CHAPTER 4

1683 Words
Jema Point of View Habang kumakain kami ng lunch, nagkwe-kwentuhan kami. Pansin kong kanina pa nakamasid si ate Jia sa kamay ko kaya nag tanong ako. "Ate Jia?" "Huh?" "Kanina ka pa ata nakatingin sa kamay ko." Sabi ko at tumawa. "Oo nga ate Jia. Inggit ka ba sa kamay ni Jema?" Sabay tawa ni Kyla. "Hindi. Jema bago singsing mo, bigay ba ni Deanna yan?" Bigla akong naubo sa tanong nito. "T-tubig." Inabutan ako ni ate Pau ng tubig, ininom ko agad ito. "Oh anyare sayo? Nagtatanong lang naman si Jia kung bigay ba sayo yan ni Deanna." Sabi ni ate Ly at natawa, natawa din si Celine kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Jema sabihin ko na ba?" Tanong ni Celine at ngumisi. Napalunok muna ako bago tumango. "Guys may sasabihin lang ako tungkol kay mareng Jema at Deanna Wong." "Ano yun, Celine?" Halatang excited si Kyla malaman. "Sabihin muna, Celine." Coleen said. "Daya, si Celine lang may alam." Sabay pout ni ate Jia. Huminga muna ng malalim si Celine bago nagsalita, napapikit na lamang ako at naghihintay sa kanilang tili. "ENGAGED NA SI JEMA AT DEANNA!!" Sigaw ni ate Rose. "WHOOOO!!! CONGRATS MARENG JEMA!" Sigaw ni ate Pau. "CONGRATS SA INYO NI DEANNA! ALABYOW!" Sigaw ni ate Coleen. Dumilat ako at nakita kong naluluha si ate Jia at ate Alyssa. "Hindi po ba kayo masaya?" Dahan-dahan tumango si ate Jia at ngumiti ng malapad kahit tumutulo na ang kanyang luha. Si ate Alyssa ay tumayo at niyakap ako, ganun din ang ginawa ni ate Jia. "Congrats." "Masaya kami para sa inyo ni Deanna." Ate Jia said. "Alagaan mo yun ah, baby Wongskie namin yun eh." Ate Aly said. "Pangako ate Ji and ate Ly." Ngumiti ako, ngumiti din sila pabalik. Hahahah! Dapat hindi ko pa sasabihin eh, kaso nagtanong na si ate Jia sa singsing. Kinwento ko sa kanila kung kailan naganap ang engagement at kung paano nag-propose si Deanna. Habang kini-kwento ko yun, kinikilig kaming lahat. Lamang kami ng dalawang set sa game pero nang dahil sa kapalpakan ko, nahinto ang game. Hindi lang naman nag-sabay aking paa sa pagbaba kaya medyo nanghina ang isang paa ko na nakababa at bumaluktot. Napasigaw na lamang ako dahil sa sakit, mabilis ako nilapitan ng mga rescue. "ARGHH!" Halos himatayin na ko sa sakit, mabilis nila akong dinala sa hospital na malapit. "ARGH! MASAKIT!" Hinawakan ng isang doctor ang tuhod ko kaya muli akong napasigaw. s**t! Sobrang sakit talaga. Hindi ko na kaya . . . Deanna Point of View Habang nasa klase ako, hindi ako mapakali. Feeling ko may nangyaring masama. "Ms. Deanna?" "Yes Prof?" "Are you okay? Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali." "Sorry prof, masama lang po pakiramdam ko." "Pwede ka na umuwi kung gusto mo." He said and pinagpatuloy na ang kanyang pagtuturo. I get my water on my bag and drink it. Why does this just how I feel? Saktong five o clock pinalabas na kami ni Professor. Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, biglang may humarang na isang student sakin. "Yes?" "Hi ms. Wong, I have something to tell you." "What?" "Nasa Ospital po ang iyong girlfriend, sinugod po siya kanina." "What?! Saan Ospital?" "Sa ******* naaksidente po siya sa kalagitnaan ng game." "Thank you because you said." Tumakbo na ko halos paliparin ko na ang kotse papunta sa Ospital, nagtanong ako sa receptionist at agad naman sinabi nito sakin kung nasan si Jema Galanza. "Deans thank you, nandito ka na din." Ate Jia said. Nakita ko siya sa labas ng isang kwarto. "Where is she? Bakit siya naaksidente?" "Hindi sabay na bumagsak ang paa niya kaya bumaluktot ang isang paa niya." "Okay na ba siya?" Nag-aalala kong tanong. Biglang lumungkot ang mukha nito. "Hindi siya makakalaro, kailangan niya magpahinga ng one month. Masyado bumaluktot ang buto niya kaya kailangan niya magpahinga ng matagal." Nalungkot din ako dahil sa narinig ko. "Nasa loob ba siya?" Tumango ito at tinalikuran na ko. Pumasok ako sa loob, nakita kong nakahiga ito at umiiyak. "Jema?" She looked at me. "What are you doing here?" She wiped her tears. "Are you okay?" "You think im okay? Pagtapos ng nangyari sakin? mag-isip ka nga Deanna." She said in an irritated voice. "I'm sorry." "Deanna umalis ka na." "Why?" I asked. "I said umalis ka na." "Pe——" "GET OUT!" Nabigla ako sa sigaw nito, napatungo na lamang ako at tahimik na lumabas. "Deans nandito ka pala, nakausap mo ba si Jema?" Tanong ni ate Ly, kararating niya lang ata. "Hindi po, nagalit siya." "Pag-pasensyahan muna, masama lang yung loob niya kasi hindi siya makaka-training ng isang buwan and hindi siya makakalaro." Ate Ly said in a sad voice. "I know ate, siguro palamigin ko muna ulo niya. Cge aalis na ko." Tumango lang ito. Nagpaalam muna ako kay ate Jia bago tuluyan umalis, malungkot akong umuwi ng dorm. "Uy Deans, bakit ngayon ka lang? Nabalitaan namin ang nangyari kay Jema, alam mo na ba?" Ate Maddie asked. I nodded. "Oo." "Napuntahan mo ba siya? Kamusta siya?" Ponggay asked. "Maayos na siya. Cge aakyat na ko." Dire-diretso ako umakyat at hindi pinansin ang rookies. Wala ako sa mood mamansin, masakit puso ko. Deanna Point of View Isa dalawa tatlo . . . Napapikit na lamang ako dahil sa takot, takot na baka mali ang pag-set ko ng bola. "WAHHHHH!!! WHOOOO!!!" "ATENEO CHAMPION!!" Dahan-dahan bumukas ang aking mata, kasabay nun ang pagtulo na lamang ng luha ko. Nagawa ko . . . . Nagawa ko ipanalo ang ATENEO! NAGAWA NAMIN!! ♥ "Deanna champion tayo." Tuwang-tuwa na sabi ni ate Bea at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko expected na mananalo kami, ang akala ko talaga matatalo kami. Pero hindi . . . . pinatunayan namin na kaya namin bawiin ang championship sa dlsu. Pero ito na rin ang time . . . Ang time na kailangan na mag paalam ni ate Mads, ate Kat, ate Kim at ate Bea sa UAAP. "Congratulation lady eagles and goodbye to Kim Gequillana, Maddie Madayag, Kat Tolentino and the captain Bea De Leon for a great collegiate career here in the UAAP." Announcer said. Umuwi kaming masaya pero alam ko malungkot sila, malungkot dahil aalis na ang apat na taong pinaka-kailangan namin sa team. "Ate mamimiss kita." Sabi ni Vanie kay ate Bei habang nakayakap. "Don't worry, bibisita pa naman ako dito." "Guys don't be sad na, dapat masaya kayo kasi nakuha natin yung championship. Wag niyo isipin yung pag-alis namin, isipin niyo kung paano na kayo next season." Ate Mads said. Umakyat ako sa taas, naabutan ko si Pongs na umiiyak. "Uy bakit umiiyak ka?" I asked her. "Aalis na siya, Deans." Natawa naman ako. "Parang tanga 'to. Haler! Aalis lang siya sa dorm, hindi naman siya magpapakalayo." "Eh ang sakit." She said while crying. "Panget mo, bagal mo kasi. Kung ako sayo kumilos ka na." "Hindi ko na alam gagawin ko, Deans." "Tsk! Bahala ka, balita ko pa naman daw nalilink si ate Mads kay Jayvee, yung player ng UST. Gwapo pa naman yun, ikaw din baka maunahan ka pa." Lalo lang ito umiyak. "Dun ka na nga!" Tumatawa ako habang papasok ng cr, bago ko sinara ang pinto, may sinabi pa ko sa kanya na lalo niyang kinaiyak. Maaga ako pumasok para naman magawa ko pa yung mga research paper ko. Wala kaming training buong june pero pag dating ng july back to training ulit kami. Natapos ang class ko before lunch. I decided na dumalaw sa office ko. "Hi ms. Deanna." Bati sakin ng isa sa mga assistant at pinagkakatiwalaan ko sa business ko. "Hello. Kamusta na dito? Maayos naman ba ang benta natin?" "Opo. Maayos naman po." "Good, pasensya na ngayon nalang ulit ako nakapunta. Sobrang busy kasi." I said and sit down on my swivel chair. "Okay lang po, lagi naman ako may update tungkol sa business." "Salamat." Ilang minuto lang ako nagtagal at umuwi na din ako sa condo ko. Bukas kakausapin ko si coach O, sasabihin ko na dito na ko tutuloy sa condo at aalis na ko sa dorm. Habang nanonood ako ng TV, biglang may nag-door bell. I stood up and opened the main door. "Ate Jia?" "Hi Deans." Pumasok ito. Sinara ko ang pinto at sinundan siya. "Anong ginagawa mo dito ate Jia?" "Bawal ba pumunta dito?" "Hindi naman, nakakabigla lang." I said. She sat down on the couch. "Congratulation. Nakaka-proud kayo." "Thank you." "Hindi mo ba siya pupuntahan?" "Huh?" "Si Jema, hindi mo ba siya pupuntahan?" Tanong nito. "Baka mainit pa sakin ulo nun." "Jusmiyo, nung isang araw mo pa siya pinuntahan, hindi na galit sayo yun." Sabi niya. "Eh . . . Tsaka nalang kapag nakalabas na siya ng Ospital. Kelan ba siya makakalabas?" "Bukas na." "Basta pupuntahan ko siya, hindi lang ngayon." Sabi ko. "Cge. Nga pala kailan ang bonfire? Invited yung creamline team eh." "Sa linggo." "Okay." She said. Nag-order ako ng food para samin dalawa ni ate Jia. Nagsama ang dalawang matakaw. Hahahah! Nasanay na kasi ang ateneo kapag may nag championship, magkakaron ng bonfire. Kahit anong sports pa yan. Kinabukasan pumunta ako sa athletics office kung saan madalas si coach Oliver nandoon. "Hi coach." "Oh Deans. Why are you here?" "Coach may sasabihin lang po ako." I said. "What?" "Aalis na po ako sa dorm. I decided na sa condo na lang ako tumira." "Why? May nangyari ba sa dorm niyo?" He asked. "Wala po. Gusto ko lang po talaga na sa condo nalang ako tumira, sayang naman po minsan lang natitiran." "Cge." He said. Tumungo ako sa eliazo dorm para kunin ang gamit ko. "Deans bakit nag-iimpake ka?" Ate Bea asked me. "Aalis ka na din?" Ate Mads asked. "Opo, I decide na sa condo nalang ako tumira." "Ah . ." Sabay tango ni ate Mads. Nag-iimpake na din sila dahil ngayon na ang alis nila sa dorm. Mabuti nalang may condo unit si ate Bea, Pongs at ate Mads sa blue residences. Halos lahat ata ng teammates ko may condo dun, yung mga rookies lang wala. *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD