant gamit ang telephone ng condo unit ko. Habang naghihintay kami sa pagkain, biglang may nag-door bell. "Parang ang bilis naman ata." Sabi ko at tumayo. "Tingnan ko lang." Tiningnan ko sa video intercom kung sino ang tao. Anong ginagawa nila dito? I opened the main door. "Hi Deanna!" Ponggay hugged me. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Jules. "Wala lang, namiss ka agad namin." Sabi ni Ponggay at pumasok sa loob, sumunod naman si Jules. Sinara ko ang pinto at sumunod na din sa kanila. "Hoy kayong dalawa, diba may unit kayo dito? Bakit nandito kayo?" "Mainit sa unit ko." Dahilan ni Ponggay. "Maliit lang yung unit ko." Dahilan naman ni Jules. "Hay!" I sighed. "Tahimik namin ni Jema tapos dadating kayo." "Okay lang love." Jema said. "Bati na kayo?" Jules asked. "Alam mo Jules kahit mag-away sila, magkakabati pa rin sila kasi pareho silang marupok." Ponggay said. "Gaston porket wala na kayo ni Kobe, ganyan ka na." Jules said. "Wala na kayo ni Kobe?" Gulat na tanong ni Jema. Tumango naman si Pongs. "Two weeks na ata." "Bakit naman? Sayang yung relationship niyo." "Hindi sayang yun. Mas okay na yun kesa one sided love, kawawa naman yung isa." "May mahal na kasing iba si Ponggay." I said. Napatingin sakin silang tatlo. "Deanna." Pinanlakihan ako ng mata ni Ponggay. I smirked. "Bakit? Tayo tayo lang naman nandito, wala naman masama kung sasabihin ko sa kanila." "Nakakatampo ka, Pongs. Si Deanna lang talaga sinabihan mo." Sabi ni Jules at nag-pout. Ew! Umupo ako sa solo couch. "Inlove si Pongs kay former captain." "Former captain? Sino? Kay ate Ly?" Jules asked. I laughed. "Siraulo!" "Gago ka talaga, Jules." Pongs said. Jema Point of View Nakatingin lang ako sa kanila habang hinahagod yung katawan ni Charlie my loves. "Alam ko na! Kay ate Jia inlove ka. Ayieee Jia pala, Pongs ah." Asar ni Jules. "Engot ka talaga, Jules!" Deanna said. Napaisip naman ako habang nagdedebate sila. "Teka . . INLOVE SIYA KAY MADDIE?!" "Tumpak love! Ang galing mo talaga." "DAPAK! Kay Madayag ka pala inlove." Jules said. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat, kaya pala minsan napapansin ko iba yung tingin ni Pongs kay Mads. "Hahahah! Umiiyak nga yan kinagabihan pagtapos ng game. Sabi niya aalis na daw si ate Mads tapos walang tigil sa pag-iyak." Kwento ni Deanna samin. Binato siya ni Ponggay ng throw pillow. "Bakit mo pinagkalat?" "Thanks Deans, may bago na ko pang-asar kay Ponggay." Natatawang sabi ni Jules. "Hahahah! Nakakagulat, right Bb?" Deanna looked at me. I nodded. "Yeah, hindi ko ine-expect." "Ako rin. Akala ko kay ate Jia ka inlove." Jules said. "Hoy Samonte wag mo ipagkakalat yun ah, mayayari ka talaga sakin." Banta ni Pongs kay Jules. Tumango naman si Jules. "Tama na yan. Nga pala hindi pa ba kayo aalis?" Deanna asked. "Kakarating lang namin, alis agad?" Pongs said. "Syempre, nakakaistorbo kayo samin ni Jema. Diba love?" Lumipat si Deanna sa tabi ko at niyakap ako. "Labyu." "Awts! Sana lahat." Pongs said. I laughed. "Don't worry, malay mo sasusunod kayo naman ni Maddie ang makita namin ni Deanna na ganito." "Malabo yun. Kakabreak palang nila ni Zoe, isa pa may bagong nalilink sa kanya." Pongs said in a sad voice. "Okay lang yan, importante buhay ka pa." Sabi ni Jules kaya binatukan ito ni Ponggay. Biglang may nag-door bell. "Sino yun?" "Baka yung food na inorder ko." Deanna said and stood para buksan ang main door. Pagbalik ni Deanna may hawak na siyang plastic. "Let's eat, Bb." Nilapag ni Deanna sa center table ang pagkain. "Deans kami wala?" Jules asked. "Oo nga love, sila wala?" "Hayaan mo silang dalawa." Deanna said kaya hinampas ko ito. "Sama mo." "Joke lang. Hehehe! Kayong dalawa magluto nalang kayo, may ingredients sa refrigerator." Mabilis naman tumungo ang dalawa sa kitchen. Hinintay namin matapos sa pagluto yung dalawa bago kami nagsimula kumain. ********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD