Third Person Point of View
Nag-decide si Jema na wag na sumabay kay Deanna papuntang subic dahil may bus naman.
Umarkila ang resbico ng isang bus na malaki para sa lady eagles at CCS. "Guys hindi ba sasabay sila Bea, Maddie at Deanna?"
"Coach hindi daw." Sabi ni Ponggay kaya nagsimula na umandar ang bus.
Sa kabilang dako sila Bea at Maddie ay patuloy pa rin sa pag-gising kay Deanna. Kanina pa sila nandito sa condo unit ni Deanna at kanina pa rin nila ito ginigising.
"DEANNA GISING NA!!" Namumula na si Maddie sa inis pero si Deanna ay mahimbing pa rin ang tulog.
Walang nagawa si Bea kundi buhusan ng malamig na tubig si Deanna. "WHAAAA!!! ANG LAMIG!"
"Manahimik ka, Wong. Tumayo ka na dyan, malayo pa ang byahe natin!"
"Ano ba yan mga ate! Kailangan talaga buhusan ako?" Sabay bangon niya.
"Hoy Wong! Kanina pa kami gumigising sayo, bilisan muna kumilos baka iwanan ka namin." Sabi ni Bea.
Walang nagawa si Deanna at pumasok na lamang sa CR. Habang hinihintay nila Bea at Maddie si Deanna, biglang may nag-door bell.
Tumayo si Maddie at binuksan ang main door. "HI MADAYAG!!"
"Ate Ells?" Nagulat si Maddie nang makita ito. "Anong ginagawa mo dito?"
"Sin——Ate Ells?" Nagulat din si Bea.
"Sasama ako sa inyo!"
"What?!" Napasigaw si Maddie sa sinabi ni Ella.
"Bawal maliit dun." Asar ni Bea.
"Wala akong pakialam. Nasan si Deanna?" Tanong ni Ella at pumasok.
"Naliligo." Sagot ni Bea.
"Hoy celebration 'to para sa championship ng lady eagles at creamline. Bakit kasama ka?" Sabi ni Maddie.
"Alam na ni Coach O tsaka ni sr. Alan." Sabi ni Ella at inirapan si Maddie.
Sinara ni Madayag ang pinto. Nang matapos si Deanna maligo at magbihis, nagulat ito nang makita si Ella.
"DEANNA!!" Niyakap nito si Deanna.
"Bakit nandito ka ate Ells?" Tanong ni Deanna.
"Sasama daw siya." Malungkot na sabi ni Maddie.
"Huh? Eh nakaalis na yung bus nila, kanina pa." Sabi ni Deanna.
"Sayo ako sasakay." Sabi ni Ella dahilan para lumungkot ang mukha ni Deanna. "Ayaw mo ba?"
"Oo. De joke lang." Sabay tawa ni Deanna.
Kinuha na ni Deanna ang bag niya na naglalaman ng mga damit niya atsaka bumaba na silang lahat sa parking lot.
"Deanna, bakit wala yung kotse mo?" Tanong ni Maddie.
"Iniwan ko sa office ko. Ayun ang gagamitin ko." Sabay turo ni Deanna sa isang sports car na kulay red.
"Uy pare-pareho tayo." Bea said.
Mukhang nabasa naman ni Deanna at Maddie ang nasa isip ni Bea kaya sumakay na silang tatlo sa kani-kanilang kotse.
"Hoy pagbuksan mo ko!" Sigaw ni Ella.
Bumaba muli si Deanna ng kotse. "Ayan na mahal na reyna."
"Maraming salamat." Sabi ni Ella at sumakay na sa kotse.
"Tsk!"
Sumakay na muli si Deanna sa driver seat. Ngumiti si Bea sign na game na. Nagkakabit pa lamang si Ella ng seatbelt nang mabilis na paandarin ni Deanna ang kotse.
"WHAAAAAA!!!"
"Ingay mo ate Ells."
"Hoy siraulo kang bata ka! Bagalan mo magdrive!" Kinakabahan na sabi ni Ella.
"Dapat kasi inagahan mo para nakasabay ka sa bus nila, edi sana hindi ka nagrereklamo."
"Eh bakit ba kasi ang bilis mo magmaneho?" Tanong ni Ella kay Deanna.
"Naglalaro kami."
Patuloy lang si Deanna sa pagdadrive, halos 160 km/h ang takbo ni Deanna kaya parang aatakihin si Ella sa bilis.
Jema Point of View
Six o clock ang bus namin umalis at dumating kami sa subic nang nine o clock. "Papasok na ba tayo sa loob?"
"Hintayin muna natin yung apat. Pa-VIP eh." Natatawang sabi ni coach O.
"Sinong apat?" Tanong ko.
"Yung tatlong Papi tsaka kasama nila si Ella De Jesus." Sagot ni sr. Alan.
"What? Kasama nila si maliit?" Gulat na tanong ni Ponggay dahilan para magtawanan kami.
"Grabe talaga kayo kay Ella." Sabi ni coach Karlo.
Naupo muna kami sa gilid and yung bus na sinakyan namin ay umalis na, babalik yun sa tuesday pa.
Ilang minuto kami naghintay hanggang sa mapatingin kami sa mga sasakyan na paparating.
"Wow!"
"Ang gaganda."
Rinig kong sabi ng mga tao nang makita yung mga kotse na paparating. Sobrang bilis nito at hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ang mga ito.
Nang bumaba ang mga taong nagdadrive ng mga kotseng ito, nagtilian ang mga ibang babae at yung ibang lalaki naman ay hindi maalis ang tingin lalo na't mga sexy ang mga bumaba sa kotseng ito.
"Whaaa! Thank you lord!"
Natauhan lang ako ng biglang sumigaw ang isang tao. Nilapitan ko ito dahil mukha siyang matutumba.
"Okay ka lang?"
"Thank you, Jema." Hinihingal niyang sabi.
Ano bang nangyari? At parang hinabol ito ng sampung aso.
"Anong nangyari sayo, Ella?" Tanong ni ate Ly.
Tiningnan nito nang masama si Deanna. "Siya! Ang bibilis nila magmaneho, muntik na ko atakihin sa puso."
Nagsitawanan naman ang mga nasa paligid namin. Nilapitan ko si Deanna, akmang yayakapin niya ko pero inunahan ko siya ng hampas sa braso.
"Bakit ang bilis mo magmaneho? Magpapakamatay ka ba?"
"Masakit yun, Bb. Halika ka nga." Hinila at niyakap ako nito. "Ang init ng ulo mo. Naglalaro lang naman kasi kami ng racing kaya mabilis ako magmaneho."
"Paano kung naaksidente kayo?" Kunot noong tanong ko.
"Hindi mangyayari yun."
"Hay na ko. Sasusunod na malaman ko.pang ginawa mo yun, yari ka sakin."
"Opo."
Lumapit si Deanna kay Ella at narinig kong nag-sorry ito. Pumasok na kami sa loob ng resort at nag-check in sa hotel.
Kasama ko si ate Pau, Risa at Celine sa isang kwarto. Sad, hindi kami mag kasama ng baby ko.
Deanna Point of View
Ka-roommate ko si Ponggay at Maddie. Kainis! Hindi man lang kami pinagsama ni coach O sa iisang kwarto ni Jema.
"Hoy tama na nga yan. Kung magharutan kayo, para kayong mag-jowa."
"Soon." Ate Mads said.
"Kawawa ka naman buddy, naiinggit ka samin." Sabi ni Ponggay.
"Hindi ako naiinggit sa inyo noh."
"Kaya pala inis na inis na yan mukha mo." Natatawang sabi ni ate Maddie.
"Hay! Makalabas na nga lang." I said and stood up.
I took my phone and wallet then lumabas na ko ng kwarto. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan.
"DEANNA!!"
Lumingon ako. "Mich?"
She hugged me. "Namiss kita."
"Kamusta ka na?" I asked.
"Maayos naman. Ikaw ang kamusta? Congrats sa inyo ah."
"Salamat. Nga pala bakit nandito ka?"
"Outing with my teammates." She said.
"Ah cge."
"May bar na malapit dito, bar naman tayo. Sama mo sila Maddie at Jules."
"Sure, text text nalang." I said.
Michelle Cobb is my bestfriend. Nagkakilala kami nung araw ng try out sa ateneo, hindi siya nakapasa sa acet kaya sa dlsu nalang niya pinili mag-aral.
Mula nun nawalan na kami ng communication but naibalik ulit yun nung season 80 then nang matapos ulit yung season, nawala ulit.
"DEANNA!!"
"Oh baby, bakit mag-isa ka?" Tanong ko kay Jema at hinapit ang baywang niya.
"Hinahanap kita."
"Bakit? May kailangan ka?"
"Wala. Namiss lang kita." She said.
"Tara, balik na tayo. Baka kumakain na sila ng lunch."
Pagbalik namin sa hotel naabutan namin silang kumakain. "Deanna, Jema kain na."
"Cge po." Pinaghila ko ng upuan si Jema bago naupo sa kanyang tabi. Nang matapos kami kumain nagkayayaan na maligo sa dagat. "Maliligo ka baby?"
"Opo, ikaw? hindi?"
"Hindi, tinatamad ako" I said.
"Luh? Nandito tayo para magsaya, hindi magpahinga."
"Eh tinatamad talaga ako eh."
"Okay, bahala ka." She said.
Bumalik na ko sa kwarto namin nila Ponggay, naabutan ko silang dalawa ni ate Maddie na nagbibihis. "Hindi ka magswi-swimming?" Tanong ni Ponggay.
Umiling ako at nahiga sa kama ko. "Hindi."
"Kj." Ate Mads said.
Nang makaalis sila sakto tumawag sa phone ko si Michelle. "Hello?"
"Bakit Mich?"
"Mayang six ng gabi kita tayo sa kanina." She said.
"Cge, may kasama kang iba?"
"Of course. I'm sure matutuwa ka kapag nakita mo siya." She said.
"Talaga? Sino ba yan?"
"Secret, cge na." She ended the call.
Natulog muna ako. Nagising ako bandang five so I decided na mag-shower. Nang matapos ako mag-shower pinuntahan ko si Jules. "Oh Deans, bakit?"
"Nandito si Mich nag-aaya mag-bar." I said.
"Talaga?"
"Oo, sama ka?" I asked.
"Cge. Ngayon na?"
"Oo bihis kana."
Hinintay ko siya matapos magbihis. "I'm done."
Pinuntahan namin si ate Mads na kasalukuyan naliligo sa dagat kasama ang iba naming kasama. "Ate Mads sama ka?"
"Saan?"
Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga. "Bar, nandito si Michelle, nag-aaya mag-bar."
"Kayo nalang, mas gusto ko pa kasama si Ponggay." Sabi niya at muling nilapitan si Ponggay.
Hindi na ko nagpakita pa kay Jema dahil alam kong pipigilan niya lang ako. Saktong six dumating na si Michelle, kasama si Jolina at Desiree.
Jema Point of View
Parang nakita ko si Deanna kanina pero bigla akong hinila ni Risa kaya hindi ko masyado na tingnan. Hm . . . Baka guni-guni ko lang yun. Alam ko natutulog yun sa kwarto nila eh.
"Jema ang ganda oh." Sabi ni Risa habang tinuturo ang sunset. "Kasing ganda mo."
I looked at her. "Crush mo ko noh?"
"Kapal mo, pasalamat kana lang."
"Sus ikaw Risa ah." I poked her waist.
"Tigilan mo nga ako, gusto mo ata isumbong kita kay Deanna eh."
"De joke lang. Kuhanan mo ko ng picture." Inabot ko sa kanya ang phone ko at pumwesto.
Bandang eight o clock ng gabi ay nagkayayaan na mag banlaw dahil lumalakas na ang alon ng dagat.
*TOK!*TOK!*TOK!*
"Jema bilisan mo, nasa baba na sila."
"Ito na!" Lumabas ako ng Cr na bihis na. "Tara na."
Tumungo kami sa resto ng hotel, naabutan namin sila na kumakain na. Naupo ako sa tabi ni Maddie. "Nasan si Deanna at Jules?" Tanong ni ma'am Liz.
Pansin ko nga. Nasan kaya yung dalawang yun? "Baka nasa kwarto pa po." I said.
"Hi." Biglang sumulpot ang dalawa.
Umupo ang dalawa sa tabi ni Bea at ate Ella. "Saan kayo dalawa galing?" Tanong ni coach O.
"Galing po sila sa bar." Sabi ni Maddie.
"Ano? Bar?" Coach O asked.
"Opo, nag bar sila kasama sila Michelle Cobb at iba pang lady spikers." Sabi ni Maddie.
"Nandito ang lady spikers?" Sr. Alan asked.
"Opo pero bukas aalis na din sila." Sagot ni Jules.
Tiningnan ko si Deanna at inirapan ito. Nung niyaya ko siya sabi niya magpapahinga siya, pero pag iba pumapayag agad siya.
"Opps! Mukhang may mag-aaway mamaya." Sabay tawa ni ate Ly.
Nauna ako sa kanila lahat matapos kumain. "Akyat na po ako, goodnight." Hindi ako gumamit ng elevator, umakyat ako gamit ang hagdanan.
Pagkarating ko sa kwarto namin tinawagan ko si Mafe. "Hello?"
"Mafe, nasaan ka?" I asked.
"Nasa dorm namin. Why?"
"Wala lang. Kumain kana ba ng dinner?"
"Yes ateng maganda." She said.
"Cge, matulog ka ng maaga. Wag magpupuyat."
"Noted ate. Labyu!"
"Labyu too!" I ended the call.
May kumatok sa pintuan at pumasok ang isang tao na kinaiinisan ko. "Jema?"
"Bakit nandito ka?" Nahiga ako at niyakap ang isang unan.
"Galit ka?" Naupo ito sa kama ni Celine, kaharap ng kama ko.
"Hindi."
"Bat ang cold mo?"
"Wala lang, masama ba?" Nakataas ang aking kilay habang tinitingnan siya.
"Hindi naman." Lumipat ito nang upo sa tabi ko. "Galit ka eh, ramdam ko." Hindi ako nagsalita, nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Sorry na, hindi na mauulit."
"Lagi nalang. Ako tuwing may pupuntahan ako lagi kita ina-update pero ikaw ni sabi or tawag lang hindi mo magawa."
"Sorry na, baka kasi hindi mo ko payagan kaya hindi na ko nagpakita sayo."
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. "Deanna girlfriend mo lang ako, wala akong karapatan para hindi ka payagan."
"Correction lang, mag-fiance na po tayo." She said.
"Yeah but hindi pa tayo kasal kaya wala akong karapatan para pigilan ka sa mga gusto mo."
"Ano ba yan sinasabi mo, nakakainis! Kung magsalita ka para kang walang care sakin." She said and pout.
"Hay na ko, Deanna. Ayoko makipagtalo sayo kaya bumalik ka na sa kwarto niyo."
Tinalikuran ko siya at pinikit ang aking mata. Akala ko umalis na ito pero naramdaman ko nalang na pumulupot ang isang kamay niya sa baywang ko.
"Sorry na, hindi na mauulit. Binibigyan kita ng permiso para pakialamanan ako." She whispered.
Humarap ako dito and kissed her nose. "I love you."
****************